Awit Para Sa'yo

Posted by Ann Lee on Sunday, September 3, 2017 Under: Music and Melody

***

written by: Arthen
composed by: Arthen & Len


Verse I
Nagtama ang paningin
Ngunit agad umiwas sa akin
Sa tuwing ikaw ay daraan
Di maiwasang ika'y pagmasdan
Kausapin ka'y 'di magawa
Pagkat nauunahan ng hiya

Kaya't idaraan na lang sa kanta
Ang aking nadarama

Chorus
Sa unang tingin, agad akong nahumaling
Ngunit di ko kayang sabihin sa'yo
Nangangambang ako'y hindi pansinin
Kaya't hanggang pangarap na lang ako
Isusulat at akin na lang aawitin
Sana'y iyong dinggin pagkat
Para sa'yo ang awit kong ito

Verse II
'Pag ika'y malapit sa'kin
Tila nawawalan ng hangin
Hindi na makahinga
Dahil abot-kamay na kita
Ngunit pinili kong lumayo
Pagka't duwag ang aking puso

Hanggang sa awit na lang talaga
Madaraan ang aking pagsinta

Chorus
Sa unang tingin, agad akong nahumaling
Ngunit di ko kayang sabihin sa'yo
Nangangambang ako'y hindi pansinin
Kaya't hanggang pangarap na lang ako
Isusulat at akin na lang aawitin
Sana'y iyong dinggin pagkat
Para sa'yo ang awit kong ito

Bridge
Kailan kaya masasabi
Na ikaw ang minimithi
Hanggang awit na lang ba
Ang aking nadarama

Chorus
Sa unang tingin, agad akong nahumaling
Ngunit di ko kayang sabihin sa'yo
Nangangambang ako'y hindi pansinin
Kaya't hanggang pangarap na lang ako
Isusulat at akin na lang aawitin
Sana'y iyong dinggin pagkat
Para sa'yo...
Para sa'yo...
Ang awit kong ito



***

In : Music and Melody