.

.

Chapter 58

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 1, 2016


***

“Rielle!”

Napahinto ako nung nakita ko ang mukha niya at kung paano niya napatumba ang halos kalahati ng Shinigamis na nakapalibot sa akin ngayon. Nung napunta na siya sa harapan ko hindi ako makapaniwalang nandito siya. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit.

“Kid,” bulong ko at parang may tinik na nabunot sa loob ko. “You’re safe...”

Marami pa rin siyang sugat sa katawan at halos nangayayat na rin siya pero hindi tulad nung nasa loob pa kami ng kulungan ay nagagamit na niya ang sixth sense niya. So Kiyoko’s existence is really gone. This is just the Black Dimension and no more shadows from her. Damn it. I still can’t accept it but...

“I’m glad you’re safe too,” sabay higpit niya sa pagyakap pero napatigil siya nung marinig niya ang pag-iyak ng anak ko. Biglang nagbago ang expression niya pero nung tinignan niya ang bata ay napangiti siya. “She looks like you.”

Napangiti na lang ako kahit na hindi ko makita ang sarili ko sa kanya. Napatigil naman kami sa pag-uusap nung nakarinig kami ng ingay at lalo pang dumami ang nakapaligid sa akin. Pumosisyon si Kid sa harapan ko at hinarangan niya kami ng anak ko. Pero nagulat ako nung isa-isa na namang nagbagsakan ang mga paparating hanggang sa tuluyang naging tahimik ang paligid.

“Seriously, Kid. How can you leave us like that after releasing you from that prison?”

“Hayaan mo na. He’s just worried.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo ang luha ko nung makita ko sina Dana at Keith na papalapit sa akin habang hawak ang weapons nila.

“You guys...” Nung makarating si Dana sa harapan ko ay ngumiti siya sa akin at yumakap ako sa kanya. “Bakit? Bakit kayo nandito?”

These people. Kapag nalaman ng iba na tinulungan nila ako, siguradong hindi ito papalampasin ni Mom. Ayokong madamay sila sa gulong sinimulan ko pero ngayon ay nandito sila sa tabi ko. I’m thankful but I feel guilty at the same time.

“Are you crazy?” biglang sabi ni Dana. “You’re the one we serve. You are our Royal. Of course we’ll be on your side no matter what.”

Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang paghikbi pero nagtuluy-tuloy ang luha mula sa mga mata ko.
I know that I am the Royal they serve but risking their positions, even their lives, for my sake is too much. I am not worthy.

“Let’s go. This isn’t a safe place to have a reunion,” sabi naman ni Keith at tumango naman kami sa sinabi niya.

Nagsimula kaming maglakad at nakaalalay sa gilid ko si Kid. Sa katunayan, hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakalakad o nakakagalaw dahil kanina ay halos hindi ako makatayo nung pagkapanganak ko. Maybe I reached the threshold for pain and my own limit that I can’t feel anything anymore but the desperation to get out of this place and save my child from danger.

Bigla naman akong napatingin kina Dana at Keith dahil naalala ko ang anak nila at agad bumigat ang loob ko.

“Why?” tanong ni Dana at napahigpit ang hawak ko sa anak ko.

“How about your son? Darwin?” Nakita kong humigpit ang paghawak ni Dana sa cloak na bumabalot sa kanya kaya lalo lang akong naguilty pero nagulat ako nung ngumiti siya.

“Don’t worry, he’s safe.”

“No, Dana. That’s not what I mean. You two,” sabay tingin ko rin kay Keith, “should stay out of this. Your son needs you right now and I don’t want to—”

“Rielle,” mariing sabi ni Keith kaya napatigil ako.
“This is our own decision. We’re already prepared no matter what happens.”

“But still—” This time, si Dana naman ang pumigil sa akin.

“We really want to be with him but before we became parents, we are your Elites. And your friends.”

Friends...

Shinigamis
never really use that term because it has an emotional and sentimental ring on it, and as our primary rule, we shouldn’t let our emotions control us. But hearing it from Dana and how Kid and Keith agree with her, made me feel significant.

“There they are!”

Pare-pareho naman kaming napalingon nung makarinig na naman kami ng ingay mula sa likuran. Nakita naming may mga sumusunod na naman sa amin kaya agad kaming tumakbo.
 

“Tsk. They are persistent.” Bigla namang huminto si Keith at tumalikod sa amin. “Go on. Kailangang may maiwan dito para pigilan ang mga magbabalak pang sumunod.”

“But Keith—” Hinawakan ako nina Dana at Kid sa likod at pinilit maglakad palayo kay Kid. Lumingon naman si Keith sa amin.

“Susunod ako,” sabay ngiti niya at sumugod siya papunta sa mga nakasunod sa amin.

“Rielle, let’s go.”

Nung nakita ko ang expression ni Dana ay wala akong nagawa kundi tumalikod ulit at maglakad. Alam kong mas mahirap sa kanyang iwan si Keith dito pero para sa akin...para sa amin ng anak ko...

