.

.

Chapter 40

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, August 22, 2015


***

Tell me, what did you do to me?

Dahil nakatulog na ako ng ilang oras ay hindi na ako makatulog ngayon. Ang malala pa, naaalala ko ang nangyari kanina. Buti na lang talaga at dumating si Yuuki sa room kaya umalis si Hideo. Pero napansin ko na nag-blush si Yuuki at alam kong may kakaiba siyang naisip sa naabutan niya. Gusto ko sanang liwanagin ‘yun pero hindi ko na ginawa dahil hindi ko naman na siya ulit makikita.

Yes, I’m planning to leave this place.

Masyado nang nakakasakal ang pag-stay ko rito. Sa lahat ng pwedeng makaalam ng pagkatao ko, sina Kyo at Hideo pa. Kapag pinilit ko pa ang sarili ko sa lugar na ‘to, mas mahihirapan lang ako.

Nung wala na akong maramdaman na presence malapit sa kwarto na ‘to ay agad akong tumayo at inayos ko ang cards sa bulsa ko. Kailangan ko munang bumalik sa dorm para kunin ang dalawang libro dahil ‘yun naman talaga ang unang pakay ko sa lugar na ‘to.

Lumabas ako sa kwarto at naglakad papunta sa dorm. Nung nasa harapan na ako ng pinto ng kwarto namin ay dahan-dahan akong pumasok. Naabutan ko sina Akira at Naomi na tulog kaya nakahinga ako nang maluwag. I don’t want them to see me leaving.

Sinuot ko ang cloak ko at kinuha ko ang dalawang libro na naglalaman ng information about seventh sense.
Bigla namang lumapit si Demi sa akin at tumalon papunta sa balikat ko. She purred but it sounded like a baby’s cry.

“We’re going home, Demi.” Pagkasabi ko nun ay pumasok siya sa loob ng cloak ko at doon din siya pumwesto sa bandang balikat. After that ay hindi na ulit siya nag-ingay.

Naglakad ako palabas sa kwarto pero lumingon muna ako kina Akira at Naomi.
Matinding pagpilit pa sa sarili ang ginawa ko para lumabas. Nung makalabas ako ay napatingin din ako sa kwarto nina Michiko at Mayu. Somehow, bumigat ang pakiramdam ko.

And then I realized, a part of me wants to stay here. To stay with them. But I can’t. I shouldn’t.

This is my fault. I allowed myself to be comfortable with them. Nagkaroon ako ng connection sa kanila and that’s one of the things Mom reminded me about. Naaalala ko pa ang sinabi niya bago ibigay ang mission na ‘to sa akin.

“Make them trust you and then betray them. Use them to get information but don’t get too close or you’ll be vulnerable to those petty emotions that can cause failure.”

Nung una, I thought that was absurd. I mean, how can I allow myself to become close with our archenemy? I even feel repulsed when I first entered this place at gusto kong saktan at patayin lahat ng nakikita kong Senshin. But these past few months, kailangan ko pang ipaalala sa sarili ko na hindi nila ako kauri.

I am a Shinigami. I do not belong here. And the only way to leave this place is to set aside these lingering emotions and betray them.

Naglakad ako papunta sa gubat at ang tanging iniisip ko lang ay ang pag-uwi ko. Masyado na akong nagtagal sa lugar na ‘to at kapag mas lalo pang tumagal, baka mas lalo lang akong maguluhan.

Pumunta kami ni Demi sa right side ng gubat hanggang sa makarating kami sa parang grassland. Dahil malayo na ‘to sa campus ay hindi kaagad madedetect ang pag-open ng Black Dimension. I was about to open it when I felt a tremendous presence behind me.

“You’re...really leaving...”

I looked at Hideo while he’s catching his breath. Mukhang tumakbo siya papunta rito. Akala ko ay magpapanic ako kapag may nakakita sa akin pero kalmado lang ako ngayon, unlike nung nandun kami sa may Medical department.

“You should’ve killed me a while ago,” seryoso kong sabi.

“I won’t hesitate if I can do it.” He looked at me and it felt like he’s looking through my mind...my soul.

“Then it’s your loss.”

I opened the Black Dimension and Demi immediately stepped inside. Papasok na rin sana ako nung bigla kong naramdaman ang paghigit niya sa braso at bewang ko.

“I can’t kill you but I won’t allow you to leave this place,” he whispered in a serious tone. The pressure he’s giving screams danger that’s why I immediately looked at him in the eyes.

“But I will...and I can.” I felt the surge of power within my body and when our eyes met, I used my sixth sense. I repelled him.

