.

.

Chapter 47

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 7, 2015


***

“I know that but can I be selfish just this one time?”

The moment he kissed me, everything that weighs me down, everything that confuses me, dissolved at the back of my mind. I went through different emotions but what I felt the most was the desire to be with him. Like him, I want to be selfish for once. Just this time, I don’t want to be concerned by everything. I want my own happiness.

He looked at me and this is the first time I saw him with such emotional expression.

“Why are you crying?” tanong niya habang pinupunasan ang luha ko. Kahit na sinabi kong pigilan niya ang nararamdaman niya, kahit na sinabi kong hindi pwede ‘to, mas nangibabaw ang gusto ko and I hate myself for being swayed easily.

“Because I’m choosing you over everything.” Lalo akong naiyak dahil kahit na alam ko sa isip ko na pagsisisihan ko ‘to, gusto ko pa ring sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Nakatulala lang siya sa akin na para bang nagulat sa sinabi ko. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ‘to pwede, na magiging malaking gulo ‘to, pero ngayong nandito siya sa harapan ko, hindi na ako makapag-isip nang matino. I just want him to stay by my side.

Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit. Pero mas nagulat ako nung may naramdaman akong mainit sa pisngi ko.

He’s crying. At ayaw niyang makita ko ‘yun.

I hugged him back, and this time I asked him his own question.

“Why are you crying?”

“Because you chose me,” he whispered.

Napangiti ako. I wish I could have Naomi’s sixth sense right now. I want to stop the time just this time. Just this moment with him, because I know that this is our only time to be together.

Napahigpit ang yakap ko sa kanya dahil naisip kong pagkatapos nito, aalis na siya at maiiwan ulit ako ritong mag-isa. I always thought that I am meant to be alone, but the truth is, I’m scared of being alone.

“Do you hate me?” bigla kong tanong dahil sumagi sa isip ko ang ginawa kong pagtataksil sa kanila, though that was my mission. I betrayed him yet he’s here with me.

“No,” mahina niyang sagot.

“Will you betray me?” What if he’s just confusing my mind again just like the last time? What if ginagawa niya lang ‘to sa akin para magamit ako laban sa sarili kong tribe?

“I’d rather die than betray you.”

Napatigil ako nung sinabi niya ‘yun at humiwalay siya sa akin. Tinignan ko siya sa mga mata at kahit hindi niya sabihin, kita ko sa mga mata niya ang pagiging sincere. Maybe I’m just too paranoid because I didn’t expect him to be here. To be with me.

“I never thought that chaos can be this beautiful,” he whispered and my heart skipped a bit.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko magawang umiwas ng tingin dahil sa ganda ng mga mata niya. I closed my eyes as he cupped my face and I felt his lips brushed against mine. The next thing that happened made me realize how much I yearn for him, how much I love him.

I gave myself to him.

***

I’ve never been scared of the future before, but right now, I am. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari dahil sa ginawa ko at akala ko, maliliwanagan na ako sa dapat kong gawin pero mas lalo lang akong naguluhan. I know what we did was wrong but I chose my own desire before anything else.

I want to know what he feels but I am too scared to ask. Nag-ipon ako ng lakas ng loob at nung magsasalita na ako ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba. All of a sudden, something went wrong.

Parang may kung anong nangyari sa isip ko at biglang naging open ‘yun kahit na nakasara naman noong una. And then something happened to my sight. Suddenly, I can see everything around me, and Hideo’s thoughts flowed into my mind, which nauseated me to the point of passing out. And even though he’s not saying it, I know he’s experiencing the same thing.

Don’t tell me this is...

But now that I can read his mind without any hindrance and effort, I instantly knew what he feels and how lonely and hurt he was. Dati ay nacucurious akong malaman kung ano ang iniisip nina Naomi at Hideo dahil sobrang hirap basahin ng isip nila, pero ngayon, kusang tumulo ang mga luha ko nung nalaman ko ang laman ng isip ni Hideo. But before I could even comfort him, hinatak niya ako palapit sa kanya at niyakap niya ako nang mahigpit.

“I’m sorry,” he said and I suddenly felt a lump in my throat. Saka ko lang naisip na kung nababasa ko ang isip niya, ibig sabihin ay ganun din siya sa akin. I’m sure he has read all my worries and troubles.

“I’m...okay...” Gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil pagkatapos nun ay halos nagdilim ang paningin ko. I felt his arms around me at inalalayan niya ako.

“You’re not.”

Nabasa ko naman kaagad ang iniisip niya.
 

I’m sure this is the seventh sense they are talking about. According to that book, it’s dangerous. It can destroy the mind and the senses of the users, or it can lead to death. She might be overwhelmed with my thoughts.

Nung narinig ko ‘yun ay parang sumang-ayon ang utak ko dahil biglang sumakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa magkahalong isipan namin ni Hideo.

