.

.

Chapter 37

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, July 26, 2015


***

Isang linggo na ang nakakalipas after that incident. Nung 10 AM that same day ay pumunta kami sa PE room at nagtraining. I tried to focus pero mas lalo akong nadidistract sa mga presence ni Kyo at Hideo. Damn those two.

“Buti nakakatulog ka na,” sabi ni Naomi habang nag-aayos ng gamit.

“Yeah. Though inaabot ako ng madaling-araw para pilitin ang sarili ko na matulog.”

“Dami mo kasing iniisip!” sigaw naman ni Akira na kalalabas lang ng banyo. Napahigpit tuloy ako bigla sa pagsara ng isip ko kaya saglit akong nahilo.

“Hindi ah.”

“Hah! I told you, don’t underestimate my ears,” sabay turo niya pa sa tenga niya.

“Tsismosa ka lang,” I said as I roll my eyes. Tsk. Laking problema talaga ng sixth sense niya.

“Wala ka bang balak umuwi, Akemi?” tanong naman ni Naomi.

“Magsstay muna ako ng ilang days.”

Hindi ko akalaing natapos na ang isang school year dito. Ni hindi ko man lang namalayan na seven months na ang nakakalipas simula nung pumasok ako rito. Akala ko nasa three or four months pa lang dahil ang konti lang ng nakuha kong information.

Maaga ang end ng school year dito sabi ni Akira dahil ang natitirang two and a half months ay ilalaan for Fielding alone. That means halos lahat ng estudyante ay sasabak sa mundo ng mga humdrum. Pero bago ‘yun ay may two-week vacation kami para makapaghanda for the Fielding.

Uuwi sina Akira at Naomi bukas ng madaling-araw kaya naman simula bukas ay ako lang mag-isa rito sa room. Sina Michiko at Mayu naman ay magsstay since nasa Teacher’s Village lang ang bahay ni Mayu at si Michiko naman ay nasa gitna pa rin ng pagiging test subject for weapon summoning or teleportation.

“So, anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Akira habang nakaupo sa kama. Nilabas naman kaagad ni Naomi ang pamaypay niya at nagsmirk siya sa aming dalawa.

“How about some training?”

***

“Heh. Never thought that a three-way battle would be this hard!” sigaw ni Akira habang hawak ang whip niya mula sa puno kung saan niya nagtatago.

“Of course. All of our weapons are not for short-range attacks,” sabi naman ni Naomi na hawak ang pamaypay niya sa taas din ng isang puno.

“But I have the biggest advantage,” I said while smirking and I threw my cards on their direction with my full power.

I saw the trees where they stood a while ago collapsed, cut into halves by my cards. Kinilabutan ako and at the same time ay naexcite. That old man Aiwa really did modify my cards. At magandang training ground din ang gubat dahil sa strategic locations and attacks na pwedeng magawa.

“Whoa! Whoa! Damn that was dangerous!
Hoy Akemi, masyado kang seryoso!” sigaw ni Akira mula sa punong nilipatan niya.

“Be careful—”

Hindi na naituloy ni Naomi ang sasabihin niya sa akin at natahimik din si Akira dahil alam kong naramdaman nila ‘yun.
Napangiti ako.

After that hopeless fight with Kyo, I am now itching to fight these two. And my thirst for fighting intensifies because I know that their abilities are on par with me. After all, they are from the Atama family.

“Maybe we should take this training seriously,” sabi ko habang nakatayo sa makapal na branch ng isang puno.

Akala ko ay may sasabihin sila pero pareho silang naging seryoso rin. I instantly felt their strong presence and they readied their weapons.
Ramdam na ramdam ko ang tension sa paligid dahil walang gumagalaw sa amin. Then all of a sudden, tumalon si Akira mula sa puno at sumugod sa akin. I immediately threw one of my cards but she evaded it and she whacked her whip on the branch where I’m standing.

Nakita ko ang ngiti niya habang nalaglag ako sa puno kaya agad akong lumayo.

“Your breathing suddenly changed its pace kaya naman inunahan na kita sa pag-atake—” Napatigil siya sa pagsasalita nung biglang sumugod si Naomi at gaya ko ay lumayo rin siya.

“And your mind’s state relaxed a bit,” sabi ni Naomi sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. This is bad. Lalo akong naeexcite.

“Maybe this is the right time to see who’s the strongest among us,” sabi ko habang pinipigilan ko ang sarili ko sa pagngiti.

Pinakiramdaman ulit namin ang isa’t isa. Kung kanina ay parang greeting lang ang mga atakeng ginawa nila, ngayon, alam kong seryoso na sila. This would be an all-out attack with our full power. Mas naging intense ang kulay ng mga mata namin.

