***

“Mayu,” sabi bigla ni Hideo.

“Yeah.”

May nilabas naman na parang controller si Mayu at may pinindot siyang button. Hindi ko alam kung para saan ‘yun pero parang may hinihintay siyang dumating.

“Akala ko ba pupunta tayo sa agency?” Nakakunot na naman ‘yung noo ni Mitsuo.

“Mag-antay ka,” sabi sa kanya ni Naomi at saka siya hinampas sa likod. Naubo naman si Mitsuo dahil sa lakas ng impact. Feeling ko kapag ako ang hinampas nang ganun, lalabas ang baga ko.

Ilang seconds pa lang ang lumilipas ay may nakita na akong paparating sa amin. Pagtingin ko, parang van. Nung huminto na sa tapat namin ay nilapitan ‘yun ni Mayu.

“Mitsuo, Akemi, this is Miyu, a programmed vehicle designed by my father.”

“Nice to meet you, Masters.”

Naamaze ako agad nung pumasok kami sa loob. Ang taas talaga ng level ng technology ng Senshins. Samantalang sa amin, ‘yung scientists ay more on making drugs. Drugs as in gamot na iniintake para pumatay nang walang evidence sa katawan. Though hindi pa rin napeperfect hanggang ngayon.

“Kakatapos lang ng programming sa kanya nung isang araw kaya kaming lima lang ang kilala niya. I’ll add your names later,” sabi ni Mayu sa amin.

Pagpasok sa loob ay kakaiba ang space. Parang hindi ganito kalaki kapag nasa labas ka. May mababang lamesa sa gitna at cushions. Sa side naman ay may holograms na puro computer terms ang nakikita ko, then sa harap ay ‘yung mismong main system ng sasakyan. This is really awesome.

Umupo kami doon sa gitna at may nakita akong paperworks sa lamesa.

“Oh, sorry,” sabay ligpit naman ni Mayu sa mga papel at pumunta siya sa main system ni Miyu.

“Ano ‘yun?” tanong ko kay Michiko na nasa right side ko.

“Projects niya sa Technology department. After three years kasi ay magreretire na si Sir Aiwa kaya naghahanda na siya para maging head.”

“Sir Aiwa?”

“Her father, also known as the Legendary Mechanic.”

Bigla akong kinilabutan nung narinig ko ‘yun. Kaya pala parang pamilyar ‘yung pangalang Aiwa. Siya ‘yung sinasabi ni Dad na kailangan naming mapatay dahil sa inventions niya. He’s a huge threat to us. I need to gather data as much as possible.

“Bakit pala siya magreretire? Hindi na ba niya kaya?”

“Well, 52 years old na siya and tradition sa kanila na kapag 25 na ang next heir ay siya na ang magiging head.”

“What will happen to him?” Napatingin naman ako kay Mitsuo. Mukhang interested din siya kay Aiwa.

“Magiging adviser na lang siya ng Technology department pero ang alam ko, sabi ni Mayu ay may gusto raw puntahan si Sir Aiwa na lugar.”

“Away from Tantei High?” tanong ko ulit.

“Yep!”

There. Pwede namin siyang ma-corner kapag aalis na siya sa campus. Kailangan kong marelay ang information na ‘to. But before that, I need to calm down. Naomi can read closed minds. Kahit saradong-sarado na ang isip ko, kailangan ko pa ring mag-ingat.

Hindi ko muna inisip ‘yung tungkol kay Aiwa at nagfocus ako sa pupuntahan namin. Nung huminto na ‘yung sasakyan ay nasa harapan na kami ng...

“Police station?”

Akala ko ba agency ang pupuntahan namin? Bakit nasa police station kami?

“Haha! Don’t worry, tama lang tayo ng pinuntahan,” sabay pasok ni Akira doon sa loob.

Since isa-isa na silang pumasok ay sumunod na lang ako. Nagulat ako nung ang mga officer na sumalubong sa amin ay yellowish to green ang kulay ng mga mata. So this is not an ordinary police station. Police force pala ‘to ng Senshins.

“Most of them are Shinigami trackers, by the way,” dagdag ni Naomi. Pagkasabi niya nun, lalo akong kinabahan.

Calm down. Calm down. Hindi nila ako mahuhuli. Kaya nga ako ang pinadala sa secret mission na ‘to eh. I need to calm down.

“Are you okay?” Muntik na akong mapalundag nung may bumulong sa tenga ko. God! Sa sobrang focus ko sa pagkalma ay ‘di ko namalayan na lumapit na pala ‘tong Hideo na ‘to sa akin!

“Oo.” Pero at least, natanggal na ‘yung kaba ko sa katawan dahil sa gulat sa kanya.

“Bigla ka kasing namutla,” sabi niya pero nakatingin lang siya sa harapan.

“Ah. Hindi lang ako sanay sa maraming tao.”

“Kaya pala namumutla ka rin nung Family Announcement.”

“Y-yeah.”

