.

.

Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, December 24, 2014


***

“Bye Ma!” lumabas na ako sa bahay at nagsimula nang tumakbo habang hawak-hawak ko pa yung sandwich na di ko nakain kaninang breakfast. As usual, malelate na naman ako!

Habang tumatakbo ako eh kinakain ko yung peanut butter sandwich na ginawa sa akin ni Mama. Hindi ko na kasi nakain kanina since late na naman ako nagising. At ang nakakainis pa eh walang dumadaang tricycle kaya tumatakbo nalang ako papuntang school. Actually, walking distance (na ngayon ay running distance na) lang naman ang bahay namin sa school pero pag talaga late na ako eh feeling ko ang layu-layo ng school!

“Oh, malelate ka na naman. Dalian mo!”
“Opo kuya!”

Sigaw ko kay manong guard na kilala na ako dahil isang beses sa isang linggo lang ata ako hindi nalelate. Tinakbo ko hanggang third floor para makarating sa room namin at...

BINGO! Wala pa si Ma'am Castro!

“Phew! Akala ko late na naman ako!” halos pabagsak na akong umupo sa upuan ko sa sobrang pagod, sabay dighay dahil kauubos ko lang nung sandwich ko.

“Late ka na talaga no. Umalis lang si Ma'am sandali.”

Ayy. Akala ko pa naman…sayang ang effort ko sa pagtakbo! Tumahimik muna ako for five minutes para magpahinga. Kakapagod kayang tumakbo habang kumakain! Feeling ko magkaka-appendicitis ako nito eh!

At sa pagpapahinga kong yun eh di pa rin dumarating yung homeroom teacher namin. Tinanong ko naman si Darwin, yung seatmate kong masungit, kung saan nagpunta si Ma'am. Ang sagot niya?

“Malay ko.” wow. Award-winning di ba? Sungit.

So hinintay nalang namin siya kahit parang nilulumot na yung mata namin kakahintay. Napatingin naman kami sa pinto nung biglang may dumating.

“SORRY MA'AM NALATE PO AKO NG GISING!!” sa pintuan eh nakayuko si Tessa, yung frontmate ko. Haha, I mean yung nasa unahan ko.

“Wala si ma'am kaya wag kang sumigaw. Ingay mo eh.” nagtawanan naman yung mga classmates ko nung nagsalita si Gerald, yung class heartthrob namin. Pati ako eh natawa dahil lagi silang nag-aaway ni Tessa. At kapag sinabi kong lagi...hindi lang araw-araw. Oras-oras pa.

Umupo naman si Tessa dun sa upuan sa unahan ko at parang may napansin akong kakaiba sa balikat niya. Hmmm. Hindi kaya.. Kung tama ang hinala ko…

“Tessa, bakit ka nga ulit nalate?” tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin.

“Uhh...a-ano...na-late ako ng gising..Bakit?”

Tinignan ko ulit yung uniform niya at saka ko naconfirm na nagsisinungaling siya. Naku naman, kahit kelan talaga 'tong si Tessa oh. Di na talaga natuto ‘tong babaeng ‘to.

“Hindi ka naman talaga late nagising eh.” nagstart akong magsalita at syempre napatingin ulit siya.

“H-ha? Anong sinasabi mo dyan? Mas..marunong ka pa sa akin eh!” this time, napatingin rin yung mga classmate namin sa amin. Tsk, ang ingay kasi ni Tessa!

“Ang hula ko eh pumunta ka sa isang dress shop at nagsukat-sukat ka dun ng damit. Dahil nag-enjoy ka eh di mo namalayang late ka na pala.” hindi ko alam pero nag-eenjoy talaga ako pag alam ko yung totoo tapos binubuking ko yung isang tao. Mean, eh?

“Ha? Pwes mali yang hula mo! Kasi, late talaga ako nagising no! Bahala ka nga dyan!” sabay talikod niya sa akin. Ayaw pa talaga umamin nito eh. At tinarayan pa ako? Aba?

