.

.

Chapter 45

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, October 4, 2015


***

Nagising ako nung may naramdaman akong dumikit sa balat ko, pero wala pa rin akong makita dahil sa blindfold na nilagay sa akin ni Kyo. Pagkagalaw ko ay naramdaman ko ring nakatali ang dalawa kong kamay sa likuran pati na ang mga binti ko. Naalala ko bigla ang mga nangyari at nagpanic ako nung narealize kong nawalan ako nang malay after that.

Si Kid...

"Kid?" tawag ko pero walang sumasagot.
Wala rin akong maramdamang presence sa paligid ko. Pumikit ulit ako at huminga nang malalim. I felt a surge of energy going through every part of my body and I directed that power into my eyes. I used my sixth sense.

Natanggal ang blindfold mula sa mga mata ko at nakita ko ang kinalalagyan ko. Nasa isang kwarto ako na mukhang matagal nang hindi ginagamit dahil puro agiw at amoy pinaglumaan na rin. Sobrang dilim din at pagtingin ko sa maliit na bintana sa bandang itaas ay liwanag na lang ng buwan ang pumapasok sa loob.

Where the heck am I? And what happened to Kid? Sana walang masamang nangyari sa kanya. I swear, I won't forgive those two if something bad happened to him.

Nakarinig naman ako bigla ng kaluskos mula sa labas.

Footsteps...

Nararamdaman kong papunta sila rito kaya niready ko ang sarili ko kahit hindi ko alam kung paano ako makakalaban sa kalagayan ko. Kapag kasi pinipilit kong kumawala sa lubid na nakatali sa akin, mas lalong humihigpit kaya hindi na ako makahinga nang maayos.

Pinakinggan ko ang paglalakad nila at parang nasa ilalim ko lang sila. So does that mean, nasa second or third floor ako? Wala naman din kasi akong makita sa labas dahil masyadong mataas at maliit lang ang bintana.

Pumikit ako at kinalma ko ang sarili ko. I tried reaching and reading their minds from here and I was a bit surprised when I did hear their thoughts.

'Ano ang gagawin natin sa batang iyon?'

'Mas makakabuti kung mawawala na siya dahil siya ang susunod na mamumuno sa mga Shinigami.'

'Pero hindi ba mas maganda kung pag-aaralan muna natin siya? Kahit hindi sabihin ni Kyo ay alam kong may tinatago siya tungkol sa batang 'yun.'

Nung naramdaman kong papalapit na sila ay nagpanggap akong walang malay at sinara ko ang isip ko kung sakali mang magtangka silang basahin 'to. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pinigilan ko ang sarili ko sa pag-ubo dahil masyadong maraming alikabok ang kumalat.

"Gising," sabi nung isang boses ng lalaki at naramdaman ko ang paghawak niya sa noo ko. Pero halos mapasigaw ako nung naramdaman ko na parang nakuryente ang buong katawan ko kaya napadilat agad ako.

Pagtingin ko ay nakangiti 'yung lalaking nasa harapan ko sabay sabing, "the nervous system reacts to my touch and I can manipulate the electrical discharges running through it."

Lumayo ako sa kanya hanggang sa mapasandal na ako sa pader.
Sa harapan ko ay may dalawang matandang lalaki at isang babae. Isang tingin pa lang ay alam kong sila ang Council of Elders na sinasabi nila. Sa pagkakaalam ko, hindi rin sila nagpapakita sa mga estudyante pero may kapangyarihan sila sa administration. And of course, they are all from the Atama family.

I think they are in their eighties or nineties but they're not a bit senile. Just by looking at them, I can feel their power but I can say that they have weakened over the years.

"What do you want from me?" matigas kong tanong at tinignan ko sila nang masama.

"Hmp. Kung ako lang ang masusunod, mas gugustuhin kong mawala ka na sa mundo," sabi nung isang lalaking nakasalamin.

"Kodai," tawag nung babae habang nakatingin doon sa lalaki na parang binabalaan siya pero tumingin lang sa kabilang direksyon 'yung lalaki.

"Maswerte ka at hindi kumalat sa buong eskuwelahan ang pagiging Shinigami mo, kung hindi, marami ang magtatangka sa buhay mo at magkakaroon din ng kaguluhan dito," dagdag naman nung gumising sa akin and I find it creepy whenever this guy talks while smiling. "At para sa kapakanan nila, mas mabuting hindi na nila ito malaman."

"Don't fuck with me, old fools. I know that this isn't for their sake but the administration's." I put my smug face on show. "Kapag nalaman nilang may nakalusot na Shinigami sa school bilang estudyante for the first time, sa tingin mo kanino mapupunta ang sisi? Sa inyo!"

