.

.

Chapter 54

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, December 20, 2015


***

“Mama!” sabay tawa niya at takbo papunta sa akin. “Natalo ko si Papa!”

“Talaga?
Wow, you’re so strong.” Nakitawa na rin ako sa kanya at ngumiti ako habang papalapit naman sa amin ang Papa niya.

“Strong enough to beat me,” sabi niya sa akin at natawa na lang ulit ako dahil sa pakikipaglaro niya sa anak namin.

Pero nagbago ang lahat. Nawala ang anak namin.
Nawala siya. Naiwan akong mag-isa sa isang madilim na lugar. Sigaw ako nang sigaw. Tumakbo ako nang tumakbo pero walang nakakarinig at tumutulong sa akin. I cried for help but I am alone.

Nagising ako habang hinahabol ang hininga ko. So that was just a dream.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nadisorient ako at nagpanic dahil sa dilim. I can’t estimate the distance of my surroundings and it feels like my sight is concentrated at the right side.

“Rielle! Are you okay?” Napatingin ako sa right side ko at nakita ko si Kid. Bigla niya akong niyakap at doon ko lang narealize na nanginginig ako sa takot. Doon ko rin narealize na nasa loob ako ng kulungan. Pero sa huling pagkakatanda ko, nakahiga ako sa experiment table at...

Napahawak ako bigla sa kaliwang mata ko at naramdaman ko ang gasang bumabalot doon. I shuddered with horror when I realized my left eye wasn’t there.

“No...no...” My body convulsed and I can feel that Kid tightened his hug.

“Calm down, Rielle.”

“But my...my eye...”

“It’s okay,” he said while stroking my back. “as long as you’re alive.”

They really took out my left eye.

Napayakap na lang ako kay Kid at naiyak dahil sa sobrang galit sa ginawa nila sa akin.
Wala na akong pakialam kung sinuman ang makarinig pero humagulgol na ako sa sobrang sakit at sa nagpatung-patong kong frustrations. I betrayed the people who treated me as a friend. I betrayed my comrades here but they still helped and protected me. I failed Rin and Sarah and now they hate me. And now, my mother took my eye and ability.

Ito ba ang parusa ko dahil sinunod ko ang emosyon ko?

“Cry all you want. No one will hear you beside me,” bulong ni Kid sa akin at lalo lang akong naiyak. Niyakap ko siya nang mahigpit para maramdaman kong hindi ako nag-iisa...na may kasama pa ako.

“I’m scared,” I said between my sobs. Hinagod niya ang likod at buhok ko pero wala na siyang sinabi.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako para sa kapakanan ng anak ko, lalong-lalo na sa sinabi ni Mom tungkol sa kanya.

Make sure it’s safe. That child, I’m going to use her to lure her father. She’ll be the demise of that tribe and I will make her regret her birth.

Ayokong gamitin siya laban kay Hideo at lalong ayokong mapunta siya sa kamay ninuman. Both tribes can’t even accept me,  paano pa kaya ang magiging anak ko? The only place that she can call home is with me and his father.

Hideo...

Bigla kong naalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay. I managed to talk to him because of the faint connection of our minds.

‘Wait for me. I’m going to save you both. Wait for me, Akemi.’

I’ll wait for him but I don’t know if he can find us. This place is the deepest section of the Black Dimension and even Kyo, who can resist the dimension, won’t survive here for a few seconds. I need to find him, too. But how...

“Okay ka na ba?” biglang tanong ni Kid at doon ko narealize na tumigil na ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas dahil masyado na akong nalunod sa sarili kong pag-iisip. Tumango ako at humiwalay sa kanya habang patuloy na kinakalma ang sarili ko.

That’s right. Instead of crying, I should prepare for the worst. I don’t know what my Mom’s plans are but I know that she’s going to kill me once I give birth to my child. After all, I have no use for her. Waiting for my own death is terrifying but saving my child comes first and I don’t have the time to be afraid.

Bigla namang sumagi sa isip ko ang pag-uusap namin ni Dad.

