.

.

Chapter 12

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Kinakabahan talaga ako. Gusto kong sabihin sa kanila yung naiisip ko kaso baka mali naman o kaya sabihin nila ay nagmamarunong ako. Ayoko namang magkaroon ng ganoong impression sa akin ang mga ka-family ko.

 

Napatingin ako sa kanila na abala pa rin sa pagtingin sa pictures tsaka doon sa handwriting ni miss Bianca mula sa notebook niya, nung biglang napatingin ako kay Hiro. Napaiwas agad ako ng tingin kasi tumingin rin siya sa akin.

 

Pinahinga ko muna yung utak ko at feeling ko ay sasabog na siya anytime. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. To think na pangalawang araw ko pa lang ‘to bilang Tantei High student, tapos biglang makakaencounter agad ako ng murder case. Hindi ko pa rin makalimutan yung katawan ni miss Bianca na punung-puno ng dugo at yung expression sa mukha niya na gulat na gulat.

“Paakyat na dito si sir Hayate. Kasama niya si sir Ryuu.” Sabi ni Akane sa amin.

 

After ilang minutes, bumukas yung pinto at bumungad sa amin sina sir Hayate at sir Ryuu. Pareho silang napailing kaya nagtinginan kaming anim.

 

“Bakit sir? Anong nangyari?” tanong agad ni Ken sa kanila.

“Mas lalong naging kumplikado yung kaso. Nalaman kasi naming yung pagkamatay ni JC, yung boyfriend ni Bianca, ay posibleng murder rin.”

 

Iba-iba kami ng reaksyon nung marinig namin yun. Napatakip na lang ako sa bibig ko. Ibig sabihin, connected talaga yung pagkamatay ni miss Bianca at ni JC.

 

“Ano pong findings niyo?” tanong naman ni Reiji sa kanila.

“Hindi ba sabi dati ni Bianca, nahagip daw si JC ng kotse habang tumatawid sila tapos dead on arrival na siya nung naisugod sa ospital? Well, part of it was true. Pero may mga witness kasi na tinulak daw ni Bianca si JC kaya siya nasagasaan.”

“Oh my gosh.” Nasabi na lang ni Akane at umiling-iling pa siya. “So this is like a revenge for JC? Ibig sabihin, mas may dahilan silang tatlong patayin si miss Bianca dahil related silang lahat kay JC.”

“Yes. May kinalaman ang pagkamatay ni JC. And because they have no witness to their alibis during the time of crime, they are still the primary suspects.” Sabi ni sir Ryuu sa amin. “Sige maiwan na namin muna ulit kayo. Tatanungin ko pa ulit sila ng iba pang pwedeng makatulong sa kaso.” After that, lumabas na ulit sila ng kwarto.

 

Hindi naman ako mapakali sa narinig ko. Kung kanina, ayos na yung isip ko, ngayon, mas lalong gumulo.

 

“Let’s diminish the number of suspects.” Napatingin kaming lahat kay Hiro dahil nagsalita siya bigla. Bigla ko tuloy naisip kung paano sila mag-solve ng cases dati. Mabilis lang ba nilang nalalaman kung sino ang murderer o kung paano ginawa yung crime?

 

“Sa tingin ko, posibleng si Bea ang killer.” Pagsisimula ni Akane sa amin. “Siya kasi ang nasa banyo before the time of the crime. Sinabi niya na umihi at nagsuka raw siya for about ten minutes. And Akemi, you saw her right?” nag-nod naman ako kaagad. “Baka front niya lang yung sinabi niyang umihi at nagsuka siya pero ang totoo, pinatay na niya nun si miss Bianca.”

 

“Pero wala siyang dalang kahit ano nung nabangga niya ako.” This time, ako naman ang center of attention. “Di-di ba, wala sa crime scene yung murder weapon? That means, dala-dala niya yun hindi ba? Pero nung nabangga ko siya, naka-bikini lang siya at walang pwedeng pagtaguan ng weapon. And besides..” napaisip ako bigla. Kakaiba kasi yung naramdaman ko nung nakabangga ko siya kanina eh.

