.

.

Chapter 61

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, January 9, 2016


***

I can still hear and see everything from here but I’m starting to lose control over my own mind. This seventh sense is too tiring and consumes my remaining strength.

“Akemi,” tawag ni Naomi dahil napahinto na naman ako sa paglalakad. “Malapit na tayo.” Tumango na lang ako dahil natatanaw ko na ang grassland.

Sa bawat paghakbang ko ay naririnig at nakikita ko ang pag-atake ng magkabilang panig sa isa’t isa kaya naman minabuti kong pumikit na lang pero naririnig at natatandaan ko pa rin ang mga mukha nila kahit kanina ko lang sila nakita.

This seventh sense, I really don’t know how I activated it but I’m glad I did it because I can talk to them through our minds and I can use their sixth senses. Gusto ko sanang malaman kung ano pa ang nakasulat sa libro at nagulat ako dahil kahit hindi ko alam ang nasa libro ay bigla ko na lang naisip ‘yun at para bang kabisado ko ang nakasulat doon.

Knowing the strengths and weaknesses of your own sixth sense is the first step in understanding this ability. Once achieved, the sixth senses and minds of the users can become one and it will boost their power and capability. However, seventh sense is dangerous, especially if wrongly used. It can destroy the mind and the senses of the user or worst, it can lead to death.

Sa tingin ko ay medyo naiintindihan ko na ang mga sinasabi sa librong ‘yun. Maybe it’s about accepting my capabilities and limits, and my desperation to see them that my determination and my mind became one. I also realized that it’s dangerous due to the overwhelming thoughts and memories of the users without any restrictions. A fragile mind can’t handle this kind of ability and I think I’m on the verge of drowning in their thoughts.

Kahit tahimik si Mayu at siya ang pinakamatanda sa amin ay hindi ko akalaing ganito ang dinadala niyang sakit. Hindi pa niya ulit nakikita ang asawa niya simula nung aksidente ko silang nakitang nagpapaalam sa isa’t isa sa gubat. Nahihirapan din siyang magfocus bilang head ng Technology department dahil sa taas ng expectations ng tao sa kanya bilang anak ng Legendary Mechanic at dahil nahahati ang oras niya para sa anak niyang si Hiroshi. Madalas ay nakadepende rin sa kanya ang Atama family dahil siya ang pinakamatanda kaya naman kahit gusto na niyang magbreakdown ay hindi niya ipinapakita sa kanila.

Sa kabila naman ng pagiging maloko ni Michiko ay madalas din pala siyang malungkot. Lahat ng nasa Atama ay may kasama na sa buhay pero siya ay lagi lang mag-isa at minsan ay sinasabi na lang niyang may pupuntahan o gagawin siya para hindi makaistorbo sa sari-sarili nilang buhay. She used to be alone but because of them, she felt secured and at home. And now, she feels alone again.

Nakita ko sa isip ko ang itsura ng asawa ni Akira at sa tingin ko ay nakita ko siya dati sa Intelligence department. Nakita ko rin ang anak niya at katulad niya ay pula rin ang buhok nito. Kapapanganak lang niya noong nakaraang buwan at ngayon ay kailangan niyang makipaglaban sa isang digmaan para protektahan ang pamilya niya. Bigla naman akong napangiti dahil naisip kong pwedeng maging magkaibigan ang mga anak namin. Gusto kong makitang mangyari ‘yun pero alam kong imposible. Sayang at hindi ko makikita ang paglaki nila.

Mitsuo...this guy changed a lot. Siya ang unang nakilala ko sa kanila dahil pareho kaming pumasok bilang transfer student. Para siyang laging galit at mailap sa mga tao sa paligid niya pero noong naaksidente kami ni Naomi ay inamin niya kung bakit. He was distant and cold back then but look at him now...holding and protecting his son just like a good and reliable father. Dahil kay Naomi ay nagbago siya at nag-iba ang takbo ng buhay niya.

What surprised me the most is Naomi. Her mind is closed by default but I can read her thoughts right now. Hindi ko alam na sobra siyang mag-alala para sa aming lahat kahit na madalas ay hindi niya pinapakita o sinasabi ang nararamdaman niya. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko nung nalaman kong itinuturing niya ako bilang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Naramdaman niyang may pagkakapareho kami at madali naming maindintihan ang isa’t isa. Nalaman ko rin ang kwento nila ni Mitsuo at kung gaano niya siya kamahal, lalo na nung dumating sa kanila si Nathan at ngayon, gaya ko ay natatakot din siya sa pwedeng mangyari sa kanilang dalawa.

...and then there’s Hideo.

Nasa front line sila ni Michiko at ginagawa niya ang lahat para mapatumba lahat ng nakapaligid sa kanya. But what made me cry is the line he’s constantly saying while fighting against the Shinigamis.

‘Wait for me. I’m coming for you. Please wait for me.’

