.

.

Chapter 36

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Hindi ka na naman ba natulog?” Napatingin ako kay Naomi na kakabangon lang sa kama. Hindi ko siya napansin kaagad dahil nagbabasa ako ng libro sa may lapag.

“Yeah. Hindi ako makatulog eh.”

“Bakit?”

“I don’t know.”

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa librong binigay ni Naomi at nacurious ako bigla kung paano niya ‘to nakuha sa restricted section.

“Hey,” tawag ko at tumingin siya. “How did you manage to get this book?”

“Ohh, that? Well, that’s a secret,” sabay smirk niya pa at tuluyang pumasok sa banyo.

Napailing na lang ako at nagbasa na lang ulit. Pero mukhang tama nga ang hinala namin dahil parang magkadugtong talaga ang librong ‘to pati na ang librong nakuha ko dati. Kinuha ko ulit ‘yung libro at pinagtabi ko silang dalawa—Beyond the Sixth Sense and Seventh Sense. Binuksan ko ang dalawang libro at nilipat ko sa parehong page.

ϫҩ⋇ҩᵻҁѫ•ϫҩᵻϫҩ•ǂϫ•ͼᴥᵻϫǂϠҩѯҩϠ•ͽϫ•ͽ•ѫǂ≬ѫҩѯ•ҵҩ⋇ҩҵ•ᴥϕ•ϫҩᵻϫǂᵻ≬•ͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺•жᵻᴥ⨳ǂᵻ≬•ҁѫҩ•ϫҁѯҩᵻ≬ҁѫϫ•ͽᵻϠ•
⨳ҩͽжᵻҩϫϫҩϫ•ᴥϕ•⊱ᴥϭѯ•ᴥ⨳ᵻ•ϫǂԇҁѫ•ϫҩᵻϫҩ•ǂϫ•ҁѫҩ•ϕǂѯϫҁ•ϫҁҩϞ•ǂᵻ•ϭᵻϠҩѯϫҁͽᵻϠǂᵻ≬•ҁѫǂϫ•ͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺

‘Yan ang nakalagay sa Beyond the Sixth sense habang sa Seventh Sense naman ay:

ᴥᵻͼҩ•ͽͼѫǂҩ⋇ҩϠ∎•ҁѫҩ•ϫǂԇҁѫ•ϫҩᵻϫҩϫ•ͽᵻϠ•ѣǂᵻϠϫ•ᴥϕ•ҁѫҩ•ϭϫҩѯϫ•ͼͽᵻ•⧝ҩͼᴥѣҩ•ᴥᵻҩ•ͽᵻϠ•ǂҁ•⨳ǂҵҵ•⧝ᴥᴥϫҁ•ҁѫҩǂѯ•
Ϟᴥ⨳ҩѯ•ͽᵻϠ•ͼͽϞͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺•ѫᴥ⨳ҩ⋇ҩѯ∎ϫҩ⋇ҩᵻҁѫ•ϫҩᵻϫҩ•ǂϫ•Ϡͽᵻ≬ҩѯᴥϭϫ∎•ҩϫϞҩͼǂͽҵҵ⊱•ǂϕ•⨳ѯᴥᵻ≬ҵ⊱•ϭϫҩϠ∺•
ǂҁ•ͼͽᵻ•Ϡҩϫҁѯᴥ⊱•ҁѫҩ•ѣǂᵻϠ•ͽᵻϠ•ҁѫҩ•ϫҩᵻϫҩϫ•ᴥϕ•ҁѫҩ•ϭϫҩѯ•ᴥѯ•⨳ᴥѯϫҁ∎•ǂҁ•ͼͽᵻ•ҵҩͽϠ•ҁᴥ•Ϡҩͽҁѫ∺

Kinilabutan ako nung binasa ko ‘yun nang tuluy-tuloy dahil pareho ang thought ng sentences. They are really related and I think these sentences belong to the same paragraph. Nagbasa pa ako ng ilang magkakapantay na sentences sa ibang pages at ganoon din ang kinalabasan—they form a paragraph with the same thought. Nung narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo, lumingon agad ako.