 

“Besides what?” tanong sa akin ni Akane.

 

“Besides, ang hinahon niya nung nabangga niya ako. I mean, parang hindi siya galing sa pagpatay ng isang tao. Kadalasan kasi di ba parang nagpapanic after killing a person, pero siya--”

 

“No. Don’t underestimate a killer’s behaviour. Merong mga ganoong tao. Na kahit nakapatay na sila, wala silang mararamdaman kundi pleasure. O kaya naman kaya nilang itago yung reaksyon nila. They are the worst.” Napalunok ako bigla sa sinabing yun ni Ken.

 

“Totoo yun. Hindi dapat natin ibase sa kilos lang ng isang tao yung hypothesis na binibitawan natin. It will be a big mistake.” Dagdag pa ni Reiji.

 

“S-sorry.” Napayuko na lang ako. Hindi ko naman alam na ganun pala yun.

 

“Ano ba kayo, wag niyo ngang ginaganyan si Akemi! Alam niyo namang first time niya pa lang sa ganito.” Gusto ko sanang yakapin si Akane nung sinabi niya nun, kaso nahiya naman ako bigla. “Sige Akemi, ituloy mo na yung sasabihin mo.”

 

“Ah. T-tsaka, bandang 8 PM, nung nagkabanggaan kami, papunta siyang garden nun. Pero hindi ko sigurado kung pumunta nga siya doon o hindi kasi pumasok na ako sa cr.”

 

“Baka nung pagkapasok mo sac r nee-chan, pumasok rin siya at nagtago ulit sa katabing cubicle kung saan nandoon si miss Bianca.” Sabi naman sa akin ni Riye.

 

“B-baka nga. Kasi may narinig akong parang paghawi ng shower curtains nung time nay un eh. Pero ang ipinagtataka ko, hindi sumigaw si miss Bianca. Kung sa likod siya sinaksak, I think it’s possible na hindi siya makasigaw pero nasa harapan niya yung saksak, so that means nakita niya yung mukha ng killer niya at may panahon pa siya para humingi ng tulong.”

 

“But it could also be Elle.” This time, si Hiro naman ang nagbigay ng ideas niya.

 

“How?” tanong ni Ken sa kanya.

 

“She’s in the pool for about two hours. During the time of the crime, she said she’s outside to get her towel. And it’s possible that during that time, she’s getting the weapon from her car and based on my observation a while ago, she went to the comfort room before the crime occurred.” Napatingin na lang ako sa kanya. Sobrang seryoso niya habang nagsasalita.

 

“Talaga? Pumasok siya sa cr? Bakit hindi yun kasama sa report nina sir Hayate?” sabay tingin ulit ni Akane doon sa sinulat niyang statements kanina ng suspects.

 

“Oo totoo yun. Kami yung nagbabantay sa kanya kanina di ba? Pumasok siya for one to two minutes tapos lumabas ulit siya. Nakatapis siya ng puti kaya parang imposible rin dahil panigurado, kung dala niya yung kutsilyo o kung anumang gamit yun ay dapat may bakas na ng dugo yung damit niya.” Pagdagdag pa ni Ken sa sinabi ni Hiro.

 

“Pero hindi ba pinaka-kahina-hinala si JL?” si Reiji naman ngayon ang nagbibigay ng ideas niya. “Kasi pumasok siya sa loob ng bahay at sa kusina pa kung saan maraming pwedeng gamitin para pumatay ng tao. Baka nung oras na pumunta siya sa kusina ay kumuha siya ng kutsilyo at saka niya pinatay si miss Bianca.”

 

“Pumasok ba siya sa cr?” tanong sa kanya ni Riye pero nagkatinginan lang silang tatlong lalaki.

 

“Uhm, ehem. Di na kasi namin nakita eh.” Pagpapatuloy ni Reiji pero tinignan siya ng masama ni Akane.

