.

.

Chapter 11

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Okay ka na ba?”

“Nee-chan.”

 

Nasa tabi ko ngayon si Akane at Riye. Hindi ko sila masagot nang maayos dahil nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa takot. Nandito pa rin kami sa loob ng banyo, pero this time, kumpleto na kami at may kasama rin kaming mga pulis. At alam kong sila yung mga nakita ko kanina bago kami pumunta rito.

 

Marami ring mga guests ang nakasilip sa may pintuan ng cr. Napayuko na lang ako. Bakit ba kasi nangyari ‘to? Kung naging alerto lang ako, hindi sana hahantong sa ganito. Kung sinuot ko lang yung necklace ko, sana nadetect ko na kanina pa na may mangyayaring masama. Bakit ba kasi naiwan ko yun sa guest room?

 

“Wag mo ngang sisihin ang sarili mo, Akemi. Wala namang may gustong mangyari ‘to kay miss Bianca eh.” Napatingin na lang ako kay Akane. Magtatanong pa lang sana ako pero inunahan na niya ako. “Oo, I can hear you. Masyado kang distracted at hindi mo namamalayan na bukas na yang isip mo.”

 

Hindi ako nakapagsalita. Alam kong tama yung sinasabi ni Akane pero nandoon pa rin yung feeling na kasalanan ko eh. Ako yung nandun sa scene. Ako yung pwedeng makatulong, pero wala akong nagawa kundi sumigaw. I am a failure.

 

“No you are not. Wag mo ngang isipin yan.” Sabay hawak ni Akane sa balikat ko.

“Oo nga. Kung hindi ka sumigaw, hindi pa namin malalaman na may murder na palang naganap.” Dagdag naman ni Ken.

 

Lalo lang bumigat yung pakiramdam ko. Kahit pinapagaan nila yung feelings ko, lalo lang akong naguguilty. Hindi ko nga rin alam kung paano nila nababasa yung utak ko samantalang sinara ko naman ‘to sa pagkakaalala ko. Siguro dahil sa pagpapanic at masyadong magulo ang isip ko kaya ganito ang nangyari.

 

“Ms. Akemi?” napatingin naman ako sa harapan ko at nakita ko yung isang pulis na kausap kanina ni sir Hayate.

“P-po?” bigla akong kinabahan.

“130 beats per minute? That’s hella fast. Wag kang kabahan.” Tapos bigla siyang ngumiti sa akin. How did he know my heart beat rate?

 

‘That’s his sixth sense. He is the new head in the Investigation department for murder cases.’

 

Medyo nasasanay na rin ako sa presence ni Hiro sa ulo ko. Bigla-bigla na lang kasi siyang sumasagot kapag nagkakaroon ako ng tanong sa isip ko. Pero I’m grateful kasi tinutulungan niya akong maka-cope up sa Atama family pati na rin sa Tantei High.

 

Napatingin ako kay Mr. Investigation team head at nawindang ako nung nagshift bigla yung mata niya from black to green, tapos bumalik ulit sa pagiging black. Napanganga talaga ako noon kahit nakita ko na yung ganung pagshift dati nung nagpa-ID picture ako. Ngumiti pa nga si mr. head dahil siguro sa reaksyon ko.

 

“Gusto ko lang hingin ang statement mo as the witness or should I say, the one who discovered the crime.” Inabot niya yung kamay niya sa akin kaya kinuha ko naman at tumayo. Sa katunayan, nanginginig pa nga yung tuhod ko nung mga panahong yun pero nilakasan ko na lang yung loob ko. Ayaw ko namang ipahiya pa lalo yung sarili ko sa harapan nilang lahat. Lumapit kami doon sa cubicle kung nasaan yung bangkay ni ms. Bianca.

 

Nakahiga siya ng patagilid at dilat pa yung mga mata niya. Kumalat rin yung dugo niya sa buong cubicle. Umabot sa walls at pati sa shower curtains yung blood stains. Pero ang kapansin-pansin talaga sa lahat ay yung tatlong letrang nakasulat sa lapag, katabi ni ms. Bianca.

 

‘bea’

 

Sinabi ko kay mr. Head kung ano yung naabutan at nakita ko bago nila ako abutan ditto sa banyo. Pumapasok rin sina Akane, Ken, Reiji at sir Hayate kapag nasstuck ako o kaya hindi ko na madugtungan yung sasabihin ko.

 

“We have three primary suspects.” Panimula ni sir Hayate habang kausap niya si mr. Head. Tumingin si sir sa likuran niya kaya napatingin rin kaming lahat. Nakita namin na nakasandal sa pader sina Bea, Elle at JL. Dahil sa dami ng mga nakikiusyoso mula sa labas, minabuti ng ibang pulis na isarado na lang yung pinto sa cr. After that, kami-kami na lang ang natira, together with the suspects.

