***

Nandito ako ngayon sa park malapit sa dati naming bahay. Buti na lang at makulimlim ngayon kaya kahit tanghali ay hindi mainit.

Nostalgia hit me and suddenly, my tears were threatening to come out. Dito kasi kami huling pumunta bago mangyari kay Kyle ‘yon. Pumunta ako rito para harapin ang takot ko pero lalo ko lang naalala ang nakaraan.

Ilang taon na ang nakakalipas pero malinaw pa rin sa isipan ko lahat ng nangyari. Sabi sa akin ng mga magulang ko, maging ang kay Kyle, mas makakabuti siguro kung hindi na ako babalik sa lugar na ‘to pero pinili ko pa ring puntahan.

“Kyle . . .” I muttered.

Bago pa ako tuluyang maiyak ay tumayo ako at pumunta sa sorbetero sa may gilid. Bumili ako ng ice cream sa kanya at pagkatapos no’n ay nag-ikot ako sa park pero bawat sulok nito ay si Kyle pa rin ang naaalala ko. I remembered that day when we were just running around the field, doing silly things and eating different street food. That day when those men robbed him his life.

Naalala ko ang ilang oras kong paghihintay sa ospital nang may tumulong sa amin pero matapos ang labindalawang oras ay hindi na siya muling gumising.

Bigla na lang tumulo ang luha ko napaupo na lang ako sa bench na malapit sa akin. Natunaw na ang ice cream sa kamay ko kaya naman tinapon ko na lang. Naghanap ako ng tissue sa bag ko gamit ang isang kamay pero mukhang hindi ko nadala. Wala rin akong kahit anong pwedeng pamunas kaya naman nagdesisyon akong bumili na lang sa tindahan malapit dito. Tatayo na sana ako pero nagulat ako nang biglang may panyo nang nakalahad sa harapan ko.

“You can use this—!”

Napatigil siya nang tumingin ako sa kanya at gano’n din ako.

“You . . .” I said while pointing at him. It was that guy.

We stared at each other, long enough for it to be awkward. I turned at the side and I was reminded by the time I was informed of Kyle’s death after the operation. A girl lent me her handkerchief even when she also needed it.

“You’re that girl . . .” sabi naman niya at hindi ko alam kung bakit pero naalala ko sa kanya ang babaeng nag-abot ng panyo sa akin dati. Maybe because they both did the same gesture to me. “Anyway, here.”

Inabot niya sa akin ang panyo at pinunasan ko naman ang kamay ko. Buti na lang at may alcohol akong dala kaya nawala ang lagkit ng ice cream sa balat ko. Pagtingin ko ay wala na ang lalaki. Ni hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya.

Naglakad na lang ulit ako at hinintay na mag-12 PM dahil sabay kaming maglalunch ni Miley. Naalala ko ulit ang lalaki kanina at hindi ko alam kung paano ko masasauli sa kanya ang panyo niya pero agad din akong napahinto nang naisip ko ang lugar na ‘yon.

Tinext ko naman si Miley dahil malapit na mag-tanghali. Ang sabi ko ay magkita na lang kami sa restaurant malapit sa workplace niya. Miley is working as a researcher at the same university where she graduated while finishing her Master’s degree. Bilib nga ako sa kanya dahil talagang itinuloy niya ang pag-aaral, samantalang ako, muntik nang hindi makatapos dahil . . . dahil sa nangyari.

I can still remember and feel the pain I had suffered after Kyle’s death. I hated myself to the point that I wanted to die, too. I stopped coming to the university and my parents had to apply a leave of absence so that I can rest for a while. My mother had to be with me every night because I would always scream and cry. In the end, they had no choice but to bring me to her trauma specialist colleague in the States.

The people there helped me a lot and after five years, I became better. After getting my college diploma there, the next thing I thought was returning to Philippines.

Una kong dinalaw si Kyle dahil sobrang namiss ko siya at para na rin makapagpaalam ako sa kanya nang maayos. Ang dami ko ring gustong sabihin sa kanya na naipon lang lahat sa loob ko. Noong araw na bumalik ako rito ay sobrang saya ko dahil napuntahan ko na rin siya sa wakas. I tried really hard to control my tears, to show him that I’m now okay, but I failed.