The force struck him out and he flew a few meters away from me. Tumama ang katawan niya sa trunk ng isang puno at nakita kong nawalan siya ng malay. Bago pa siya makagalaw ulit ay agad akong pumasok sa Black Dimension at agad ko ring isinara. Pero pagtapak ko doon ay biglang nanghina ang katawan ko at napaupo ako. My eyes felt tired kaya pumikit muna ako.

Ngayon ko na lang ulit ginamit ang sixth sense ko sa isang tao. Usually, I repel things towards my enemies pero kinailangan kong gawin ‘yun dahil hindi ako makakatakas sa kanya sa mga ganung atake lang.

“Rielle?”

Napadilat ako nung may narinig akong boses. Hinanap ko kaagad kung saan nanggaling ‘yun at nakita ko ang isang lalaki na papalapit sa akin. Nung nakita ko kung sino ay nakahinga ako nang maluwag.

“Keith...”

“Bakit...teka, anong nangyari?”

Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan niya ako. Parang anytime ay babagsak ako dahil medyo nanlalabo ang paningin ko.

“I thought you’re in—” Hindi ko na siya pinatapos at sinabi ko kaagad ang ginawa ko.

“Tumakas ako.”

“Bakit?”

“May mga nakaalam nang isa akong Shinigami. I can’t be a spy anymore but I managed to get some information,” sabi ko habang dahan-dahan kaming naglalakad.

Bigla naman kaming napatigil nung naramdaman namin ang pagbukas ng Black Dimension.
Napatingin kami sa parteng ‘yun at nakita namin si Dana.

“Rielle!” sigaw niya. “Sabi ko na nga ba.”

“Dana…”

Inalalayan nila ako pareho habang nakasunod sa akin si Demi. Parang lumulutang na ang isip ko at kahit isang beses ko lang ginawa ang repulsion ay na-drain ang lakas ko.
That only means na sobrang lakas niya and I think nasobrahan ako sa paggamit ng sixth sense ko. Ang huli kong nakita bago ako pumasok ng Black Dimension ay ang pagtama ng likod niya sa puno at ang pagkawala niya ng malay. Maybe I used too much force.

Nakarating naman kaagad kami sa base at dumiretso kami sa chamber. Nakita ko kaagad sina Mom and Rin at nagulat sila nung nakita nila ako na nakatayo sa harapan nila.

“Rielle, what are you doing here?” tanong ni Mom. Alam kong magagalit siya sa akin pero nilakasan ko ang loob ko at kinalma ko ang sarili ko.

“I’m sorry, Mom. I can’t do it anymore.”

Matapos kong sabihin ‘yun ay walang nagsalita ni isa sa amin.
Maging sina Keith at Dana na nasa magkabilang gilid ko ay tahimik lang at ramdam ko ang uneasiness nila.

“So you are abandoning your mission.” My skin tingled when she said that and I can sense the disappointment in her tone.

“Y-yes. Pero nagawa kong kunin ang dalawang libro na naglalaman ng information about sa seventh sense,” sabay pakita ko ng books. Nagkatinginan kami ni Rin and at that moment ay nawala ang mga libro sa kamay ko at napunta sa kanya.

Attraction
. Yes, that is her sixth sense. And I can tell na nag-improve na siya. She looks stronger...and colder.

Inabot niya kay Mom ang mga libro at nilapag naman ‘yun ni Mom sa machine sa gilid niya. Nakatingin lang siya sa akin at kapag ganitong wala siyang sinasabi, isa lang ang ibig sabihin nun.

She’s not pleased.

“We’ll talk later,” sabi niya sabay talikod. “Rin, let’s go.” Sumunod naman sa kanya si Rin at sabay silang lumabas sa chamber kaya naiwan kaming tatlo doon.

“For a moment, I thought your Mom is going to hurt you,” sabi ni Dana at naramdaman ko rin ‘yun. She’s about to attack me but somehow, pinigilan niya ang sarili niya.

“Gusto ko munang magpahinga,” sabi ko na lang.

“You should. The fatal points of your eyes are not in good condition,” dagdag ni Keith.

Hinatid nila ako sa kwarto ko and after that ay umalis na rin sila. I’m sure they understood that I want to be alone. Humiga agad ako sa kama ko at saka ko lang napansin na nakasunod pa rin pala sa akin si Demi. Umakyat din siya sa kama at tumabi siya sa akin.

“Meow.” Nginitian ko siya. At least, Demi’s here with me.

“Yes, we’re home.”

But this room doesn’t feel like home anymore.


***