Natahimik sila after that at biglang lumayo 'yung dalawang lalaki tapos lumapit naman sa akin 'yung babae. Nag-inhale siya at habang ginagawa niya 'yun ay bigla akong nahirapang huminga...

...hanggang sa hindi na talaga ako makahinga.

I kept gasping and my vision's starting to blur. I can't breathe, and I'm sure it's her doing.

"Brat, you have crossed the line," sabi niya at habang nagsasalita siya ay unti-unti na akong nakakahinga. "It seems like you're the type of Erityian who has her own ideals and justice kaya nasasayangan ako kung hahatulan ka man ng kamatayan. Pero sa ipinakita mo ngayon, masasabi kong mas inuuna mo ang emosyon mo kaysa sa isip mo."

I gave her a snort of disgust. "A Senshin, feeling sorry for a Shinigami? Wow, that's new." But instead of getting angry, she smiled at me.

"So are you also the type of Shinigami who bears nonsensical hatred to Senshins?"

"What do you mean?" The hell is she saying?

"Matagal nang magkaaway ang tribo natin pero hindi maitatangging may koneksyon tayong nararamdaman kapag nagkikita ang isang Senshin at Shinigami. Dahil sa history ng pag-aaway ay madalas, galit tayo sa isa't isa kahit wala namang direktang ginawa o kinalaman sa'yo ang isang Senshin o Shinigami, hindi ba?"

"What's your point?"

"Aren't you defying that? Think about it," sabi niya at saka siya tumayo para tumabi doon sa dalawang lalaki. "Pumunta kami rito para pagdesisyunan kung ano ang gagawin sa'yo, at ngayon, mukhang pare-pareho na kami ng desisyon," sabay ngiti at tingin niya doon kay Kodai na nakakunot lang ang noo.

Pagkatapos nun ay dali-dali silang lumabas sa kwartong 'to at doon lang ako nakahinga nang maluwag. Never thought that after seeing the Council of Elders, I'd still be alive.

Napaisip naman ako doon sa sinabi ng babae. It's true that the Senshin and Shinigami tribes have a long history of hatred with each other, and all of the preceding and succeeding generations feel the same. It won't change since it's part of the culture and that hatred was passed from generation to generation.

Aren't you defying that?

Is she insane? I've decided to follow my tribe and family. There's no way in hell I'll...

Akemi, whether you like it or not, you're going with us.

Stop.

I won't allow you to leave my side again.

No. Stop it!

It feels like my head is going to explode with all these confusing thoughts inside it. That's why I don't want to go back here. I don't want to be in this place.

"It's painful to hear your thoughts."

Nagulat ako nung makarinig ako ng boses at pagtingin ko sa may pintuan ay nakatayo doon ang babaeng nakita ko sa experiment table. One of the Huntres tribe.

She looks like a ghost because of the moonlight and her pale complexion pero 'di tulad nung nakita ko siya sa lab, mas crystal blue na ang mga mata niya. Nakasuot din siya ng hospital gown at wala siyang footwear.
Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko.

"Tumakas ako sa ospital dahil gusto ko lang ulit magpasalamat.
Thank you for saving me."

"I didn't save you. Those two geezers did." Pagkasabi ko nun ay tumawa siya at bigla kong naalala sina Sarah at Rin. This girl laughs like them, though Rin doesn't laugh or smile anymore.

"You did save me from those humdrums." Nagulat naman ako nung bigla siyang may kinuha sa likuran niya at nakita kong may hawak na siyang dagger. Mas lalo akong nagulat nung pinosisyon niya ang dagger sa rope na nakatali sa akin and after the contact ay nagyelo ang lubid hanggang sa tuluyan nang nabasag into fragments.

"What--"

"Alam mo ba, ngayon lang ako nakakita ng Senshins at Shinigami," sabay ngiti niya. "Our leaders forbid us to leave our village because our powers can cause destruction and calamities, and humdrums might know our existence and use this to hunt our kind." 

Hindi ako nagsalita after her pause because for some reasons, gusto kong marinig ang istorya niya. Indeed it is very rare for Huntres tribe to reveal themselves kaya naman out of the four tribes, sila ang interesting.

"But ever since the Division wars, masyado nang magulo sa White and Black Division kaya naman ang ilang Huntres na ayaw madamay sa gulo ay piniling umalis at lumayo. But that's the biggest decision we have ever made. Our culture is more on the primitive side and we can't handle any technologies. Of course, our eye color drew attention and we were captured by different organizations. Some of us escaped using our attributes but some, like me, can't."

"Why?"

"May devices silang inilagay sa amin na nagdidisable ng attributes namin at hindi ko alam kung paano nangyayari. Kaya naman dahil dun, hindi ko nagawang tumakas."

