.

.

Chapter 62

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, January 10, 2016


***

Pakiramdam ko ay gumuho rin ang mundo ko nung nakita ko ang nangyari kay Mitsuo at hindi ko alam kung gaano kasakit para kay Naomi na makita siya. Kahit nanghihina na ang kamay ko ay pinilit kong hawakan ang braso ni Naomi para kumalma siya. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya at ang takot sa mukha niya. Nagcollapse siya sa tabi ko habang nakatingin sa direksyon nina Mitsuo at Nathan.

Kung wala si Demi ngayon sa tabi namin ay hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan namin. She keeps on fending off the Shinigamis around us.

Pagtingin ko sa direksyon nina Mitsuo ay agad sumugod si Dr. Miwako kay Kurai.
But Izumi and Raizo confronted her. Siguro dala na rin ng dami ng iniisip ko ay ngayon lang nag-sink in sa akin na nandito si Izumi. But...

How about Kid? What happened to him? Don’t tell me...

Napailing agad ako. Ayokong isipin ang ganoong bagay. Ayokong mangyari ang iniisip ko.

Mitsuo collapsed on his knees and his expression turned stone cold. Hinawakan niya nang mahigpit sa kaliwang kamay niya si Nathan at hinatak niya ang spear sa katawan niya gamit ang kabilang kamay. Narinig ko ang paghikbi ni Naomi at pinilit niyang tumayo.

‘Stay there, Nathalie.’
Halos maiyak ulit ako nung narinig ko ang mahinang boses ni Mitsuo sa isip ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya matulungan kaya naman tinawag ko siya.

‘Hideo!’
I shouted. ‘Please help him. Please—’

Napatigil ako dahil habang sinasabi ko ‘yun ay nakita kong tumatakbo siya papunta roon at mukhang kahit hindi ko sabihin ay ‘yun ang balak niyang gawin. Tumingin ulit ako kina Mitsuo at galit na galit ang expression niya habang hawak ang spear na puro dugo na niya. He wielded it like he has no fatal injury and he managed to inflict a wound on Kurai’s arm. Tumulo ang luha ko habang pinapanood siyang lumalaban habang pinoprotektahan ang anak nila mula kay Raizo na pinipilit saktan ang bata.

“Don’t touch them!” sigaw ni Naomi at pagtingin ko sa kanya ay nakatayo na siya sa harapan ko at kinuha niya ang bow and arrow mula sa Shinigami na pinatay niya kanina. Raizo was about to swing his sword towards Nathan but all of a sudden, he stopped moving. I immediately knew it was Naomi’s ability so I decided to assist her. She released the arrow and I willed it to be repelled faster. Raizo was able to move again but the arrow pierced his right shoulder and his sword fell from his hand.

Bigla namang binuksan ni Kurai ang Black Dimension at mukhang balak na naman niyang sumugod mula sa likuran ni Mitsuo pero napasigaw siya at hindi tuluyang nakapasok doon kasabay ng malakas na putok ng baril. Hinanap ko kung saan nanggaling ‘yun at nakita kong nakatayo sa bubong ng dorm si Tora habang masamang nakatingin kina Kurai. Tumalon siya mula roon at humarang sa pagitan nila.

“Kaya pala wala ang ilang Elites nina Subaro at Reiko sa plaza,” sabi niya habang nakatutok ang dalawang baril na hawak niya kina Kurai at Raizo. “Subukan n’yong gumalaw at sisiguraduhin kong babaon sa mga bungo niya ang bala ko.”

“S-Sir Tora...”

“Don’t talk, Mitsuo. Miwako, treat him imm—”

“I...I’m b-beyond treatment—” Mitsuo vomited blood and Dr. Miwako closed her eyes like she knew he’s telling the truth. Narinig ko ang paghikbi ni Naomi habang nakatayo siya sa harapan ko. Bigla namang ngumiti si Mitsuo at naalala ko ang sarili ko sa kanya. That’s the smile of cruelty. “So you’re finally here,” sabi niya at dumating si Hideo.

“You...” I can see him gripping his sword firmly and I know he’s holding back his tears.

“I know you need to go to Akemi, but I have a favor to ask,” sabi ni Mitsuo at sumuka ulit siya ng dugo. Tumingin siya kay Nathan at ngumiti siya rito habang si Nathan naman ay nagsimulang umiyak at pilit na kumakapit sa damit ni Mitsuo. “Sorry Nathan,” bulong niya. “Take care of your mother for me.” Tumingin siya kay Hideo at inabot niya si Nathan sa kanya. “Protect him.”

Pagkasabi niya nun ay napayuko rin si Tora at nakita kong tumingin si Dr. Miwako sa direksyon ni Mitsuo habang si Hideo ay kinuha si Nathan mula sa kanya.