“Naomi!” sigaw ko at nakita kong nagulat siya.

“Why?” sabay lapit niya sa akin.

“Tignan mo ‘to. Basahin mo mula rito,” turo ko sa unang libro, “tapos ituloy mo hanggang dito,” tapos tinuro ko naman ‘yung pangalawa.

Sinunod niya naman ang sinabi ko at tahimik niyang binasa ang sentences sa libro hanggang sa nakikita ko na ang pagbabago ng expression niya.

“So our theory is really true,” she said while holding the book.

“Yes but it’s still hard to understand.”

“Hey, anong ginagawa niyo dyan?” Napatingin naman kami kay Akira na kagigising lang. Lumapit siya sa amin at tinignan ang dalawang libro sa harapan namin. Nagkatinginan kami ni Naomi at napagdesisyunan naming sabihin na rin kay Akira ‘yung theory namin since alam naman niya nang idecode ‘to.

“Oh my gosh. Oh my gosh, totoo ba ‘to? Seryoso? God, look at these goose bumps!” sabay turo niya sa braso niya.

“Mamaya na natin ituloy ‘to. May class pa tayo kaya magprepare na kayong dalawa,” sabi naman ni Naomi at sinarado niya ‘yung dalawang libro.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong 7:30 AM na at may class kami ng 8:00 kaya nag-unahan pa kami ni Akira papunta sa banyo. Naunahan niya ako kaya umupo muna ako at pumikit pero napadilat din ako kaagad dahil naalala ko ‘yung nangyari sa Black Dimension. Huminga ako nang malalim para makalma ko ang sarili ko dahil tuwing naaalala ko ‘yun ay nanginginig ang buong katawan ko.

“You look sick.” Nakatingin sa akin si Naomi at sinarado ko nang mahigpit ang isip ko sabay smirk sa kanya.

“I’m not.”

“Matulog ka kasi.”

“Yes Mother,” sabay tayo ko dahil lumabas na si Akira sa banyo.

After naming magprepare ay agad din kaming lumabas ng dorm. Pumunta kami sa class namin pero may nakalagay na note doon na kailangan naming pumunta sa Technology department for a meeting.

“Meeting? For what?” tanong ni Michiko habang nakatingin doon sa hologram na nakadisplay sa room.

“Let’s go,” sabi ni Hideo kaya napasunod kaming lahat sa kanya.

“Lately, mas nagiging seryoso si Hideo ‘no?” rinig kong bulong ni Michiko kay Akira na nasa likuran ko.

“Stressed lang ‘yun kasi may hindi siya masolve.” I heard her snicker and I was tempted to look back.

“Masolve? Some kind of puzzle? Case?”

“A mystery...”

“Ha?”

“Basta.”

Damn. So Akira heard our conversation. Napakalakas talaga ng sagap ng pandinig ng babaeng ‘to. Walang nakakalusot na usapan sa kanya. Her sixth sense is really bothersome.

Nung nakarating kami sa Technology department ay ni-lead kami ni Mayu since siya ang nakakaalam ng mga pasikut-sikot dito. Hanggang sa makarating kami sa isang room na transparent ang floor kaya nagulat ako pero ilang segundo lang. Sa harapan namin ay may isang mahabang table kung saan nakalagay ang napakaraming weapons at rinig na rinig ko ang saya ni Michiko.

“Magandang umaga.”

Nagulat ako nung bigla na lang akong may presence na naramdaman sa gilid at pagtingin namin ay may isang lalaki doon na nakatayo. Kanina pa ba siya doon? Ni hindi ko siya napansin!

“Dad.” Mas lalo akong nagulat nung sinabi ‘yun ni Mayu. Dad...so that means this guy is the Legendary Mechanic? No wonder his presence is so strong.

“Napagdesisyunan namin na kailangan niyo nang magkaroon ng main weapon, pero nagsisimula pa lang ang pag-aaral tungkol sa teleportation ng weapons kaya kailangan niyo pang dalhin ang mga ‘to,” sabay tingin niya kay Mayu at Michiko.

