.

.

Chapter 41

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, August 29, 2015


***

It’s been two weeks since I left that place. Lagi lang akong nandito sa kwarto dahil wala pang ibinibigay na bagong mission sa akin at ayaw ko rin munang lumabas. Pero araw-araw kong dinadalaw si Kid kapag umaalis na si Izumi sa post niya. Katulad na lang ngayon.

“Nandito ka na naman,” rinig kong sabi niya kahit hindi pa ako nakakarating sa cell niya. Nung nandoon na ako sa tapat ay nakangisi siya.

“Ayaw mo?” I said while arching my brow.

“Gusto.” Napangiti naman ako. At least, playful na ulit siya.

Bakas sa katawan niya ang scars mula sa pagtorture sa kanya nung kinulong siya.
Pumayat din siya at mas naging dark ang expression niya. Naaawa ako sa kanya at gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa.

“I still can’t believe that you’re here,” sabi niya kaya napataas ulit ang kilay ko.

“Two weeks na akong dumadalaw sa’yo pero ‘di ka pa rin makapaniwala?”

“Malay ko ba kung hallucination lang kita?” Lumapit ako sa kanya at inextend ko ang kamay ko sa loob ng cell. Hinawakan ko ang pisngi niya at ramdam ko kaagad ang lamig nun.

“O, ayan. This is the real me.” Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.

“You’re right,” saka siya ngumiti.

Sa nakaraang dalawang linggo ay siya lang ang nakakausap ko dahil laging wala sina Dana at Keith. Si Sarah naman, hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon dahil nasa gitna siya ng pagtetraining kasama ang dalawang Reapers under Rin.

Naalala ko tuloy nung una akong pumunta rito kay Kid. Gulat na gulat siya nung nakita niya ako at tinanong niya ako kung bakit ako nandito.

“Bakit ka nandito? Anong nangyari?”

“Bumalik na ako dahil hindi ko na kaya ang mission. Besides, may nakadiscover na ng identity ko,” sabi ko at umupo ako sa harapan ng cell niya.

“Tumigil ka na sa pagiging Miss Senshin mo?” Tinignan ko siya nang masama at ngumiti siya.

“Funny, Kid.”

“But that’s great. You’re back to where you truly belong.”

Where I truly belong ,huh. Yeah. Because I’m a Shinigami, I belong here. I belong with them. I should stop thinking about those Senshins because they’re our enemies.

Napailing ako at tinanggal ko ang thought na ‘yun. Nagfocus ako kay Kid at bigla kong naalala ang mga sinabi ni Dana sa akin nung nakipagkita siya sa akin before.

“By the way, are you okay? Ang sabi ni Dana, hindi raw sila pinapayagan ni Izumi na dumalaw rito sa’yo,” tanong ko. Buti na lang at may mission si Izumi ngayon kaya walang bantay sa cell niya.

“I’m okay. I’m not that weak,” sabi naman niya habang nakaupo at nakasandal sa pader.

“I know. But this is not fair. Kakausapin ko si Mom mamaya at papakiusapan ko siyang palabasin ka—”

“No need, Rielle.” Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“What? Bakit?”

“May utos na ang Mom mo at sinabi na sa akin ni Izumi kanina.”

“Ano ‘yun?”

“Makakalabas ako rito pagkatapos ng isang buwan. She just want to test my resolve and I think I’ve proven that I can still be useful.”

Nakahinga naman ako nang maluwag at napangiti ako nung marinig ko ‘yun. Akala ko hindi na siya mapapatawad ni Mom but I’m glad na ganun ang naging desisyon niya.

“Rielle.” Napabalik naman ang isip ko sa present nung narinig ko ang pagtawag sa akin ni Kid.

“What? Ano na ngang pinag-uusapan natin?”

“You need to leave. Pabalik na si Izumi rito.”

Pagkarinig ko nun ay napatayo agad ako at agad na tumakbo palayo. Mahirap na at baka mahuli niya ako. Mamaya masisi na naman si Kid at hindi na siya palabasin doon.

Nakabalik ako sa kwarto at nagulat ako nung naabutan ko doon si Sarah na sobrang lumawak ang ngiti nung nakita niya akong pumasok.

“Ate Rielle!” sabay takbo niya papunta sa akin at yumakap sa bewang ko.

“Wow. Parang tumangkad ka ah?”

Nag-usap kaming dalawa at buong time ay nakangiti at nagtatawanan lang kami. Sobrang namiss ko ang batang ‘to at mukhang ganun din siya. Naramdaman ko rin na mas lumakas siya at mukhang kaya na niyang kontrolin ang isip niya, though may nagli-leak pa rin na thoughts at medyo nababasa ko ang mga ‘yun.

‘Sana si Ate Rielle na lang talaga ang Royal na pagsisilbihan ko.
Gusto kong maging Elite niya. Pero wala na akong magagawa kasi inassign na ako kay Miss Rin.’

Hindi ko alam kung malulungkot ako o mata-touch sa thought na ‘yun. After an hour ay umalis na rin siya sa kwarto ko dahil may training pa raw sila kaya naman naiwan ulit akong mag-isa.
Wala rin kasi si Demi rito at mukhang kasama niya si Keina.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin ako at nakita kong pumasok sina Dana at Keith sa kwarto ko. Nagtaka naman ako dahil seryoso ang expressions nila. Magtatanong na sana ako pero bigla akong hinatak ni Keith at hinawakan niya ang batok ko.

“What are you doing—” Itutulak ko na sana siya pero may naramdaman akong something sa batok ko.

“I knew it,” sabi niya at nung humiwalay siya sa akin ay may nakita akong parang chip na hawak niya.

