.

.

Chapter 7

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, December 5, 2014


***

“Here’s the autopsy report,” sabay abot ni Mayu ng papers sa amin.

Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan at kinocollect na namin lahat ng evidence na nakuha namin kanina. Mukhang ayos na rin si Naomi dahil bumalik na sa dating kulay ‘yung mukha niya.

Tinignan ko naman ‘yung nakasulat doon sa report. Namatay ‘yung babae nung 11:04 PM kagabi dahil sa tama niya sa trapezius and blood loss. Wait ano ‘yun? Ah basta ang alam ko sa likod tumama ‘yung bala. Wala na akong pakialam sa internal organs niya.

“I thought so,” sabi ni Hideo.

“May distansya sa pagitan ng pumatay at nung biktima dahil walang burn marks ‘yung sugat niya,” dagdag naman ni Mitsuo.

“Ahh. So ‘yun ‘yung tinignan niyo kanina kaya hinarap niyo ‘yung likod niya,” sabay tango ni Michiko.

Oh. Kaya pala. Akala ko kung anong tinignan nila doon sa may bullet wound ng babae eh. In fairness, ang bilis nilang mag-isip. Samantalang ako, lost. Malay ko ba sa pag-iinvestigate? Ako ang pumapatay at hindi ang nag-aanalyse sa patay. Tsk.

“And I think, tumakas siya sa killer niya by running dahil mabilis ang pagsisimula ng rigor mortis ng katawan niya,” sabi ni Mayu sabay upo sa tabi namin.

Bigla naman akong napatingin kay Mitsuo dahil sa aming pito ay siya lang ang hindi nagbabasa nung autopsy report.

“Bakit hindi mo binabasa?” tanong ko sabay nguso ko doon sa papel sa harap niya.

“Nabasa ko na.” Pagkasabi niya nun ay napatingin kaming mga babae sa kanya habang si Hideo ay patuloy lang sa pagbabasa ng kanya.

“Tapos mo na?!” sigaw sa kanya ni Akira.

“Oo. Bakit?”

“Anong bakit?! Two pages ‘to ah! At wala pang one minute nung binigay ‘to!”

“Wait...” sabi naman ni Naomi tapos tumingin siya sa papel na hawak niya. “Second page. Fourth paragraph. First sentence,” then tumingin siya kay Mitsuo.

“The bullet was from a gun called Mamba pistol which automatically loads bullets and can be used by a man or a woman.”

Napanganga naman kami nung sinabi niya ‘yun. For less than a minute, nakabisado niya ‘yung two-page report?

“That’s his sixth sense,” biglang sabi ni Hideo nung wala nang makapagsalita sa amin. Napatingin ulit kami kay Mitsuo at this time, tumingin siya sa autopsy report.

“I can easily memorize the things I see. Though they also easily fade away after a few days.”

Whoa. Awesome. Ang astig ng mga sixth sense nila. Ang hindi ko na lang alam ay ‘yung kay Michiko at Mayu. Malalaman ko rin naman siguro soon.

Inexplain naman ni Mayu ‘yung rigor mortis na sinasabi niya kanina. Normally raw, kapag pagod o may ginawang nakakapagod ang isang tao bago siya mamatay, mas mabilis ang process ng rigor mortis o ‘yung pagtigas ng muscles ng katawan. Kaya ang hinala niya ay pilit na tinatakasan nung biktima ang killer niya bago siya mamatay.

“Pero mukhang walang iniwan na dying message ang biktima,” sabi ni Akira.

“But why? Hindi naman considered as critical hit kapag natamaan ka sa trapezius ‘di ba? She could’ve leave some clues before dying,” dagdag pa ni Michiko.

“Maybe she can’t. Maybe the killer did something after firing a shot,” sabi naman ni Naomi.

Natahimik naman ulit sila at tumingin ulit doon sa report.

“I think they are already asking the suspects,” biglang sabi naman ni Hideo sabay tingin niya kay Akira.

“Yeah. I can hear them. Let’s go!” sigaw ni Akira.

“Wait,” tapos pinigilan ni Mayu si Akira sa pagtayo.

Tumayo naman bigla si Mayu at pumunta siya sa may harapan. May tinype siya doon sa computer katabi ng main system and then bigla na lang nawala ‘yung isang side ng sasakyan.

“Whoa! Astig!” sigaw ni Michiko at lumapit siya doon sa side ng sasakyan.

