'Di Naman Tayo

Posted by Ann Lee on Sunday, September 3, 2017 Under: Music and Melody

***

written by: Sidney
composed by: Hans


Verse I
Ikaw ay nakilala
Nang maging kaklase sa eskwela
Agad akong nahulog
Sa ngiti mong tila patibong
Naging magkaibigan
Laging nagkukwentuhan
Sabi mo ika'y masaya
Kapag tayo ay magkasama

Nag-iba ang ating turingan
Kahit walang aminan

Chorus
Magkahawak ang ating mga kamay
Pero 'di naman tayo
Magkayakap sa ilalim ng langit
Pero 'di naman tayo
Ako ang karamay sa saya at lumbay
Pero 'di naman tayo
Mahal kita, ngunit ikaw ba?
Pareho ba ng nadarama?
Ngunit 'wag kang mag-alala
Hindi man tayo, ako ay sa'yong-sa'yo

Verse II
Tayo raw ba?
Laging 'yan ang tanong nila
Sagot ko'y ngiti
Pagkat wala na akong masabi
Ayos lang sa'kin
Kung ano man ang lagay natin
Ayokong ika'y pilitin
Kahit na ako'y naghihintay rin

Tayo man o hindi
Mananatili ako sa'yong tabi

Chorus
Magkahawak ang ating mga kamay
Pero 'di naman tayo
Magkayakap sa ilalim ng langit
Pero 'di naman tayo
Ako ang karamay sa saya at lumbay
Pero 'di naman tayo
Mahal kita, ngunit ikaw ba?
Pareho ba ng nadarama?
Ngunit 'wag kang mag-alala
Hindi man tayo, ako ay sa'yong-sa'yo

Ako ay sa'yo
Sana'y akin din ang 'yong puso

Chorus
Magkahawak ang ating mga kamay
Pero 'di naman tayo
Magkayakap sa ilalim ng langit
Kailan magiging tayo
Ako ang karamay sa saya at lumbay
Sana'y maging tayo
Mahal kita, ngunit ikaw ba?
Pareho ba ng nadarama?
Ngunit 'wag kang mag-alala
Hindi man tayo, ako ay sa'yong-sa'yo

At kung magiging tayo...
Wala nang bawian 'to.



***

In : Music and Melody