Naalala ko bigla ang sixth sense ni Michiko at sa pagkakatanda ko ay subject siya for experiment ng Technology department sa pangunguna ni Mayu para sa pagsusummon ng weapons. They said it will take a long time pero mukhang hindi naman nila magagawa ‘yun. It’s impossible to teleport an object from one place to another, unless that’s your own sixth sense.

Lumapit silang anim doon sa table habang ako ay nakatayo pa rin sa pwesto ko. Napahawak ako sa bulsa ko at nilabas ko ang cards ko.

“Hindi ka ba pipili?” Nagulat ako nung nakita kong nasa tabi ko na pala si Aiwa. God, bakit ba ang hirap pakiramdaman ng presence niya?

“Uhm, I’m not sure. Meron na akong weapon,” sabay pakita ko sa cards ko. Bigla naman niyang hinawakan ang mga ‘yun kaya hinatak ko pabalik sa akin.

“Hmm...gusto mo bang magamit nang mas maayos ang mga iyan?” sabi niya habang seryosong nakatingin sa cards ko at halos mapaatras ako dahil sa pressure na nararamdaman ko mula sa kanya. Well, kaysa naman magkaroon pa ako ng bagong weapon, mas gugustuhin kong mamodify na lang ang mga ‘to.

“C-can you do that?”
Bigla naman siyang ngumiti sa akin.

“Oo naman. Hindi ako magsasabi ng hindi ko kayang gawin.” Nilahad niya ang palad niya at dahan-dahan kong nilagay doon ang cards ko tapos dumiretso siya sa table kung nasaan sila.

“Hey.”

“Oh my God!”

Muntik na akong matumba dahil sa gulat nung may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko, si Mitsuo pala. Bwisit na ‘yan. Nagbuild-up masyado ‘yung pressure ni Aiwa kaya nadisorient ako bigla.

“What the hell was that? Magugulatin ka na ba ngayon?” tanong niya habang nakakunot pa ang noo. Aba dapat nga ako ang may ganyang expression dahil bigla na lang siyang sumusulpot!

“Whatever. Bakit ba?”

“May libro bang dinala si Naomi kahapon sa kwarto niyo?” sabi niya habang nakatingin kina Naomi. Naging alert naman ako bigla. How did he know that?

“Bakit? Ano bang meron doon sa libro?”

“I don’t know. I just saw her holding that book tightly while leaving the library.”

“Alam mo namang mahilig siyang magbasa. Baka—”

“Pero nakita ko ang title. It’s Seventh Sense and I know that both of you are interested on that.” This time, napatingin na ako sa kanya.

“Ha. You’re really sharp. Yeah, we’re reading that book. Okay na?”

After that ay tumango lang siya tapos umalis na. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong lumapit siya kay Hideo tapos nag-uusap sila pero hindi ko na marinig dahil masyado silang malayo sa akin. Lumapit naman sa akin si Naomi at tumingin din doon sa direksyon ng dalawa.

“Anong pinag-usapan niyo?” Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.

“Nagseselos ka ba?”

“Not really. Curious lang.”

“Curious my ass.”

“It’s true. I’m just curious.” Napailing na lang ako. This girl is too stubborn.

“Fine. He’s asking about that book. Nakita ka niyang lumabas sa library habang hawak ‘yung libro.”

“He saw me?” Mukhang alam ko na ang iniisip ng babaeng ‘to.

“He’s not stalking you. Nagkataon lang ‘yun.”

“Wala naman akong sinasabi.”

“But I can clearly see it on your face. Biglang nagliwanag.”

Bigla naman siyang naglabas ng fan at pinaypay niya sa sarili niya habang nakatingin sa kabilang direksyon. Gusto kong matawa sa expression niya pero pinigilan ko dahil baka magalit.

“Is that your weapon?” tanong ko habang nakaturo sa pamaypay na hawak niya.