Nakita ko ang malaking pinto ng Dungeon at hindi ko akalaing makakalabas pa ako mula sa lugar na ‘to. Nakahinga ako nang maluwag nung hindi ko na nararamdaman ang mabigat na pressure pero hindi pa rin ako lubusang mapanatag lalo na’t naiwan si Keith doon.

Naging kakaiba naman ang pakiramdam ko nung nakarating kami sa Chamber. Sobrang tahimik at walang Shinigami sa paligid.

“They are now at that place,” biglang sabi ni Dana at bumigat ulit ang loob ko. Napahigpit ang hawak ko sa anak ko na ngayon ay humihikbi pa rin.

“That’s better,” dagdag ni Kid. “At least we don’t have to face the Elites since our main force is with them. We can escape here easily.”

Nagsimula ulit kaming maglakad and this time, si Kid ang nagli-lead sa amin dahil siya ang nakakaalam ng mga pasikut-sikot sa Black Dimension. Pero habang naglalakad kami ay napapapikit na lang ako dahil unti-unti ko na namang nararamdaman ang sakit ng katawan ko lalo na sa bandang balakang. Pakiramdam ko rin ay mawawalan na ako ng malay anumang oras dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin kanina. Gusto ko ring pumikit nang matagal dahil parang na-strain na ang kanang mata ko mula sa paggamit ko kanina ng sixth sense ko. I concentrated my attack on it and I think I burdened my right eye.

Hindi ko na alam kung ilang minuto o kung umabot na ba ng oras ang paglalakad namin. Gustung-gusto nang bumagsak ng katawan ko pero pinipilit ko ang sarili ko na huwag tumigil hangga’t hindi pa kami nakakalabas sa Black Dimension. I think napansin ni Dana ang paghihirap ko dahil bigla niyang inalalayan ang katawan ko.

‘You’re really a tough one,’
sabi niya sa isip ko at napangiti na lang ako.

‘I’m not. I’m just desperate right now.’

‘And that’s why you’re tough. You’re way past your limits but you’re still trying so hard to fight.’

‘Because I need to. If I die right now, she won’t survive,’
sabay tingin ko sa anak ko. ‘I need to go to Hideo. She needs Hideo.’

Ngumiti sa akin si Dana pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang awa at lungkot para sa kalagayan ko. Ayaw kong kaawaan niya ako pero alam kong siya ang nakakaintindi sa sitwasyon ko ngayon.
We’re both mothers and if she’s in my place, I know she’ll do what I’m doing right now.

‘So where’s your son right now?’
tanong ko para maiba ang usapan dahil ayaw ko munang isipin ang pwedeng mangyari sa akin.

‘Darwin? He’s...’
Ngumiti siya pero lalong naging malungkot ang mga mata niya. ‘He’s with a humdrum family.’ Nagulat naman ako sa sinabi niya at hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

‘H-Humdrums? He’s with the humdrums? Are you crazy, Dana?’

‘I know it’s a crazy decision but he’s not safe here. No one will take care of him if we’re branded as traitors after this. Kaya nagdecide kami na mas safe siya kung mamumuhay siya bilang humdrum.’

‘But Dana...isn’t that way too risky?’

‘Yeah but we love him so much that we’ll do even the most dangerous decision to make sure he’s safe.’

Napanganga na lang ako sa sinabi niya at sa ginawa nilang desisyon ni Keith. Ni hindi sumagi sa isip ko na iniwan nila sa isang humdrum ang anak nila para lang masigurong ligtas siya mula sa mga Shinigami.

Bigla namang napatigil sa paglalakad si Dana at naging seryoso ang mukha niya. Maging si Kid ay napalingon sa amin.

“Kid, take Rielle and her daughter with you,” sabi ni Dana at tinulak niya ako nang mahina papunta kay Kid.

“Wait, Dana—”

“Now.”

“C’mon, Rielle,” sabay hatak sa akin ni Kid palayo kay Dana.

Nagulat ako nung bigla akong may naramdamang papalapit sa akin pero biglang humarang si Dana at inislash ang short sword na hawak niya. I looked at the object that almost hit me and I was dumbfounded when I saw a palm-length needle.

“You’re not going anywhere, Rielle.”

Nakatulala lang ako nung makita ko si Sarah na naglalakad papunta sa amin at halos lumubog ang puso ko dahil sa galit na nakikita ko sa mga mata niya para sa akin. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya pero alam kong kahit kailan ay hindi na niya ako mapapatawad.

“Kid,” sabay tingin ni Dana sa amin at tumango naman si Kid. Inalalayan niya akong maglakad at sumunod naman ako kahit na sobrang bigat ng paghakbang ko dahil sa nangyayari.

“I said you’re not going anywhere—!”

“Shut it, Sarah. If you want to go after Rielle, then kill me.”

Napapikit na lang ako habang naririnig ko ang paglalaban nina Dana at Sarah sa likuran ko. I just can’t accept the fact that the two of them, whom I consider my sisters, we’re  fighting. And it’s all because of me.


***