 

“At bakit?” tapos natawa ako nung biglang tumingin si Reiji kay Ken na para bang humihingi ng tulong.

 

“Ahh! May seksing babae kasi na dumaan sa harapan namin kaya sinundan namin tapos—awww!! Aray! Ano ba, Akane!” ang alam ko na lang ay nagrarambulan na sina Akane at Ken. Kawawa nga si Ken kasi pinapalu-palo siya ni Akane. Hindi ko tuloy alam kung tatawa ba ako o tuluyan nang maaawa sa kanya.

 

“Hay naku! Ang manyak mo talaga kahit kailan! Umayos ka nga!” sabi ni Akane matapos niyang bugbugin si Ken.

 

“Eh kasi hindi ka kamanyak-manyak.” Natawa ako nung medyo binulong yun ni Ken pero parang natauhan siya nung ngumiti ako sa kanya at tinuro ko yung tenga ko sabay mouth ko sa kanya ng: ‘her sixth sense’.

 

Isang malakas na batok ang inabot ni Ken kay Akane nung sinabi niya yun. Bubugbugin nga sana ulit ni Akane pero pinigilan na namin siya dahil baka wala kaming matapos kapag nag-away na naman sila. Nagulat nga ako nung bigla silang tumahimik nung umubo nang sadya si Hiro. At dahil doon, natuloy ulit kami sa pagdidiscuss.

 

“Pero po, baka pwede ring si ate Bianca mismo.” si Riye ngayon ang nagsheshare at yun din ang naisip ko kanina. “Baka naguilty siya sa nangyari sa boyfriend niya kaya ginawa niya yun sa sarili niya. At doon sa nagsend ng note sa kanya, baka si ate Bea yun dahil doon sa dying message na iniwan niya. Maybe, natakot siya at mas pinili na niyang magpakamatay rather than patayin pa siya, tapos sinet-up niya lang si ate Bea para sa suicide niya na magmukhang murder.”

 

Nung nasabi na lahat ng pwedeng sabihin, parang mas lalong gumulo yung kaso sa isip ko. That means, lahat sila pwedeng maging murderer. Ugh! Pero may isa pa silang hindi nakikita. Paano kung, paano kung siya talaga yung killer? Pero natatakot akong sabihin sa kanila. Paano kung mali ako? Ano bang gagawin ko?!

 

 

“Eh? Okay po.”

 

Nagulat ako nung biglang nagsalita si Akan, yun pala may kausap siya sa phone.Tapos tumayo siya at kinuha yung mga pictures pati yung notes na ginawa namin kanina.

 

“Guys, baba na raw tayo. Ieevaluate na raw yung crime. Ang atat ni sir, grabe. Paano ‘to? Hindi pa tayo sure kung sino?”

 

Saka ko lang narealize na hindi pala abot sa may cr yung sixth sense ni Akane. Masyadong malayo. Wala naman kaming nagawa kundi tumayo rin at bumaba papuntang cr. Pagdating namin doon, bumungad sa amin sina Bea, Elle at JL.

 

“They are here. Malalaman na natin kung sino sa inyo ngayon ang totoong pumatay kay Bianca.” Sabi ni sir Hayate pagdating namin. Bigla naman kaming tinignan nang masama ng tatlo.

 

“Them? Sigurado ka?” nakapamaywang pa talaga si Bea nung sinabi niya yun.

 

“Shut up.” Nagulat ako nung sinabi yun ni Hiro. Napaatras si Bea nung mga panahong yun. Maski ako, natakot ako sa kanya bigla. Pero nung paghakbang ko patalikod, hinawakan ako ni Akane sa braso tapos hinatak ako palapit sa kanya.

 

“Pagpasensyahan mo na yang si Hiro. Ganyan talaga yan pag nagsosolve ng kaso. He’s also known as ‘Akuma’ because of his style.”

 

“A-akuma? Ano yun?”

