.

.

Chapter 10

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Kung anu-ano lang ang pinaggagawa namin sa loob ng guest room. Yung mga lalaki, kasami si sir Hayate ay naglaro na lang ng card games. Kami naman nila Riye at Akane, nagbabasa ng kung anu-ano dito. Marami kasing books at para talagang mini-library na divided pa sa sections. May mga manga pa nga eh.

 

May nakita rin akong notebooks na nakapangalan kay miss Bianca. Ang cute ng sulat niya. Parang computerized. Yung parang Times New Roman? Basta yung a, t at g ay hindi yung kung paano natin siya isulat ng normal pero yung parang Times New Roman na font. Ah basta! Cute ang handwriting ni miss Bianca!

 

Hindi na namin namalayan yung oras kaya nagulat kami nung bumukas yung pinto at may maid na pumasok.

 

“Pinapabigay po ni ma’am Bianca. Eto raw po ang suotin niya mamaya para sa party niya.” Nilapag niya yun sa kama at saka siya umalis. Ako naman ay nanlaki talaga yung mata sa nakita ko. To—totoo ba ‘to? Ito ang isusuot namin?

 

“Wow ang cute naman nito! Bikini!” sabay taas pa ni Akane doon sa bikini na hawak niya. Habang ako ay parang nanlalambot sa nakikita ko. Oo, alam kong bagay yan kay Akane pero sa akin? Wala ngang laman yung hinaharap ko eh. Ano naman ang tatapalan ng telang yan? Kahit masakit, yun talaga ang totoo. Huhu.

 

Kumuha na lang ako ng bikini tapos kinuha ko rin yung parang mahabang tela na parang kumot. Hindi ko alam ang tawag eh. Isa-isa naman kaming nagbihis. Sa mga boys, parang beach shorts yung binigay sa kanila tapos sando. Ang cute nga nilang tatlo, para lang silang mga celebrity na mag-Boboracay. Lalo naman si sir. Naka-polo siya pero open yung mga butones kaya tumambad sa akin ang abs niya. Buti talaga at ako na ang next na magbibihis dahil feeling ko ay mamamatay ako sa harap ng mga lalaking yun. Ang gaganda ng mga lahi.

 

Sapilitan kong sinuot yung bikini tapos pinulupot ko sa katawan ko yung telang kumot. Ginawa ko siyang tube tapos pinagcross ko sa leeg ko. After that, lumabas na agad ako. Yumuko na lang ako dahil ayokong makita yung mga reaction nila. Alam ko namang pagtatawanan nila ako dahil mukha akong ewan.

 

Nung lumabas na si Riye na naka-bikini tapos nakasupershorts siya na open yung butones tsaka see-through na polo shirt, at si Akane nan aka-bikini rin at parang net na pampatong, lumabas na kami sa guest room. Ni-lead kami papunta doon sa napakalaking pool area at nalula ako sa dami ng tao. Siguro nasa mga 30 ata kami.

 

“Hi guys! Wow, you all look wonderful!” biglang sumulpot si miss Bianca sa gilid namin at may hawak pa siyang baso ng wine. Mukhang nakainom na siya. “Sige, iwan ko muna kayo dyan ha!” tapos lumapit siya sa amin ng kaunti. “And inspect well.” Saka siya umalis ulit.

 

Ganyan ba ang may death threats? O yan lang talaga ang epekto ng alak? Mukhang lasing na nga siya eh.

 

“Okay guys. Let’s divide into two teams. Observe niyo ang paligid niyo at iinform niyo ang isa’t isa kapag may napansin kayong kakaiba.”

 

Itatanong ko pa lang sana kung paano namin cocontactin ang isa’t isa, ay may inilabas na si sir Hayate na something.

 

“Mahirap makapag-usap between inner voices kapag maraming tao kahit na hindi natin naririnig yung isip nila. That’s why we’re going to use this.” Tapos bigla siyang naglabas ng earpiece. “Akemi, Riye at Akane, kayo ang magkakasama.”