"May iba pa ba?" Ngumiti ulit siya.

"Only me. I used my attribute once before they injected me with tranquilizer and I managed to wipe off the guards. Nakatakas ang mga kasama kong nahuli but I didn't."

Natahimik ulit kaming dalawa pagkatapos nun. This girl sacrificed herself for the sake of her comrades. She's brave and heroic despite her appearance.

"How about you?" biglang tanong niya. "What happened to you?"

"Why would I tell you?"

"Hmm...because you need someone to share your pain?" Bigla akong natahimik sa sinabi niya at naging seryoso naman ang expression niya. "I don't know what happened between the Senshin and Shinigami tribes and I don't really care who's right and wrong. May iba-iba tayong paniniwala at iba-ibang kulturang sinusunod.
Kaya nga tayo nahati sa apat na tribes dahil doon. But I can tell that you're torn between the two."

"H-how..."

"Disoriented minds are the easiest to read, right?"

Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng lakas. Hinawakan ko ang wrist ko na ngayon ay namumula pa rin dahil sa pagkakatali kanina. Tumingin ulit ako sa kanya at mukhang naghihintay siya ng sasabihin ko.

It's true that I can't say my troubles to Dana and others. Sinasarili ko na lang ang problemang 'to dahil in the first place, ako rin ang may kasalanan.

"I...I don't know where I belong anymore. It's like I'm stuck in the middle of nowhere."

"Because?"

"Because I became too attached with my enemies, but I don't want to betray my tribe."

"Pero hindi naman ibig sabihin na kapag na-attach ka sa Senshins ay nagtataksil ka na sa Shinigamis, hindi ba?"

"That's treason and disloyalty."

"Do you love your tribe?"

"Of course."

"Then do you hate these Senshins you're speaking of?"

I was taken aback by her question but I already know the answer. "N-no..."

"Do they hate you?"

"Hindi ko alam. Maybe." Bigla naman siyang ngumiti at tumayo.

"May pumunta sa kwarto ko kanina at nagtanong kung nasaan ang babaeng dinala ng mga nagdala sa akin dito. He looked so worried. I can't see any hatred in his eyes." Naglakad siya palayo at nung nasa may pintuan na siya ay lumingon ulit siya sa akin. "It's not wrong to serve your family and comrades but I think you should be loyal to yourself first. You really won't understand anything if you can't accept your true feelings."

***

Nagising ako dahil sa pagtama ng init sa mukha ko.
Inalala ko kung anong nangyari at ang natatandaan ko lang ay ang pag-alis nung Huntres sa kwartong 'to and after that ay nakatulala lang ako for a few minutes, then...

...nagising na ako ngayon.

"You lost too many blood, that's why. Tss. You didn't even notice your wound." Nagulat ako nung nakita ko si Kyo sa may paanan ko habang nagsisigarilyo at nakatingin lang sa may kisame. Saka ko lang narealize na nakahiga na pala ako sa kama kaya napabangon ako.

"Anong--"

"Bakit mo ginawa 'yun?" Napakunot naman ang noo ko sa biglaang pagtatanong niya. And what did I do?

"Ang alin?"

"Defending that Huntres against those humdrums," sabay tingin niya sa akin nang seryoso and I suddenly felt the danger in his presence. "It's very peculiar to see a Shinigami defending someone. Aren't you guys egocentric?"

"Why? Does it bother you because you Senshins who save a whole lot of people and do heroic stuff, were late in saving that girl?" He laughed at my retort and somehow, his serious expression dissipated.

"You got me, kid."

"I am not a kid."

"You are. The reckless and immature kind."

"What did you--?!"

"And you remind me so much of my daughter."

Napatigil ako nung sinabi niya 'yun at hindi ko alam kung ano ang irereact ko. His tone was so soft that I've had a second-thought if this is really Kyo, and at the same time, wished that my own father can speak to me like that.

But I know that it's impossible.

Bigla naman siyang tumayo at naglakad palabas ng kwarto pero lumingon siya sa akin.

"Eat," sabay turo niya doon sa pagkaing nakahanda sa may lapag. "And by the way, you can't escape from here so don't try stupid things or you'll just waste your energy."

"Wait! Anong nangyari kay Kid? Nasaan siya?" tanong ko bago siya tuluyang makaalis at huminto siya sa paglalakad.

"Ah, that boy? Two midgets came and rescued him." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay tuluy-tuloy na siyang naglakad habang ako ay parang natanggalan ng tinik sa dibdib. Dana and Keith managed to save Kid and I am glad that they are alright.

Tumingin ulit ako sa may pintuan pero wala na si Kyo doon. Just like that, he was gone.


***