‘Why does it have to be like this?’
rinig kong sabi ni Hideo at tuluyan na akong naiyak dahil ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitiwan niya. Mitsuo is the only guy he can talk to and I’m sure they respect and cherish each other.

Bigla namang may images na nagflash sa utak ko. Killings. Executions. Decapitation. Nakita ko si Mitsuo na medyo bata pa at ang ginagawa niyang pagpatay sa mga kriminal.
Ang pagtanggi niya sa Lolo niya na pumasok sa Tantei High. Ang buong buhay niya.

“You said I couldn’t protect anyone,” galit na sabi ni Mitsuo at nanlilisik ang mga mata niya. “Maybe you’re right. After all, I am not trained to protect someone.” Tinutok niya ang spear kay Kurai at lalong naging nakakatakot ang expression niya, lalo pa’t nababalot na ng dugo ang buong katawan niya. “But I can kill everyone who gets in my way. I’m going to drag you to hell with me.”

Hindi ko alam kung paano niya pa nakakayang makatayo o makagalaw kahit na umaagos na ang dugo galing sa sugat na natamo niya kanina. Sumugod sila nina Miwako at Tora papunta sa Elites habang si Hideo ay hinawakan nang mabuti si Nathan at tumakbo papunta sa direksyon namin.

Unti-unti namang nawawala ang connection ko sa isip ni Mitsuo. Hindi ko alam kung dahil ba sa kanya o sa akin, o baka dahil pareho kaming nanghihina na.

“Sorry Akemi but I...” Tuluy-tuloy na bumuhos ang luha ni Naomi at naiintindihan ko ang nararamdaman niya kaya naman tumango ako.

“Go. Pumunta ka sa kanya—”

Napatigil naman ako nung bigla kong naramdaman ang pagbukas ng Black Dimension sa likuran namin at lalo akong kinabahan dahil pamilyar sa akin ang presence sa paligid. Hindi ‘yun napansin ni Naomi dahil nakafocus lang siya sa nangyayari at nung patakbo na siya ay pinigilan ko ulit siya kaya napatingin siya sa akin.

“Akemi! Don’t—”

“Naomi...” Kahit ayaw kong gawin ay inabot ko sa kanya si Rainie at pinilit kong tumayo.

“W-what are you...”

“Get out of here. She’s coming,” sabi ko at tumalikod ako sa kanya.

Pagkasabi ko nun ay bumukas ang Black Dimension at lumabas si Rin. Lahat ng Shinigamis na natira kanina ay lumapit sa kanya at lumuhod habang siya ay nakatingin lang sa akin.

“Naomi, go.” Kinuha ko ang cards ko at bigla akong may nahawakang malamig sa loob ng cloak ko. Naalala ko ang pagbato niya sa akin ni Sarah nito nung nakaraan. Hinagis ko ‘yun sa likuran ko at nasalo naman ni Naomi ang locket.
‘Please give that to a girl named Sarah if you see her. And tell her I’m sorry. Now, go. Leave this place.’

“Akemi...”

Alam kong sobrang hirap ng pinapagawa ko kay Naomi. She’s traumatized right now because of Mitsuo and I’m exactly doing what he did. But I have no choice. Rainie won’t survive if she’s with me and they can’t escape if no one’s going to be left behind.

“Chase her,” utos ni Rin sa Shinigamis.
“But don’t kill the child.”

“Naomi! Now!” sigaw ko at mukhang natauhan si Naomi sa dapat niyang gawin. Tumakbo siya palayo sa amin.

Naririnig ko sa isip ko ang mga boses nina Michiko, Akira, Mayu at Hideo pero wala akong kinausap sa kanila dahil alam kong pipigilan lang nila ako sa gagawin ko. Instead, I reached for Mitsuo’s mind.

“Why did you come here?” tanong ni Rin at lalong naging seryoso ang expression niya. “Nabahiran na talaga nila ang pagkatao mo. Tuluyan ka nang nagbago. You still betrayed us in the end.”

“You’re right. I betrayed my own tribe that’s why I’m going to pay for it. Pero hindi ko pinagsisisihan ang mga nangyari. I was happy,” sabi ko sa kanya at biglang lumakas ang ulan.

“And because of that, you’re going to die.”

I don’t know if I’m just hallucinating or what, but I saw her expression softened for a second and somehow, that made me smile. Kahit kaunti lang, alam kong concerned pa rin siya sa akin at sapat na ‘yun para sa akin.

“I know,” mahina kong sabi. “I already know that.”

‘So we have the same fate.’
Napangiti ulit ako nung narinig ko ang boses ni Mitsuo sa isip ko at nakita ko siyang patuloy na lumalaban sa Elites.

