.

.

Chapter 42

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, September 6, 2015


***

“May idea ka na ba kung paano nagagawa ‘yang seventh sense na ‘yan?” tanong ni Dana at umiling lang ako.

“Alam ko lang idecode ang mga nakasulat pero mahirap pa ring intindihin ang contents. Sa mga nakuha kong information sa kanila, na-aactivate daw ang seventh sense kapag alam mo ang strengths and weaknesses ng sixth sense mo at kapag may deep connection kayo ng mga kasama mo.”

“That sounds simple but not specific.”

“Yeah. That’s why it’s hard to research about this.”

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at pinag-uusapan namin ang tungkol sa seventh sense. Hindi ko naman mapakita sa kanya ‘yung libro dahil binigay ko kay Mom ang mga ‘yun kaya sinulat ko na lang sa papel ‘yung ilang symbols at paragraphs na natatandaan ko.

“Anyway, ano palang nangyari nung bumalik ka sa lugar na ‘yun?”

Napatigil naman ako sa tanong niya.
Three days na ang nakakalipas simula nung nangyari ‘yun at ngayon lang kami nagkita ulit ni Dana. Nilaru-laro ko ang ballpen na hawak ko habang inaalala ko ang naging usapan namin.

“Nothing. Binalik ko lang sa kanya ang tracker na nilagay niya sa akin at pinutol ko na lahat ng connection ko sa kanilang lahat.”

“This is the first time that I saw you like this.”

“What do you mean?”

“You don’t sound confident.”

Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Shinigamis look up to me because I’m a Royal, the daughter of our current leader, and the next leader in line. Those situations give me confidence and pressure. Pero nung binigay sa akin ang mission sa Tantei High, marami akong nakilala na mas malakas sa akin, bukod sa parents ko at sa Elites nila. Kung icocompare ang Atama family, halos kalevel nila ang Elites like Dana, Keith and Kid.

“They will be here in three seconds,” bigla namang sabi ni Dana kaya napatingin ako sa kanya and after three seconds, bumukas ang pinto at nakita ko sina Keith...

...and Kid.

“Miss me, girls?” then he smirked.

“Kid!” Halos tumalon kami ni Dana sa kama at tumakbo kami papunta sa kanila. The next thing I knew, magkakayakap na kaming apat at rinig na rinig ko ang pagtawa ni Kid sa tenga ko. Ang tagal ko nang ‘di naririnig ang tawa niya at masaya ako na nakalabas na siya sa kulungan niya.

“Uhm...you guys are too heavy...” Saka lang namin napansin na si Keith pala ‘yung sumusupport sa weight naming tatlo kaya bumitaw na rin agad kami ni Dana sa kanila at kinalma namin ang mga sarili namin.

Ngayon na lang ulit kami nagsama-samang apat at laging sa kwarto ko ang nagiging tambayan nila. Somehow, it feels like I’m home. I feel like my old self again. Seeing my comrades beside me gives me confidence and security. When I was at the enemy’s lair, I felt alone. There was always the feeling of danger and I can’t lower my guard for even a second.

“You’re spacing out.”

Nagulat naman ako nung maramdaman ko ang kamay ni Kid sa magkabilang pisngi ko at nakita kong nakatingin na silang tatlo sa akin. I tightened the walls around my mind and smiled at them.

“Nothing. I’m just glad that you’re alright. And, ngayon na lang ulit tayo nagsama-sama. Never thought I’ll miss you, guys.”

Napatingin lang sila sa akin at bigla namang kinurot ni Kid ang pisngi ko habang sina Keith at Dana naman ay naupo lang sa kama ko nang nakangiti.

“Yan ba ang epekto ng pagpunta mo sa lugar na ‘yun?” sabi ni Kid.

“Oo. Halata naman,” dagdag ni Dana.

“It’s good that you’re back,” sabi naman ni Keith.

