.

.

Chapter 46

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, October 25, 2015


***

It's been three days since I arrived at this place. At gaya ng sinabi ni Kyo, kahit anong gawin ko ay hindi ako makatakas. I tried opening the Black Dimesion countless times but I failed. I can't even feel it's presence. Ilang beses ko na ring sinubukang lumabas sa kwartong 'to mula sa pinto pero tuwing ginagawa ko 'yun ay bumabalik lang ako rito. Sinubukan ko ring akyatin ang maliit na bintana sa gilid pero narealize ko na hindi pala talaga 'yun bintana kundi projection lang ng itsura sa labas. Pati ang pagrepel sa buong kwarto, ginawa ko na rin, pero wala. I think the only way to get out of this place is from the outside.

'That's right. Kaya huwag ka nang magpagod pa dahil hindi ka makakalabas dyan.'

I stood still when I heard Kyo's inner voice. Dahil sa sinabi niya nung nakaraan ay ang weird na ng pakiramdam ko sa kanya, pero at the same time, nacucurious ako sa buhay niya...

...lalo na sa anak na tinutukoy niya.

Napaupo ako sa sahig at huminga nang malalim. Hindi ko na alam kung paano makalabas dito.
Kung kaya ko lang macontact sina Dana...

“Sino si Dana?”

Halos mapatalon ako nung narinig at nakita ko sa harapan ko si Minerva, ‘yung Huntres na pumunta rito nung nakaraan.

“What the heck are you doing?!”

“Uhm, dinadalaw ka?”

Napabuntong-hininga na lang ako dahil ayoko nang makipagtalo. Pagtingin ko sa kanya, medyo may kulay na ang balat niya at hindi na siya ganoon kaputla, pero gaya dati ay hospital gown lang ang suot niya. Umayos siyang upo at biglang naging seryoso ang expression niya.

“I’m leaving,” biglang sabi niya. Saka ko narealize na ang ibig niyang sabihin ay babalik na siya sa village nila. Kaya pala nasa labas lang si Kyo.
Siguro nirequest niya na hintayin na lang siya sa labas.

“Bye,” halos walang buhay kong sabi pero kahit papaano ay nalungkot ako dahil siya lang ang kumausap sa akin maliban kay Kyo simula nung makulong ako sa lugar na ‘to.

“I think we won’t see each other very soon. Baka nga may pamilya na tayo kapag nagkita ulit tayo,” sabay ngiti niya at naiwan naman sa isip ko ang salitang binitiwan niya.

Pamilya...

I don’t think I’ll have one.

Nagulat naman ako nung bigla siyang natawa kaya napakunot ang noo ko sa kanya.

“Why?” tanong ko.

“Kasi alam mo, mahilig akong mag-isip ng pangalan ng magiging mga anak ko in the future. Hindi mo ba ginagawa ‘yun?”

“No. That’s a weird thing to do.”

“Really? But for me, it’s pretty relaxing. Imagining the future with your partner and children keeps my mind from chaotic thoughts.”

“Do you have a partner right now?” Pagkasabi ko nun ay ngumiti ulit siya at kahit hindi niya sabihin ay alam ko na kaagad ang sagot.

“Yes. He’s one of those Huntres that I managed to save from the organization. Nung una ay ayaw niya pa akong iwan doon pero ako na mismo ang pumilit sa kanya para umalis dahil mas mataas ang position ko sa kanya. Inutusan ko siyang i-lead ang grupo ng mga nakatakas pabalik sa village and I think nagawa naman niya ‘yun. I can’t wait to see him again.”

“Well, that’s good for you.”

“How about you? Do you have someone you love?”

Hindi ako nakasagot kaagad at hindi ko rin alam kung bakit nagflash sa isip ko ang mukha
niya. Again, this conflicting feeling dominates my mind but I pushed it on the corner.

“No,” matigas kong sagot at agad kong iniba ang topic. “Anyway, ano ba ang mga pangalang naisip mo?” I thought I asked something nonsensical but she smiled.

“If he’s a guy, his name would be Marco. Kapag babae naman, Miles.”

“Ahh...” Marco and Miles. Might as well remember those names just in case.

Bigla namang may kumatok sa pinto at nung narinig ‘yun ni Minerva ay agad siyang tumayo.

“My time is up,” sabay lakad niya papunta sa pintuan. “Goodbye. I hope we’ll see each other soon.”

“Yeah...”

Lumabas siya sa kwarto at nakita kong tinignan ako ni Kyo bago niya isinarado nang tuluyan ang pinto. I’m sure he saw my eye movement because I was about to repel the door but Minerva was on the way.

I punched the floor because I wasted that opportunity. Pero kung makalabas man ako sa kwartong ‘to habang nandyan si Kyo, malaki ang probability na mahuli niya ulit ako, lalo na’t hindi ko alam kung sa buong area ba hindi bumubukas ang Black Dimension.

