.

.

Chapter 4

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

“So, anong gagawin natin?” tanong ni Naomi kay Hideo.

After ng pinaggagawa ni Akira at Michiko kay Hideo ay hinatak sila palayo ni Naomi. Pero ang nakakagulat ay bigla silang tumahimik nung tinignan sila nang seryoso ni Mayu.

“Pupunta tayo sa plaza. Gusto kong maging pamilyar na agad sila sa campus,” tapos bigla siyang tumingin sa akin. What? May problema ba siya sa akin? Gusto niya ba ng away? I am always ready!

“Ah! Gising na sa Hiroshi!” biglang sabi ni Akira kaya napatingin kami sa kanya.

“I’ll be back,” sabi naman ni Mayu tsaka siya bumalik sa may dorm.

Hmm. Sino si Hiroshi? Member rin ba siya ng Atama? Akala ko ba kaming pito lang ang current members?

“Hiroshi is her son,” sabi sa akin ni Naomi. Nung una ay hindi ko pa maprocess yung sinabi niya dahil nashock ako, pero ano raw?!

“S-son? May anak na siya?”

“Hindi lang halata pero 22 years old na siya.”

“What?!”

“Yes. Kahit mukha siyang kaedad natin, mas matanda pa rin siya. Pero ayaw niyang tinuturing siyang mas matanda, though nagagalit rin siya pag hindi siya nirerespeto,” sabay tingin niya kay Akira at Michiko na parehong nag-iwas ng tingin.

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Akala ko talaga nasa eighteen or nineteen pa lang siya. Sinong mag-aakalang 22 na siya? At lalong hindi ako makapaniwala na may anak na siya. Ibig sabihin, kasama si Hiroshi sa room nina Michiko at Mayu.

“Ilang taon na si Hiroshi?” tanong ko ulit.

“Magt-three sa October. ”

Wait, so 19 siya nagkaroon ng anak. Ang bata! And who is her husband? Kasal ba sila? Bakit ang bata nilang nagpakasal at nagkapamilya? At kung may pamilya na siya, bakit nandito pa siya sa Atama? Sobrang nacucurious tuloy ako kay Mayu.

Mga ilang minuto pa kaming naghintay at nakita na naming bumaba si Mayu—kasama si Hiroshi. Isa lang ang masasabi ko—sobrang cute ng anak niya!

“Hiroshi!” sabay angat ni Michiko ng kamay niya at kinuha niya kay Mayu si Hiroshi. Ngumiti naman sa kanya si Hiroshi. Ang cute niya talaga. Parang gusto ko rin siyang buhatin. Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng ma-attach sa kanya dahil Senshin pa rin siya.

Nagsimula naman kaming maglakad papunta sa plaza. Nauunang maglakad yung dalawang lalaki habang kaming lima ay nakasunod sa kanila.

Ngayon ko lang narealize na sobrang laki pala ng school na ‘to. Hindi ko na kasi masyadong tinignan kanina since masyado akong nagfocus sa pag-control sa sarili ko. Ang dami ring nagkalat na estudyante at napapatingin sila sa amin.

“Pfft. We’re really famous,” bulong ni Michiko. “Right, Hiroshi? Paglaki mo, ikaw naman ang titignan. Kaya kailangan pogi ka. At huwag na huwag kang tutulad kay Hideo o dito sa Mitsuo na ‘to. They have dead face.”

“Mmm,” tapos nag-nod si Hiroshi. A-a-ang cute! Must resist...must resist.

Bigla ko tuloy naalala si Sarah. Kamusta na kaya siya? Nung kasing-edad siya ni Hiroshi, sobrang nacute-an rin ako sa kanya. Kaya nga nung six year old na siya at sinabi niyang gusto niyang maging apprentice ko ay sobrang natuwa ako. Bakit ba kasi ang cucute ng mga bata? Ang hirap tuloy magresist.

“Mi...mit...suo?” Napatigil kami sa paglalakad nung narinig namin yun. Nagsalita si Hiroshi at Mitsuo ang sinabi niya. Nakita ko namang nag-flinch si Mitsuo at biglang napatingin si Hideo kay Hiroshi. Parang biglang nag-iba yung expression niya pero hindi lang halata dahil minimal lang yung movement ng muscles sa face niya. Dead face nga talaga.

