.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, December 22, 2014


***

The black dimension was opened but after that, nawala na ‘yung presence kaya lalo akong kinabahan. Konti lang ang may kakayahang buksan ang black dimension in a splitsecond like my family, the Elites, Dana, Keith and Kid. For sure isa sa kanila ang malapit sa amin pero hindi ko alam kung sino.

“Now we also have to deal with Shinigamis,” bulong ni Mayu.

“No. We need to solve this crime first,” sabi naman ni Hideo kaya napatingin silang lahat sa kanila.

Bigla namang in-open ni Mayu ‘yung pinto ng van kaya lumabas kami at sinundan namin si Hideo na nangunguna papunta doon sa crime scene. Pero napansin ko na tumingin muna siya sa paligid. He’s still wary about black dimension and the Shinigami.

“Ito pala ang pakiramdam kapag nagbubukas ang black dimension.” Napatingin naman ako kay Mitsuo. So ibig sabihin, first time niyang maencounter ang black dimension?

“You mean hindi ka pa nakakaencounter ng Shinigamis?” tanong sa kanya ni Naomi.

“I’ve heard about them but I’ve never seen one.”

Weird. Parang sanay na siya sa crimes and all pero hindi pa siya nakakakita ng Shinigami? Well, I’m a Shinigami so that means may isa na siyang nakita, though hindi niya naman alam.

Pumunta kami sa crime scene at napatingin sa amin ‘yung officer na kumakausap sa suspects pati na rin ‘yung bwisit na detective.

“What are you doing here, brats?” tanong nung detective na binigyan pa kami ng superior look. Kung hindi ko lang talaga kasama ang mga taong ‘to, wala pang isang segundo ay wala na siyang buhay.

“We’re here again, Sir,” sabi ni Hideo sa officer at hindi niya binigyan ng pansin o kahit sulyap man lang ‘yung detective. Halata namang nainis siya sa ginawa ni Hideo kaya nag-iba ‘yung expression niya.

“Oh. Kayo ‘yung detectives kanina, hindi ba? The apprentices of Kyo?”

“Yes. And we’re here to expose the murderer’s identity.”

Pagkasabi nun ni Hideo ay nag-iba ‘yung tingin nung suspects at lalong nainis ‘yung detective. Pero nagulat ako nung kilala nung officer si Kyo. Does that mean alam nila ang identity niya?

‘Hey...’ sabay tingin ko kay Naomi.

‘Nope, if that’s what you want to ask. Hindi nila kilala si Sir Kyo as a Senshin pero kilala siya sa police force as Criminal Hunter. He helps them provided that his identity and appearance are only known by high ranking officials.’

Kaya pala. He’s really a troublesome man. Kailangan naming pagplanuhan kung paano siya papatahimikin dahil hindi imposibleng malaman niya ang identity ko. I really need to tell this to Mom and Dad.

“Huh? These kids are detectives?! Niloloko mo ba ako?” sabay tingin nung detective doon sa officer at tinuro kami. “You’re underestimating crimes, kids.”

“Shut up. You’re not even a decent detective,” biglang sabi ni Mitsuo kaya hinampas siya ni Naomi.

“Anong sinabi mo?!”

“Don’t worry, we’ll prove it to you,” dagdag pa ni Michiko.

Sinabi naman agad ni Hideo ‘yung tungkol sa luminol test doon sa officer kaya inutusan niya ‘yung ibang pulis na iprepare ‘yun agad. Then hinarap namin ‘yung suspects.

“You all have motives for killing her, right?” pagsisimula ni Mayu. Halata namang nagulat ‘yung tatlong suspect dahil sa sinabi niya.

“My...my sister hates me. Ayaw niya akong tanggapin dito pero...pero kahit na ganun, hindi ko magagawang patayin siya. She’s still my family,” sabi ni Andrea at umiyak na naman siya.

“Me too. How could I kill my own fiance? Ikakasal na dapat kami next year pero...pero nangyari ‘to,” sabi naman nung Bobby.

“H-hindi ko po ‘to magagawa kay Ma’am April. Hindi ko po siya magagawang patayin,” dagdag ni Tessa at nakayuko lang siya.

“Hah! Kanina, iniisip ko na ikaw ang pumatay,” sabi nung detective at tinuro niya si Tessa. “Pero ngayon, sigurado na ako na ikaw ang pumatay sa kanya!” tapos tinuro niya naman si Andrea.

“A-ako? T-teka hindi ko pinatay si Ate!”