“Yes. Cute and handy, isn’t it?” sabay tiklop niya sa isang hampas at tinutok niya pa sa akin.

“Yeah right. A good match up for my cards.”

Bigla namang bumukas ‘yung pinto sa likuran namin kaya napalingon kami at nanigas ako sa pwesto ko nung makita ko kung sino ang pumasok.

“Kyo, nandito ka na.” Lumapit siya kay Aiwa at nagbow.

“Yes, Sir.”

Sa pagkakaalam ko ay 52 years old na si Aiwa at si Kyo siguro ay nasa late 30s na niya. Siguro nung estudyante pa lang siya ay naging instructor niya rin si Aiwa. Pero bakit siya nandito?!

“Ngayong nakapili na kayo ng main weapons ninyo ay si Kyo ang mag-oobserba sa training na gagawin ninyo,” sabay ngiti pa ni Aiwa at napatingin siya sa akin.

‘H’wag kang mag-alala. Ibabalik ko ang cards mo bukas na bukas din.’

‘Y-yes.’

Ugh. I should have known that that guy can force his inner voice to my mind. For sure galing din siyang Atama family. God, this family is full of troublesome people.

Tumingin sa amin si Sir Kyo at napaiwas ako ng tingin. Pinigilan ko ang panginginig ng katawan ko dahil naaalala ko na naman ang nangyari sa Black Dimension.

“Meet me at the PE room later.” Tumingin siya sa relo niya at ilang segundo siyang nag-isip. “Mga 10:00 kayo pumunta. Maliwanag?”

“Yes, Sir!”

Pagkatapos nun ay dinismiss na kami ni Aiwa kaya naman agad-agad akong lumabas ng room dahil nahihirapan akong huminga. Nanghina ang mga tuhod ko at akala ko ay babagsak na ako sa lapag pero may humawak sa braso ko at sinuportahan ang weight ko. Kahit hindi ko tignan ay alam ko na kung sino.

“You’re clearly affected by his presence,” he whispered to my ears as he pulled me closer to him.

“W-what...are you...doing?” I tried standing up but my knees gave up. Napaupo ako sa sahig at humarap siya sa akin habang nakahawak pa rin sa kanang braso ko.

“Why? What happened between the two of you?” He leaned closer and I instinctively put my other arm between us. Kahit na hindi na ako makahinga nang maayos ay pinilit ko pa ring kalmahin ang sarili ko.

“W-why do you...want to know it so much? It has nothing to do with you.” Natahimik siya ng ilang seconds dahil sa sinabi ko pero tumingin siya sa mga mata ko after that and I flinched.

“I told you, you’re too mysterious and I can’t solve you.” Bigla siyang yumuko at nagulat ako nung sinuntok niya ang pader na sinasandalan ko. “It makes me feel stupid.”

“W-what...”

“That’s why I’m curious; too curious about you. Damn it.”

Hindi kami gumalaw doon ng ilang segundo at kahit papaano ay huminto na ang panginginig ko.

“Akemi.”

“Hideo.”

Nagulat ako nung narinig ko ang boses nina Naomi at Mitsuo kaya napatingin ako sa pinanggalingan ng boses nila at nakita ko sila na kalalabas lang doon sa room. Akala ko ay magugulat sila dahil sa naabutan nila pero…parang naiintindihan nila ang sitwasyon at seryoso ang expressions nila.

Tumayo si Hideo at mabilis siyang naglakad papunta kay Mitsuo. After that ay naglakad na sila palabas ng Technology department. Napabuntung-hininga na lang ako at tinulungan ako ni Naomi na tumayo.

“I won’t ask anything but seriously, you guys should control your presence.” Inalalayan niya ako sa paglalakad and I’m thankful dahil sa tingin ko ay hindi ko kakayanin kapag ako lang mag-isa.

“Naomi...”

“What?”

“I’m just curious—”

“Curious my ass.”

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nagsmirk siya. I see. So ito ang ganti niya. Pero kahit papaano, napangiti ako dahil doon. I think I won’t be able to sleep again tonight.


***