 

Okay. So nahati pala kami sa boys and girls. Kinuha namin yung earpiece na binigay sa amin ni sir Hayate tapos humiwalay na kami sa kanila. Hindi naman kami nagpahalata at para lang kaming guests doon sa pool party. Pero syempre, pinagtitinginan pa rin kami dahil mukha kaming mga high school, samantalang sila ay around 20’s na. Sabi naman kanina ni miss Bianca, pinakilala niya kami as friends of her younger sister.

 

Unti-unting dumami yung tao. Medyo nakakadistract nga dahil lahat ng babae ay sexy at yung ibang lalaki naman ay mga naka-topless. Parang literal na magnonosebleed ako dito. Pero ganun talaga, model si miss Bianca kaya obviously, models rin ang circle of friends niya. Yung iba nga, feeling ko nakikita ko sila sa magazines at posters eh. Pero di ko na masyadong natignan yung mga mukha nila dahil kinakabahan ako. Ewan ko rin. Siguro dahil sa takot? Sa excitement? Hindi ko talaga alam.

 

‘Hey girls, dumating na si JL.’

 

Narinig kong nagsalita si Ken sa earpiece. JL? Sa pagkakatanda ko, yun yung ate ni JC. Isa siya sa itinuturong primary suspects ni miss Bianca sa pagpapadala ng bloody letter.

 

‘Kami na ang magbabantay sa kanya.’

 

Si sir Hayate naman ang narinig ko this time. Sila na pala ang bahala kay JL. Pero, wait. Paano nila nalaman na si JL nga ang binabantayan nila?

 

‘We have her picture.’

 

Nagulat ako nung may nagsalita na naman. Si Hiro? Teka, paano niya naririnig yung inner voice ko? Akala ko ba nakakahinder ang mga humdrums sa pagcocommunicate namin?

 

‘They can hinder our inner voice but we can still hear each other. Although, it’s just minimal.’

 

Napatingin ako kay Akane at Riye at pareho silang tumango. Oh gosh. Akala ko pa naman, safe ang isip ko sa mga ganitong pagkakataon. Hindi pa pala! Dahil dun, sinarado ko na lang ulit yung isip ko.

 

Umupo kami sa isang bench sa may tabi ng pool area. Tapos nilabas ni Akane yung phone niya.

 

“Look. Eto yung pictures nila. Sinend sa akin ni Ken.” Pinakita niya sa amin yung pictures nina Bea, Elle at JL.

 

Si Bea ay isang petite na babae. Maliit lang siya. Siguro kasing-height ko. Maiksi yung buhok niya like Riye at angelic ang face niya. I mean, ang amo niyang tignan. Para nga lang siyang high school kung tutuusin eh. Pero napag-alaman namin na 23 years old na pala siya. Si Elle naman, parang artista ang datingan. Parang yung ganda niya ay tulad ng kay miss Bianca. Maputi siya at brownish na wavy ang buhok. Matangkad rin siya. Pangmodel ang height niya. Lastly, si JL na siguro ang pinakasimple. Black and straight hair tapos nakasalamin siya na bumagay naman sa kanya. Pero kahit simple, ang elegante pa rin niyang tignan.

 

After naming ma-view yung pictures, ini-scan agad namin yung paligid. Saktong pagtingin ko sa right side, nakita ko si Elle.

 

“Ayun yung Elle! Ayun, kumukuha siya ng pagkain.” mahina kong sabi kina Akane at tinuro ko kung saan ko siya nakita.

“Grabe. Ang cool talaga ng sixth sense mo! Ang bilis mong makakita. Ni hindi ko nga siya namukhaan eh.” Sabi naman sa akin ni Akane. Nginitian ko na lang siya. Hahanapin ko na rin sana si Bea pero nagsign ng ‘stop’ sa kamay si Akane.

“Wait. Narinig ko yung name na Bea. Where is she? Bea? Bea? There!” tapos tinuro niya yung isang babae na malapit sa cr. Ang galing! Si Bea nga!