“Tessa, magsisinungaling ka pa ba? Huli ka na nga eh.” sabi ko ulit sa kanya kaya napatingin ulit siya sa akin. Kaso, mukhang...galit na ata siya. Uh-oh.

Naman kasi, bakit napakapakialamera ko!

“Asan ang ebidensya mo?! Kung makabintang ka dyan eh! Ikaw ata sinungaling eh! Hahaha! Imbentor!” ang sama talaga ng ugali ng babaeng 'to. Pasalamat nga siya eh mabait pa ang approach ko sa kanya. Tss. Kaya wala siya masyadong friends eh! Masyadong masungit!

Gusto niya ng ebidensya? Then fine! Gusto niya ng pahiyaan ha?

Tumayo ako at kinuha ko yung 'ebidensya' sa uniform niya. Kinuha ko yung fur na kulay pink sa bandang balikat niya. At alam ko na galing yun sa isang dress. Well, dahil alam naming lahat na mahilig siya sa dress.

“Eto oh. Di ba galing 'to dun sa dress na sinukat mo?”

Bigla namang namutla yung mukha niya. See? Halatang nagsisinungaling siya. Well, di ko rin alam kung bakit ko pinapalaki 'tong issue na 'to. Ang sa akin lang naman, bakit kelangan niya pang magsinungaling? Parang adik lang eh.

“Okay, tapos na ang show guys. Okay na.” sabay taboy ko dun sa mga nakikiusyoso sa amin. Nagbubulungan yung classmates ko at promise sana hindi nalang nila ginawa yun dahil rinig na rinig naman. Kesyo, sinungaling at imbentor daw si Tessa. Tss. Totoo naman kasi.

“Ang epal mo talaga kahit kelan, Rainie.” at aba inirapan pa ako? Kasalanan ko bang nabisto ko yung pagsisinungaling niya? Sapukin ko siya ng kaliwa't kanan eh.

“Iba ka talaga Rainie Lazaro! Hahaha! Sinungaling ka pala eh.” sabay banat ni Gerald. Adik talaga yun. Ayan tuloy, nag-aaway na naman silang dalawa.

Senior na nga pala ako, fifteen years old. Sabi nila, malinaw daw mata ko dahil nga kahit maliit na bagay, at pag sinabi kong maliit eh sobrang liit talaga, eh nakikita ko kaagad. Katulad nga nung kanina. Pero maliban dun, normal naman ako. Ordinary kumbaga. Yung typical high school girl na makikita mo sa tabi-tabi.

Bigla namang dumating si Ma'am Castro at may dala-dala na envelope. Para saan naman kaya yun? Di naman siya agad pumasok at nag-stay lang siya doon sa may pintuan tapos tumingin lang sa amin at pa-hum-hum pa. Mukhang maganda mood ngayon ni Ma’am ah? Di niya napansin na late ako. Buti naman.

“Oh, oo nga pala, where is Ms. Lazaro?”

“Ma’am!” sabay taas ko ng kamay ko. Uh-oh. Sabi ko na nga ba alam niya pa rin na late ako. Haaay. Baka paglilinisin na naman niya ako mamayang uwian.

“Pinapatawag ka ni Mr. Principal.”

“Eh?” Huh? Teka? Masyado na ba akong maraming late kaya maeexpel na ako? OMG! “Ba..bakit po?” sabay baba ko ng kamay ko.

“Come on.”

Tumayo naman agad ako at sumunod kay Ma’am Castro. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Di naman ito ang first time kong pumunta sa Principal’s Office pero parang may something na mangyayari eh. Hay. Baka nga talagang maeexpel na ako. Sabagay. Lagi kasi akong late eh. Lagot ako kay Mama neto.

“Hmm...hmm...hmm...hmm...Hihihi! Yyyyyeeeesss!”

