.

.

Chapter 51

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, November 20, 2015


***

Nakatulala lang ako sa kanya at hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. I can’t believe he found me.

‘Akemi,’
mahina niyang sabi at tumakbo siya papunta sa akin. He pulled me in a hug and I don’t know how but it seems like I have a body. Is this a manifestation of my thoughts, too?

‘H-Hideo...’
Saying his name made me broke into tears. I suddenly realised how lonely and terrified I was in this darkness.

‘I found you. I really found you.’
I just nodded and silently cried on his chest.

Katulad ng sinabi ni Dr. Miwako, madali kong nabasa si Hideo at lalo akong nasaktan dahil hindi ko narealise kaagad na ganito kabigat ang dinadala niya. His pain might be even greater than mine. No one knows how much he’s hurt and he’s carrying a lot of burden by himself.

‘Marami akong dapat sabihin sa’yo pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Your thoughts...your body...our...our child...’
sabi niya habang nakatingin sa akin pero ngumiti lang ako.

‘I know. I know all of them.’
Kita naman sa mukha niya ang pagkagulat. ‘This intangible form of mine was listening to you and Dr. Miwako’s conversation. I didn’t know I was wandering this dimension for five months.’

Five months. Saying that feels weird. Parang ang bilis ng lahat. Hindi ko pa rin lubos maiisip na limang buwan na ang nakakalipas dahil parang kahapon lang ang lahat.

Umupo kami at hinawakan niya ang kamay ko.
Sa totoo lang, kahit wala kaming sabihin sa isa’t isa ay ayos lang. Nababasa ko lahat ng iniisip niya at ganun din siya sa akin, but I need to keep myself busy because his pain and loneliness is so overwhelming.

‘Thank you for risking your life to save me,’
I said even though I know that a simple thank you isn’t enough. Ngumiti naman siya sa akin. The kind of smile you don’t want to see because it feels so heavy.

‘You’re the risk I’ll take even if it means death.’

‘Stupid,’
sabi ko na lang kahit na ganun din ang gagawin ko kung ako ang nasa posisyon niya.

Then nabasa ko sa isip niya ang
‘Is she really okay?’ Napabuntong-hininga na lang ako. Binitiwan ko ang kamay niya at pumunta ako sa likuran niya. I hugged him.

‘I should be the one asking you that. Are you okay? You’re always worrying about other people but not about yourself. You’re really strong.’

I takes a lot of strength to have his mentality. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya ay nagbreakdown na ako. He’s not just physically strong, but mentally too. Nakita ko namang ngumiti siya pero dama ko ang lungkot sa ngiting ‘yun.

‘That’s the curse of being strong. No one asks if you’re okay.’
Natahimik naman ako but I nodded in agreement. I can actually relate with that. ‘But it feels refreshing to hear those words. Thank you,’ he said with an unstable voice.

This guy, he still doesn’t want anyone to see his pain. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at saka ako bumulong.

‘You know what, no matter how strong you are, there are times that you need to let your pain, your frustrations, your worries and your troubles come out. Crying doesn’t mean you’re weak. In fact, crying is the best way to express the pain.’

Pagkatapos kong sabihin ‘yun ay naramdaman ko ang pag-iyak niya. Tahimik lang siyang umiiyak but it pains my heart to see him like this. On the other hand, alam kong mas gagaan ang loob niya at mababawasan ang sakit na nararamdaman niya.

Gaya niya, hindi ko rin pinapakita sa iba ang kahinaan ko. Kadalasan, umiiyak lang ako kapag mag-isa ako. Gusto kong makita ako ng iba na malakas. Maybe it’s a trait of leaders and strong people.

Hinayaan ko siyang umiyak at hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas nung kumalma siya at tumigil. Nilalaru-laro niya lang ang kamay ko habang tahimik naming binabasa ang isip ng isa’t isa. How I wish we can stay like this for a long time. But that’s impossible.

Bigla ko namang naalala ang magiging anak namin. Hindi ko akalaing magbubunga ang nangyari sa amin nung gabing ‘yun. At ngayon, limang buwan na ang nakakalipas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi ko naman ‘to inaasahan. Ni hindi pa sumasagi sa isip ko dati ang magkaroon ng pamilya dahil sa dami ng problema na kinakaharap ko. Yet, here I am, carrying a child inside me. I may not be prepared to have him or her but her existence will cause a stir.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Hideo sa braso at kamay ko.

‘Everything will be alright. I’ll protect the both of you.’
His voice is so comforting yet my fear is overpowering.