Napahawak ako sa cards sa cloak ko at bigla kong naisip ang kwarto ko sa base. Naisip ko sina Kid, Dana at Keith pati na rin sina Rin at Sarah. They are the reason why I still want to serve my tribe.

It's not wrong to serve your family and comrades but I think you should be loyal to yourself first. You really won't understand anything if you can't accept your true feelings.

Minerva’s words lingered inside my head after she said those days ago. I know that I kept denying my true feelings because it felt wrong. Right now, I have accepted the fact that I am confused of who I really am. Biologically, I am a Shinigami but after living with the Senshins, I learned a lot about their culture and somehow I have taken a liking on them. I realized that my ideals and judgment are more inclined with the Senshins.

Kung isasantabi ko sina Kid, Dana, Keith, Rin at Sarah, mas gugustuhin ko pang maging mag-isa na lang at pumunta sa kung saan-saan para makilala ko pa ang pinagmulan ko. Pagkatapos kong makasalumuha ang iba’t ibang Erityian tribes, gusto ko pang malaman ang history namin bukod sa mga nakasulat sa libro.

But I can’t.

Those people depend on me and I don’t want to disappoint them. I know that they look up to me that’s why I want to meet their expectations. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw kong talikuran ang tribe ko ay dahil marami akong gustong baguhin sa pamamahala kung ako man ang susunod na leader.

I don’t want to run away with my responsibilities.

Bumalik naman sa kasalukuyan ang isip ko nung makarinig ako ng kaluskos sa paligid. Nung pinakiramdaman ko nang mabuti ay narealize ko na nanggagaling sa baba ang ingay kaya naman nilapat ko ang tenga ko sa sahig. Naririnig ko ang maingat na paglalakad at alam kong paakyat na ang kung sinuman sa kwartong ‘to.

Don’t tell me those elders are here again?

Pinosisyon ko kaagad ang cards sa pagitan ng mga daliri ko at naging alert sa bawat paghakbang na naririnig ko sa labas. Unti-unting bumukas ang pinto at nakita ko ang dalawang tao, at isa sa kanila ay pamilyar ang mukha.

They are wearing lab gowns and the older one is holding a medical kit. The younger one met my eyes and she slightly bowed at me. Kung tama ang pagkakatanda ko, her name is Yuuki.

“What do you want?” I said while glaring at them but the older lady stepped forward without any hesitation.

“I’ll get a sample of your blood,” sabi niya at naglakad siya papalapit sa akin. I immediately slashed my cards at her but she deflected it with her injections. The cuts ricocheted on the walls and the projected surroundings on the supposed-to-be window blacked out. “Nice to meet you too, Miss Akemi, if that’s your way of greeting.” Nagulat ako nung binato niya sa akin ang anim na injections and I instinctively deflected them, but one managed to hit me on my leg. “I’m Dr. Miwako, by the way, the head doctor and scientist of Medical department.”

“D-damn...” In just three seconds, my strength seeped away from my body and I collapsed on the floor. I can’t feel anything anymore.

“You’re quite amazing dodging them but once it hit you, the drug inside that will steal your physical strength and will numb your whole body for thirty minutes.”

Nakita kong lumapit siya sa akin pati na rin si Yuuki habang naglabas ulit siya ng isang injection. Gusto kong ilayo ang braso ko sa kanya pero wala akong maramdaman na kahit ano, hanggang sa kumuha siya sa akin ng dugo. Nakita kong napuno ang injection na hawak niya ng dugo ko at si Yuuki naman ang naglagay ng gasa sa braso ko. Pumunta naman sa likuran ko ‘yung Dr. Miwako at inikot niya ang katawan ko pero hindi ko maramdaman ang ginagawa niya sa akin.
Is she experimenting on me?

‘She’s tending the wound on your back.’
Narinig ko ang boses ni Yuuki sa isip ko at nagulat ako sa sinabi niya.

“Shut up, Yuuki. Focus on your job.”

“Sorry, Dr. Miwako.”

Bigla namang inabot ni Dr. Miwako ang injection kay Yuuki at tinransfer niya ‘yun sa isang container na hindi ko alam ang tawag at inilagay niya sa medical kit na nasa gilid niya.

“I hate Shinigamis,” biglang sabi ni Dr. Miwako and I’m quite thankful that my whole body is numb because I think I’d cry out in pain if not. “Your tribe kills people without any consideration and you don’t value life. I lost one of my loved ones in the hands of Shinigamis. And you know who I hate the most?” Naramdaman ko ang malalim na paghinga niya na parang nagpipigil ng emosyon. “The likes of you. A Shinigami who’s reckless enough to spy on our tribe and ended up being caught.”

What? That doesn’t make any sense. What does she mean?