 

Naging alert naman agad kami nung ma-spot na namin lahat ng primary suspects. Hindi ko sila nilubayan ng tingin. Pero nung ginawa ko yun, tinawanan lang ako ni Akane at Riye.

 

“Hahaha! Alam mo mas mahahalata ka kapag lagi kang nakatingin sa kanila. Act natural. Kunwari, nandito ka talaga para pumarty.”

“Oo nga nee-chan. Mapapansin mo naman agad kapag may weird silang ikinilos eh.”

 

Dahil mahigit 30 minutes na rin akong nakabantay sa dalawang yun, sinunod ko na rin ang payo nila. Kumuha kami ng barbeque at inumin tapos umupo kami sa gilid ng pool. Ngayon lang ako nakaexperience ng pool party. Pangsosyal lang kasi ‘to eh. Pero enjoy rin pala. Kahit nanonood ka lang sa mga taong nagbabasaan, matutuwa ka pa rin. Sa katunayan, nabasa na rin ako dahil nakisali sa basaan si Akane at Riye.

 

Halos two hours na rin ang nakalipas. Tinignan ko ulit sina Bea at Elle. Ganun pa rin naman sila. Nakikipag-usap sa mga kakilala nila. Pinakinggan ko rin yung earpiece ko at mukhang nagkakatuwaan rin yung boy’s group. Sinubukan ko ring hanapin si miss Bianca pero di ko siya makita sa crowd. Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko at pakikipagwisikan sa ibang tao.

 

Bigla naman akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Shocks. Naiihi na ako! Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan namin nila Riye at sinabi kong iihi lang ako saglit. Buti na lang talaga at nakita ko kung nasaan kanina yung cr.

 

Dali-dali akong tumakbo dahil giniginaw na rin ako. Nung papasok na ako sac r, bigla akong may nabangga.

 

“Ouch!”

“Sorry po!” napayuko na lang ako. Tapos nung tumungo ako, nagulat ako na si Bea pala yung nakabanggaan ko.

“Tsk. Tumingin ka sa dinadaanan mo next time, okay?” whew. Akala ko sisigawan niya ako. Buti mahinahon lang siya magsalita.

“O..okay po. Sorry po ulit.”

 

After nun, dumiretso na ako sa banyo. Actually, shower room talaga siya. May tatlong cubicle for shower purposes tapos yung dalawang cubicle sa dulo ay para sa mga magc-cr. Syempre, dumiretso ako sa dulo. Umihi ako tapos lalabas n asana ako sa cubicle kaso nakarinig ako ng malakas na paghawi ng shower curtain.

 

Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

 

Lumabas agad ako sa cubicle. Paglabas ko, gumagalaw yung shower curtain sa pangalawang cubicle. Lalong lumakas yung tibok ng puso ko. Naglakad ako papunta sa second cubicle pero parang ang bagal ng oras. Ang bigat ng mga hakbang ko.

 

Nung makarating na ako sa harapan nun, dahan-dahan kong hinawi yung shower curtain. At..

 

“AAAAHHHHHHH!!!! AAAAHHHHHH!!”

 

Napaupo ako sa sobrang takot. Napaatras ako hanggang sa dulo ng dingding. Parang nawala yung boses ko sa nakita ko. No. N..no. Napakawak ako sa bibig ko at nanginginig ako sa takot.

 

‘Akemi?! Akemi?! Anong nangyayari?!’

‘Neechan! Are you alright?!’

 

A..anong nangyari? H..hindi pwede. A..anong gagawin ko?!

 

Nakatambad sa akin ang isang babae na nakahiga sa lapag ng shower room. Walang malay. H..hindi na siya humihinga. At p..puro dugo ang paligid niya.

 

‘Akemi! Akemi!’

 

“M..miss Bianca..”

 

Si miss Bianca, wala ng buhay. H..hindi pwede ‘to.. A..anong nangyari? A..at ang mas ikinatakot ko.. sa harapan ng katawan niya ay may nakasulat gamit ang dugo niya. Tinignan ko yung mabuti kahit hindi na ako makapag-isip ng maayos. At ang nakita kong nakasulat.. ay..

 

bea.