.

.

Chapter 57

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, December 30, 2015


***

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Ni wala akong marinig kundi ang sarili kong paghinga at ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sumisigaw ba ako? Umiiyak? Ni wala akong maramdamang sakit.

Hindi ko na alam. Gusto ko na lang na matulog.

Ayoko na...

But I suddenly hear another voice. Someone’s crying.

Bigla kong naalala lahat ng nangyayari at nagising ang diwa ko. Pawis na pawis ako at halos wala na akong lakas para gumalaw at magsalita. Pero nung nakita ko ang hawak ni Saeko ay hindi ko mapigilang maiyak.

Seeing her small body and hearing her cries made my harships worth it.

“Cut it,” utos ni Saeko at pinutol ng assistant niya ang umbilical cord na nakabalot sa bata. Alam kong wala silang balak na ibigay siya sa akin at hihintayin lang nila akong manghina at mamatay sa kalagayan ko kaya naman inunahan ko na siya.

“P-please...” Napatingin sa akin si Saeko habang hawak-hawak ang bata. “L-let me hold her...for the first...and last time...please...”

Kahit na kinamumuhian ko si Saeko ay nagmakaawa ako sa kanya. Gusto ko lang mahawakan ang anak ko. Gusto ko siyang maramdaman.

“Is that your last wish?” seryoso niyang tanong at tumango ako. Wala na akong pakialam kung mukha akong kawawa dahil sa patuloy kong pag-iyak at sa itsura ko. I want to hold her. I want to be with her even for a few seconds.

Lumapit sa akin si Saeko at nagulat ako nung nilapit niya sa akin ang bata.

“I’ll give you fifteen seconds. Cherish it.”

Agad kong kinuha mula sa kanya ang anak ko at nagtuluy-tuloy ang luha ko nung nakita ko siya sa malapitan. Napangiti rin ako dahil kuhang-kuha niya ang pagkunot ng noo ni Hideo.

‘You’re such a beautiful child,’
sabi ko at hinalikan ko ang noo niya. How I wish I could stop the time and cherish this moment forever.

“Your time is up,” rinig kong sabi ni Saeko.

Sobrang saya ko ngayong nakita ko na ang anak namin, pero sabi ko na nga ba, hindi ko talaga kayang iwan siya sa kamay nila. This is not the right time to die.

“Sorry Saeko, but I won’t hand her to you,” mahina kong sabi at napahinto siya sa paggalaw habang nakatingin sa akin nang masama pero bigla siyang tumawa.

“You can’t even—”

I looked at her with so much hatred that I can muster and willed all my remaining strength into my right eye. I felt a chilling sensation inside my body and a surge of power flowed through my eye. The next thing I knew, Saeko flew upwards and her head hit the ceiling. Her unconscious body fell to the ground and I tried getting up the bed while holding my child carefully.

Nagulantang ang mga assistant niya na nakapaligid sa akin pero nawalan na sila ng oras para maprocess ang nangyari dahil nirepel ko papunta sa kanila ang lahat ng ginamit nila sa operation. I even saw some scissors pierced their faces. Serves them right.

Pero pagkatapos kong gawin ‘yun ay nanlabo ang paningin ko at napahawak ako sa edge ng kama. It’s good that I can still use half of my power but this is not enough. Nagpahinga ako ng ilang segundo pero nagulat ako nung biglang tumunog ang ilang alarms. Damn!

Kahit hindi pa completely tapos ang operation at may tumutulo pang dugo sa hita ko ay tumayo ako. Binalot ko sa tela ang katawan ng anak ko at kinuha ko ang cloak na nakita ko sa tabi saka ko sinuot. Sobrang hirap maglakad pero sinubukan ko pa ring bilisan ang kilos ko kung sakali mang may dumating dito. Pero napahinto ako nung makita ko ang katawan ni Kiyoko.

I don’t want to leave her like this.

Lumapit ako sa chamber kung nasaan siya at nahihirapan akong tignan ang katawan niya na sobrang fragile na. Nangako akong tutulungan ko siya pero ngayong nandito ako ay wala naman akong magawa kundi tignan lang siya.

‘I’m sorry,’
sabi ko sa sarili ko.

‘It’s okay.’

Nagulat naman ako nung narinig ko ang boses niya. Napatingin ako sa katawan niya pero walang kahit anong nangyari. Paanong...

‘I’m really happy that you want to fulfill your promise but I am beyond saving.’
Narinig ko naman ang pagcrack ng boses niya kaya lalong bumigat ang pakiramdam ko. ‘But you can save me in another way.’

‘How? Tell me,’
sabi ko dahil gusto ko talaga siyang tulungan.

‘Destroy my body. Kill my brain.’

