.

.

Chapter 39

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, August 16, 2015


***

Hindi ako makapaniwala na nandito na naman sila. Sa loob ng isang linggo ay lagi na silang nakatambay dito sa kwarto namin dahil sa dalawang libro na kinuha namin ni Naomi sa library. Nakaupo kami ngayon sa lapag habang nakapalibot sa mga libro.

“Ang cool ng concept ng seventh sense pero hindi ko alam kung paano ginagawa,” sabi ni Michiko habang nasa lap niya si Reina. Yes, pati ‘yung tatlong bata ay nandito rin.

“Sa tingin ko, sinadyang hindi nilagay dito ang tamang paggamit nun dahil sa panganib din na pwedeng mangyari,” dagdag naman ni Mitsuo. Ang cute lang ng itsura nila ni Hiroshi dahil nakasakay siya sa balikat niya.
Para silang sina Hideo at Demi tignan.

“But at least, we know the concept.”
Bigla namang natawa si Michiko dahil pinipilit umakyat ni Hayate sa balikat ni Hideo. Mukhang nainggit siya kay Hiroshi. Pero ang mas nakakatawa ay nasa ulo niya rin si Demi. Mukha tuloy siyang pugad ng mga bata at hayop.

Narinig ko rin ang mahinhing pagtawa ni Mayu sa tabi ko at napansin kong ang saya niya ngayon. Siguro dahil na rin sa nakaraang linggo ay may katulong siya sa pag-aalaga ng mga bata.

Pinag-aralan namin ang buong libro at ang dami naming nalaman tungkol sa seventh sense, though malabo pa rin ang ibang parts. May ilang chapters na nag-enumerate ng Senshins who successfully executed the seventh sense, and from what we saw, most of them are from the Atama family.

I want to report this to Mom but I don’t know how. Bukod sa lagi kong kasama ang mga ‘to ay paniguradong under observation pa rin ako ni Kyo. Ayoko munang gumawa ng ikakapahamak ko pagkatapos niya akong macorner sa Black Dimension nung nakaraan.

“They’re here,” biglang sabi ni Hideo. Itatanong pa lang sana ni Michiko kung sino pero biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat doon.

“Sabi ko na nga ba! Naririnig ko ang mga boses niyo dito sa kwarto!” sigaw ni Akira habang hinihingal pa.
Mukhang tumakbo ang isang ‘to dahil sa sobrang excitement. Yes, I can see it in her eyes.

“Why do we need to run?” Nasa likuran naman niya si Naomi na mukhang napatakbo rin dahil kay Akira. Pero nung nakita niya si Mitsuo ay huminga siya nang malalim at kahit hindi halata sa expression niya ay alam kong medyo nagpanic siya.

Nag-ayos silang dalawa ng mga gamit nila and after that ay sumali na rin sila sa amin. Noong una ay seryoso pa ang mga usapan at tungkol pa sa seventh sense ang arguments namin pero habang tumatagal ay nagiging biruan na at asaran. Habang nagtatawanan kami ay hindi ko maiwasang mapaisip.

I shouldn’t get too attached to them. This is just a mission and during a mission, you should set aside your feelings or you’ll end up failing or worse, dead. Habang tumatagal ako rito, mas lalo lang akong naguguluhan. Sometimes, I feel too comfortable, I keep forgetting that I do not belong here. That I am not a Senshin.

That’s why sometimes, I just want to get back to my own home. To my real home. To where I truly belong. Staying here made me confused and made me feel emotions I shouldn’t feel in the first place. But right after my confrontation with Kyo, nagbago lahat ‘yun.

Right now, I felt suffocated and cornered. Hindi na ako makatulog nang maayos dahil alam kong may nagmamanman sa akin at lahat ng nandito ay kalaban ko. I am not safe here.

‘Are you okay?’
Nagulat naman ako nung marinig ko ang boses ni Naomi sa isip ko. ‘You look tired.’

Napabuntung-hininga ako at pinilit kong ngumiti dahil nagtatawanan pa rin silang lahat. Napansin ko namang nakatingin sa akin si Hideo kaya napaiwas agad ako ng tingin.

‘I’m fine. Hindi lang ako nakapagpahinga nang maayos.’

Maybe I’m just really tired. Pagod na ako sa kakaisip sa mga problema ko. Pagod na ako sa tungkulin ko. I just want to have a rest without thinking anything.

***

“You’re a failure.”
“You do not belong here.”

Nagising ako bigla dahil sa panaginip ko.
Pero nagulat ako nung nakita kong wala ako sa kwarto namin. Napabangon agad ako pero napahawak ako sa ulo ko dahil umikot ang paningin ko.

“Huwag mong biglain ang katawan mo.”