And in that instant, we all lunged at each other.

...pero agad din kaming napatigil.

“Bakit hindi natin gawing four-way battle?”
Pagkarinig ko sa boses ni Michiko ay napatingin agad ako sa direksyon niya. Pinigilan niya ang whip ni Akira gamit lang isang dagger.

“Tsk. Aren’t you taking this too seriously?” Nagulat ako nung may narinig akong putok ng baril at nakita kong tinamaan ang hinagis kong card kaya nagbago ang direksyon nun. Hinanap ko kung saan nanggaling ang bullet at nakita kong nakaupo sa isang branch ng puno si Mitsuo habang hawak ang isang baril.

“Michiko, we’re not here to—”

“I know, I know! I’m just kidding, okay, Hideo?”

Then I saw Hideo in front of Naomi. Hawak niya ang isang sword at pinigilan nito ang fan ni Naomi. Pinigilan kami ng tatlong ‘to.

“Are you trying to kill each other?” Rinig na rinig namin ang boses ni Hideo dahil sobrang tahimik ng paligid at natense ako dahil nakakatakot ang presence niya ngayon. Kahit likuran niya lang ang nakikita ko ay naiimagine ko ang intensity ng mga mata niya.

I suddenly trembled. It feels like...I’m in a serious trouble...like that time in the Black Dimension.

***

“Ha-ha. Mukhang masyado nga tayong naging seryoso. Pero grabe, pinagpapawisan pa rin ako dahil sa ginawa ni Hideo,” sabi ni Akira habang papunta kami sa room after naming makatanggap ng dalawang sermon galing kay Michiko at Mitsuo. Pero ang nakakatakot ay ang silence ni Hideo habang nakatingin siya nang masama sa amin.

“It’s your fault. You girls should add moderation in your dictionaries,” dagdag ni Mayu na nakasunod sa likuran namin. Nandoon din siya sa gubat kanina at siya ang nagbigay ng location namin doon sa tatlo. Hindi naman namin alam na may sensors pala siyang nilagay dito sa gubat na kapag nakadetect ng paggamit ng sixth sense, maiinform siya kaagad.

Pagpasok naming tatlo sa room, humiga kaagad si Naomi sa kama. Si Akira naman, didiretso na sana sa banyo pero napatigil siya at humarap sa amin.

“Nga pala, bakit parang araw-araw nagkikita sina Sir Kyo at Hideo?”

Nagulat naman ako sa sinabi niya at kung anu-ano na ang naisip ko. Araw-araw silang nagkikita? Bakit?

“Kailan pa?” tanong ko.

“Hmm...last week? Simula nung nagkaroon ng bagong weapons. That day kasi, after ng class natin sa kanya, narinig kong pinasunod niya si Hideo sa office niya.”

“Baka may private case siya,” biglang sabi ni Naomi kaya napatingin kami sa kanya.

“What? Ang duga naman ni Sir Kyo! Bakit si Hideo lang ang may private case?”

“That’s just a guess.”

After that ay lalo akong nabother. Kung nagkikita sila, hindi kaya sinabi na ni Kyo sa kanya? Hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilang sinasabi niya kung bakit hindi niya ako tinuluyan pero dahil doon ay mas lalo akong naguluhan sa kung ano talaga ang balak niya. That Kyo is really a threat.

Nagpahinga kaming tatlo at nung madaling-araw na ay agad akong lumabas habang suot-suot ko ang cloak ko. Naglakad ako papunta sa gubat para makapag-isip-isip dahil nasusuffocate ako sa dorm. Pakiramdam ko ay napakaraming mata ang nakatingin.

Niready ko kaagad ang cards ko kung sakali mang may monstrous bear na namang umatake. Pagdating ko sa spot na ‘yun ay nakita ko ang green flowers at kahit papaano ay nabawasan ang inaalala ko. Ang ganda talaga nila lalo na kapag gabi. Parang kumikinang sila dahil nangingibabaw ang kulay nila.

“Meow.”

Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita kong nakasunod pala sa akin si Demi. Ni hindi ko siya napansin habang naglalakad ako kanina. Umupo ako at tumingin sa akin si Demi.

“Sa susunod, magparamdam ka ha?” sabi ko sa kanya.

“Meow.”

Minsan nararamdaman ko lang siya kapag nakikita ko siya o ‘di kaya naman kapag nag-oopen siya ng Black Dimension—teka…

Ang tagal ko na ‘tong iniisip pero bakit nakakapagbukas ng Black Dimension si Demi?
At kung nabubuksan niya ‘yun, bakit hindi siya nadedetect ng Shinigami trackers? Gusto ko tuloy tanungin si Dana tungkol dito dahil siya ang nagpadala sa akin kay Demi—

“I’ll answer your questions but first, let’s get out of here.”

