.

.

Chapter 48

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015


***

Habang naglalakad kami ay hindi ko maramdaman ang upper body ko. Tanging binti at paa ko lang talaga ang nakakagalaw but the rest of my body is completely frozen. Sa tingin ko ay may kinalaman dito ang sixth sense ni Kodai dahil nasa likuran ko siya at nasa magkabilang-gilid ko naman ang mga kasama niya.

Sinara ko nang mabuti ang isip ko dahil bigla kong naalala ang lahat ng nangyari nung nakaraan. Agad akong nakaramdam ng hiya nung narealize ko ang mga ginawa ko. Wala talaga ako sa matinong pag-iisip nung oras na ‘yun at nadala lang ako masyado ng emosyon ko. For days, I was alone in that place and all my fears and worries made me less rational. Seeing him that time gave me hope. Sinubukan kong pigilan ang sarili ko at inisip ko ang responsibilities ko pero dahil sa mga sinabi niya sa akin, naging mahina ang loob ko at pinangunahan ako ng halu-halong emosyon.

I seriously want to punch myself right now but my body is not cooperating, though at the back of my mind, there’s a little percent that I don’t regret what I did. I promised myself that that’s my last selfish act. From now on, I want to start a new life. I want to reclaim my honor and pride.

Napatigil ako bigla sa pag-iisip nung huminto kami sa Medical department. Hinatak nila ako papunta sa loob. Dahil ilang beses na akong nakapunta rito ay alam kong sa right wing ang hospital pero lumiko kami sa left wing kaya kinabahan ako. After a few minutes ng paglalakad sa hallway ay nakita kong puro research and experimental laboratories ang nandito sa part na ‘to. Naglakad pa kami hanggang sa makarating kami sa dulo at bumaba sa basement. Pagdating namin doon ay naabutan namin si Dr. Miwako at nagulat siya nung nakita niya kami. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako dahil madilim dito at sa gutom, pero parang kagagaling niya lang sa pag-iyak at agad niyang pinunasan ang pisngi niya.

“What are you doing here...Sir Kodai?” tanong niya at gaya ng tono ni Kyo kanina kay Eichiro ay parang may galit din sa tono niya.

“Iiwan ko siya sa’yo,” then his two followers pushed me down the floor. Hindi ko na tinangkang bumangon dahil hindi ko pa rin magawang igalaw ang upper body ko.

“For what? I’ve already run several tests with her blood.”

“Pag-aralan mo rin ang buong katawan niya. Paniguradong may makukuha ka, at ibigay mo sa akin ang resulta.” Hindi na niya pinagsalita si Dr. Miwako at agad siyang lumabas ng kwarto kasama ang dalawang nakabantay sa akin kanina. Naiwan kaming dalawa rito at after a minute or two ay naigalaw ko na ang katawan ko.

Nagkatinginan kami ni Dr. Miwako at tahimik naming sinusukat ang isa’t isa. Sa totoo lang, sobrang lakas ng tibok  ng puso ko ngayon dahil iniisip ko na ang plano kong pagtakas mula rito, but she’s a strong enemy.

Bigla naman siyang napabuntung-hininga at naging soft ang expression niya.

“Huwag ka nang magbalak na tumakas. I might kill you.”

Hindi ako kaagad nakahinga nung sinabi niya ‘yun habang nakatingin sa akin.
Kahit hindi niya sabihin, alam kong seryoso siya sa sinasabi niya. Huminga ako nang malalim at inayos ko ang posisyon ko. Kung nasa akin lang sana ang cards ko, mas madali akong makakatakas mula rito.

“Seriously. That shitty old man,” pabulong niyang sabi at tumalikod siya sa akin. Again, I can sense her anger in her tone. Naalala ko rin ang nangyari kanina kay Kyo at Eichiro. I might be wrong but...

“May kinalaman ba ang council of elders sa pagkamatay ng anak mo?” After kong sabihin ‘yun ay nakita kong nagtense ang buong katawan niya. Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin siya gumagalaw at nung magsasalita na ulit ako ay humarap siya sa akin.

“Hindi mo na kailangang malaman.”

Bigla naman niya akong hinatak sa braso pero hindi ako makawala sa grip niya kahit nakakagalaw na ako. Pagtingin ko kung saan kami papunta ay nagawa kong pigilan nang kaunti ang paghatak niya. Maybe because I saw the experiment table in front of us.

Of course, hindi na bago sa akin ang ganitong set-up dahil may research facilities kami sa base pero hindi ko pa naman nararanasang umupo or humiga sa ganito. Sumagi rin sa isip ko ang sinabi ni Dana nung aksidente niyang nakita ang confidential laboratories namin. Sabi niya, mga bangkay ng Erityians na walang mga mata ang nakahiga sa experiment tables doon. Bigla akong kinilabutan nung naisip ko ‘yun.