“Sabi mo kanina ay umuwi ka ng maaga sa apartment mo dahil masakit ang ulo mo. Pero ang totoo ay ginamit mo lang ‘yung alibi at pumunta ka rito sa bangko habang wala nang ibang tao at si Ms. April na lang ang nasa loob. Kung tutuusin, madadaanan mo ang bangko na ‘to kung galing ka sa trabaho mo pauwi sa apartment mo hindi ba?”

“O-oo pero...”

“You killed her by using a silencer so that no one could hear the shot. And then you dispose the gun or it’s still in your apartment.”

“Ano naman ang evidence mo dyan, Mr. Detective?” tanong ni Akira na mukhang nagpipigil ng sarili sa pagsugod sa kanya.

“Of course! The weapon! Paniguradong nasa apartment niya ‘yun. At pagkatapos niyang patayin ang kapatid niya ay kinuha niya ang susi sa damit niya para palabasing pagnanakaw ang motibo. The money must also be in her apartment.”

“Then how would you explain the rigor mortis? What activity did she do before she died that caused the odd rigor mortis? And how did she disable the CCTV cameras?” tanong ni Naomi at natahimik ‘yung detective.

“Oh ano? Hindi ka makasagot ngayon?” sabay smirk ni Michiko.

Well, he deserved that. Tama lang na manahimik siya dahil isa lang siyang hamak na humdrum na nagpapanggap na magaling. Fools like him should die in a painful way.

“Who’s the killer then?” tanong naman nung officer at lalong nag-iba ‘yung expressions ng suspects.

“You’ll know it once the test is done,” maiksing sabi ni Hideo.

Hinintay naman namin ‘yung mga gamit for the luminol test. Habang hinihintay namin ‘yun ay nagbigay pa ng ibang ‘deduction’ ‘yung detective at kung sinu-sinong suspects na ang tinuturo niya. Retarded ba ‘to at hindi niya kayang panindigan ‘yung mga sinabi niya kanina?

After a few minutes, dumating ‘yung dalawang officer habang may dala-dalang kit. Lumapit naman agad sila sa amin.

“Mitsuo,” tawag ni Hideo sa kanya kaya nagnod naman siya. Humarap siya sa officer at nagsimulang magsalita habang hawak-hawak niya ‘yung picture ng crime scene.

“I noticed that some blood traces are gone at this particular area,” then he pointed at the picture. Lumapit naman ‘yung officer para makita niya ‘yung tinuturo ni Mitsuo. Pero para mas makita nila ay pumunta sila sa mismong crime scene at tinuro ni Mitsuo ‘yung part na ‘yun.

Wala na rin pala doon ‘yung bangkay dahil kinuha na kanina para sa autopsy report. ‘Yung dried blood na lang ang nandun.

“We’re pretty sure that something caused this to happen,” then tinignan niya ‘yung suspects.

Kinuha naman nina Akira, Michiko, Naomi at Mayu ‘yung luminol test kit at lumapit sila sa suspects.

“W-wait, anong gagawin niyo?” tanong ni Andrea.

“Aalamin namin kung sino ang killer,” sagot naman ni Akira.

“B-by using that?

Agad nilang inispray sa suspects ‘yung luminol pero wala akong nakitang kakaiba.

“A-anong meron dito?” tanong naman ni Tessa.

“Watch and learn. Mr. Officer! Pakipatay po nung ilaw at pakisarado ‘yung blinds!” sigaw ni Michiko sa mga pulis na malapit sa switch at sa mga bintana. Agad-agad naman silang kumilos at sinunod ‘yung utos niya.

The next thing I knew, may blue light na naggoglow sa isang tao habang madilim. Maski ako ay nagulat dahil tama ang deductions nila kanina sa sasakyan. Sobrang kinilabutan talaga ako. With just a tiny clue, they found out the murderer’s indentity.

After thirty seconds or so, nagfade na ‘yung blue light at saka ulit sinigaw ni Michiko na buksan ‘yung ilaw. This time, sobrang naging pale ng expression ng murderer.

“Do you have any explaining to do?” tanong ni Mayu doon sa murderer.

“I...I...”

“My guess is you accidentally killed her, right? She saw you entered this bank and you saw her. She wanted to escape by running. That’s why the rigor mortis was sped up.”

“And you hastily searched for the vault’s key since you know it’s location. You probably didn’t plan it but you still did it since the chance is there. And the trace of blood at your shoe is a solid proof,” dagdag ni Hideo.

Yes. The glowing blue light was seen at the killer’s shoeprint.