He’s dangerous. Masyado siyang observant. I never thought na mahihirapan agad ako sa first day ko rito. Kung hindi ako mag-iingat kapag kasama ko ang mga ‘to, baka mapahamak ako.

Binuksan naman ni Michiko ‘yung pinto sa dulo ng station. May isa pa palang room doon. So, ito ang agency? Good move, Senshins. Magkasama ang agency at police station. Another piece of information.

“Ah. Andito na kayo.”

“Yes, sir!”

Pagkakita ko pa lang sa lalaking nasa desk ay nanigas na agad ‘yung katawan ko at napatigil ako ng ilang segundo sa paghinga.

“Sir, bagong members nga pala ng Atama, sina Mitsuo at Akemi,” sabay turo sa akin at kay Mitsuo ni Akira.

“Mmm.”

Lalaking laging naka-sunglasses, may sigarilyo at may mahabang scar sa right cheek—he is Kyo, the one who wounded my father’s arm. Siya lang ang nakalaban ni Dad na nakapag-iwan ng sugat sa kanya at nasa Death List rin siya ni Dad. Hindi ko akalaing makikita ko kaagad siya.

Bigla siyang tumingin sa akin at naging stiff lalo ang katawan ko. Parang binabasa niya ang buong pagkatao ko at hindi ko maputol ‘yung tingin niya sa akin.

“Ito ang case,” bigla niyang sabi tapos hinagis niya sa amin ‘yung papel. Hindi ko alam kung sinasadya ba or coincidence lang na saktong lumanding ‘yung mga papel sa mga kamay namin.

“What’s the time limit?” tanong ni Hideo.

Time limit? Time limit ng ano?

Nilagay naman niya sa ashtray ‘yung sigarilyo niya at saka siya tumayo. Pumunta siya sa kabilang side ng room kung saan may pinto rin.

“Two hours,” sabi niya at saka siya pumasok doon.

“Yes, Sir!”

Nung nakaalis na siya ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko napansin na sobrang pressure pala ang naramdaman ko nung nandito siya sa room na ‘to. Akala ko mawawalan na ako ng hininga kanina.

“Two hours, huh? Mas naging limited ang time ngayon,” sabi ni Naomi.

“Para saan ‘yung two hours?” tanong naman sa kanya ni Mitsuo.

“Time limit ng pagsosolve ng case. We always cases under the pressure of time. Ganun kami sinanay ni Sir Kyo kaya tara na,” saka niya hinampas ulit si Mitsuo.

“Aray!”

Lumabas kami doon sa agency pero bago ‘yun ay napalingon ako doon sa pintong pinasukan niya. Para saan kaya ‘yun? May room ba ulit sa kabila nun?

“Hallway lang ‘yun,” biglang sabi sa akin ni Mayu.

“Hallway?” Paano nagkaroon ng hallway doon?

“Yeah. Normal hallway lang ‘yan pero 1.5 kilometers ang haba at connected siya sa Midori building. Safety route ‘yan kung sakaling may umatake rito though sobrang layo nga lang ng lalakarin mo.”

“Bakit doon siya dumaan?”

“Morning exercise ‘yan ni Sir Kyo. Tara na,” saka niya ako hinatak palabas doon sa agency.

Nung nasa loob na kami ni Miyu, nag-gather kami doon sa table at tinignan namin ‘yung papel na binigay niya sa amin—picture and description ng isang crime sa may bangko.

“Hmm. Gusto kong makita ‘yung mismong crime. Ang hirap makita nung buong picture dahil sa angle,” sabi ni Akira.

“At mas makikita rin natin ‘yung mismong crime scene,” dagdag naman ni Michiko.

Wow. Ganito ba sila? Nagiging seryoso silang dalawa bigla kapag crimes na ang pinag-uusapan. Hindi halata na galing sa kanila ‘yung mga kalokohan kanina.

‘Makukulit sila pero pagdating sa mga ganito, maaasahan mo sila.’ Napatingin naman agad ako kay Naomi. Nabasa niya ba ang isip ko o halata lang sa itsura ko? I should close my mind more tightly.

“We’re here, Masters.”

Bigla namang huminto ‘yung sasakyan kaya lumabas agad kami. Nasa harap na kami ngayon ng bangko kung saan ang daming tao sa paligid.

“Excuse me, excuse me!”

May kinausap na pulis si Michiko at agad kaming pinapasok sa loob ng bangko. Pagkapasok na pagkapasok namin, nakita agad namin ‘yung patay sa gitna. Kumalat na ‘yung dugo sa paligid niya at mukhang medyo tuyo na.

“Oww. Akala pa naman namin magffreak out kayong dalawa kasi first time niyo sa isang case,” sabi ni Akira sa amin ni Mitsuo.

“Sanay na ako,” sabi naman ni Mitsuo.

“Ako rin,” sabi ko naman. Well, normal na sa aking makakita ng bangkay dahil ako ang pumapatay dati. But I can’t tell that to them.

“We only have two hours. Let’s go,” at saka nanguna si Hideo sa pagpunta sa crime scene.


***