Alam ko kung bakit hindi niya kami nagawang hanapin. Naging abala siya dahil sa war at pinigilan siya ng Council of Elders sa balak niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil malaki ang gagampanan niya sa labanang ito, lalo na’t pwedeng makaapekto ang gagawin niya rito sa pagiging leader niya at sa tiwala at respeto ng mga Senshin sa kanya.

“Akemi!”

Napadilat ako at doon ko lang napansin na nakaupo na lang ako sa lupa dahil wala ng lakas ang mga binti ko. Pagtingin ko sa paligid, nakarating na kami sa grassland at nakatingin silang anim sa direksyon ko dahil sa pagsigaw ni Naomi. Pero nagulat ako nung napunta sa akin ang atensyon ni Hideo at hindi niya napansin ang Shinigami sa gilid niya.

‘Hideo!’
sigaw ko sa isip niya at  agad siyang napatingin sa Shinigami. Biglang lumipad sa malayo ang Shinigami at nawasak ang puno kung saan siya tumama, pero kasabay nun ay nagdilim ang paningin ko at nalasahan ko ang dugo sa bibig ko. But I sighed with relief because I managed to channel my sixth sense into him though I don’t know how I did it.

Nagulat naman ako nung biglang tumakbo si Naomi sa likuran ko at nakarinig ako ng pagsigaw at pagbagsak mula sa puno. Kahit hindi ako lumingon ay nakita kong may ilang Shinigami ang nakapalibot sa amin. They found us.

“Give that traitor to us.”
“She deserves to die!”
“Siya at ang anak niya ang dahilan kung bakit—”

“Who are you to decide what she deserves?” sabi ni Dana at halos hindi ko nasundan ang galaw niya nung bigla siyang umatake sa kanila. Bumagsak ang ilan sa kanila at naging pula ang kulay ng lupa dahil sa dugo at ulan. “But I can say that you deserve to die because you said those things. Talk bad about her and you’ll die by my hands,” sabi niya habang nakatingin sa mga natira.

Ramdam na ramdam ko ang pressure sa presence ni Naomi at naiyak ako dahil sa sinabi niya.
Both Senshins and Shinigamis consider me as a traitor and only a few helped me. Pero sapat na para sa akin ang mga taong ‘yun. Hindi nila ako iniwan at pinabayaan noong mga oras na kailangan ko ng kakampi at ngayon ay nandyan pa rin sila para sa akin kahit na marami akong nagawang mali sa kanila. I really want to thank them but saying that word is not enough.

Lalo akong nakaramdam ng panghihina at sa tuwing uubo ako ay may kasama ng dugo.
Halos pula na rin ang lupang kinauupuan ko dahil sa panganganak ko kanina at sa patuloy na pagbuhos ng ulan. Bigla namang umiyak si Rainie at basang-basa na rin siya kaya natakot ako para sa kondisyon niya. Niyakap ko siya nang mahigpit para mainitan siya kahit na basang-basa na rin ako at malamig na ang katawan ko.

“Your father is coming for us,” bulong ko kay Rainie. “Let’s wait for him, okay?”

Gusto kong tulungan si Naomi pero hindi na ako makatayo at hindi na kaya ng katawan ko. Lalo pa akong hindi makagalaw dahil sa ulan. Alam kong malakas si Naomi pero marami siyang kalaban at pinoprotektahan niya rin ako. Kahit na ayaw kong maging pabigat ay ganun ang nangyayari.

‘Please wait for me,’
ulit ni Hideo at pagdilat ko ay unti-unting naglabasan ang ilan pang Elites at Reapers mula sa Black Dimension.

Pero napatigil ako nung makita ko ang Elites ni Mom at Dad na lumabas malapit sa dorm kung nasaan ang mga bata at kung saan papunta si Mitsuo habang hawak niya ang anak nila ni Naomi. Maging si Naomi ay nakita ‘yun at napatigil siya sa pakikipaglaban. Kitang-kita ko ang takot sa mukha niya at walang pag-aalangan siyang tumakbo papunta sa kanila.

‘Don’t!’
sigaw ni Mitsuo at napahinto si Naomi sa gilid ko. ‘Stay with her, Nathalie.’

‘But you...’
Nakita ko ang panginginig ni Naomi habang nakatingin kay Mitsuo at sa anak nila. Nagulat naman ako nung ngumiti si Mitsuo at natakot ako dahil ganoong ngiti rin ang binigay sa akin nina Keith, Dana at Kid noong iniwan ko sila sa Black Dimension.

‘I’ll protect him with my life so don’t worry.’
Narinig ko naman ang paghikbi ni Naomi.

‘Idiot.
Don’t say that…’

‘Sa likod mo!’
biglang sigaw ni Mitsuo at agad namang napalingon si Naomi. She swung her fan and the Shinigami fell to the ground with a huge cut on his chest.

