.

.

Chapter 13

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“God! Late na naman tayo!”

“S-sorry!”

 

Tumakbo kami palabas ng dorm at pumunta sa una naming klase. Sabin a ng aba, nadala ko talaga dito ang pagiging late ko. Nadadamay pa tuloy si Akane at Riye. Bakit kasi ang late ko gumising at ang bagal ko kumilos?

 

Ayon sa schedule, PE ang class namin ngayon. Hindi ko nga alam kung saan yung classroom namin kaya sumunod na lang ako kay Akane at Riye. Pumasok sila sa isang malaking building na katapat ng Midori Building tapos umakyat sa 3rd floor. Pagtapak na pagtapak ko sa huling step sa hagdan, halos malaglag ako dahil sa nakita ko.

 

“Whoa.”

 

Napanganga talaga ako. Paano kasi ay yung buong palapag nay un ay walang kahit ano. Parang isang malaking room yung buong third floor.

 

“Tara, tara. Andyan na si ma’am Michiko.” Tapos hinila ako ni Akane papunta doon sa gitna. Syempre, nandun rin sina Hiro, Ken at Reiji. Sa tapat nila ay may isang magandang babae ang nakatayo. Siguro siya si ma’am Michiko.

 

Pagdating namin doon, nagsisimula na siyang magsalita.

 

“Hiro, you’re good. Pero masyado kang aggressive. Bawas-bawasan mo, maliwanag. Ken, you’re excellent. Wala namang problema pero sana wag kang masyadong maloko ha? And Reiji, improve your speed.”

 

Napatingin lang ako sa kanila. Ano bang ginagawa nila? Assessment?

 

“Oh, andito na pala ang girls.” Tapos bigla siyang napatingin sa akin. “Ikaw pala yung bagong member ng atama family. Nice to meet.. you.”

 

Aabutin ko n asana yung kamay niya pero may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko alam kung paano o kung kailan nangyari pero ang alam ko na lang ay biglang nasa ere na ako at babagsak na ako sa sahig. Hindi ko naramdaman na hinawakan ako ni Ms. Michiko sa braso. Napapikit na lang ako dahil alam kong anytime ay sasakit na ang likod ko dahil sa impact sa sahig.

 

“Whoa whoa! Good! Mas bumilis kayo ngayon! Very good, guys!”

 

Nagulat naman ako nung narinig ko yung boses ni Ms. Michiko at narealize ko na hindi ako bumagsak sa sahig. Pagdilat ko, napanganga na lang ako sa nakita ko.

 

Buhat-buhat ako ni Reiji tapos silang apat ay nakapalibot kay Ms. Michiko. Nakatutok sa likod niya ang isang wooden sword na hawak ni Akane at hindi ko alam kung saan niya kinuha. Hawak-hawak naman ni Riye yung kanang braso at si Hiro sa kaliwang braso, tapos si Ken ay may hawak rin na parang kahoy at nakatutok naman sa noo niya.

 

“A..anong.. nangyari?” yun na lang ang nasabi ko after kong makita yun.

“Just testing their capabilities. Haha! Sorry Akemi!” Tapos nagulat ako nung biglang nawala siya sa paningin ko.

 

“Okay, guys. Lumapit na kayo dito.” Hinanap ko kaagad yung boses niya at nakita kong nasa gitna na ulit siya ng room. How the heck did that happen? A..ang bilis niya!

 

Binitawan naman ako ni Reiji at nagthank you ako sa kanya. Tapos nilapitan ako ni Riye at Akane.

 

“Pagpasensyahan mo na yang si Ms. Michiko. Ganyan talaga yan.”

“Mmm. Ginanyan niya rin ako last year, nee-chan.”

 

Napangiti na lang ako. Medyo unexpected talaga yung nangyari kanina. Siguro kung hindi dahil sa kanilang lima ay bali-bali na yung buto ko. Sabay-sabay nalang kaming lumapit sa kanya doon sa may gitna.

 

“This is Physical Education class. Kinukuha niyo ‘to to be an extra skill kapag nakakaencounter kayo ng isang criminal. This can also help you to protect the people around you and to catch a killer.” Lumapit siya sa amin at tinignan niya ako sa mata.

 

“Ikaw na lang ang walang napipiling PE.”

“Po?”

 

Naguluhan ako sa sinabi niya. Walang napipiling PE? Ibig sabihin, may choices? Hindi lang siya as in PE na parang sa normal school—oh. Nakalimutan ko, hindi nga pala normal ang school na ‘to.