Napailing na lang ako sa comments nila at kung anu-ano pang pang-aasar ang inabot ko. Napag-usapan din namin ang ilang serious matter like the secret eye project and seventh sense. Nahiga na nga si Kid sa kama ko habang sina Keith at Dana ay lumipat sa couch.

“Kid, anong masasabi mo—” Hindi ko na naituloy ang itatanong ko dahil nakatulog na siya sa kama ko.

“Hayaan mo na. Ang tagal hindi nakahiga niyan sa kama,” sabi ni Keith habang sabay silang tumayo ni Dana.

“Teka, saan kayo pupunta?”

“Magpapahinga na rin. May mission pa kami mamayang madaling-araw,” dagdag ni Dana at ngumiti muna siya sa akin bago sila tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Napatingin ako kay Kid at ang peaceful ng expression niya. Halata pa rin ang eyebags niya at ilang scars sa katawan. May scar din siya sa bandang noo at mas lalong naging distinctive ‘yun dahil sa pale complexion niya.
Napangiti ako habang tinitignan siya dahil kasama na ulit namin siya.

“Your mind is unstable.” Nagulat naman ako nung bigla siyang nagsalita kahit nakapikit pa siya. Pero dinilat niya ang isa niyang mata at seryosong tumingin sa akin. “Are you worried about something?”

Nag-iwas ako ng tingin at naramdaman kong umupo siya. Si Dana ang lagi kong pinagsasabihan ng mga bagay na gumugulo sa isip ko pero si Kid, lagi niyang nahuhulaan ang iniisip ko kahit hindi ko sabihin. His ability to read minds is on par with Naomi and he’s been doing that since we were kids.

“A bit,” sabi ko. “My mind’s messing with me lately.”

“Mukha nga. Magpahinga ka na muna.”

“Ayokong matulog,” sabi ko naman. Nahihirapan pa rin akong makatulog hanggang ngayon dahil kung anu-ano ang naiisip ko. Pakiramdam ko, malulunod ako sa sarili kong isip.

“You need to. Magpahinga ka na. Babalik na ako sa kwarto ko.”

Nung tumayo na siya sa kama ko ay bigla kong nahatak ang braso niya kaya napahinto siya at tumingin sa akin.

“Can you stay for a while?” Nagcrack na ang boses ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata ko.

“Why are you crying?” I can sense the panic in his voice. Bigla siyang umupo ulit sa tabi ko at pinunasan ko ang luha ko habang umiiling.

“I...I don’t know. Damn, I don’t even know why.”

Hinatak niya ako palapit sa kanya at pagkatapos nun ay lalo lang akong naiyak.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Everytime I’m thinking about those Senshins, part of me wants to see them again. Pero kapag naiisip ko sina Dana, Keith at Kid, I feel like I’ve betrayed them. And I don’t want to feel this way.

At kapag naaalala ko ang expression ni Hideo last time, mas lalo akong naguguluhan. I’m pretty sure that sorry of his was for the tracker that he put on me. But his expression during that time...it felt like he was pleading me not to go instead of forcing me to stay. Was that part of his plan?

Hindi ko rin alam kung ano nang iniisip sa akin nung lima. It shouldn’t matter but I want to know what are they thinking about me.

“Cry all you want. I won’t ask any questions.” Pagkasabi niya nun, lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Lalo lang akong naguilty sa mga iniisip ko.

Malaking parte ko ang pinagsisisihang tinanggap ko ang mission na ‘to dahil ang daming nangyari sa akin na hindi ko na nagugustuhan. I just want everything to be okay and simple again. Not like this.

Hindi ko na masabi kina Dana ang nararamdaman at iniisip ko.
Hindi ko rin naman masasabi kina Naomi dahil sa situation ng tribes namin. This is the first time that I felt completely alone. I don’t have anyone to tell all my problems. I don’t have anyone except myself. And no one can save me from this misery except myself.

I don’t know where I belong anymore.


***