“I added this option so that we can see what’s happening outside even if we’re here. Naglagay na rin ako ng microphone bugs sa mga kwelyo ng pulis habang nandoon tayo kaya kahit malayo sila sa atin maririnig natin ‘yung usapan nila,” pag-eexplain ni Mayu.

“The legacy of your father continues! Ang galing niyo talaga!” sabay ngiti nang malawak ni Michiko.

Napatitig ako kay Mayu habang nakatingin siya doon sa side ng sasakyan. Nagkagoosebumps ako dahil sa ginawa niya. Ni hindi ko nga napansin na naglagay pala siya ng bugs sa mga pulis eh. She’s really a genius. Ngayon ko masasabi na siya nga talaga ang anak ng Legendary Mechanic na si Aiwa. I can feel admiration and fear towards her.

Napatingin naman ako sa side gaya nila at kita mula rito ‘yung tatlong suspects dahil nakaharap sila sa amin pero medyo malayo nga lang.

“Anong relasyon niyo kay Ms. April dela Rosa?” tanong nung pulis na nagtatanong sa kanila. And tulad ng sinabi ni Mayu, rinig na rinig nga namin dito ‘yung pinag-uusapan nila.

“I’m her fiancé,” sabi nung lalaki habang umiiyak at nakatingin doon sa bangkay.

“Y-younger sister niya po,” sabi naman nung babaeng umiiyak rin. Saka ko napansin na medyo magkamukha nga sila nung namatay.

“E-employee po ako rito sa bangko,” sabi naman nung isa pang babae na naka-uniform.

“Heh. So you are all related to her. Hmmm,” sabi ng isang lalaki na biglang tumabi doon sa pulis na nagtatanong sa suspects.

“Sino ‘yun? Hindi ko siya nakita kanina,” tanong ni Mitsuo. So natandaan niya na rin ‘yung pagmumukha ng humdrums doon sa loob?

“Apparently, siya ‘yung detective na kadarating lang. Buti nga at nalagyan ko rin siya ng bug,” sagot ni Mayu.

“Oh. A humdrum detective? I don’t like his expression. Ang sarap suntukin!” sabi naman ni Michiko.

And like what she said, ayoko rin sa pagmumukha ng humdrum detective na ‘to. Nakasmirk siya at nakatingin siya doon sa tatlong suspects habang nagsusulat sa notebook niya.

Nakinig lang kami habang iniinterrogate ‘yung tatlo pero gusto nang sugurin ni Akira at Michiko ‘yung detective dahil lagi na lang may side comment. Tss. That’s why I hate the humdrums. They think they are above all else. Akala mo kung sino. Pero ang totoo, they are all patethic creatures na walang ginawa kundi umasa sa pwede nilang asahan.

Bago pa ako lalong mainis ay nagfocus na lang ulit ako sa nagather naming information.

Si Bobby Torres ‘yung fiancé ng biktima. He’s 29 years old at ang alibi niya sa time of crime ay nasa loob lang daw siya ng condo unit niya habang naghihintay ng text from April, pero walang proof. Then, Andrea dela Rosa is her younger sister, 23 years old. Nag-early leave siya kanina sa work dahil masakit ang ulo niya kaya nasa apartment niya lang siya hanggang umaga pero wala ring matibay na ebidensya. Last one is Tessa Andres, 24 years old, employee rin dito sa bangko at mukhang under siya sa management ni April. After daw ng office hours ay umuwi agad siya sa apartment na tinutuluyan niya at wala ring makapagsabi na nandoon nga talaga siya.

“All of their alibi have no proofs,” sabi ni Hideo.

Bigla namang may tumakbong officer papunta doon sa pulis na kumakausap sa tatlo at nagsalute.

“Sir! May natagpuan pong vault na walang laman!”

“Vault?”

“Yes, Sir! Sabi ng employees, kahapon daw ay may laman ‘yun pero ngayon wala na. At si Ms. April dela Rosa lang daw po ang laging may hawak sa susi ng vault.”

Napatingin naman ‘yung pulis sa bangkay at inutusan niya ‘yung isang pulis na hanapin sa damit ni April ‘yung susi. After ilang minuto, walang nakita sa kanya.

“You mean, pera ang motive ng crime?” tanong ni Akira.

“O baka pinlano na ng killer na isipin natin na pera ang motive pero hindi naman talaga,” sabi naman ni Naomi.

“Tsk. We only have one hour and ten minutes left,” sabi ni Hiro. Pagkatapos nun ay natahimik kami at mas nakinig kami sa usapan ng pulis at ng tatlong suspect.

But I have a weird feeling about that person. 


***