.

.

Chapter 59

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, January 2, 2016


***

Tahimik lang ako habang nakaalalay si Kid sa akin sa paglalakad.
Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang pag-iyak ng anak ko at ang paghingal ko. Iniisip ko pa rin sina Keith at Dana na iniwan namin para lang mabigyan ako ng oras na tumakas mula rito. Maging si Sarah na ngayon ay galit sa akin at handa akong pigilan. Nakakalungkot lang na ito na ang huling beses na makikita ko sila...

Huling beses...

Hah. Maging ang isip ko, alam na ang magiging kapalaran ko.

“Gusto mo bang ako muna ang humawak sa kanya?” Napahinto naman ako sa paglalakad at napansin kong huminto rin si Kid. Nakatingin siya sa akin at sa batang hawak ko pero ngumiti lang ako sa kanya.

“No need, Kid. Besides, I want to hold her until...until we reach that place.”

Tumango naman si Kid at nagpatuloy kami sa paglalakad. Ilang beses din akong lumingon sa likuran ko dahil umaasa ako na makikita kong nakasunod sa amin sina Dana at Keith. Pero wala. Kahit ilang beses akong lumingon, walang nakasunod. Wala sila.

“Don’t worry about them,” biglang sabi ni Kid at napatingin na lang ako sa likod niya habang naglalakad. “They’re strong.”

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa mga salita niya at tumango ako.
He’s right. They are strong and I’m sure they’ll survive. After all, they have a reason to live.

Nagulat naman ako nung biglang humawak si Kid sa braso ko at hinatak niya ako. Bumilis ang paglalakad niya at halos hindi na ako makasabay sa kanya. Hinawakan ko nang mahigpit ang anak ko dahil natatakot akong mabitawan o malaglag siya pero lalo akong natakot nung hindi ko na maramdaman ang kamay ko.

“Let’s step up our pace,” he said and I can feel his nervousness.

“Why?”

“Someone’s after us.” Lilingon sana ako pero hinatak niya ulit ang braso ko. “Don’t look. Just move forward.”

Sinunod ko siya at halos tumatakbo na kami. Napapikit na lang ako dahil nararamdaman ko na naman ang sakit ng buong katawan ko. Hingal na hingal na ako pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Gusto kong makarating kung nasaan si Hideo. Gusto ko siyang makita.

“Shit,” bulong ni Kid at bigla siyang tumigil sa pagtakbo. “We can’t outrun them.”

Pinakiramdaman ko ang paligid at tumaas ang tension. Humarap kaming dalawa ni Kid sa likuran at naririnig ko mula rito ang paglalakad ng maraming paa. Hinawakan ko nang mahigpit ang anak ko habang pigil ang hininga ko sa paghihintay sa kung sinumang darating.

“Rielle, sorry but I think you need to leave this place alone,” sabi ni Kid at magkahalong pagkalito at takot ang naramdaman ko.

“Kid...”

“Don’t worry. There’s only 200 meters left. Open the Black Dimension when you reach that and you’ll be at the forest.”

Napanganga ako nung marinig ko ‘yun. So we finally reached the forest. I can finally see them. I will see him. Pero hindi ko makuhang maging masaya lalo na’t may iiwan na naman akong importante sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil ayaw kong iwan si Kid gaya ng ginawa ko kina Keith at Dana.

“Kid...”

Nagulat naman ako nung lumakad siya papunta sa akin at niyakap ako.

“Please be safe,” bulong niya at lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. “Kung pwede lang ibalik ang oras, ang dami kong gustong gawin at sabihin.”

“Kid...” Lalong humigpit ang yakap niya sa akin at napapikit ako. Kahit papaano, ramdam kong hindi ako mag-isa.

“At kung pwede lang tumigil ang oras ngayon...”

Ayaw ko ring iwan siya at natatakot akong mag-isa ulit. Natatakot ako sa pwedeng mangyari lalo na’t kasama ko ang anak ko ngayon. Pero kailangan kong makarating kung nasaan si Hideo.

“I can feel Izumi’s presence,” mahina niyang sabi at halos tumigil ang mundo ko nung narinig ko ‘yun. Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at hinarap ko siya. Why is she here? What is an Elite doing in a place like this?

“No...Kid...d-don’t tell me...” Ngumiti lang siya at tumulo ang luha ko dahil doon.

“Hindi natin siya matatakasan kung tatakbo lang tayo. Kailangang may maiwan para kalabanin at pigilan siya.”

“Pero...”

“I won’t die. Promise.”

Halos lumubog ang puso ko sa narinig ko. This idiot...did he say that on purpose?

Kapag may gagawin siya, sasabihin niya lang sa amin. Kailanman ay hindi siya nangako.

“Ha? Why would I promise? That’s a pain in the ass.”

“Why?” tanong ni Dana. “Isn’t it a act of reassurance?”