‘I’m scared. I’m really scared for her, Hideo. Totoo ang sinabi ni Dr. Miwako kanina. Kapag nalaman nila ang tungkol dito, posibleng magkaroon ng malaking gulo. After all, this child will be the first halfblood in history. She won’t belong in either tribe. They won’t accept him or her completely.’

Hindi siya nakapagsalita dahil alam kong pareho kami ng naiisip. Pareho kami ng nararamdaman para sa kanya. Kami lang ang meron siya at kami lang ang makakaintindi sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ng Council o nina Mom at Dad kapag nalaman nila ‘to.

‘I really want to stay with you like this but it might be dangerous for the both of us,’
sabi naman niya at naalala ko ang mga sinabi ni Dr. Miwako regarding seventh sense.

‘Yeah...’

‘Let’s go,’
sabay alalay niya sa akin para tumayo.

‘Pero hindi ko alam ang dapat gawin. I don’t know how to get back to my body.’

‘I’ll guide you.’

Naglakad kami papunta sa kung saan at hinayaan ko siyang hatakin ako. Habang naglalakad kami ay bumibigat ang pakiramdam ko at lumalabo ang paligid. Tanging likod na lang ni Hideo ang nakikita ko at pagkahinto namin ay napasigaw ako dahil parang dinudurog ako. I can suddenly feel pain...physical pain and then I lose consciousness.

***

A familiar sensation coursed through my body. I can feel my limbs and I can hear my own heartbeat. Nararamdaman ko rin ang liquid na pumapalibot sa akin at kung paano nun nirerestrict ang kilos ko. Maging ang wires na nakakabit sa buong katawan ko ay nararamdaman ko. But most of all, I can feel a life within me.

I slowly opened my eyes but everything is blurry. The first thing I checked was my tummy and it feels weird to see it like this. I tried reaching for it but the wires and liquid limit my movement.

Then suddenly, the chamber exploded and I was thrown off by the pressure.
Nakaramdam ako ng takot hindi dahil sa pagsabog kundi para sa bata sa loob ko. Hinila ko ang wires na nakakabit sa akin para lang mahawakan ko ang tiyan ko pero halos magdilim ulit ang paningin ko nung ginawa ko ‘yun. Nung nakalabas na ako sa chamber at sa liquid na bumabalot sa akin, halos mapasigaw ako sa sobrang sakit na naramdaman ko. My body feels so weak and I can’t breathe properly. My head aches so bad that I want to hit it repeatedly. And at that moment, someone saved me from the fall.

“Rielle...” I squinted and saw familiar faces.

Kid and Keith are here.

Ilang segundo pa ang lumipas bago mag-register sa isip ko na nandito sila pero wala na akong panahon para magulat o magtanong pa. I am on the verge of passing out but I willed my consciousness to stay with me for a few minutes.

Nakita kong saglit silang napatingin sa tiyan ko pero after that ay nagfocus na ulit sila sa paligid. Kid covered my body with his cloak and carried me. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito silang dalawa. Gusto kong tanungin kung anong nangyayari dahil masyado pang clouded ang isip ko matapos ang...

Wait...

Where’s Hideo?

Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya pero walang lumabas na boses sa akin. Inalala ko ang huling nangyari pero masyadong clouded ang isip ko at parang naghalu-halo na lahat ng alaala ko.

Naglakad si Kid papunta sa pintuan at nakita ko ang buong room. The room is a mess and I saw Dr. Miwako lying unconscious on the floor. The alarms started blaring and red lights flooded the room. Pero bago kami makalabas sa kwartong iyon ay nakita ko ang nag-iisang chamber na nakatayo sa loob, and I saw him inside it.

‘Hideo...’
I tried reaching his mind, hoping that we’re still connected, but I got no response. Nawalan na ako ng pag-asa nung nakalabas na kami sa room but suddenly...

‘A...ke...mi...’
I heard his voice inside my head but it sounded so weak. ‘Don’t...leave...’

Napapikit ako nung narinig ko ‘yun dahil hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.

‘I’m sorry...I’m sorry, Hideo.’

After that, hindi ko na ulit narinig ang boses niya. Gusto kong mangako sa kanyang babalik ako pero natakot akong sabihin dahil baka hindi ko magawa.

“Kid, faster! May mga paparating na rito!” sigaw ni Keith at naramdaman kong papunta na kami sa main hallway ng Medical department.

“Rielle, stay with us.” Nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha ni Kid habang nakatingin sa akin. Ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso niya at ang mabigat niyang paghinga.

“Shit. Kid, we need to use the Black Dimension again. Kaya mo pa ba?” tanong ni Keith habang nagtatago kami sa isang room. Doon ko lang napansin na ang putla ni Kid.