Napaatras ako bigla da hil nagulat ako kay Ma’am. Eh pano kasi kanina pa siya nag-huhum tapos bigla-bigla nalang siyang tatawa na malakas, at biglang tatahimik ulit. Di kaya nababaliw na ‘tong si Ma’am Castro?

“Ahaha! Sorry Ms. Lazaro. Wag mo nalang akong pansinin. Hmm...hmm...”

Ganyan lang siya sa buong pagbaba naming ng hagdan. Baka may problema lang siya kaya siya ganyan. Bigla naman siyang huminto kaya napatingin ako sa unahan namin. Nasa likod kasi ako ni Ma’am at sinusundan ko lang siya kaya di ko nakikita yung mga nakakasalubong namin.

“Oh, hi Ma’am Ramos. Hello Ms. Relena.” Rinig kong bati ni Ma’am. Pagtingin ko, si Abigail Relena nga, yung running for valedictorian ng batch namin ngayon at si Ma’am Ramos, yung adviser ng section nila. Maghehello din sana ako kaso biglang hinawakan ni Ma’am Castro yung kanang kamay ko ng kanang kamay niya kaya napatigil ako sa pagbati. Pagtingin ko kay Abigail at Ma’am Ramos eh sobrang seryoso ng mga mukha nila. Ano kayang nangyari?

“So...ikaw ang nakakita.” Sabi ni Ma’am Ramos kay Ma’am Castro.

“Hmm. Accidentally. Pero di ko akalain na...” sabay tingin niya kay Abigail at balik kay Ma’am Ramos “...nagkamali ka ng hinala.”

“Tss. Tara na Ms. Relena.” Then nilampasan nila kami.

Now, what was that? Di ko na-gets yung pinag-usapan nila. Ano yung nakita ni Ma’am Castro? At bakit nagkamali ng hinala si Ma’am Ramos? Tapos parang involved pa si Abigail.

“Tara na rin Ms. Lazaro.” Then nag-smile siya sa akin.

Naglakad naman ulit kami. Maya-maya lang eh nasa harapan na kami ng Principal’s Office. Bigla namang lumakas yung tibok ng puso ko. Bakit pakiramdam ko eh may masamang mangyayari sa akin, once na pumasok ako sa pintuang ‘to? Waah! Di kaya galing dito sila Ma’am Ramos at kaya sila parang depressed na seryoso eh dahil may something na nangyari? Teka kinakabahan ako—

“W-whooaaa!”

“Nakaharang ka sa pinto Ms. Lazaro, pasok na.”

Tinulak ako ni Ma’am papasok sa office, habang ako eh nagreresist sa pagtulak niya. Eh kasi naman! Masama talaga kutob ko dito! Kinakabahan ako!

“G-good morning Sir!” nagulat ako nung biglang yumuko si Ma’am Castro kaya tinignan ko kung sinong dumating galing sa pinto sa gilid. Pagtingin ko...si...si...Mr. Salas! Yung principal namin! Napayuko rin ako ng di-oras kasi principal talaga siya eh.

“Ah. Andito ka na pala Ms. Lazaro. Sige, maupo muna kayong dalawa dyan.” Then papunta siya doon sa door naman sa harapan namin. Pero bigla siyang tumigil at humarap ulit sa amin.

“Ms. Lazaro, bakit pala di mo dala yung mga gamit mo?”

“Po? Gamit?” bigla naman akong kinabahan.

“Hindi ba nasabi sa’yo ni Ma’am Castro?”

Napatingin ako kay Ma’am na nakaupo sa tabi ko. Ngumiti lang siya sa akin sabay pat sa balikat ko. Parang alam ko na ang kahahantungan netong pag-uusap na ‘to. My gosh. Wag naman sana. Ayoko pang ma-expel.

“Ms. Lazaro, maeexpel ka na sa school na ‘to.”

“ANO PO?!”


***