Hindi ko alam kung mali lang ba ako ng rinig dahil sa lakas ng alarm at sa pag-iyak ng anak ko pero nung inulit niya ulit ‘yun sa isip ko ay agad akong napailing. How can she say that?

‘No! I’m not—’

‘Please!’
Napatigil naman ako dahil ngayon ko lang siya narinig na sumigaw nang ganito. ‘Please. I’ve lived a lonely and painful life after my body died but you came. Kahit na maikling panahon lang, nagpapasalamat pa rin ako na kahit papaano, may nakaalam na nag-eexist ako. Pero ayoko na. Ayoko nang mabuhay ng ganito. Ayoko nang gamitin nila ako. Kaya please...’

‘But...I...I can’t so that...’

‘Then let’s put it this way. Tinulungan kita dati gamit ang dugo ko. Ngayon ako naman ang tulungan mo. End my misery.’

‘That’s—’

‘Please?’
This time ay naririnig ko na ang pag-iyak niya. ‘Tama na ang ilang taon na mag-isa ako sa lugar na ‘to. Nung dumating ka, I was really happy. Really. Pero ngayong...’

Hindi niya na tinuloy ang sasabihin niya pero may pakiramdam ako kung ano ‘yun dahil alam ko na rin sa sarili ko ang mangyayari.

Pero ngayong pati ikaw ay mawawala na rin
... I guess that’s what she’s supposed to say.

‘Ayokong maging mag-isa ulit,’
pagpapatuloy niya. ‘Kaya please, let me die happily.’

Dahil sa sinabi niya ay naisip ko kung ako ang nasa kalagayan niya. Siguro nga ganun din ang gugustuhin ko. Ayokong mabuhay nang matagal na ako lang mag-isa sa isang lugar na walang kahit ano o sino. Hinawakan ko ang glass chamber at muli kong tinignan ang mukha niya. She looks so peaceful.

‘Making me do this...you’re really cruel,’
sabi ko habang pinipigilan ang sarili ko sa pag-iyak at naghanap ako ng pwedeng maging weapon.

‘Sorry.’

Naghanap ako sa paligid pero nagulat ako nung may maramdaman akong presence. Naging alert agad ako at niyakap ko nang mahigpit ang anak ko. Pero nagulat ako nung biglang pumasok si Demi...

...at dala-dala niya ang cards ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Talk about right timing.

Tumalon siya sa balikat ko at agad kong kinuha ang cards sa bibig niya. Tumingin ulit ako sa chamber kung nasaan si Kiyoko at nagfocus ako sa dapat kong gawin.

‘Hindi na ba mababago ang desisyon mo?’
tanong ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

‘Dying for the second time is scary but no. Buo na ang desisyon ko.’

Huminga ako nang malalim at niready ko ang sarili ko. Tinutok ko ang card sa ulo niya at tinapos ko ang paghihirap niya sa isang slash. Nabasag ang chamber at bumulusok ang liquid palabas pero bago pa tumama ang effect sa katawan niya ay narinig ko ang huli niyang mga salita.

‘Say hi to my parents, and tell them I love them. Thank you, Rielle.’

Nahati ang katawan niya at napapikit na lang ako pagkatapos kong makita ‘yun. Kinagat ko ang bibig ko para pigilan ang pag-iyak ko nang malakas at ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.

“I’m sorry.”

Hinatak ko ang puting tela na nakalatag sa isang experiment table at tinakpan ko ang katawan niya. Pagkatapos nun ay naramdaman kong parang nagbago ang pressure dito sa lab. Saka ko naalala ang sinabi niya sa akin dati.

That’s why you can’t use your sixth sense there. It’s not just Black Dimension but a mixture of my shadows. And I am the only one who can use them.

So her shadows disappeared. Lalo lang akong naguilty dahil alam kong siya ang dahilan kung bakit ko nagamit ang sixth sense ko kanina. Tinulungan niya ako hanggang sa huling sandali niya. That girl...

Pinigilan ko ang pag-iyak ko at kinalma ko ang sarili ko. I don’t have enough time to mourn for someone right now. I need to get out of here.

“Demi, lead the way.”

“Meow.”

Ngayon alam kong kaya hindi kami mapuntahan ni Hideo ay dahil may war na mangyayari at naiintindihan ko naman ‘yun. After all, he’s the next President in line. He has a lot of responsibilities as the next President and as a Senshin.

That’s why I need to get out of here. If he can’t come for us, we’ll go to where he is.

But I guess this will not be easy.

“Arrest her!” May ilang soldiers and assassins na nakarating na rito sa Dungeon dahil sa alarm at hindi ko alam kung kaya ko silang lahat lalo na ngayon at mahina ako at may pinoprotektahan ako. But suddenly, the soldiers dropped one by one and I saw their blood gushing out of their bodies.

And then I saw a familiar face.


***