“Nandito ka lang pala!”

Nagulat naman ako nang may tumabi sa akin at pagtingin ko ay si Miley pala. Saka ko lang narealize na past-12 na pala at pagtingin ko sa phone ko ay naka-ilang missed calls siya.

“Oh my gosh! Sorry, I spaced out,” I confessed and she just smiled.

“Tara na nga. Gutom na ako. Ang daming utos ng boss namin,” sabi naman niya at sabay na kaming pumunta sa resto.

Nagkwento lang siya hanggang sa makarating kami sa kakainan namin. Natawa nga ako nang sinabi niyang stressed na siya sa work pero sige pa rin daw para sa pera since malaki ang sweldo niya.

“Malaki rin salary mo, right?” tanong naman niya sa akin.

“Well, compared sa’yo, pareho lang,” sabi ko naman.

I’m actually an assistant manager in a clothing line in Los Angeles and I requested for a break but my boss didn’t grant it. Instead, she told me that while I’m here, I should review the materials she’ll be sending via email. Pumayag naman ako.

Umorder naman kami ng food at tinuloy namin ang kwentuhan na naudlot sa ospital. I was really relieved that after all those years of having no contact, there was no awkwardness between us.

“So, bakit ka ba nakatulala do’n sa park? ‘Di kita macontact kaya inisip ko kung saan ka pwedeng magpunta. I thought you’d be here since madadaanan ‘to bago makapunta sa university.”

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sa aming magkakaibigan, siya at si Rissa ang magaling sa pagtetrace ng mga nangyari or should I say deduce? Kaya nakakatakot minsan kapag kausap ko silang dalawa dahil nalalaman kaagad nila ang mga nangyari.

“You know . . .” I gave her a melancholic smile. “I . . . I just remembered him.”

“Sabi na nga ba. Well, that’s normal,” sabi naman niya.

“Anyway, nakita ko ulit ‘yong guy before,” pag-iiba ko sa usapan dahil ayaw ko namang umiyak sa harapan niya at ayaw ko ring sirain ang mood sa pagitan namin.

“Guy? Who?”

“The guy who brought me to the hospital.”

“Ah! Talaga? Saan?”

“Do’n din sa park. Natunaw kasi ang ice cream ko tapos naghahanap ako ng tissue then in-offer niya ang panyo niya sa akin.”

Pagkasabi ko no’n ay nanliit ang mga mata niya, a sign that she wasn’t buying my story.

“Totoo kasi,” sabi ko at napataas ang kilay niya.

“Bakit, may sinabi ba akong hindi?” she said with a teasing smile. “So, after that?”

“Bigla na lang siyang nawala, eh. Hindi ako nakapag-thank you, and I didn’t get his name. Now I have another handkerchief from a stranger.”

Dumating naman ang food namin kaya tumigil muna kami sa pagkukwento at kumain. After a few minutes, Miley began talking again.

“In fairness, parang laging nagku-krus ang landas n’yo,” sabi niya.

“Agad? Three times lang,” sabi ko naman.

“Three? Wait, first was at the cemetery. Second was a while ago. Kailan ang third? Or should I say, kailan nangyari ang second since mukhang third ang ngayon?”

Sabi na nga ba walang lulusot sa babaeng ‘to. I heaved a sigh and told her what happened when I got discharged.

“You mean, bumalik siya para sa journal?”

“Yeah. Nakakaguilty nga kasi binasa ko ang unang entry,” sabi ko at bigla kong naalala ang journal entry na ‘yon . . . wait . . .

“Sus, hindi mo naman—”

“Andrew . . .” I uttered, remembering that single name in the entry.

“What?” Napatingin ako kay Miley at mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko.

“His name. That guy’s name. He’s Andrew.”

“Wha—wait, how did you know that?”

“Naalala ko ‘yong nakasulat do’n sa journal. The one who wrote it was talking about him.”

“I thought it’s his journal? Teka, nalilito ako.”

“No. Babae ang nagsulat—oh my gosh.”

“Bakit na naman?”

Realization finally hit me. That day at the cemetery . . . his expression . . . the journal . . . it’s that girl’s journal, the person beside Kyle’s grave.

Kris Leila Asuncion.



***