Gusto ko sanang itanong kung ano ang ibig niyang sabihin doon pero tumayo na siya at naglakad silang dalawa ni Yuuki papunta sa pintuan, habang ako ay nakahiga pa rin sa sahig at hindi makagalaw dahil sa drug na sinasabi niya. Pero nagulat ako nung huminto si Dr. Miwako at lumingon sa akin.

“I’m sure you’ve heard this from my husband. You remind me so much of our daughter.” After she said that, realization hit me. This doctor is Kyo’s wife and a Shinigami killed their daughter. “And do you know who killed her?” Her expression hardened and she looked at me with anger. “A guy called Subaro. I’m sure you know him very well.”

I inhaled sharply when I heard that name. Of course. Sinong hindi makakakilala sa kanya? That guy leads our tribe. That guy is my father.

“As his daughter, I want to kill you so that he can feel the agony of losing his child. Pero hindi ko ‘yun gagawin dahil para na rin akong katulad n’yo, at para ko na ring pinatay ulit ang anak ko.”

Huminga ulit siya nang malalim at matapos niyang sabihin ‘yun ay tuluyan na silang lumabas at naiwan akong mag-isa.

So that he can feel the agony of losing his child.

I wonder if Dad is capable of that. Ni hindi nga siya nagpapakita sa amin ni Rin nang madalas at nakikita lang namin siya kapag nagbibigay siya ng missions or kapag tinetest niya kami. I know it’s his nature and he can’t show any favoritism or inclination towards us just because we are his daughters since he’s also the tribe leader.

Naramdaman ko naman na biglang nanlabo at umiikot ang paningin ko. This must be the effect of drawing my blood out and tending my wound. Hanggang sa unti-unti nang dumilim ang paligid ko.

***

Nagising ako nung may naramdaman akong malagkit sa pisngi ko at pagdilat ko ay si Demi agad ang bumungad sa akin.

“Demi...” I stroked her back and she purred excitedly. Inalala ko naman kung ano ang nangyari sa akin at biglang nagflash sa isip ko sina Minerva, Kyo, Dr. Miwako at Yuuki. Saka ko narealize na wala na ako sa sahig at nasa higaan na ako ng kwarto na ‘to, at hindi ko rin alam kung paano nakapunta si Demi dito.

“I’m glad you’re awake.”

Hindi ako nakagalaw kaagad nung narinig ko ang boses na ‘yun. Gusto kong bumangon pero nanghihina pa rin ang lower limbs ko. Pagtingin ko sa paanan ko ay nakaupo doon si Hideo habang nakatingin sa akin at hindi ko mabasa ang expression niya. Ni hindi ko nga alam ang gagawin ko kaya tumingin na lang ako sa kisame at kinontrol ko ang paghinga ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya pero pinigilan ko ang sarili kong tumingin sa kanya.

“I know I shouldn’t even care about you, but I can’t help it.”

“Don’t say it if you don’t mean it,” sabi ko naman at naramdaman kong lumakad siya papunta sa gilid ko.
Nakita ko rin sa peripheral vision ko na nilipat niya ang upuan sa gilid ko at tumalon sa lap niya si Demi.

“Do you think I’m not sincere?” I sensed a hint of anger in his tone so I faced him.

“Are you? Masasabi mo pa rin ba ‘yan kahit alam mo ang sitwasyon natin? No, Hideo. You should not care about me because we both know it would cause mayhem to both of our tribes. So please, stop confusing me with your words. Stop messing with my mind.”

“Sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan? You are a chaos that brought disorder to my life. I tried, Akemi. I tried but I can’t stop this madness anymore.”

Seeing him with his painful expression made my heart skip a beat. Maybe I’m also mad.

We both went silent after that and during that defeaning silence, I accepted my true feelings...and our
fate. Akala ko dati ay safety precaution ko lang sa sarili ko ang pag-oobserve sa kanya dahil mabilis siyang makapansin ng mga bagay-bagay. Lagi kong binabantayan ang mga tingin niya sa akin at hindi ko namamalayan na lagi ko na siyang hinahanap at napapansin. Hanggang sa may kakaiba na akong naramdaman para sa kanya, and this time, I’m accepting the fact...

...that I’m attached and I feel deep affection for this guy.


But my feelings and my responsibilities are too contrasting.

“You can, if you try harder,” sabi ko at ngumiti ako. “We can’t let our emotions overcome us, Hideo. We define tragedy.”

Natahimik ulit kami pareho at pinilit ko ang sarili kong kumalma kahit na ang sakit na ng dibdib at lalamunan ko. It’s time to stop this insanity even if it means hurting ourselves.

“I know,” biglang sabi niya. “I know that but can I be selfish just this one time?”

The next thing that happened went like a blur.

He kissed me...

...and I didn’t know that a kiss can stir up different emotions at the same time—passion, pain, sympathy, yearning—but I ended up crying because I know that we can’t be together.


***