“Huh—”

Nagulat na lang ako nung lumitaw si Dana sa harapan ko at hinatak niya ako papunta sa Black Dimension na binukas niya tapos tumalon din si Demi papunta doon. Nakapagreact na lang ako nung naramdaman kong nasa loob na kami ng Black Dimension.

“D-Dana?! What the heck are you doing?”

“Hello,” she said with a smug face. Napabuntung-hininga na lang ako dahil hindi ako mananalo sa babaeng ‘to lalo na kapag ang dami kong iniisip.

“So, bakit ka nandito?”

“I have three bad news for you, which one would you like to hear first?”

“Start with the least distressing. But let me ask a few questions first.”

“Okay.”

Nilagay ko sa lap ko si Demi at mukhang naging komportable siya doon dahil nakatulog agad siya.

“Bakit bigla mo akong hinatak dito?” tanong ko sa kanya.

“Well, there are three persons observing you. Kapag na-late ako ng isang segundo sa pagbukas ng Black Dimension ay makikita ka nila doon sa pwesto mo.”

Her sixth sense is really amazing, as always. But...three persons? Paniguradong ang dalawa doon ay si Kyo at Hideo. Sino ang isa?

“Next question?” sabi niya habang nakatingin kay Demi at alam kong alam na niya ang itatanong ko.

“Ano ba talaga si Demi?
Why can she open the Black Dimension?”

“Actually, she has a Shinigami blood.”

“What?” Hindi ko alam kung tama ba ang rinig ko o ano pero ano araw? Shinigami blood? A cat has a Shinigami blood? But that’s impossible unless—wait...don’t tell me...

“Yes,” sabay tingin niya sa akin dahil mukhang nabasa niya ang isip ko. “I injected your blood to her. Alam mo namang maraming test subjects ang researchers and scientists natin kaya kumuha ako ng dalawa secretly. It’s quite amazing dahil pareho silang compatible sa dugo mo, which is rare. And after kong ma-inject sa kanila ‘yun ay agad nag-iba ang kulay ng mga mata nila. They became green, just like the color of your eyes. Nalaman ko rin na kaya nilang mag-open ng Black Dimension pero maliit na way lang kaya dahil doon ay faint presence lang ng Black Dimension ang nadedetect. Kaya naman naisipan kong ipadala ang isa sa’yo para may kasama ka at katulong sa mission mo and of course, as a way of communication na rin. And of course, dahil dugo mo ang dumadaloy sa kanila, they can’t also be detected by Shinigami trackers, just like you.”

Natahimik ako after kong marinig ‘yun. So that’s why hindi siya nadedetect at nagagawa niya ang mga kayang gawin ng Shinigamis.

“So...do they also exhibit sixth sense?” tanong ko.

“No. Ang pagbukas lang ng Black Dimension ang kaya nilang gawin. Their brain and body can’t handle the complexity of sixth sense.”

“Wait, ang sabi mo dalawa ang kinuha mo. Where’s the other one?”

Nagulat naman ako nung biglang gumalaw si Demi at nagising. Nagtwitch ang tenga niya at bigla siyang tumalon kay Dana. Nakita kong may gumalaw doon sa loob ng cloak ni Dana at pagtingin ko, may lumabas na itim na pusa.

“Meow.”

Halos magkaparehas sila ng katawan at features ni Demi. Ang kaibahan lang talaga nila ay ang kulay nila. Demi is as white as the snow, while the other one is as black as the night and this dimension.

“This is Keina,” sabi niya at narealize ko kaagad kung bakit kaya ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.

“Keina, huh? What a nice name.”

“Shut up.”

“Anyway, what are the bad news?” tanong ko at naging seryoso ang expression niya.

“First, nakakulong pa rin si Kid. He’s been in that prison for months at hindi kami pinapayagan ni Izumi na lumapit doon.”

Parang bumaligtad ang sikmura ko. Normally, ilang days lang ang inaabot ng Elites sa loob ng kulungan para sa kasalanang ginawa nila pero bakit hindi pa rin nila pinapalabas si Kid? Dahil ba sa laki ng kasalanan niya?

“Nakakaya ni Izumi na ganun ang maging kalagayan ni Kid?” tanong ko. Si Izumi ang nagtrain sa aming apat at siya ang tumayong parent namin kaya hindi ko matanggap na nagagawa niya ‘to.

“You know Izumi. She’s very loyal to your mother.”

“But still...”