Instinct took over me when I heard a voice and I reached for my cards. Pero napigilan niya ang braso ko at saka ko lang narealize na si Hideo pala ang kasama ko ngayon. Napatingin agad ako sa paligid at mukhang nasa Medical department ako ngayon. But why am I here?

“Anong nangyari?” tanong ko habang nakatingin sa buong kwarto.

“You fainted.”

“Ano?”

Inalala ko kaagad ang huling nangyari at ang natatandaan ko ay nasa loob kaming lahat ng room. After that, wala na akong maalala. Doon ba ako nawalan ng malay?

“Ilang oras na akong nandito?”

“Nine hours.”

“What?! Teka, anong oras na?”

“1 AM.”

After all those sleepless nights, ito na yata ang pinakamahabang tulog na naranasan ko. Kahit papaano ay narelax nang kaunti ang isip ko and I don’t feel lightheaded anymore.

Sobrang tahimik naman ng room dahil bukod sa kaming dalawa lang ang nandito ay hindi na rin kami nagsasalita. I suddenly felt the awkwardness between us, lalo pa’t nagkasagutan kami last week. Tumingin na lang ako sa kabilang side habang nakaupo siya sa couch sa may right side ko.

“Why are you still here?” tanong ko habang nakatingin pa rin sa left side ko. Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa gilid ng kama kaya napatingin agad ako dahil wala man lang akong narinig na kahit anong ingay nung tumayo at naglakad siya.

“Binabantayan kita.” He said that so casually but something inside me felt different. This past few months, he’s been saying weird and confusing things. But I shouldn’t lower my guard. After all, he’s an enemy.

“Pwede ka nang umalis. Gising naman na ako kaya hindi mo na ako kailangang bantayan—” Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla siyang lumapit sa akin. And with those intense green eyes looking at me, I suddenly can’t move.

“No. I’m not here just because of that.”

“W-what do you mean?”

Long silence. He’s just staring at me and I didn’t back down. Hindi ko kaagad napansin na kanina pa pigil ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit niya. His presence, and this distance between us is suffocating me. Bigla naman niya akong hinatak palapit sa kanya...and the next thing I knew, he’s already hugging me. I want to push him away but my body can’t respond. My body is frozen.

“I know what and who you are,” he whispered.

Ilang segundo pa ang lumipas bago magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Lalo akong hindi nakagalaw sa pwesto ko at ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

He knew...

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko kahit parang nagmamalfunction na ang utak ko. Gusto kong kumawala sa kanya pero sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

“How? Since when?” bulong ko rin habang iniisip kung ano ang dapat kong gawin.

“I have a suspicion since the beginning but I only confirmed it last month.”

Last month
. The same time when Kyo discovered my identity.

Then I realized what’s going on between them. Those secret meetings...are they talking about me? Kaya ba parang lagi siyang nakabantay sa akin ay siya ang naging mata ni Sir Kyo? Damn. I’m so stupid! Bakit hindi ko kaagad napansin ‘yun?

“Are you going to kill me?” I asked without any hesitation. Sa sitwasyon namin ngayon, hindi malabong mamatay nga ako sa mga kamay niya. I do not have my weapons and he’s stronger than me.

“What do you think?” Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa akin at kahit papaano ay nakatulong ‘yun sa paghinga ko. But after that, parang may bumalik sa loob ko na nawala nang matagal sa akin.

“You won’t have any chance other than now,” seryoso kong sabi. Not as a member of Atama family or a spy, but as a Shinigami. As the archenemy of a Senshin.

“But you can’t escape from here,” sabi naman niya. Then I realized na nandito ako sa room kung saan hindi nakakapasok ang kahit anong brain waves at mahirap ring gamitin ang sixth sense. Does that mean hindi rin pwede rito ang pagbubukas ng Black Dimension?

I was about to try opening the Black Dimension but before I can even do it, he gripped my wrist and pinned me down to the bed.

“Don’t you dare try to escape—”

“Then kill me,” I said in a challenging tone. “That’s the only way to keep me from escaping.” I boldly said that to him kahit na alam kong pwede talaga akong mamatay sa ginagawa ko. But I don’t have any other choice. I don’t want to look pathetic by pleading with him.

Bigla naman akong kinilabutan nung naramdaman ko ang pressure sa kanya at nakita ko ang lalong pagseseryoso ng expression niya. Bigla na lang niyang sinuntok ang pader sa may ulunan ko at tumingin siya sa akin nang masama.

“Sa tingin mo ba hindi ko naisip ‘yun? I should kill you, heck I should tell them about you, but I can’t.” Biglang nagbago ang mukha niya into a softer expression but I can’t tell if he’s hurt or in pain. “Tell me, what did you do to me?”

And then I realized...that’s the same question I wanted to ask to
them...to him.


***