“As the Shinigami head, I have zero tolerance to failure, that’s why you’re here. But as your father, it is my duty to hunt those who ruined you. Get rid of those emotions bothering you and prove your worth. After all, you’re my original successor and you’re much stronger than your sister. Get stronger than me, Rielle.”

I’m sorry, Dad. I’m sure you have no idea what Mom did to me and this was her own move, but it seems like I can’t carry out your order anymore.

Masaya ako na narinig ko ang mga salitang ‘yun mula kay Dad pero hinding-hindi ko na siya kayang sabayan. Hindi na ako makakatayo sa tabi niya. I’m just a broken Shinigami now. They didn’t just take my eye but also my sixth sense and my abilities. Alam kong bumaba ang capacity ng sixth sense ko dahil nararamdaman ko ‘yun. Half of my power was taken from me. Ngayon alam ko na kung bakit pinag-aaralan nila ang mga mata ng Erityians. It’s not just our brains, our eyes are also the source of our abilities.

Without our eyes, we are nothing.

But, I still have my right eye. I can still fight even though there’s a high probability that I’ll die trying. Huminga ako nang malalim at inayos ko ang isip ko. I’ve made up my mind.

I closed my eyes and reached for her. Alam kong maliit ang chance na maintindihan niya ako dahil sabi ni Dana, hindi applicable ang inner voice sa kanila, but I still tried.

‘Demi,’
I called but there was no response. I repeatedly called her name and I was on the verge of giving up but I suddenly felt a faint presence near me.

“Demi?”

“Meow!” Nagulat ako nung bigla siyang lumitaw sa paanan ko at maging si Kid ay napaatras.
Tumalon siya sa hita ko at sumandal sa tiyan ko.

“Demi!” Binuhat ko siya at napangiti ako. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya matapos ang lahat ng nangyari.

Bago pa ako maoverwhelm ay kinalma ko na ang sarili ko.
Nilapag ko si Demi sa sahig at pumunit ako sa laylayan ng damit ko.

“What are you doing?” tanong ni Kid habang ginagawa ko ‘yun. Sinugatan ko rin ang daliri ko at agad akong nagsulat sa tela.

“Sending a message.”

Pagkatapos kong isulat lahat ng gusto kong sabihin ay tinali ko ‘yun sa leeg ni Demi at sa huling pagkakataon ay niyakap ko ulit siya. I feel bad for her because I only call her when she has some errands to do.
Pero para sa akin, isa siya sa mga pinahahalagahan ko kahit na sabihin nilang pusa lang siya. She’s been with me through my ups and downs and I know she will never betray me. After all, she’s my partner. Right, Demi?

“Bring this to Hideo, Demi,” bulong ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng hilo at akala ko ay matutumba na ako pero agad akong nasalo ni Kid. Sumandal ako sa kanya dahil sa kaunting pagkilos ko ay napapagod na ako. Hindi ko alam kung epekto ba ‘to ng pagbubuntis ko o ng pagkawala ng mata ko...o parehas.

“Ilang araw na ba ang nakalipas mula nung...” mahina kong tanong pero hindi ko maituloy dahil hindi ko pa rin matanggap ang ginawa nila sa akin.

“Three weeks,” sabi naman ni Kid at nagulat ako sa narinig ko. It’s been three weeks since that happened? Akala ko ay ilang araw pa lang ang nakakaraan. The wounds in my eyes still feel fresh.

“What...”

Unti-unting bumibigat ang talukap ko pero pinipigilan kong pumikit. Ayokong maalala ang panaginip ko kanina. Ayokong mawalan na naman ng malay sa matagal na panahon.

“If you want to sleep, just sleep,” mahinang sabi ni Kid at lalo lang akong inaantok sa boses niya.

“Ayoko. Natatakot ako,” sagot ko naman pero napapikit na ang mata ko.

“But you need to rest,” sabi niya habang hinahagod ang buhok ko.

“Pe...ro...”

“Sleep. Babantayan kita.”

Once again, I fell into a deep slumber. Just like what happened before, I am inside a dark and never-ending place, but this time, I am not alone. In front of me was a girl smiling widely and somehow, I felt a special connection to her.


***