“Don’t worry. Kid is strong. I know he’ll survive there. Anyway, the second one is about Rin.”

Nagflinch ako nung narinig ko ang pangalan ni Rin. Ang tagal na rin nung huli ko siyang nakita at alam kong galit pa rin siya sa akin.

“Binigyan na siya ng Elite at Reapers. I think your parents are now seeing her as a valuable child.”

“That’s good,” bulong ko sa sarili ko at napangiti ako pero at the same time ay nalulungkot ako.

“Yeah right. Sarah is now under her care. As well as the reapers Kyuuya and Raiden.”

“What? Si Sarah?”

“Yes. She insisted that she wants to train under you pero dahil utos ng Mom mo ay wala siyang nagawa kundi maging under ni Rin. And about the worst news...”

Nagdarken ang expression ni Dana kaya tumaas din ang tension sa paligid. Maging si Demi at Keina ay napatigil sa paggalaw at nagtago sa ilalaim ng cloak ni Dana.

“Last day, aksidente akong napunta sa med laboratory dahil hinahanap ko si Keina. Doon ko nakita ang ilang bangkay ng Erityians.”

“B-bangkay?”

“Yes. And what’s disturbing is...wala na silang mga mata.”
Napalunok ako sa narinig ko.

“What do you mean?”

“Remember those eye researches? I think tinetest na nila ‘yun. They are experimenting on Erityian eyes. Naalala mo pa ba ‘yung Custos na sumugod dito at ‘yung nagpanggap na researcher?”

“Yeah. Lace and his accomplice.”

“I think niretrive niya ang mga mata ng kasamahan niya, na pinatay ni Kid, dahil alam niyang pag-aaralan ang mga ‘yun. Siguro ay may balak na ring tumakas ‘yung kasama niyang nagpanggap na researcher but you discovered and finished him kaya kahit papaano ay may test subject pa rin for Custos.”

Dahan-dahan kong inintindi lahat ng sinasabi ni Dana at hindi pa rin ako makapaniwala sa naririnig ko. Then bigla kong naisip...

“Then...kaya ba hindi nila pinapalabas si Kid ay dahil siya ang responsible doon?”

“I think so, though hindi niya naman alam ang tungkol doon sa research. Ang utos sa kanya ay patayin ang mga Custos na nakapaligid sa base pero iniwan niya ang mga bangkay doon kaya naretrieve ni Lace ang mga mata nila just in time nung nalaman niya sa accomplice niya ang about sa research.”

“That’s not fair!”

“I know but we can’t do anything about it. He didn’t know the consequence of his action kaya nangyari ‘yun.”

Bigla namang naging alert si Dana at tumayo siya kaya nalaglag sina Demi at Keina.

“What’s the matter?” tanong ko.

“You need to go back. Someone will search for you.”

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tinulak niya ako pati si Demi palabas ng Black Dimension.
Nag-end up ako sa pwesto ko kanina, sa harapan ng green flowers pero puro lupa na ang cloak at kamay ko. Damn that Dana! Bakit kailangan pa akong itulak?

Tumayo ako at pinagpagan ang cloak at damit ko. Ang dami kong nalaman ngayon at kailangan ko nang kumilos para naman may magawa ako. I want to save Kid and I want to talk to Rin and Sarah as soon as possible.

“Hey.”

Nagulat ako nung narinig ko ‘yun kaya napalingon agad ako sa likuran ko at nakita ko si Hideo na nakahawak sa trunk ng puno at mukhang tumakbo siya dahil hinihingal siya. Bigla ko namang naalala ‘yung nangyari last week kaya nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman kong papalapit siya kaya naging alert ako. Pero nagulat ako nung dumiretso siya doon sa flowers at pumitas siya ng isa.

“Kapag pumupunta ka rito sa gubat, dito ka lagi dumidiretso,” sabi niya habang nakatingin sa bulaklak na pinitas niya. “Is it because of this?” sabay tayo niya at pakita niya sa akin doon sa hawak niya.

Hindi ako nagsalita. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ang lalaking ‘to. Ang awkward sa pakiramdam dahil sa nangyari nung nakaraan. Bwisit.

Maglalakad na sana ako palayo pero nagulat ako nung bigla niya akong hinatak at…niyakap.

“A-ano ba!” Pinilit kong kumawala pero ang higpit ng yakap niya. “Ano—”

“Sorry.”

Napatigil ako nung narinig ko ang pagbulong niya sa tenga ko. Walang gumalaw sa amin at parang biglang naging sobrang tahimik ng paligid. Pagkatapos ng ilang segundo ay bumitaw na rin siya at naglakad palayo.

What the heck was that?


***