 

“Tsk. Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Kaya kong maglakad mag-isa!” biglang bulyaw ni Bea doon sa isang pulis na nakahawak sa braso niya, tapos naglakad siya papunta sa amin. Sumunod rin kaagad si Elle at JL.

“Bakit ba kami nandito? Don’t tell me, kami ang mga suspects niyo?” sabi naman ni JL sabay pamaywang niya pa.

“Yes. For now, you three are our primary suspects. Especially you, Bea.” Sagot ni sir Hayate kay JL tapos tumingin siya kay Bea.

“It’s not me! At hindi ko alam kung bakit pangalan ko ang nakasulat doon! I’m not a killer!”

“You are just one of the suspects. Kung hindi nga ikaw, baka isa sa kanila.”

“Ako? Bakit ako nasama diyan? What the hell? Pumunta lang ako sa party na ‘to para makalimutan sandal yung mga problema ko, tapos pati ito dadagdag pa sa pinoproblema ko?” this time, si Elle naman yung nagsalita.

 

Hindi ko naman sila masisisi sa inasal nila. Kung ako ang nasa kalagayan nila ngayon, siguro sobrang frustrated na rin ako. Imagine? You are treated as a suspect for a murder crime.

 

“At ano naman ang basis niyo para gawin kaming suspects sa pagkamatay ni Bianca?!” medyo natatakot na ako kay Bea dahil siya talaga ang pinakamataray sa kanilang tatlo.

 

“Well, all of you are connected to ms. Bianca because of JC. His dead boyfriend.” Buti talaga at kasama namin si sir Hayate. Ang galing lang dahil composed na composed pa rin siya kahit may namatay at kausap niya yung mga suspects.

 

“His EX-boyfriend. And what? Dahil lang kay JC kaya kami nasabit ditto?” Sabi ulit ni Bea.

 

“Yes. And I think the death of JC last week and Bianca’s death is connected. The three of you are the keys for this connection.” Lumapit sa kanila si sir Hayate. “For now, sumama muna kayo sa amin ni Ryuu para sa statements and alibis ninyo.” Lumapit si mr. Head sa kanya, so that means siya si Ryuu.

 

‘This will be your assignment for today. I want you to solve this case. Kukuha na rin ako ng iba pang impormasyon sa mga sasabihin nilang tatlo. Good luck.’

 

Narinig ko yung boses ni sir Hayate sa utak ko. Weird lang. This means bukas yung isip ni sir, pero wala akong mabasa sa mga iniisip niya.

 

Nakita kong lumabas sina sir Hayate, si mr. Head a.k.a mr. Ryuu pati na sina Bea, Elle, JL at iba pang mga pulis.

 

“Nakuhanan mo na yun?”

“Y-Yeah.”

“Okay na siguro yan. Let’s examine it.”

 

Napatingin naman ako kay Reiji at Riye, at dahil na rin siguro sa liwanag na nakita ko sa peripheral view ko. Pagtingin ko, kumukuha pala sila ng picture ng crime scene gamit yung isang camera. Oo nga pala, kailangang gawin yun kapag nag-iimbestiga ka. After nilang kumuha ng pictures, sabay-sabay na rin kaming lumabas. Akala ko nga kung saan kami pupunta, yun pala ay babalik kami doon sa guest room. Marami pa ring tao sa pool area dahil nakikiusyoso sila pero hindi na lang namin sila pinansin at dumiretso na lang kami papunta sa guest room. Pagdating doon, napaupo agad ako sa lapag. Ganun din sila.

 

“Hay. Tsk. Itong mga ‘to ang may kasalanan eh!” nagulat naman ako kay Akane dahil bigla siyang sumigaw. Pagtingin ko, yung mga Kenshu-something pala namin yung sinisigawan niya. “Bakit ba kasi hindi natin ‘to sinuot?”

“Kasi panira ng fashion?” sagot naman sa kanya ni Ken. Ang sumunod na lang na nakita ko ay sinasakal na ni Akane si Ken ng Kenshu na hawak niya. Nagpanic pa nga ako nung una dahil baka biglang ma-detect yung killing intent ni Akane pero it turned out na wala naman siyang intensyong patayin si Ken dahil hindi nag-black yung crystal sa gitna.

 

“Where are the pictures?” napatingin kami bigla kay Hiro dahil bigla rin siyang nagsalita. Tumahimik tuloy sina Ken at Akane dahil mukhang seryoso si Hiro.

“E-eto po.” Inabot ni Riye kay Hiro yung camera tapos may pinindot siyang something and biglang may lumabas doon sa gilid. Pagtingin ko, yung developed pictures na.

 

Nilatag niya yung pictures sa lapag at napatingin lang kami doon. Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala na patay na si miss Bianca. Parang kanina lang, kausap pa namin siya.

 

“Do you think that’s her dying message?” napatingin kami kay Reiji at doon sa tinuturo niya. Yung word na ‘bea’ sa tabi ni miss Bianca.