 

“Devil.” Saka siya nag-smirk sa akin. At dahil sa sinabi niya, lumayo na ako kay Hiro dahil sobrang natakot ako sa kanya at idagdag pa yung binulong ni Akane.

 

Nagsimulang magsalita si Hiro at sinabi niya yung mga sinabi namin kanina. Inulit namin yung mga pinag-usapan namin sa guest room at bawat bitaw namin ng pagsasalita, sumasagot rin yung mga suspects at nagiging defensive sila. Nung matapos namin yung pag-uusap, mukhang nabadtrip na si Bea at tumingin siya sa amin ng matalim.

 

“And now? Who’s the killer? Say her name and I’ll freakin’ slap her!” napatahimik kaming lahat. Nakakatakot pala talaga siya. Parang.. parang mas nakakatakot pa siya kaysa kay Hiro.

 

“Pwede ba Bea, tumahimik ka muna?!” sabi naman ni Elle sabay tagilid sa kabilang side.

“And I’ll freakin’ slap you, too, kapag ikaw ang killer.” Saka nagcross-arms si JL.

 

Wait, what is that? Bakit may..

 

“It’s..” napatingin ako kay Ken at bigla akong kinabahan dahil bukas yung isip niya ngayon at nababasa ko kung ano yung gusto niyang sabihin. No. I think it’s not her. It’s not her. Pero.. “It’s.. It’s J--”

 

 

 

“IT’S ELLE!”

 

Hindi ko alam pero yun ang lumabas sa bibig ko. Napatakip na lang ako dahil napatingin silang lahat sa akin.

 

“What?! Ako?! Bakit ko naman papatayin si Bianca?! Ano bang pinagsasabi mo ha?! Detectives ba talaga kayo?!”

 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero ayoko namang mapahiya si Ken o ang kahit sino sa kanila kung magsasabi sila ng maling pangalan. Kasi ngayon, sigurado na akong si Elle ang pumatay kay miss Bianca.

 

Nakatingin na rin sa akin si Akane, Riye, Ken at Reiji. Puro nakakunot ang mga noo nila. I know na biglaan yung pagsigaw ko pero, kailangan kong gawin yun. Fine, I’ll show them.

 

Lumakad ako papunta doon sa crime scene. Wala na dito yung katawan ni miss Bianca pero syempre nandun pa rin yung dugo at yung dying message niya. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Gusto kong magsalita pero parang ayaw gumana ng bibig ko. Alam kong hinihintay nila yung sasabihin ko pero parang nagmalfunction yung senses ko. Naman bakit ngayon pa?!

 

“The murder weapon.” Nagulat ako nung biglang nagsalita si Hiro. “There is a high probability that it is still on your car, wrapped in your towel, right?” napanganga ako. Paano niya naman nalaman yung bagay na yun? At.. totoo kaya yun?

 

“A..anong pinagsasabi mo? Chineck na nila yung towel na ginamit ko and there’s no blood in it.”

 

“Of course. That’s a different towel.”

 

Para akong nanonood ng isang detective movie. Ewan ko, namamangha ako sa paraan ng pagcorner niya sa suspect. At natutuwa rin ako na pareho kami ng naisip na suspect.

 

“Yung towel na dala-dala mo kanina bago ka pumasok ng cr, yun yung nabahiran ng dugo ni miss Bianca. The other one was prepared inside the comfort room. You wrapped around the weapon with the first towel and you covered it with the second towel before leaving the bathroom. Para kapag nasa labas ka na, hindi makikita yung dugo sa isang towel.”

 

Pagkasabi niya nun, parang nakakita ng multo si Elle. Is this the sign of being guilty?

 

‘Your turn.’

 

“Hik!” napatalon ako nung may narinig ako sa isip ko. Shocks! How come he can invade my mind even if it’s closed? Napabuntung-hininga na lang ako. Mamaya ko na lang yun iisipin at kailangan kong i-prioritize ang case na ‘to. Lumakad ako papasok doon sa cubicle at tumayo ako kung saan nababasa ko yung ‘bea’.