“I still can. Let’s go.”

Naramdaman ko ang pagbukas ng Black Dimension at agad kaming pumasok doon pero kasabay nun ay ang pagpigil ni Kid sa pagsigaw niya.

“K-Kid...” For the first time, narinig ko ang sarili kong boses kahit na hoarse at mahina. Nagcollapse ang binti ni Kid pero mahigpit pa rin ang paghawak niya sa akin habang si Keith ay lumapit sa amin at hinatak kami palabas sa Black Dimension. Pagtingin ko, nasa hallway kami pero hindi ko alam kung anong building ‘to.

“Tsk. We really can’t open the Black Dimension carelessly here,” sabi ni Keith habang inaalalayan niya kami ni Kid. “May detector sila sa buong campus kapag bumubukas ang Black Dimension pero hindi ko akalaing may traps at alarms din mismo sa loob ng Dimension.”

Dahil sa sinabi ni Keith ay naalala ko ang naging stay ko rito. Hindi ko pa naranasang magbukas ng Black Dimension sa loob ng campus dahil alam kong may detectors sila pero hindi ko alam na may traps din. Kaya rin siguro mahirap mag-spy rito ay dahil hindi namin ma-utilize nang maayos ang Black Dimension sa loob ng campus, unless doon lang sa may parteng gubat na.

Naramdaman ko naman ang unti-unting pagbalik ng pakiramdam ko. Nagagalaw ko na ang katawan ko pero nanghihina pa rin ako. Tinapik ko ang braso ni Kid at pareho silang napatingin sa akin.

‘Thank you,’
sabi ko at sabay silang ngumiti kahit na nasa ganitong sitwasyon kami. Hindi ko napigilan ang luha ko.

“We’ll do everything for you,” mahinang sabi ni Kid at tumango naman si Keith. Niyakap nila akong dalawa at sobrang namiss ko ang company nila.

“I don’t want to spoil this reunion but we really need to get out of here. Paniguradong paparating na sila rito,” sabi naman ni Keith.

“Okay. Let me rest for a minute first,” dagdag ni Kid pero alam kong nasa limit na siya. Maybe they have been travelling the Black Dimension inside the campus for some time.

Tatayo na sana si Kid pero napatigil kaming lahat nung naramdaman namin ang pagbukas ng Black Dimension at nagulat ako nung lumabas ang isa sa mga mapagkakatiwalaan ko.

“D-Demi...”

“Meow.”

Tumakbo siya papunta sa akin at tumalon sa cloak na nakabalot sa akin. Bigla naman akong nakaisip ng paraan para makaalis dito nung makita ko si Demi at mukhang nahalata nila ang pagpapanic ko dahil nakatingin lang silang dalawa sa akin.

“Are you oka—”

“I...I...have a plan,” mahina kong sabi.

Inexplain ko sa kanila kung ano ang plano ko gamit ang inner voice. Hindi ko alam kung magagawa namin ‘to pero wala na kaming choice. Kung gusto naming makaalis dito ay ito lang ang naiisip kong paraan na hindi kami madedetect.

“Hindi ko alam kung ano ang epekto ng Black Dimension sa real dimension pero para makasiguro tayong walang makakapasok dito ay ito lang ang magagawa natin,” sabi ni Keith after kong mag-explain.

“I can only open it for a few seconds, though. Ikaw na ang bahala sa akin,” sabi ni Kid kay Keith.

‘I-I’m ready...’
dagdag ko naman. ‘Ikaw na rin ang bahala sa akin, Keith.’

Napabuntong-hininga si Keith dahil sa mga sinabi namin. “Yeah. I hope this goes well.”

Tumingin naman ako kay Demi na siyang susi sa success ng plano namin. “Demi...guide Keith, okay?”

“Meow.”

My plan is to extend the Black Dimension at this place first to ensure that no one can enter here, in this hallway, though I don’t know if the effect of the Black Dimension would still be the same. To do that, I need to repel the Black Dimension that Kid will manipulate, to the real dimension. I don’t know if I can pull that off but I have to do it. After that, Demi will guide Keith to navigate the Black Dimension since she’s the only one I know who can freely wander the Dimension without getting detected.

“Are you ready, Rielle?” tanong ni Kid sa akin at tumango naman ako.

Naramdaman ko kaagad ang tension sa paligid and after a few seconds ay inopen niya ang Black Dimension and at that moment, I willed my remaining strength into my eyes and repelled that portion onto the hallway. Upon doing that, my whole body felt heavy and I saw Kid collapsed. Before I could say anything, my vision went black and the last thing I saw was Keith running toward us.


***