 

“Kadalasan, martial arts ang kinukuhang PE pero ikaw ang bahala sa pipiliin mo. I can teach you the basic principles of your chosen sports. Kagaya na lang nila.” Saka niya tinuro yung lima kong kasama. “Si Akane, she chose kendo. Si Riye naman ay kyudo or archery. Ken and Hiro chose judo and aikido for Reiji.” Pagkatapos niyang sabihin yun, napatingin ako sa kanilang lima. Wow. May kani-kaniyang expertise na pala sila sa martial arts. Ang galing nila.

 

“Ikaw ba? What martial arts do you want to use and learn?” napaisip naman ako. Ayoko naman ng sword dahil nakakatakot humawak nun. Ayoko rin ng archery kasi pasmado ako. Though mukhang magandang PE yun for my sixth sense. Gusto ko sana ay yung parang staff lang yung hawak ko or something na maiksi.

 

“Uhm, meron po bang parang gagamit lang ako ng staff o kahit anong maiksing bagay?” pagkatanong ko nun, biglang nanlaki yung mata ni Ms. Michiko tapos kumunot yung noo niya. Uh oh. May nasabi ba akong mali? Hala? Hindi kaya walang martial arts na gumagamit nun?

 

“B..bakit po?” tanong ko sa kanya.

 

“May naalala lang ako. Yung kaibigan ko kasi dati, ganyang-ganyan din ang tinanong niya sa sensei namin sa PE.” Tapos ngumiti siya pero parang malungkot. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.

 

“Uhm..”

 

“Ah, yeah. Meron. It is called jodo. Pwede kang gumamit ng isang maiksing staff as your weapon.” Lumapit siya doon sa box sa may gilid at nagulat ako nung binato niya yung isang staff sa akin. “Sa ngayon, ituturo ko muna sa’yo kung ano ang jodo. Pero bago yun, pwede mo muna silang panoorin at i-observe.” Saka siya ngumiti sa akin.

 

Sinunod ko naman yung sinabi niya. Pinanood ko silang lima. Una niyang pinuntahan si Akane. Pareho silang may hawak na espadang kahoy at nagsimula silang kalabanin ang isa’t isa. Halata namang magaling si Akane pero mas namangha talaga ako kay Ms. Michiko. Para kasing nakikipaglaro lang siya kay Akane. Pagkatapos nun, si Riye naman ang pinanood ko. Pumwesto siya sa dulo ng room at nasa kabilang dulo naman ang target niya. Kung tutuusin, sobrang layo ng target niya dahil nga yung room na ito ay isang buong floor ng isang building. Pero nung nirelease niya yung arrow niya, nakita kong tumama yun sa target niya. Whoa. Ang galing ni Riye! Yung tatlong lalaki naman, pare-parehong walang weapon. Sila-sila rin ang naglalaban at nagbabalibagan. Ang galing talaga. Hindi ko akalaing ganito pala ang PE dito.

 

After akong turuan ni Ms. Michiko ng principles ng jodo ay saktong tapos na rin ang time namin sa klase. Di ko akalaing three hours na pala ang nakalipas. Sabay-sabay na rin kaming umalis sa room nay un at pumunta sa next class, which is criminology. Dito, tinuturo sa amin yung iba’t ibang cases na pwede naming i-encounter. Medyo bored na nga silang lima dahil alam kong alam na alam na nila ang klaseng ‘to. Lalo na at three hours rin ang klase na ‘to. Siguro kaya lang sila nandito ay para samahan ako kaya medyo nahiya ako sa kanila. Buti nga at mapagpasensya si sir Kazuya eh. Tapos sabi niya, tuturuan niya rin daw kaming humawak ng army and police weapons sa susunod na siyang ikinatuwa nilang lima. Sabi kasi nila, dati daw ay hindi pwedeng ituro sa kanila ang paggamit ng baril hangga’t hindi sila nakakatungtong sa “green stage” na hindi ko naman naintindihan.

 

Pagkatapos ng klase namin, kanya-kanyang uwi na rin kami sa dorm. Hindi ko nga alam kung bakit napagod ako ngayon samantalang dalawang klase lang yung inattendan namin.

 

Nagluto agad ako ng kakainin namin pagkarating naming tatlo sa dorm. Buti na lang talaga at tinuruan ako ni mama na magluto, kung hindi, lagi akong mapapagastos dito at sa plaza lagi kakain.