 

“One more thing. Sinulat rin ni miss Bianca kung sino ang killer niya.”

 

“Huh? Eh di ba pangalan ni Bea ang nakasulat dyan? Pano naging si Elle yan?” si JL ang nagtanong this time.

 

“Yes. At first, syempre ang mababasa natin ay yung name na Bea kasi nasa point of view natin. Pero kung titignan natin sa point of view ni miss Bianca..” umikot ako sa kabilang side kung saan sinulat ni miss Bianca yung salitang ‘bea’.

 

“In her point of view, it is written as.. eaq.” Pagkasabi ko nun, nag-gasp si JL at si Bea pero nanatiling nakatingin sa lapag si Elle. “Yes. It is the killer’s initials.  And it stands for Elle Abigail Quezon. At bukod pa doon, miss Elle, may nakikita akong blood stains sa bandang likuran niyo. I bet, natalsikan kayo ng dugo ni miss Bianca kaya kinailangan niyong baligtarin yung telang nakasuot sa’yo ngayon.”

 

“H..how on Earth d..did you see that?” bigla siyang nagfreak out sa sinabi ko. I saw those stains because of my sixth sense. Pero paano ko naman sasabihin sa kanya yun?

 

“It’s because she’s a great detective. Right, Akemi?” sabay wink sa akin ni Akane.

 

Tumahimik lang si Elle at yumuko. And then pagtungo niya, umiiyak na siya.

 

“Dapat hindi namatay si JC. Hinatid niya noon si Bianca pero mukhang nag-aaway sila. S..saktong nasa kabilang side ako pero medyo hindi visible sa side nila. S..sisigawan ko n asana sila pero nakita ko na biglang tinulak ng Bianca na yun si JC.. at.. at nabangga siya ng isang sasakyan. I.. I’m his best friend. I’m just his best friend but I love him more than that. H..hinayaan ko siya nung naging sila ni Bianca pero anong ginawa ng Bianca na yan? She killed him! She killed JC! Hinding-hindi ko siya mapapatawad! That’s why.. that’s why I send her notes and that’s why I killed her. She.. she deserves it.” Pagkatapos nun ay hinawakan siya ng dalawang pulis. Pero huminto siya sa harapan nina Bea at JL.

 

“You must thank me. Haha. At least, hindi niyo na kailangang dungisan ang mga kamay niyo. That bitch deserves her death.” Tapos bigla siyang yumuko at nakita kong may tumutulong mga luha galing sa mga mata niya. “And I hope, mapatawad ako ni JC.. sa nagawa kong ‘to.”

 

Habang palayo siya nang palayo sa amin, parang lalong bumibigat yung pakiramdam ko. It’s like she’s not that bad at all. Nagawa niya lang yun because of her love for him.

 

“Are you okay nee-chan?” napatingin ako kay Riye na kumapit sa braso ko.

“Mmm.” Saka ako ngumiti sa kanya.

“It hurts a bit, right? Looking at someone who commits crime for the sake of others.”

“Mmm.” Tapos tumango ako at pareho kaming nakatingin kay Elle na umiiyak habang hinihila siya palabas.

“By the way nee-chan, you did great.” This time, siya naman ang ngumiti sa akin.

“T-talaga?” pakiramdam ko kasi wala akong nagawa masyado. Andun pa rin yung guilt ko sa nangyari.

 

‘Maniwala ka sa kanya. You really did great.’

 

Hindi ko alam kung epekto pa rin ba ‘to ng crime o sadyang naghahallucinate lang ako at kung anu-ano na ang naririnig ko, pero napangiti ako.

 

‘Thank you.’ Yun na lang ang nasabi ko kahit hindi ako sure kung narinig niya bay un o hindi.

 

 

“Eh? Bakit ka nakangiti nee-chan?”

“Wala! Tara na!” saka ko siya hinatak palapit kina Akane.