“No. Promising just means that you’re not sure if you can do it or not. You’re betting on your pride because you have no confidence on what you’ve said. You may be somewhat confident on your words and resolve but not on your actions. That’s why I won’t promise anything. I’ll just say the things that I can do.”

“What kind of rubbish is that?”

“Shut up. That’s my principle.”

Tinignan ko siya at nagtuluy-tuloy na ang pag-iyak ko. Pinunasan niya ang pisngi ko at tinignan ko siya nang masama dahil nakuha niya pang ngumiti sa akin.

“You...take back that word,” I said while glaring at him.

“I can’t.”

“Why…” Lalo lang akong naiyak dahil sa mga sinasabi niya.
Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko kaya. Tahimik lang kaming dalawa at hindi ko na alam ang dapat gawin o sabihin.

“You may hate me for this but...”
Bigla siyang lumapit sa akin at nagulat ako sa ginawa niya. “Sorry. I wanted to do that before you go.” Ngumiti ulit siya sa akin pero this time, naging bright ang expression niya at parang nawala na lahat ng inaalala niya. “Go, Rielle. I’ll definitely stop her.” Tinulak niya ako ng mahina pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

He kissed me.

Parang nagmalfunction ang utak ko pero pinilit kong kumalma. Nagsimula akong maglakad habang nakalingon pa rin sa kanya at napatigil ako nung makita ko ang mga paparating. Halos sampung Shinigami ang papunta rito at sa unahan nila ay si Izumi.

Kahit na labag sa loob ko ay nagsimula na akong tumakbo palayo.

‘Don’t die,’
sabi ko sa isip niya habang tumatakbo at ineestimate kung kailan ko bubuksan ang Black Dimension pero tahimik lang siya at walang sinabi.

‘Let’s see each other again soon,’
biglang sabi niya at magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko.

‘Yeah. See you soon, Kid.’

Nakarinig ako ng ingay mula sa likuran ko at pinigilan ko ang sarili ko sa paglingon. Ayokong makita siyang nilalabanan ni Izumi. I want to remember his smiling face.

Nung makarating ako sa lugar na sinasabi ni Kid ay agad kong binuksan ang Black Dimension at paglabas ko ay bumungad sa akin ang gubat at ang malakas na ulan. Tumakbo ako dahil naramdaman ko ang muling pagbukas ng Black Dimension at alam kong nakasunod sa akin ang mga Shinigami na kasama ni Izumi. Pero nagulat ako nung biglang may tumalon sa balikat ko. Pagtingin ko, nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko si Demi.

“Demi!”

Ni hindi ko napansin na nakasunod siya sa amin pero napangiti ako dahil kasama ko siya ngayon. Nagsimula kaming maglakad sa gitna ng ulan.

Sa pagkakatanda ko, hindi ganito ang gubat na lagi kong pinupuntahan noong nasa campus pa ako. Sa tingin ko ay nasa southern part ako at kailangan kong pumunta sa east side. Ang alam ko, bago makapunta roon ay may madadaanan akong parang grassland.

Okay. I need to find the grassland area.

Pero napahinto ako nung lalong lumakas ang ulan at nag-alala ako sa kalagayan ng anak ko kaya naghanap ako ng pwedeng silungan at mapagtaguan at the same time. Nakakita naman ako ng isang maliit na butas sa isang elevated part ng lupa na parang kweba kaya agad kaming pumasok doon. Pagkaupo ko ay agad kong pinunasan ang anak ko pero napahinto ako nung narealize kong tumigil na siya sa pag-iyak. Lalo pang lumakas ang ulan at nagulat ako nung nakita ko siyang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong naiyak at hinalikan ko siya sa noo.

“Do you like the rain?” tanong ko at ngumiti ulit siya. Hindi ko alam na sa simpleng ngiting ‘yun ay matutuwa ako nang ganito. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag naging magulang ka na.

“Rainie,” I said and for the third time, she smiled at me. “Do you like that name? I’m glad.”

Kung pwede lang itigil ang oras ngayon at makasama ko siya nang matagal pero alam kong imposible. Tinanggal ko ang cloak ko at binalot ko sa kanya para hindi siya lamigin pero nagulat ako nung makita kong puro dugo ang inuupuan ko. Tinignan ko ang bukana ng kweba kung nasaan kami at nakahinga ako nang maluwag dahil nabura ang bakas ng dugo ko dahil sa ulan. Pero halos hindi ako huminga nung may narinig ako bukod sa pagbuhos ng ulan.

Footsteps.

Damn it. Mukhang nasundan nila ako. I guess I need to fight.

Binaba ko si Rainie sa tabi ni Demi at halos maiyak na naman ako nung makita kong humarang si Demi sa kanya na parang pinoprotektahan niya rin siya.

“Demi,” sabi ko at tumingin sa akin si Demi.
“Please look after her even when I’m gone. Okay?”

“Meow.” Napangiti ako at humarap ulit sa unahan.

“Thank you, Demi.”

I really wish I could stop the time.


***