“Hahaha! Look at Hideo’s expression! Priceless!” sabay halakhak pa ni Akira habang nakaturo kay Hideo. “Pano ba ‘yan, hindi na lang sa’yo interested si Hiroshi? Jealous? Hahaha!”

“Shut up,” sabay talikod ni Hideo.

Napatingin ulit ako kay Mitsuo at hindi pa rin siya lumilingon sa amin. Parang nanigas na siya sa kinatatayuan niya.

“Hey,” sabay hampas sa kanya ni Naomi sa likod. Whoa! Ang lakas nun! Maski ako, nafeel ko yung impact. “Tinatawag ka ng bata.”

“Tsk!” Eh? What’s with that reaction?

“Are you afraid of kids? Or you just can’t handle them?”

Pagkasabi nun ni Naomi ay nagflinch na naman si Mitsuo. Bull’s eye. Naomi’s so blunt. Nakita ko pa siyang nagsmirk dahil nahulaan niya si Mitsuo. Or binasa niya yung isip niya since kaya niyang magbasa ng closed minds?

Bigla namang nilapitan ni Michiko si Mitsuo at binigay niya si Hiroshi sa kanya. Gaya ni Naomi ay nagsmirk rin siya at parang ginagawa talaga niya yun para macorner si Mitsuo. Whoa. They are both evil.

“Mit...suo?”

“Ugghhhh.”

“Pffft! Para siyang mamamatay na!”

“Damn! May mas malala pa pala kay Hideo sa paghahandle ng bata! Hahaha!”

Tawa na lang nang tawa sina Michiko at Akira dahil sa nakikita nila. Napapangiti rin ako dahil ngayon lang ako naka-encounter ng mga lalaking ganyan sa bata. Si Kid at Keith kasi, close naman sila kay Sarah at sa iba pang bata na anak ng elite guards.

Wait, that means kids are their weakness. I can use that.

Nanginginig naman na inabot ni Mitsuo kay Hideo si Hiroshi. This time, ngumiti si Hiroshi kay Hideo. Hmm, mukhang interested nga siya sa kanya. Pero parang may mali...

“Wahahaha! There it is! Dead Silence!”

“Hideo, ilang beses ba naming sasabihin sa’yo na wag mong kausapin si Hiroshi through inner voice? Hindi pa yan nakakaintindi!”

Huh? Kinakausap niya yung bata through inner voice? Abnormal ba siya? Malamang ay hindi talaga maiintindihan nung bata. Kaya pala tahimik lang siyang nakatingin kay Hiroshi!

Narinig ko namang nagbuntung-hininga si Mayu at napailing pa. Si Naomi naman, kahit composed pa rin ang itsura niya ay halatang pinipigilan niya lang na tumawa nang malakas, unlike sa dalawang kanina pa tawa nang tawa.

“They are hopeless,” sabi ni Mayu.

Kinuha na niya si Hiroshi sa kanilang dalawa at nagpatuloy kami sa paglalakad. Pero napatigil ulit kami nung may nakasalubong kaming dalawang bata.

“Ah! Hi-ro-shiiii!” sabay kaway nung babaeng bata habang nagbow naman sa amin yung lalaking katabi niya.

“Hiroshi, you want to go with them?” tanong ni Mayu.

“Mmm,” tapos binaba niya si Hiroshi at naglakad siya papunta doon sa dalawang bata. Nagtakbuhan naman sila kaya pinanood na lang namin sila habang unti-unti na silang nawawala sa view namin.

“Sino sila?” tanong ko kaagad nung makalayo na yung mga bata.

“Reina and Hayate. They are a year older than Hiroshi at silang tatlo ang bubuo sa next generation ng Atama,” sabi ni Naomi.

“Tsk. More kids,” rinig naming sabi ni Mitsuo. Kasabay nun ay nagsigh si Hideo.

“They like to pester Hideo, you know. Mukhang madadagdagan na ang kukulitin nila,” saka nag-giggle si Akira na mukhang ineenjoy ang paghihirap nung dalawang lalaki.

Bigla namang may tumunog na kung ano kaya napatigil ako. Pagtingin ko, may kinuha si Hideo mula sa bulsa niya na parang phone at nagbiblink yung ilaw nun habang tumutunog.

“What the hell is that?” sabay turo ni Mitsuo doon sa hawak ni Hideo.

“We have to go to the agency,” seryosong sabi ni Hideo. “And this, is an emergency device. We’re going to solve a case.”


***