“Pero...nakuha ko lang ‘to kasi...lumapit ako sa bangkay kanina.”

“Imposible ‘yan dahil tuyo na ang dugo bago pa kayo dumating,” sabi naman ni Naomi.

“That means nakuha mo ‘yan during the crime,” dagdag ni Akira.

“And we already have evidences that you are indeed the killer. Right, Mayu?” tapos tumingin si Hideo kay Mayu.

“Yes.” Nakita ko naman na may hawak na papel si Mayu.

“So...you’re the killer? You...you killed...you killed...her?” sabi nung isang suspect habang nakatingin siya sa murderer.

Lumapit naman ako kay Mayu para silipin ‘yung papel at nagulat ako sa nakita ko. So that’s what she’s working on a while ago. Kaya pala nakaharap lang siya kanina doon sa computer. Pero nakakamangha na nakakuha siya ng ganung information within a short period of time.

“We looked into your bank accounts and we found out that you suddenly deposited 50 million. Isn’t that suspicious,” then tinignan niya ‘yung killer. “Mr. Bobby Torres?”

Natahimik siya bigla pagkasabi nun ni Mayu. Damn it. Hindi ko akalaing magagawa niyang makakuha ng information gamit lang ‘yung system ni Miyu. She’s really a genius. Wait, no. They are all genius. They solved this crime in less than two hours!

“And the way you’re acting is really weird, Ms. Tessa. Probably because you saw them. Right?” tanong naman ni Hideo at maski ako ay nagulat sa reaction ni Tessa dahil namutla siya at talagang nakatitig lang siya kay Hideo. Napatingin rin sa kanya si Bobby na halata namang gulat rin sa nalaman.

“Paano ko nalaman? ‘Yan ba ang gusto mong itanong?” napayuko na lang si Tessa after that.

“It’s easy. You keep on looking at him like you’re seeing a ghost. Hindi ka rin nagsasalita kanina dahil natatakot ka sa pwedeng mangyari kasi kasama mo siya.”

“T-then...p-pinatay niya si Ate d-dahil sa...dahil sa...”

“Oo. Pinatay siya dahil sa pera. He stole the company’s money,” sabi ni Akira.

“And that’s how you solve a crime and corner a criminal,” sabay tingin ni Michiko doon sa detective na namutla rin dahil sa nangyari.

Huhulihin na sana nung mga pulis si Bobby pero nabigla kaming lahat nung bigla niyang hinablot ang baril doon sa officer at tinutukan niya si Tessa habang nakayakap siya mula sa likod nito. Unti-unti rin siyang naglalakad papunta doon sa pintuan.

“Wag na wag kayong lalapit, kundi papaputukin ko ang bungo ng babaeng ‘to!”

Napatigil silang lahat sa paggalaw at wala silang magawa kundi tignan lang siya habang unti-unting binubuksan ‘yung pinto.

“Damn! I should’ve pinned him down!” sabay gulo ni Michiko sa buhok niya sa sobrang inis.

“We’ll chase him,” sabi naman ni Hideo.

“Ganyan ba magcorner? Hah! Ni hindi niyo nga siya nahuli—”

“Shut up, pathetic human or I’ll rip your heart out,” seryoso kong sabi sa kanya.

Natahimik siya after that. Good for him. Hindi ko na siya kayang itolerate kapag nagsalita pa siya. Mapapatay ko na talaga siya sa sobrang inis.

Nakita naman namin mula rito na sumakay siya sa sasakyan niya at tinulak niya sa loob si Tessa, at saka niya pinatakbo ‘yung sasakyan.

After that ay agad kaming tumakbo palabas kasama na ‘yung mga pulis na sumakay rin sa mga sasakyan nila. Tumakbo naman sina Mayu papunta doon kay Miyu pero hindi sumama sina Michiko at Hideo. They stared running after the car.

Ako naman ay lumayo muna sa kanila at tumakbo ako papunta doon sa isang eskinita.

I need to end this case right now. Kailangan ko nang magresearch sa mismong Tantei High pero dahil dito ay kailangan ko pang magsolve ng crimes kasama sila. I need to catch that man. Pero hindi ko siya kayang hulihin kung tatakbo lang ako.

I need to use it.

But they would notice it. Pero naisip ko na pwede kong gamiting cover ‘yung nangyari kanina. Bahala na!

I observed the surroundings for the last time. Then, I immediately opened the black dimension.

