.

.

Chapter 3

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, March 20, 2017

***

Nagstay lang ako buong weekend sa condo at inayos ko ang materials na kailangan kong ipasa sa boss ko. Kinumusta rin ako nina Mama at Papa mula sa LA at sabi ko ay okay naman ako at huwag silang mag-alala.

Tinignan ko naman ang phone ko at nakita ko ang texts ni Chelle. Puntahan daw namin siya sa university dahil three hours pa bago ang next class niya. Sinabi ko naman na hindi ako makakapunta dahil may tinatapos pa akong work-related stuff.

Hindi ko naman agad napansin ang oras at pagtingin ko ay halos 1 PM na. Kaya pala kumukulo na ang tiyan ko.

Balak ko sanang magpadeliver na lang pero naisip ko na lumabas na rin since may kailangan akong bilhin sa mall—a set of colored pens and sketchbook for designing.

Pagbaba ko ay nasa main gate na ang taxi na binook ko kaya agad akong pumunta ro’n. Mabilis lang naman ang biyahe at saktong 1 PM ako nakarating sa mall. Naghanap agad ako ng pwedeng kainan at napunta ako sa Wingstop dahil namiss ko ang chicken. I ordered an individual serving of Spicy Soy heat scale since I‘ve already tried Mango Habanero, though I don’t think I can eat the Atomic level yet.

Habang naghihintay ay nagmasid muna ako sa paligid pero napatigil ako nang may nakita akong pamilyar na mukha sa labas ng restaurant.

That guy . . . Andrew . . .

He was busy looking at his phone and I felt weird after seeing him. If he sees me, this would be our fourth encounter and Miley might be right—laging nagku-krus ang landas namin.

Nagulat naman ako nang pumasok siya rito sa Wingstop kaya napatingin na lang din ako sa phone ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kaya naman uminom na lang ako ng tubig. I was calming myself down when I saw him passed by and the moment he turned around, my heart felt like it was about to burst.

Our eyes met each other and just like what happened outside the hospital, the noise around me faded away.

“You . . .” he said while looking at me with his intrigued expression.

“Oh. Hey,” sabi ko naman at saka pinilit ngumiti.

Tumingin muna siya sa paligid kaya gano’n din ang ginawa ko. Doon ko lang napansin na wala na ring upuan kaya nagkatinginan ulit kami.

“Uhm, may I?” tanong niya habang nakaturo sa upuan sa tapat ko.

“S-sure.”

Pagkaupo niya ay lalo lang akong nagpanic dahil sobrang awkward ng atmosphere. We met each other four times now but we still haven’t introduced ourselves with each other. Bigla ko namang naalala ang panyo niya kaya agad ko ‘yong kinuha sa bag ko.

“H-here,” sabi ko at inabot ko sa kanya ang panyo niya. “Don’t worry, malinis na ‘yan.”

Ngumiti naman siya pagkasabi ko no’n at inabot niya naman ang panyo niya.

“Hindi mo naman na kailangang ibalik, pero . . .” Tumingin ulit siya sa akin at ngumiti. “Thanks.”

“I should be the one saying that,” sabi ko naman. “Anyway, I’m sure you also find it weird that we keep seeing each other.”

“Yeah. After that incident . . .”

Naalala ko naman ang unang pagkikita namin sa sementeryo at bigla akong nahiya.

“I’m really sorry about that,” sabay yuko ko. “I . . . I thought you’re . . .”

“It’s okay,” sabi niya naman kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi pa pala tayo nagpapakilala sa isa’t isa. I’m Andrew. Andrew Cortez,” he said and he gestured for a handshake.

“Oh, right. Sabrina Valencia,” I replied and shook his hand.

After that ay hindi na ulit kami nag-usap dahil dumating na ang order ko. Hindi ko na rin siya magawang tignan dahil pakiramdam ko ay mali ang ginagawa ko. I felt guilty because of Kyle.

Kumain na lang ako at hinayaan ko na lang siya ro’n. Hindi ko naman inexpect ang anghang ng chicken na inorder ko kaya naubo ako. It was too spicy that the heat was already diffusing through my nose and throat. I was about to reach for my glass of water but I realized that I already drank it a while ago.

