.

.

Chapter 52

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 29, 2015


***

Nasa isang madilim na lugar na naman ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero habang naglalakad ako ay parang lumiliit ang paligid. Hanggang sa tuluyan nang nag-compress ang buong paligid papunta sa akin na naging dahilan para mapasigaw ako.

“Rielle!”

Nagising ako habang hinahabol ang paghinga ko. Noong una ay wala akong makita pero makalipas ang ilang segundo ay naaninag ko ang kisame at napabuntung-hininga ako. Panaginip lang pala.

“Rielle...” Napalingon ako at nakita ko si Kid na nakatingin sa akin. Sinubukan kong bumangon pero pinigilan niya ako. “Don’t move,” bulong niya.

“Where are we—” Napatigil ako nung nakita ko ang paligid.

We’re surrounded by walls, there are no windows, the room doesn’t have anything except the bed where I’m lying...and the rails in front of us. We’re inside a prison.

Napatingin ako kay Kid at nag-iwas naman siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang gulu-gulo ng isip ko. Nadidisorient ako at hindi ko maalala kaagad ang mga nangyari dati. It must be the effect of my long slumber.

Sinubukan ko namang alalahanin ang nangyari bago ako magising at halos sumakit ang ulo ko dahil doon. Makalipas ang ilang minuto ay naalala ko ang nangyari sa hallway. Wait, are we still inside the campus? Did we fail?

“Nasaan tayo? Where’s Keith?” mahina kong tanong kay Kid at inabot ko kaagad ang kamay niya dahil nakaramdam ako ng takot, habang ang isa kong kamay ay nilagay ko sa tiyan ko.

“Dungeon.”

Kahit madilim ay kitang-kita ko ang mga mata niya at dahil sa expression niya ay agad kong narealize kung nasaan kami. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at huminga ako nang malalim dahil sa nagbubuild-up na frustrations sa loob ko.

Nagawa naming makabalik sa base pero hindi ko inaasahang magigising ako sa loob ng kulungan.

“Sinong nag-utos nito?” tanong ko ulit pero hindi siya nakapagsalita. Pinilit ko ang sarili ko na umupo at tinulungan naman niya ako. Magtatanong na sana ulit ako pero napatigil ako nung may narinig akong boses.

“Sir Subaro’s order.” Pagtingin ko sa kabilang side ng rails ay nakita ko si Raizo, one of Dad’s Elites, habang seryosong nakatingin sa amin.

So it’s really Dad’s order. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak dahil ayokong makita nila ako sa ganung kondisyon. Mabuti na lang at medyo madilim dito at tanging torch lights lang ang nagbibigay ng liwanag sa parteng ‘to ng dungeon.

“What did he say?” tanong ko kay Raizo pero nagulat ako nung lumitaw si Dad sa tabi niya. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko nung nakita ko siya pero nangibabaw ang takot ko.

“You’re really a disappointment,” he said with a cold voice. “You’ve failed to be an eye and now, you became too weak.” He gripped the rails so hard and I winced automatically. “You have no right to rule my tribe if you can’t even control yourself.”

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Kid sa akin at nagulat ako nung nakita kong balak niyang magsalita. “Sir—” Hinila ko ang kamay ni Kid but I was too late.

“Don’t talk, Elite,” Dad said and Raizo unsheated his sword. Agad akong napatayo at humarang sa direksyon ni Kid.

“Don’t you dare hurt him, Elite,” I said indifferently to Raizo while imposing our status and he immediately stopped his movement. Tumingin ulit ako kay Dad but this time, I held my head high.

I remember Hideo’s face while pleading me not to leave. It was too painful but I need to move forward and I have to do something if I want to be with him. After all, our child might be the bridge for reconciliation of our respective tribes, or the cause of a deeper hatred with each other.

I want to give my child a better future. Even though there’s a slim chance, I would gamble on it. I am going to unite the Senshin and Shinigami tribes.

“You’re wrong, Dad.” Nakita kong kumunot ang noo niya but I continued anyway. “I may not be as strong as you but I can lead the tribe. And I’m going to.”

Hindi siya nagsalita pagkatapos nun pero alam kong napaisip siya dahil sa pag-tap ng daliri niya sa rails. He may not notice it himself but I’m always looking at him since I was young and I know his mannerisms.

“Then prove yourself,” bigla niyang sabi at nabuhayan ako ng loob.
“Kurai,” sigaw ni Dad at lumitaw ang isa niya pang Elite sa kaliwa niya. Binuksan nila ang rehas at lumapit sina Kurai at Raizo sa akin. Napalingon naman ako kay Kid at nakita kong hindi siya makagalaw. Kahit gusto ko siyang tulungan ay pinili kong huwag gumawa ng kahit ano para makuha ang loob ni Dad...

...pero nagulat ako nung dinala nila ako sa isang separate prison at kinabitan nila ako ng kadena sa magkabilang paa ko.

“Dad...”

“Bring your mental strength to its former glory and I might give you another chance.
Sa ngayon, mananatili ka rito hanggang sa matapos ko ang paghahanda.” Kinutuban naman ako ng masama sa sinabi ni Dad.

“Paghahanda para saan?” He smiled cruelly but I can see the rage in his eyes.

