.

.

Chapter 56

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, December 29, 2015


***

Upon seeing Kiyoko’s body, I remember our conversation and how painful her situation is. I really want to help her but I, too, am powerless right now. I can’t even move my body because of the belts tied around me.

“You monster,” mahina kong sabi nung tinransfer na nila ako sa experiment table. “How can you do that to a child?”

“You’re not a child anymore,” sabi naman ni Saeko at lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

“I’m talking about Kiyoko!” I shouted and I immediately regret it. Bigla akong nahilo at ilang segundong nandilim ang paningin ko.

“You.” Napatingin ako kay Saeko at naging seryoso na ang itsura niya. “How did you know her?”

Hindi ako sumagot. I just glared at her and wish that I could tear her face off.

“Ah. Maybe the recent operation triggered some forgotten memories from you, huh? Sabagay, bata ka pa nun at halos wala kang alaala matapos ang nangyari.” Bigla naman siyang lumapit sa akin at tinutok ang daliri niya sa leeg ko. Nawalan ako ng hangin matapos niyang gawin ‘yun at para bang sinasakal ako. “Rielle, what an ungrateful brat you are. I saved you from death using that child’s blood.” Tinanggal niya ang daliri niya mula sa leeg ko at doon lang ulit ako nakahinga nang maayos.

“But you killed her!” Pinigil ko ang luha ko dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak. I won’t allow anyone to see my tears anymore.

“So what? She’s a Senshin.”

“She’s just a child!”

“You’ve killed hundreds of Senshins before,” she said with a serious expression. “So don’t make a fuss over a Senshin child that I accidentally killed. We’re just the same.”

Those words struck me like lightning. I suddenly remember all those missions involving Senshins and I have a clean record when it comes to them. I always kill them. I don’t really have a right to say that to her face because I’m like her.

“Natauhan ka na ba? Mukhang tama nga si Reiko.
Nagbago ka na. You’re not the same Rielle I know. Those Senshins swayed your beliefs and feelings,” sabi niya habang pineprepare ang kung anumang mga device at instruments sa tabi ko.

I bit my lip so hard that I tasted blood because of too much frustration. Saeko’s right. How can I say that to her face if I also killed Senshins before?

“Instead of worrying about that dried up girl, you should focus more on your sister.” Pagkasabi niya nun ay napalingon agad ako sa kanya.

“Why? What happened to Rin? Nasaan siya?”

“Here,” sabay hatak niya sa cloth na nakaharang sa gilid ko at nakita ko si Rin.

Nakahiga lang siya at walang malay habang nababalot ng gasa ang kaliwa niyang mata. She looks paler than usual and she lost weight.

“Rin...” I called but she didn’t wake up.

“She’s been unconscious since the operation. Unlike you, it’s her first time to undergo such a risky procedure.”

“And you still let her proceed?” I said while gritting my teeth.

“It was her choice. She’s been hellbent on getting stronger to surpass you but you failed her. You became so weak, Rielle.”

“Say that again and I will slay you once I get out of here,” I said but she laughed in return.

“As if, kid. Try it, if you can.”

Naglakad naman siya papunta sa isang lever at naalala ko bigla ang nangyari sa akin sa lab ni Dr. Miwako.

“Sadly,” sabi ni Saeko at tinulak niya ang lever. “You can’t.”

The experiment table opened and I fell into a liquid I am very much familiar of. I tried reaching for the belts attached at the end of the table but to no avail. The tube closed and it moved towards the far side where several cryogenic chambers are stationed. It shifted into a vertical position and just like before, I was confined inside this damn chamber.

“Open this!” I shouted but Saeko ignored me.

Kahit anong gawin ko sa chamber ay hindi ‘yun nasisira pero hindi tulad noon, hindi ako nawalan ng malay at nakakahinga ako kahit nababalot ako ng liquid pero ang hirap pa ring gumalaw. Bigla namang may kumabit na wires sa akin at pumulupot sa lahat ng parte ng katawan ko kaya lalo akong nahirapang makagalaw.

“Stay there and behave,” rinig ko mula sa loob at pagtingin ko kay Saeko ay nakaupo siya sa parang control system ng chambers.

“Palabasin mo ako rito!” I said as I pound the glass.