I might end up like them.

“Lie down,” she ordered. Dahil hindi ako nagrespond for a few seconds ay tinulak niya ang balikat ko at nawalan ako ng balance hanggang sa mapahiga ako sa table.

“What are you going to do with me?” Hindi niya ako sinagot at may kinuha lang siya sa bandang ulunan ko. Nung nakita ko ‘yun ay pinilit kong tumayo pero biglang may belts na nagrestrict sa buong katawan ko.

“Don’t move.”

“No! Stop it!” She’s holding a huge syringe and I’m sure the fluid inside is the same thing she used to numb my whole body.

“It’s better this way.” Bago pa ako makapagsalita ay ininject niya sa braso ko ang syringe at unti-unting nawawalan ng pakiramdam ang buong katawan ko.

“D-Damn...”

Nanlalabo na rin ang paningin ko at bumibigat ang mga mata ko. Then all of a sudden, my heart beat accelerated and became erratic. Hindi rin ako makahinga nang maayos at pakiramdam ko ay sasabog ang lungs ko.

“I’m sorry, kid.”

I cried out loud because my whole body aches and it feels like my muscles are tearing apart. But after some time, I don’t even know if it lasted for a minute or an hour, the pain faded. My heart beat steadied but I realized it’s getting slower every second.

“Do you want to know what happened to my daughter?” tanong niya pero hindi ko na siya masyadong makita dahil sobrang labo na ng paningin ko. Hindi na rin ako makapagsalita dahil parang natuyo na ang lalamunan ko at hindi ko maigalaw ang labi ko.

“You see, her sixth sense involves shadow. She can manipulate a thing’s shadow by just touching it. According to our studies, Black Dimension might be the Earth’s shadow projected in a different dimension that’s why time and distance are not the same as here.”

Sa tingin ko ay pumunta siya sa bandang paanan ko dahil ‘yun ang image na gumagalaw sa paningin ko. Pati ang pandinig ko, unti-unti na ring humihina at bumibigat na rin ang mga mata ko.

“Since his father became somewhat immune to the Black Dimension, those elders thought na namana niya rin ‘yun sa kanya. Without our knowledge and consent, they gave her a mission to travel that dimension and gather data.” Narinig ko ang pagcrack ng boses niya. “That child, because she wanted to make us proud, she just left a note and she accepted that ridiculous mission. She’s just twelve that time. Can you imagine that? Nung nalaman namin ‘yun ay huli na ang lahat. Pumunta si Kyo sa Black Dimension at...at...nakita niya ang sapatos at butones ng damit ng anak namin. Nalaman din namin na recorder ang butones na ‘yun at nung niretrieve namin ang video, nakita namin ang buong pangyayari.”

Nagulat ako nung biglang nawala ang hinihigaan ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. The next thing I knew, I was already drowning. Napapalibutan ako ng liquid at lalong naging restricted ang galaw ko. Naramdaman kong gumalaw ang paligid at pagkalipas ng ilang segundo ay kaharap ko na si Dr. Miwako at may salaming nakaharang sa aming dalawa.

Then realization hit me. This liquid...this place...this sensation...

I’m inside a cryogenic chamber.

“She ended up near your base and your father, that monster, was coincindentally at that place and killed her without a second thought. Nagawa niya pang buhatin ang katawan niya at paniguradong pinag-aralan din siya,” she said though I don’t know how can I hear her inside this chamber.  I heard her laugh bitterly and saw her outline walking towards me.

“Now those elders gave me this chance to get my revenge by experimenting on you.”

Upon hearing that, my whole body trembled. Ayokong matulad sa mga bangkay na nakita ni Dana sa research labs namin. Ayokong mapag-aralan ang katawan ko. Ayoko pang mamatay. Why do I have to suffer because of my father’s sin?

“But I am not a monster at kapag ginawa ko ‘yun, wala na rin akong pinagkaiba sa doctors and scientists ninyo. And how can I do that if you remind me so much of her? Spying on us and getting caught in the end. Ito lang ang alam kong paraan para hindi ka mamatay sa lugar na ‘to.”

Naramdaman ko ang pagkabit ng iba’t ibang wires sa buong katawan ko at pagkatapos nun ay nandilim na ang paningin ko. Wala na rin akong marinig sa paligid at biglang huminto ang pagtibok ng puso ko.

‘Sleep for a while, kid. I’m sorry.’

Damn it...

I don’t want to be alone in this cold chamber for a long time. I want to see my friends, Rin, Sarah...and him. Maybe this is my punishment for my betrayal and selfishness. I’ll die alone and no one will know about it.


***