Dapat Ba

October 14, 2017

***

Verse I:

Nakilala kita dahil sa kanila
Napaisip, napalapit at nabahala
Hanggang sa pakiramdam ay nag-iba
Tila ika'y nagugustuhan na

Pre-chorus:

Dapat na bang sumugal?
Dapat na bang magmahal?

Chorus:

'Di na alam ang aking gagawin
Puso ba ay dapat dinggin?
Ngunit ako'y puno ng takot
baka saya'y biglang maging lungkot
Nasanay akong maging mag-isa
Kaya't pagdating mo'y himala
Urong-sulong ang aking nadarama
Dapat ba, siguro nga, ikaw na

Verse II:

Nahulog ako sa'yong mga salita
sa'yong ngiti at mga mata
May natutunan sa isa't isa
Ikaw ang karamay sa lumbay at saya

Pre-chorus:

Dapat na bang sumugal?
Dapat na bang magmahal?

Chorus:

'Di na alam ang aking gagawin
Puso ba ay dapat dinggin?
Ngunit ako'y puno ng takot
baka saya'y biglang maging lungkot
Nasanay akong maging mag-isa
Kaya't pagdating mo'y himala
Urong-sulong ang aking nadarama
Dapat ba, siguro nga, ikaw na

Bridge:

Dapat na bang humakbang papunta sa'yo?
Dapat na bang magtagpo ang ating mundo?

Chorus:

'Di na alam ang aking gagawin
Puso ba ay dapat dinggin?
Ngunit ako'y puno ng takot
baka saya'y biglang maging lungkot
Nasanay akong maging mag-isa
Kaya't pagdating mo'y himala
Urong-sulong ang aking nadarama
Dapat ba, siguro nga, ikaw na
Ikaw na, ikaw na

Dapat ba, siguro nga, tayo na


***