“I’m actually doing you a favor. Do you think your body can support that child of yours?” Napatigil naman ako sa sinabi niya at sinubukan kong kumalma kahit gustung-gusto ko nang magwala. “That
cryo liquid contains nutrients and supplements that can support the both of you. Sa estado mo ngayon, your child might suffer from different diseases. Do you really want that to happen?”

Kahit labag sa loob ko ay kumalma ako at inisip ko ang kapakanan ng magiging anak ko. I know that my body right now isn’t strong enough to support her and I want her to grow healthy. Hinawakan ko ang tiyan ko at agad ko naman siyang naramdaman. Napangiti ako at pumikit.

Just hold on. Your father is coming for us. Be strong, okay?

***

Paggising ko, kaharap ko na si Kiyoko. Just like before, napunta na naman ako sa dimension na ‘to. Pero nagulat ako nung naging malungkot ang expression niya.

“Hindi mo na dapat ginawa ‘yun,” sabi niya at naalala ko na naman ang katawan niya na nasa chamber.

“Pero ang sakit makita na ganun ang nangyari sa’yo,” sagot ko naman at pinilit niyang ngumiti.

“Hindi sumagi sa isip ko na maririnig ko ‘yan mula sa isang Shinigami.”

Naalala ko ang sinabi ni Saeko at ngayong nakaharap ako kay Kiyoko ay lalo lang akong naguilty. I killed hundreds of her comrades yet here I am, saying that it pains me to see her like that. What a hypocrite.

“Sorry.” Iyon na lang ang nasabi ko pero pakiramdam ko kahit ‘yun ay walang halaga.

“It’s okay. Your guilt is the proof that you’re not heartless.”

Nagsimula naman siyang maglakad kaya sinundan ko siya.

“Since nandito ka naman na, pwede bang kwentuhan mo ako tungkol sa buhay mo?” biglang sabi niya kaya nagulat ako.

“H-ha?”

“Alam ko lang ang nangyayari sa’yo kapag unconscious ka. Masyado nang matagal simula nung huli akong nakarinig ng kwento. Please?”

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil naging maayos na ang expression niya. At dahil sa pagpi-plead niya ay lalo siyang nagmukhang bata. Ngumiti naman ako sa kanya.

“Ano bang kwento ang gusto mong marinig?”

“Hmm...” Nagpatuloy siya sa paglalakad at sumunod ako sa kanya. “Tungkol kay Hideo,” sabay lingon niya at ngiti nang nakakaloko. Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko at hindi ko alam na posible pala ‘yun sa dimension na ‘to.

“B-bakit naman tungkol sa kanya?”

“Wala lang,” sabi niya pero rinig ko sa boses niya ang lungkot.
“W-well, gusto ko lang makarinig ng love story...since I didn’t and won’t have one.” Bumigat naman ulit ang pakiramdam ko pero nung nakita niya ‘yun ay pinilit niyang tumawa. Agad ko namang tinanggal sa isip ko ang awa para sa kanya dahil alam kong ayaw niyang mangyari ‘yun.

“Saan ko ba sisimulan?” sabi ko sa sarili ko at nung narinig niya ‘yun ay humarap siya sa akin kaya naman patalikod na siyang naglakad. “I was given a mission to take possession of a book about seventh sense.”

“Oh. Isn’t that located at the restricted section of the library?” Nagulat naman ako nung sinabi niya ‘yun at ngumiti siya sa akin na parang nang-aasar.

“How did you know that?”

“I sort of want to know about seventh sense, too. Kaya nung bata ako, kapag may mission si Dad at busy si Mom sa Medical department, lagi akong pumupuslit sa library at gamit ang sixth sense ko, tumatambay ako sa restricted section.”

“Wow. You’re amazing for a twelve-year old child.”

“I know.”

Tama nga ang sinabi ni Dr. Miwako. She’s reckless. Pero kung ganun ang sixth sense ko, baka ganun din ang gawin ko.

“Anyway, nakapasok ako sa Tantei High at napunta sa Atama. Ayaw kong makisama sa kanila pero hindi ko alam na malakas makaramdam sina Hideo at Naomi kaya naman wala akong choice. Naging cautious ako sa mga galaw ko pero lagi akong nasa paningin ni Hideo. Lagi niya akong nahuhuli o naaabutan.”

“So he’s suspicious of you sa simula pa lang.” Tumango naman ako.

“Kaya simula nun, naging aware na rin ako sa mga kilos niya. Tuwing may gagawin ako, pinapakiramdaman ko kung inoobserve niya ako. But seriously, his sixth sense is a huge pain in the ass.” Bigla naman siyang tumawa at napangiti ako dahil naalala ko ang mga unang araw ko sa lugar na ‘yun.