“Hm? I think so.” Lumapit si Akane sa tinuturo ni Reiji. “Look at her index finger. Punung-puno ng dugo. I think gamit ang natitira niyang lakas, sinulat niya yung name ng killer niya. Malas nga lang nung killer at hindi niya alam na humihinga pa pala si miss Bianca nung iniwan niya.”

“But it can also be a frame act. Paano kung yung killer mismo ang nagsulat niyan gamit ang daliri ni miss Bianca? It’s possible.” Dagdag naman ni Ken.

“P-pero di po ba kayo nagtataka? Bakit walang narinig na sigaw or signs of fighting back si Akemi-neesan?” this time, si Riye naman ang nagshare.

“Maybe because miss Bianca has no chance to scream or fight back, or she immediately died after the assault. And look at this photo. She was stabbed right at the heart.” Sabi naman ni Hiro.

 

Napatingin lang ako sa kanilang lima. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. And I know it’s not because of fear, it’s because of amazement. Ang galing nila! Ang dami na agad nilang naisip after seeing a bunch of photos. Ngayon lang nagsisink-in sa akin yung sinabi ni Akane dati na ang Atama family ang ‘the best’. And I think that’s true.

 

“Ikaw Akemi? Anong masasabi mo?”

“E-eh?”

 

Nagulat ako nung bigla akong tinanong ni Ken. Nasa gitna pa man din ako ng amazement ko sa kanila. Bigla tuloy na-shift yung attention nilang lahat sa akin. Hala!

 

“A-ahh. A-ano..” tinignan ko yung mga litrato. Hala wala akong masabi! Parang nasabi naman na nila lahat eh. Ano pang masasabi ko? Nakakahiya tuloy at parang ako lang ang walang kwenta ditto.

“May nakita ka bang kakaiba sa mga pictures?” si Reiji naman ngayon ang nangungulit sa akin. Sasabihin ko na sanang wala kaso biglang may nahagip yung mata ko.

 

Hmm?

 

Tinignan ko ulit mabuti yung pictures. Nagfocus ako doon sa word na ‘bea’. That’s it!

 

“S-sa tingin ko..” nagsimula pa lang akong magsalita pero bigla silang tuminging lahat sa akin. As in, define tingin. Napressure tuloy ako bigla. “S-sa tingin ko si miss Bianca talaga ang nagsulat n-nung name na bea.”

 

“Talaga? Paano mo nasabi?” tanong sa akin ni Akane habang tinitignan niya rin yung pictures.

 

Ako naman, tumayo ako at pumunta doon sa book shelves tapos kinuha ko yung isang notebook. Bumalik agad ako sa pwesto ko tapos binuklat ko yung notebook na kinuha ko.

 

“Eto oh. Ganyan kasi magsulat ng letter a si miss Bianca. Yung may buntot sa taas at hindi yung ordinary na letter a.” tinignan rin nila yung notebook at nagcompare rin sila doon sa pictures.

 

“Oo nga. It’s not usual to write letter a in this form.” Pag-ayon naman sa akin ni Akane.

 

Natahimik kami nung mga panahong yun. Pero sakto namang tumunog yung phone ni Akane kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

 

“Oh. Sakto. Sir Hayate just forwarded me some information.”

 

Pumunit siya ng isang pirasong papel doon sa notebook na kinuha ko at sinulat niya lahat ng nakalagay sa text ni sir Hayate. After niyang isulat, nilapag niya yun at pinakita sa amin.

 

 

Victim: Bianca Avila

Age: 25 y/o

Cause of death: One blow at the heart (weapon is not yet found)

Place and time of death: 4th cubicle shower room; 8:04 PM

Time of death discovery: 8:13 PM

 

Suspects

 

Name: Beatrice Faye Antonio

Age: 24 y/o

Relation to victim: ex-girlfriend of her deceased boyfriend

Alibi: 7:50 PM – went to cr to pee and vomit (witness: Akemi)

8 PM onwards – nasa garden para magpatanggal ng hilo (no witness)

 

Name: Elle Abigail Quezon

Age: 25 y/o

Relation to victim: best friend of her deceased boyfriend

Alibi: 6-8 PM – nasa pool (witness: some guests)

8-8:15 PM – lumabas para kunin ang towel na naiwan sa kotse niya (no witness)

 

Name: Jessa Louise de Vera

Age: 28 y/o

Relation to victim: older sister of her deceased boyfriend

Alibi: 6-7:45 PM – nasa pool area (witness: some guests)

7:45 PMonwards – pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kitchen para kumuha ng pagkain (no witness)

 

 

Nung mabasa ko yun, napatingin ulit ako sa ‘bea’ na sinulat ni miss Bianca at sa mga sinulat ni Akane. Bigla akong kinabahan.  Bakit ba ako ‘bea’ ng ‘bea’? Kung si miss Bianca nga ang nagsulat nun, hindi kaya…

 

 

I...I think, I have an idea on who is the killer.

It should be...her.