“Are you okay?” Andrew asked, concerned.

“Water please,” sabi ko naman sa pagitan ng pag-ubo ko.

Agad naman siyang tumayo at pagbalik niya ay may dala na siyang baso. Kinuha ko naman kaagad ‘yon at ininom. Hindi masyadong nawala ang init sa bibig ko pero at least, medyo nakahinga na ako nang maayos. Saglit akong napatingin sa kanya at nakita kong pinipigilan niya ang pagngiti niya kaya nahiya ako.

God. Ni hindi nga kami gano’ng magkakilala pero ipinahiya ko na kaagad ang sarili ko.

“Okay ka na ba?” tanong niya pero hindi ako tumingin sa kanya.

“Oh. Ah . . . yeah.”

Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko hanggang sa hindi ko na maramdaman ang labi ko sa sobrang anghang. Dumating din ang order niya at nakita kong nasa lower level of hotness ang binili niya kaya bigla akong nainggit. Hindi ko na kasi malasahan ‘tong sa akin at puro init na lang ang nararamdaman ko.

Nagsimula naman siyang kumain pero agad din siyang napatigil dahil biglang may tumawag sa phone niya. Ako naman ay halos nabusog na sa dami ng tubig na nainom ko. I will never order this kind of flavor again. I can’t feel my lips anymore and it felt like my throat was on fire.

“O, Kyle, napatawag ka?”

When I heard that, my heart immediately sank. The spicy chicken might have caused this feeling of heartburn but his name made it much worse. That one name can still affect me so much even after five years.

“Sige, pwede ako sa Saturday. Okay.”

Hindi ko na siya ulit tinignan pa at inubos ko na lang ang natitirang chicken. Hindi na ako makahinga dahil sa anghang at sakit. Biglang bumalik lahat ng alaalang pilit kong kinakalimutan kanina hanggang sa naiyak na lang ako dahil sa halu-halong emosyon.

I really miss Kyle and even though I said that I’m ready to face the new chapter of my life, I’m still stuck in the past. I want to move on but I’m scared. What if I forget about him? What if my feelings for him change? I already promised him my heart and I don’t want to betray him.

“Sabrina? Sabrina?”

Narinig ko naman ang pagtawag ni Andrew at nakita ko siyang nakatingin sa akin. His eyes showed concern and I tried hard to control my tears.

“Bakit ka umiiyak? Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niya at ngumiti na lang ako.

“Y-yeah. S-sobrang anghang lang talaga ng chicken,” pabiro kong sabi at pinunasan ko ang luha ko. “Sige, una na ako.”

Pagkainom ko ng tubig ay agad akong umalis at doon na ako tuluyang naiyak. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga dahil hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak nang ganito. I was better when I first visited Kyle’s grave and I don’t really know what triggered my emotion right now.

“Hey.”

Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa balikat ko at pagtingin ko ay nasa gilid ko na si Andrew. He looked surprised when he saw my face and I had to wipe my tears to save myself from further shame.

“I think you still need this,” sabi niya sabay abot ng panyo na kababalik ko lang sa kanya kanina. “I’m sorry.”

“Why are you saying sorry?” tanong ko sa pagitan ng paghikbi ko.

“Your expression changed when I mentioned that name and I realized that it’s also the name of the guy beside Lei.”

“It’s okay. It’s not your fault,” sabi ko naman at ngumiti ako sa kanya.

Pagkatapos no’n ay naglakad na ako palayo sa kanya at medyo gumaan kahit papaano ang loob ko. I didn’t expect him to run after me.

Just like before, I was tempted to turn around. Kahit saglit lang, gusto kong tumingin.

One . . . two . . . three . . .

Humarap ako at gaya noong nakaraan, nagtama ang mga mata namin. We just stared at each other for several seconds before I broke my gaze. I smiled at him and waved his handkerchief.

“Thank you, Andrew,” I mouthed and he nodded.

For the first time, I felt comfortable with a stranger. For the first time, someone other than Kyle, made my heart skip a beat. I know this is wrong and might end up hurting both of us but looking at him, I found something reassuring.

I found hope.



***