“An all-out war against the Senshins.”

Nakatulala lang ako habang hinihintay kong mag-sink in sa utak ko ang sinabi ni Dad. Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad palayo pero napahinto siya bigla.

“As the Shinigami head, I have zero tolerance to failure, that’s why you’re here. But as your father, it is my duty to hunt those who ruined you,” sabi niya at saka siya tumingin sa akin. “Get rid of those emotions bothering you and prove your worth. After all, you’re my original successor and you’re much stronger than your sister. Get stronger than me, Rielle.”

Hanggang sa pag-alis niya ay hindi ko naalis ang tingin sa likod niya. Bumalik ako rito na buo na ang loob sa balak kong gawin pero pagkatapos ng sinabi ni Dad sa akin ay unti-unti na namang nagugulo ang isip ko. After all, that was the longest conversation I had with him.

But as your father, it is my duty to hunt those who ruined you.

Ahh. So this is how it feels...A father who’s going to do everything for her daughter. It may not sound sweet to others, but for me, that’s the most fatherly thing he said to me.

Get stronger than me, Rielle.

And he called me by my name. Kapag nakikita ko siya o nagtetraining kami, lagi niya akong tinatawag na child, brat or kid. He always sees me as the child he needs to train because I’m going to be the next Shinigami leader and not his daughter. But after calling me by my name, it was so heartwarming.

Napaupo ako sa kama at kinalma ko ang sarili ko. Inisip ko nang paulit-ulit ang dahilan kung bakit ako nandito. I’m going to unite our tribes so that our child can live peacefully in the future, and the only way I can think of is becoming the head of the Shinigami tribe.

‘Rielle...’

Nagulat naman ako nung narinig ko ang boses ni Kid sa isip ko. He sounded so tired and it pains me to hear him like this. Naalala ko tuloy ang unang pagkakataon na nakulong siya dahil sa nangyari sa mga pinatay niyang Custos agents.

‘Why?’
I asked in a pleasant tone.

‘That child...is it his?’

Hindi agad ako nakasagot dahil bumigat ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa tiyan ko at naalala ko ang gabing ‘yun. This child is a product of an accident but I didn’t regret having him or her.

‘Yes...I’m sorry.’

‘Bakit ka nagsosorry?’

Lalong bumigat ang loob ko. Noong hindi pa binibigay sa akin nina Dad ang mission na ‘yun, si Kid ang itinuturing kong future husband. It’s not uncommon for Erityians to have a family at their early twenties since we have shorter life span compared to humdrums. After all, we’re always facing danger and our lives are always at stake.

Kid is my closest guy friend and comrade, and it’s not hard to fall in love with him. Kasama ko na siya simula mga bata pa kami, along with Keith and Dana. I think we have the same thoughts for each other kaya naman hindi ko inaalala ang future ko dati. Pero simula nung mapunta ako sa Tantei High, simula nung makilala ko si Hideo, nagbago na ang lahat.

I fell in love with him.

‘Don’t say sorry, it’s not your fault. Ang mahalaga, ligtas ka ngayon.’
Nag-nod na lang ako kahit hindi niya ako nakikita at kahit na naguguilty pa rin ako sa nangyari.

‘Thank you, Kid, for staying by my side and for saving me.’
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

‘An Elite should always be loyal to his or her Royal. I’ll always protect you until my death.’

Hindi na ako nakapagsalita after that.
Sinubukan kong humiga sa kama pero nahirapan ako dahil sa kadenang nakakabit sa paa ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakahiga nang tuluyan pero hindi ako dinadalaw ng antok at buhay na buhay pa ang utak ko.

Memories started flooding my mind.

My thoughts were still disorganized but somehow, I can remember my mind’s manifestation roaming around that dimension. Dahil wala akong sense of time noong mga panahong ‘yun, hindi ko alam kung kailan nangyari ang ilan sa mga nakita ko that time.

‘Kid?’

‘Hmm?’

‘Pinuntahan ka ba nina Keith at Dana dito before para pagplanuhan ang pagkuha sa akin habang...habang buntis siya?’
Hindi kaagad nakasagot si Kid pero after a minute ay narinig ko siya.

‘Paano mo ‘yun nalaman?’

‘Long story. But, when did that happen?’

‘That was four months ago, when she was 6 months pregnant.’

Nagulat naman ako sa narinig ko. Ibig sabihin, during that time na nakita ko sila, isang buwan na akong natutulog sa chamber na ‘yun. Ilang months naman kaya ang lumipas noong nakita ko sina Naomi, Rin at Sarah? But I’m sure na nung nakita ko si Hideo ay same day na niligtas ako nina Kid.

Wait, so that means nanganak na siya.

‘What’s the name of their child?’
tanong ko ulit kay Kid.

‘Darwin Kei Soledad.’

That’s a nice name. I hope I can see them right now.

Naging alert naman ako nung may naramdaman akong presence sa paligid bukod sa amin ni Kid. Bumangon ako sa kama at umupo ako sa gilid nun habang hinihintay ko kung sinuman ang papunta rito. Akala ko nung una ay Elites lang nina Mom or Dad but I was not prepared to see these two.

Standing in front of my cell was Rin and Sarah.


***