“Then, what happened? Paano mo siya nagustuhan?”

“I...I don’t know.”

“Ha? Bakit hindi mo alam?”

“Because I don’t really know. I don't remember falling in love with him. I just realized one day that I'm always thinking about him.”

“Nagsisisi ka ba?” I was taken aback by her question but I gave her a faint smile.

“Hindi. Marami akong natutunan at maraming nagbago sa akin dahil sa kanya, pero minsan, may parte sa utak ko na iniisip na sana, hindi ko na lang siya nakilala. Sana hindi na lang ako napalapit sa kanya.”

“Dahil ba sa mga nangyayari ngayon?”
Tumango ulit ako.

“Our story will always be a tragic one. Our people hate each other. Senshins and Shinigamis will never accept us if we fight for our feelings. That’s the rule of our worlds. Yet we fell for each other.”

“At nagbunga ang relasyon niyo.” Tumalikod siya sa akin at pinagpatuloy ang paglalakad habang ako ay napayuko na lang dahil ang dami na namang tumatakbo sa utak ko.

“That’s why I need to stay strong. I want to give our child a comfortable life, even though I know that it’s impossible. Her existence can cause a war and it’s coming.”

Sabi ko ay hindi na ako iiyak sa harap ng ibang tao pero hindi ko na napigilan ang sarili ko lalo na’t ang anak namin ang usapan. I am willing to take back my position as the next leader for her future and Dad gave me a chance but Mom took it from me. I lost my left eye, my ability and my position. Now I am struggling to survive because of my child and they want me alive for the same reason.

I don’t want them to use her for their own benefits. But even if I don’t want to, once she’s born, she’ll suffer because of her identity. They won’t accept her wholeheartedly and she won’t belong anywhere.

Just like me.

Bigla naman akong nakaramdam ng sakit sa tiyan ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Kahit walang bump ang tiyan ko sa form ko sa dimension na ‘to, alam kong ‘yun ang dahilan ng sakit. Napahinto rin sa paglalakad si Kiyoko at tumingin siya sa akin.

“Oh my God. D-don’t tell me...”

“I-I think so...” Nahihirapan na akong huminga at buong katawan ko na ang nananakit.

“Then wake up!”

Pagkasigaw niya nun ay nawala siya sa harapan ko at napalitan ng iba’t ibang medical apparatus ang madilim na paligid. Dumilat ako at napahawak sa tiyan ko pero halos mapasigaw ako nung makita ko ang mukha ni Rin sa labas ng chamber.

“R-Rin...” Halos wala ng boses ang lumabas mula sa bibig ko dahil hirap na rin akong huminga pero napangiti ako dahil nagising na siya.

Kitang-kita ang ilang stitches malapit sa mata niya.
It feels weird knowing that her left eye was once mine.

‘I’m glad you’re safe,’
I said with my inner voice. Akala ko ay hindi niya ako papansinin pero nagulat ako nung narinig ko ang boses niya sa isip ko.

‘I’m going to take care of your eye.’
After hearing that from her, I guess it’s not bad that I’ve lost my left eye. ‘And I’m going to use it against those people who made you into this.’

Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad palayo.

‘Rin...’
Napahinto siya pero hindi siya lumingon sa akin.

‘I just came here to check you since you’ve been sleeping for two weeks.’

‘What?!’

I knew it. Kaya napunta na naman ako sa dimension ni Kiyoko dahil nakatulog na naman ako nang matagal. And I’m sure this
cryo liquid has some components to keep me sedated. Damn that Saeko!

‘I’m going. Mom and Dad are waiting for me.’

‘W-where are you going?’
Lalo lang akong nahirapang huminga at pakiramdam ko ay bibigay na ang buong katawan ko anumang oras.

‘We’re marching to Tantei High. It’s time to bring them down.’
Pagkasabi niya nun ay pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa makalabas siya sa lab at naiwan akong nakatulala.

So the war is happening...
This can’t be...
I...I need to...

Napasigaw naman ako nung maramdaman ko ang matinding sakit at napahawak ako sa tiyan ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko pero nakita ko sina Saeko at ang assistants niya na pineprepare ang equipment para sa akin. The next thing I knew, the chamber moved and I was transferred in a bed.


***