Yes. I opened it. At ngayon ay nandito na ako sa loob. For sure ay napansin nila ‘yun pero wala na akong time para alalahanin pa ‘yun. Nagnavigate agad ako rito hanggang sa maramdaman ko ‘yung presence ni Bobby pati na ‘yung sasakyan niya. I opened the black dimension again but at the wrong time.

Nabuksan ko ‘yun kung kailan nasa harapan ko na ‘yung sasakyan. Muntik na akong masagasaan pero nagawa kong tumalon papunta doon sa hood at gulat na gulat ‘yung expression nilang dalawa.

“Shit! Tabi! Wala akong makita!”sigaw ni Bobby habang pazigzag na ‘yung pagdadrive niya dahil nakaharang ako sa view at panay naman ang sigaw ni Tessa.

Ugh! Nahihilo na rin ako! I’m just barely hanging onto it!

Nilabas ko kaagad ‘yung cards ko and I threw them at him. Nabasag ‘yung salamin at tumama ‘yung cards ko sa balikat at braso niya na agad nagdugo. Bumunggo kami sa pader ng isang building at nawalan ng malay si Tessa habang duguan naman ‘yung braso ni Bobby.

Agad-agad naman akong bumaba mula doon sa hood pero nahilo ako dahil sa impact ng pagkabunggo. Gusto ko sanang hilahin siya palabas para dalhin sa mga pulis pero nahihilo na talaga ako.

“Hey. Are you okay?” Nagulat naman ako nung biglang nasa likuran ko na si Hideo at napasandal ako sa kanya.

“Y-yeah.” Pumikit-pikit muna ako at iniling ko ‘yung ulo ko.

“You should be more careful. That was a dangerous stunt.” Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.

“N-nakita mo ako?”

“Nung lumabas sa isang eskinita ‘yung sasakyan, nandoon ka na sa hood.”

Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko nakita niya akong gumamit ng black dimension.

“But I felt the opening of the black dimension.”

“Siguro ‘yung Shinigami rin kanina,” sabi ko na lang. Tumayo naman ako nang maayos after ng ilang segundo. Then I recovered my cards. Nakita kong kumunot ang noo niya sa ginawa ko.

“How did you do that?”

“What? Sa cards ko? It’s just like that. Since I am the owner of the cards, they will return to me,” sabi ko na lang.

Tinulungan ko naman siyang ilabas mula sa sasakyan ‘yung dalawa at this time, tinali niya si Bobby para hindi na siya makatakas.

After that ay dumating ‘yung mga pulis pati na rin si Miyu kaya sumakay agad kami doon. Inexplain rin nila in detail ‘yung deduction na ginawa nila.

‘Yung pagnanakaw ng pera sa bangko ang totoong motibo ni Bobby kaya niya naging fiance si April. Matagal na niya palang pinaplano ‘to at kagabi niya sinagawa ‘yung paglilipat ng pera sa account niya. Pero hindi niya inaasahan na nandoon pa si April at agad namang nalaman ni April ‘yung ginagawa niya. Kaya naman tumakas siya dahil nakita rin siya ni Bobby at may dala siyang baril. Pero hindi siya nakatakas at binaril siya habang tumatakbo. That explains the bullet wound sa likod niya. Kinuha niya rin ‘yung susi sa damit niya at habang ginagawa niya ‘yun ay hindi niya alam na may napunta na palang dugo sa sapatos niya. After that ay kinuha niya na rin ‘yung pera sa vault kahit wala naman sa plano niya ‘yun. That was his fatal mistake. Kung hindi niya hinanap ‘yung susi, hindi malalagyan ng dugo ‘yung sapatos niya. He exposed his own crime because of his greediness. Still, nakita siya ni Tessa nung lumabas siya sa bangko kaya nagtaka siya. Then she was summoned at the crime scene kaya nagkaroon siya ng idea kung sino ang tunay na killer pero hindi niya lang masabi.

Pero ang mas nakakagulat ay nagawa nilang isolve ang crime within two hours, just like what Kyo instructed. Kailangan ko talagang mag-ingat sa kanila. They are really dangerous...and smart. Lalo na sina Hideo at Mitsuo. Sila ang nakafigure out ng major evidences.

Pagkarating namin sa agency ay nireport lang namin kay Kyo ‘yung nangyari at after that ay dumiretso kami sa dorm. Bagsak agad ako sa kama dahil sa sobrang pagod. Kaninang madaling araw pa ako gising at ngayon ko naramdaman ‘yung antok.

And that’s how my first day ended. Tomorrow, I’ll start my mission.


***