‘Please don’t die,’
Naomi said with a shaky voice as she faced the Shinigamis.

Bumigat ang loob ko dahil sa nangyari.
Mom and Dad’s Elites are much stronger than me and objectively speaking, I don’t think Mitsuo can handle all of them especially if he’s with his son.

‘Naomi...you don’t have to do this,’
I said and I know she’s reading my thoughts right now. ‘You have your own family to protect, so please...’

Hindi siya umimik at patuloy lang siyang nakikipaglaban pero alam kong hindi ito ang gusto niyang gawin.
Dahil sa akin, kailangan niyang manatili rito. Dahil sa akin, wala siya sa tabi ng pamilya niya.

I know what I had to do.

Pinilit kong tumayo kahit nanginginig na ang buong katawan ko at nagsimula akong maglakad kaya nakuha ko ang atensyon ni Naomi.

‘Stay there, Akemi!’
sigaw niya at pareho kaming nagulat nung biglang bumukas ang Black Dimension sa harapan ko. Halos narinig ko ang boses nilang lahat na sinigaw ang pangalan ko nung may sumalubong sa aking espada at agad akong tumalikod para protektahan si Rainie. Napapikit ako at hinintay ang sakit na mararamdaman ko pero walang dumating. Pagdilat ko ay bumagsak ang katawan niya sa lupa habang sumisigaw dahil duguan na ang mukha niya. Pagtingin ko ay nasa balikat ko si Demi at may bahid ng dugo ang puti niyang balahibo.

Muntik na akong magcollapse ulit pero hindi ko hinayaang manghina ulit ang mga tuhod ko.
Humakbang ulit ako.

‘Akemi!’
pagalit na sigaw ni Naomi. ‘What are you doing?! I can’t protect you keep on moving!’ Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.

‘I’m going to the campus,’
sabi ko at napatigil siya.

‘You can’t even walk properly—!’

‘I don’t care!’
sigaw ko rin sa kanya. ‘You said you’ll protect me, right? Then keep moving! Pupunta ako sa campus sa ayaw at sa gusto mo.’

Wala na akong pakialam kung magalit siya sa akin.
Gusto ko lang na makasama niya sina Mitsuo at Nathan ngayon at ayaw kong maging hadlang sa kanila. I’ll walk even if my legs fall off and even crawl if that’s the only way to reach them.

Nakarating naman sina Izumi kung nasaan si Mitsuo. Iniisip ko pa lang kung may iba pa siyang makakasama roon ay bigla namang may tatlong dumating na naka-labgown. Maging si Mitsuo ay nagulat nung nakita niya sila.

“What are you doing here? The Medical department shouldn’t be at the front line—”

“Don’t order me around, kid.” Natulala naman ako nung nakita ko si Dr. Miwako at napabuntong-hininga ako dahil akala ko ay may nangyari na sa kanyang masama nung niligtas ako nina Kid. I’m glad she’s safe. I want to tell her what Kiyoko said but I don’t know if I can say it personally.

“But—”

“Yuuki can handle the injured. I want to and I have a reason to fight. So are them,” sabay tingin niya sa dalawa pa niyang kasama.

Bigla namang nagbago ang expression ni Raizo, Dad’s Elite, and I know he’s annoyed. He drew his sword and glared at them.

“Are you going to fight me while holding that child?” tanong niya kay Mitsuo at lumipat ang tingin niya kay Dr. Miwako. “And are you going to protect those children inside that building?”

Hindi umimik sina Mitsuo at Dr. Miwako. Hinanda rin nila ang weapons nila at naging seryoso ang mga expression nila.

“This is why getting rid of one’s emotion is the key to a war,” sabi ni Raizo. “Protecting someone is just a hindrance. You’re being held back because some people can’t fight for themselves.”

“And this is why Shinigamis are unsympathetic. War isn’t just about strength, strategies and victory. People survive war because they are being protected or they have something or someone to protect. You’re just a bunch of wild animals who kill for your own satisfaction, or maybe you’re lower than them since they are more compassionate,” sabi ni Dr. Miwako at lalong naging iritado ang itsura ni Raizo.

“I’d rather be a beast than having those inessential feelings and diminish my efficiency.” Humakbang siya papalapit sa kanila at sumunod naman sina Izumi sa kanya. “Now let’s see if you can really protect everything.”

The next thing that happened went like a blur. Napahinto ako sa paglalakad at hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Narinig ko ang pagsigaw ni Naomi sa pangalan ni Mitsuo at ang pagtakbo niya papunta roon pero agad ko siyang hinatak dahil sa Shinigami na lumitaw sa harapan niya na muntik na siyang masaksak. I want to calm her down but even I can’t do that after seeing Mitsuo.

Kurai, another Elite of Dad, suddenly appeared at Mitsuo’s backside and thrusted a spear into his left shoulder blade and its sharp end came through his chest.


***