“Magpahinga ka muna. You should sleep,” he said as he caressed my hair. Naramdaman ko ang pagbangon niya kaya napahawak ako sa braso niya.

“Don’t leave me,” I desperately pleaded. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya and I can imagine him smiling. I want to open my eyes but exhaustion flooded my whole body.

“I won’t. I’ll stay here until you wake up.”

Napangiti ako pagkarinig ko nun at agad din akong nakatulog.

***

Pagbukas ko ng mga mata ko ay napahawak ako sa ulo ko. Sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko at bigla akong natakot dahil hindi ko maalala kung sino o nasaan ako. After a few minutes, the painful throbbing subsided and I managed to sort and organize my thoughts. Naalala ko ang huli kong natatandaang nangyari at napanganga na lang ako.

Did I really...

Oh my God. That was the most stupid thing that I did. Am I out of my mind? Bakit ko ‘yun ginawa?!

“Calm down.”

Halos mapatalon ako dahil for a second, akala ko si Hideo ang nagsalita.
Pagtingin ko sa likuran ko ay nakasandal si Kyo sa pader malapit sa maliit na bintana. Agad kong sinarado ang isip ko kahit na alam kong nabasa na niya ‘yun dahil sa pagpapanic ko kanina.

“Lalo kang manghihina kung laging magulo ang isip mo,” sabay turo niya sa sentido niya. “This is our weapon. Erityians are known for our more evolved brain so try to be more focused. Your own thoughts can overcome you.”

Huminga ako nang malalim at sinunod ko siya. For the past few months, naramdaman ko rin ang panghihina ko at hindi ko kaagad narealize na dahil ‘yun sa sarili kong pag-iisip. Sa dami ng problemang inaalala ko at mga desisyong nahihirapan akong pumili, naging dahilan ang mga ‘yun para mangyari ‘to.

“Why are you here?” tanong ko naman sa kanya.

“My job.”

Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Hideo nung nakaraan.

“I won’t. I’ll stay here until you wake up.”

That liar. Pero mas mabuti na rin na wala siya rito dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. I still can’t believe that I...damn, whatever!

Then suddenly, nakaramdam ako ng matinding presence, and I’m sure naramdaman din ‘yun ni Kyo dahil bigla siyang naging stiff. Nakatingin lang ako sa pinto at hinintay ko kung sino ang darating. Pagbukas ng pinto, nakita ko ang isang pamilyar na mukha at sa likuran niya ay ilang nakaputing labgown.

“Come with me, Shinigami,” sabi ni Kodai, isa sa Council of Elders na dumalaw rin sa akin dati.

“Anong kailangan mo?” My body sensed danger and I want to move away from him but I can’t. Parang nanigas na ang katawan ko sa posisyon ko. Pero nung tumingin siya sa direksyon ni Kyo ay nagawa kong igalaw ang mga daliri ko.

“Kyo, pwede ka nang umalis.”

“Mawalang-galang na, Sir Kodai, pero saan niyo sa dadalhin?” Hindi ko alam kung tama ba ang napansin ko pero pakiramdam ko ay nasa side ko siya ngayon.

“Hindi mo na kailangang malaman pa.”

“Is this an order from the President or you’re just making your own move?”

“Kyo.” Nagawa kong lumingon sa may pintuan nung nakarinig ako ng panibagong boses at pagtingin ko ay nakita ko ang isa pang Elder na siyang gumising sa akin noon gamit ang sixth sense niya. Pero nagulat ako nung narinig ko ang pagsigaw ni Kyo at halos napaluhod siya sa sahig.

“Eichiro...”

“Sir Eichiro,” sabi nung lalaki at lumapit siya kay Kyo. Halos mapaatras ako nung nakita ko ang nanlilisik na mata ni Kyo habang nakatingin kay Eichiro. Nakangiti siyang lumakad papunta kay Kyo at gaya nung una ko siyang nakita ay kinilabutan ako.

“Tapos na ang trabaho mo sa kanya. Nadala mo na siya rito kaya wala ka nang dahilan para kwestiyunin ang mga desisyon namin.”

Dahil nakatingin ako sa kanila ay hindi ko kaagad napansin na nasa harapan ko na pala si Kodai at hinawakan ako ng mga kasama niya. Hinatak nila ako pero kusa na akong sumama sa kanila. Lumingon ako sa direksyon ni Kyo dahil kahit papaano ay nakaramdam ako sa kanya ng awa. Simula nung sabihin niyang naaalala niya ang anak niya sa akin, somehow, naiisip ko na sana ay ganun din ang pakikitungo ni Dad sa akin.

I tried reaching his thoughts but he blocked off his mind from anything.

Nakalabas kami ng kwarto at hindi ko na siya ulit nakita. Kahit papaano ay naexcite ako dahil after so many days, makakalabas na ako sa lugar na ‘to. If I find a chance, I will definitely escape.


***