Hiling

Posted by Ann Lee on Sunday, August 6, 2017

***

Isang gabi, isang hiling,
binigkas sa mga bituin;
Bumulong, nagsabing,
sana ako'y iyong mahalin;
Ngunit sa aking paggising,
puso mo'y 'di pa rin sa'kin;
Sa mga bituin ay 'di nakarating,
hiling ko'y tinangay lang hangin.



***