 

Hay. Namiss ko tuloy si mama. Kamusta na kaya siya? Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang Senshin rin siya. Na katulad ko rin siya. Ano kaya ang sixth sense niya? Nasa Atama family rin kaya siya nung nag-aaral pa siya dito?

 

“Huy!”

“Wah!”

 

Muntik ko nang maitapon yung niluluto ko nung bigla akong sinundot ni Akane sa bewang ko.

 

“A..akane!”

“Haha! Peace! Eh kasi naman, bukas po ang isip mo at masyado kang maraming tanong!” nagulat naman ako sa sinabi niya. Hay. Bakit ba kasi tuwing bothered o exhausted ako ay lagging bukas yung isip ko? Tsaka ko naman naalala si Hiro.

“Akane, bakit parang hindi ko mabasa yung isip ni Hiro? O sadyang shunga lang ako?” pagkasabi ko nun, biglang tumawa ng malakas si Akane at talagang napaupo pa siya sa kakatawa.

“Huy! Akane naman eh!”

“Hahaha! Wait.. ha..hahaha! S..sorry. Hay.” Tapos pinunasan niya yung mukha niya dahil umiiyak siya sa sobrang kakatawa. “Nakalimutan kong sabihin sa’yo. Hindi mo talaga mababasa ang isip niya. Maski kami. We can’t read his mind.”

“Talaga? Bakit?”

“Di ba sabi namin sa’yo dati, by default, nakabukas ang isip ng isang tao?”

“Oo. Yun yung sabi ni Ken.”

“Hiro is an exemption. Dahil by default, sarado ang isip niya.”

 

Nagulat ako sa sinabi ni Akane. Kaya pala. Kaya pala si Hiro ang laging nakikipag-usap sa amin and not the other way around. Kaya pala hindi ko mabasa yung isip niya.

 

Kahit hanggang sa pagkain namin, hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ni Akane. Ewan ko ba. Parang ang daming misteryo ang bumabalot kay Hiro. Bakit siya naiiba?

 

“Uy, nee-chan. Interesado ka kay kuya Hiro ha?” sabay ngiti sa akin ni Riye. Sabi ko nga, bukas pa rin pala ang isip ko.

“Ha? Hindi naman sa ganun. Masyado lang akong nahihiwagaan sa kanya.”

“Eh di interesado nga! Hahaha!” this time, si Akane naman ang bumanat.

“Hindi nga kasi.” Itinuloy ko na lang ang pagkain ko at sinarado ko ang isip ko. Ang daming issues kasi sa buhay ng dalawang ‘to.

 

Maaga na rin kaming natulog dahil pagod kami. Sabi naman nila ay hapon pa ang klase namin bukas kaya pwedeng-pwedeng matulog ng mahaba. At mukhang napasarap ako sa tulog ko dahil 9 AM na ako nagising. Akala ko nga gising na sila pero pagtingin ko, magkayakap pa sila sa pagtulog. Napangiti na lang ako dahil ang cute nilang tignan. Bumangon ako at naghilamos muna. Tinignan ko rin yung sarili ko sa salamin para matignan kung may muta or panis na laway pa ba ako pero halos manigas ako sa nakita kong reflection ko sa salamin.

 

“AAAAAHHHHH!!!” napasigaw ako at napaupo sa sahig. Oh my God. A..anong nangyari sa akin? Bakit ganito? Bakit nagkaganito ako?!

 

“Akemi? Akemi? Anong nangyari sa’yo?” pagtingin ko sa gilid ko, hawak na ni Akane yung kamay ko.

“A..akane. Y..yung.. yung mata ko.” Humarap ako sa kanya at tumingin sa mga mata niya.

 

Pagtingin ko sa salamin, iba na ang kulay ng mata ko. My black eyes turned to brown.

 

“Oh my gosh. That’s.. that’s awesome!” sabi niya pa sa akin tapos niyakap niya ako.

“H..huh?”

“That’s a sign that you’re improving and you’re turning into a real Senshin.”

“A..anong ibig mong sabi--”

“Look at mine.” Tinignan ko siya and the next thing I knew, yung black niyang mata ay naging light yellow.

“What the hell.”

“See? Don’t worry, kung ayaw mong ganyan ang kulay ng mata mo, you can always revert it back to black.” Pagkasabing-pagkasabi niya nun, biglang naging black ulit yung mata niya.

 

Hindi ko kinakaya ang pagbabagong nagaganap sa akin. I think...I need more sleep.