‘I don’t know if I should find that funny or not,’
sabi ko naman at nakita ko ang pagngiti niya.

‘Sorry if I asked Hideo for a favor.’

‘I asked Naomi the same favor. I guess we’re really the same. From having a dark background and affiliations to our own death.’

‘Yeah...’

Huminga ako nang malalim at kahit papaano ay medyo lumakas ang loob ko. Kung kaya ni Mitsuo na lumaban kahit nasa ganung kalagayan na siya, kaya ko rin. To protect the two persons behind me, I’m going to do everything, even if it means death.

I threw my cards in the air and with my remaining strength, I willed them to be repelled in different directions. Some flew towards the Shinigamis chasing them and some towards Rin but she easily deflected them. Agad ko namang tinignan ang swords at ilang weapons na nakakalat sa lupa at ganun din ang ginawa ni Rin. Umangat ang mga ‘yun at sa isang iglap ay nagliparan papunta sa aming dalawa ang lahat. Doon ko narealize na nagagawa niya rin ang sixth sense ko.

Tiniis ko ang sakit ng katawan ko at sinalo ko ang sword na lumipad papunta sa akin at ginamit ko ‘yun para ideflect ang iba pang weapons. Pero hindi ko inaasahan na sobrang dami ng mga ‘yun at naramdaman ko ang pagtama sa akin ng ilan. Biglang nanlabo ang paningin ko at narinig ko ang pagsigaw nila sa isip ko. Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko at bigla kong naisuka ‘yun. Muntik na akong matumba pero nagawa kong itukod ang espada sa lupa at nasuportahan nito ang katawan ko.

“Hindi mo na ako kayang talunin ngayon kaya sumuko ka na lang,” sabi ni Rin pero hinugot ko pa rin ang espada at tinutok ‘yun sa kanya.

“I can’t Rin, and I won’t.”

Nakita kong napakagat siya sa labi niya at bigla kong naramdaman ang kakaibang pwersa sa paligid. The moment I realized it, I was already flying towards her. She’s using her sixth sense.

She disarmed me and as my sword fell, she managed to pin me to the ground. She attracted my sword and pointed it at my neck.

“Do it now.”

Akala ko ay ako ang kausap niya pero dahil sa sixth sense ni Hideo ay nakita ko ang isang Shinigami na nagtatago kanina sa itaas ng puno at nakaready na ang bow and arrows niya. Tinutok niya ‘yun sa direksyon kung saan tumatakbo sina Naomi at Rainie.

Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang takot ko para sa kanila kaya kahit ubos na ang lakas ko ay nagawa ko pa ring i-concentrate sa mata ko ang lahat-lahat. The next thing I knew, Rin was pushed back with my repulsion force and she hit the trees with a loud thud. I immediately stood up and ran when I saw the Shinigami released his arrows.

Ten steps...
Fifteen...
Faster...

‘AKEMI!’

Narinig ko na naman ang boses nila pero unti-unti na ‘yung nanghihina. Napatingin ako sa dibdib ko at nakita ko ang dalawang pana doon. I...I...managed to save them.

‘MITSUO! NO!’

Nakita ko si Mitsuo na nababalot na ng dugo at narinig ko ang malakas niyang pagsigaw nung gumulong sa paanan niya ang ulo ni Raizo. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya pero pagkatapos nun ay tumahimik siya. Nakatayo lang siya doon at hindi na siya gumagalaw. Nabitawan niya ang hawak niyang spear at umaagos na ang dugo mula sa ulo niya.

‘Sorry...Nathan...Nathalie...’

Pagkakita ko nun ay halos nanghina na rin ako at pinilit kong magfocus sa Shinigami na nasa itaas ng puno. He’s readying for another shot but this time, it was aimed at me. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng dugo sa buong katawan ko at hindi na ako gumalaw doon dahil hindi ko na kaya. Napapikit ako at tuluyan nang nagcollapse ang binti ko pero kasabay nun ay nakarinig ako ng pagsigaw at pagbagsak.

So this is it...

Hinintay kong bumagsak ang katawan ko sa lupa pero naramdaman ko ang katawan niya. Sa simpleng paghawak niya sa akin ay naghalu-halo na ang emosyong nararamdaman ko at napaiyak na lang ako. Dumilat ako para makita ko ang mukha niya at napangiti ako nung nakita ko siya habang hawak-hawak ang anak nina Naomi at Mitsuo.

Y-You’re finally here,’ I said and tears fell from his eyes.

‘Yeah. I’m here. Thank you for waiting for me.’

Now that he’s here with me, I feel relieved and secured. I didn’t know that dying can be this comforting.


***