“What the heck is that?” tanong ko habang nakahawak sa batok ko.

“It’s a tracker,” mabilis na sabi ni Dana.

“Tracker? Sa akin?”

“Yes. They put a tracker on you. Simula nung bumalik ka rito, inobserbahan namin ang kilos ng Senshins na nakasama mo pero wala silang ginagawang actions,” pag-eexplain ni Dana at kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. “I thought na baka wala lang silang alam or hindi lang nila pinapakita pero kinutuban ako na baka may iba silang ginagawa. I asked Keith to observe you and kung may kakaiba ka bang kinikilos pero sabi niya ay wala naman. Then bigla siyang may naalala nung nagkita kayo sa Black Dimension.”

Napatingin naman ako kay Keith at dinurog niya ang chip sa kamay niya.

“I thought it’s weird that I can’t see the fatal point at your nape. Nung inobserbahan namin ang kilos nila, nakita ko ang isang lalaki na parang may listening device na nakasaksak sa tenga niya. Doon ko naisip na baka nilagyan ka nila ng tracker nang hindi mo napapansin. At tama ako. Ang tracker na ‘to, kapag nadikit sa balat, nagka-camouflage at hindi kaagad natatanggal unless ibang tao ang magtanggal,” sabi ni Keith.

Halos sumakit ang ulo ko sa mga sinabi nila.
Ako? Nalagyan nila ng tracker? How?

“But how? I wouldn’t allow myself—”

Napatigil ako sa pagsasalita nung may narealize ako. Tracker…listening device...that night...Napahawak ako sa batok ko at nakaramdam ako ng inis.

It was Hideo. Nung gabing niyakap niya ako at nagsabi siya ng sorry. He touched my nape during that time. At nung kasama ko sina Michiko at Mayu, agad nilang nalaman ni Mitsuo ang pinag-uusapan namin kahit wala naman sila doon.

So he lied about everything. Sinabi niya lang ‘yun para hindi ko mapansin ang ginawa niya.

“Did they manage to track me?” seryoso kong tanong sa kanila.

“I don’t think so. Mahirap i-pinpoint ang lugar kapag nasa Black Dimension and luckily, your quarter is inside it,” sabi naman ni Dana.

“Give that to me,” sabay tingin ko kay Keith at nilahad ko ang kamay ko. Binigay niya naman agad sa akin ang tracker kahit na sira-sira na ‘yun.

Kinuha ko ang cloak ko pati na ang cards ko. Lumabas ako ng kwarto at nakasunod lang sila sa akin.

“Anong gagawin mo, Rielle?” tanong ni Dana pero hindi ko sila hinarap at ginamit ko ang Black Dimension.

“I’m going to return this to him.”

***

Naglakad ako sa Black Dimension habang mariin kong hawak ang tracking device sa kanang kamay ko. I’ve never been this annoyed with myself until now. I should have known that they are going to do this. After all, they are Senshins and I’m a Shinigami.

After some time ay nasense ko ang familiar surrounding. Lumabas ako sa Black Dimension at nag-end up ako sa far eastern side ng gubat. At kahit hindi ako gumalaw ay may naramdaman akong kakaiba sa paligid.

“H’wag ka nang magtago,” sabi ko at humangin nang malakas. Narinig ko ang dahan-dahang paglalakad sa likuran ko at kahit hindi ko lingunin, alam ko kung sino ‘yun.

“You came back,” he said and I turned around.

When I saw the image of Hideo, I clenched my hand and felt the pieces of the tracker. I tossed them in the air and repelled the pieces towards him with full force. Nakaiwas siya sa halos lahat pero nagalusan siya ng isang piece sa kanang pisngi at agad na nagdugo ‘yun.

“Yes. I came back to return that thing.” Tinignan ko siya nang masama pero hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya. “Sa tingin mo hindi ko malalaman? Kaya pala wala kayong move na ginawa nung umalis ako. Under observation niyo pa rin ako because of that freaking tracker. You really are a sly.”

“Then I don’t have any choice,” he said and he suddenly drew his sword. “You’re going to stay here.”

Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay sumugod siya sa akin kaya naman nilabas ko ang cards ko. I threw them at him but he deflected them easily. Nakaramdam ako ng sobrang bigat na pressure sa paligid nung bigla siyang sumugod papunta sa akin. I prepared myself for his attack but his movement was too fast. Nadala ako ng force niya and he pinned me to the ground.

“I won’t allow you to leave my side again,” mahina niyang sabi habang sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

“Why? Para ba mapag-aralan niyo ako? Para may malaman kayo tungkol sa mga Shinigami?” galit kong tanong. “Pero kahit anong gawin ninyo, wala kayong makukuhang information sa akin.”

“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Hindi ka na ulit makakatakas mula sa’kin.” Lalo lang akong nainis dahil sa sinabi niya. Is he underestimating me?

Kinalma ko ulit ang sarili ko. Nadadala ako ng emosyon ko kaya nagkakaganito ako. Mom is right. I should control my emotions more because it might be the cause of my downfall.

“May isa kang pagkakamali,” sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya and for a second, he lowered his guard. I used that moment to attack. I used my sixth sense on him.

He was pushed away from me by a repulsive force and I immediately stood up. I looked at his sword on the ground and I repelled it towards him. Halos matamaan ang braso niya dahil doon and the sword ended up thrusted to the trunk of the tree behind him.

Binuksan ko kaagad ang Black Dimension habang disoriented pa siya sa ginawa ko.

“Never underestimate a Shinigami, especially a Royal.” Tumalikod ako at naglakad papunta sa Black Dimension. Sorry Hideo, but from now on, I am cutting all my ties with the Senshins...and with you. 


***