.

.

Chapter 14

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Oh ano? Okay ka na ba?” tanong sa akin ni Akane.

“Medyo. Pero ang freaky pa rin.”

“Ganyan talaga sa simula nee-chan. Pero for sure, masasanay ka rin.” Tapos biglang nagbago yung kulay ng mata ni Riye from black to light brown, tsaka ulit bumalik sa pagiging black saka siya kumindat sa akin.

 

Pumunta kami sa only class namin ngayong araw, Psychology. Medyo hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa mata ko kanina. Pero ano pa nga bang aasahan ko? Iyon yung totoo at kailangan kong tanggapin na nagbabago ang kulay ng mata ko.

 

Pagkarating namin sa room, halos kasabay lang naming pumasok yung teacher. Sabi ni Riye, Ms. Hina daw ang pangalan ng sensei namin. Umupo agad kami at tumingin sa kanya. Napansin ko namang napatingin siya sa akin at bigla siyang ngumiti.

 

“Bothered by your eyes and a recent crime scene?” nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun?

“How did I know that? Hmm. You are blinking your eyes too fast. Ibig sabihin, may nangyaring something sa mata mo or it’s just a mannerism or you saw someone or something unexpected. You are also looking at your left side. It means that you’re reminiscing something or you’re thinking about something. Am I right?” napanganga na lang ako. By just looking at my eye movements, andaming scenarios ang nasabi niya.

 

Bigla na lang siyang tumawa at nag-sorry sa akin dahil daw habit na niya ang mag-observe ng mga tao at bigla na lang magsasalita. Ganun rin naman ako minsan sa dati kong school, lalo na kay Tessa. Sinimulan naman ni Ms. Hina ang discussion niya. Nag-eenjoy nga ako dahil interesting subject talaga ang psychology. Pero yung psychology na ituturo niya raw sa amin ay Criminal Psychology. Iintindihin namin kung paano at bakit ganun mag-isip ang isang criminal.

 

“You can either use deductive or inductive investigation. Deductive reasoning or deduction means from a general idea or argument, you can prove specific details and answers. On the other hand, inductive reasoning requires finding those tiny and specific details and you’ll come up with a general assumption.” Sinulat ko yung sinabi niya sa notepad ko. Nagulat pa nga ako nung nag-pop yung isa pang sheet kasi puno na yung sinusulatan ko. Di talaga ako masanay-sanay sa notebooks na ‘to.

 

Ang daming inexplain ni Ms. Hina na halos umabot sa 6 pages yung nag-pop na papel sa notepad ko. Buti nga at natapos na yung class dahil ang sakit na ng kamay ko kakasulat. Pero nag-enjoy talaga ako dahil ang dami kong natutunan.

 

Bumalik kami sa dorm at nag-usap-usap lang tungkol sa kung saan-saan. After nun, napagdesisyunan naming sa plaza na lang kumain. Buti nga at meron pa akong allowance eh. Pagkatapos naming kumain, bumalik ulit kami sa dorm at nagpahinga na.

 

***

 

Saturday na ngayon. First weekend ko dito sa Tantei High. Hindi ako makapaniwalang nakasurvive ako sa first week kahit na parang overloaded na yung utak ko sa mga nangyayari. Hindi pa nga rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko eh. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng utak ko lahat.

 

“Akemi, tara na!”

 

Napalingon naman ako at nakita kong ang layo na nilang lima sa akin. Tumakbo ako papunta sa kanila. Papunta nga pala kami ngayon sa Detective Agency at syempre dadaan na naman kami sa hallway nay un. Hindi ko alam kung bakit pero kinikilabutan talaga ako tuwing dadaan dito. Sobrang dilim tapos hindi pa tama yung distance. Ang creepy talaga. After fifteen minutes, nandito na ulit kami sa room na ‘to.

 

Tuwing weekends daw kasi, dito sila tumatambay dahil wala namang ginagawa sa dorm. Mas mabuti na raw na mag-solve na lang sila ng crime kaysa matulog sa dorm. Sabagay, ito na rin kasi ang kinalakihan nila, except sa amin ni Riye.

 

Umupo sila doon sa sofa pero ako umikot muna sa room. Namamangha pa rin ako kasi ang laki nito. Tapos sa isang pinto, andun yung mga police officers. Ang galing lang ng construction sa building na ‘to. Nahinto na lang ako sa may bintana at sumilip sa labas. Pero halos tumayo lahat ng balahibo ko nung may nakita akong nakasilip sa isang madilim na eskinita na halos katapat lang ng bintana. Nagkatinginan kami at bigla siyang ngumiti na siyang ikinatakot ko. Pero mas lalo akong kinilabutan nung biglang nawala yung taong nakasilip doon. Napatalikod ako bigla at napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko to the point na parang lalabas na yung puso ko.

 

“Akemi, ayos ka lang? Anong nangyayari sa’yo?” napatingin ako kay Akane na nasa tabi ko na ngayon.

“M..may nakasilip dito. S..sino yun?” napahawak ako sa kurtina dahil nanghina bigla yung tuhod ko.

 

Nagulat ako nung biglang tumayo rin yung apat mula doon sa sofa at pumaligid sa may bintana.

 

Sila na naman. I can still smell his scent.” Sabi ni Ken sabay punta doon sa table ni sir Hayate.

“Kailangan natin silang habulin.” This time, si Akane naman ang nagsalita.

“Sino?” naguluhan ako sa mga pinagsasabi nila pero bigla silang naging busy. Tumakbo si Reiji at Hiro papunta doon sa hallway at nawala na sila sa dilim.

“Riye, iexplain mo na lang sa kanya. We need to act fast.”

 

Naiwan kami ni Riye doon sa may bintana habang si Ken at Akane ay busy sa kung anumang ginagawa nila. Tinulungan ako ni Riye na sumandal sa pader.

 

“Ano bang nangyayari?” tanong ko sa kanya.

“Sorry nee-chan kung hindi namin nasabi sa’yo ‘to. Feeling kasi namin lalo kang magffreak-out.” Tapos huminga siya ng malalim. “Natatandaan mo pa ba yung history lesson m okay Akane nee-san? Di ba sabi niya maraming katulad natin sa buong mundo? Well, yes. Actually, those who have sixth sense are divided into four tribes.” Nakikinig lang ako sa kanya pero feeling ko masama na ang mapapakinggan ko.

 

“We, the Senshins. The Huntres, The Custos and the Shinigamis. Iba-iba ang culture na nakagisnan natin pero pare-pareho tayong nakakaangat sa humdrums. And those who followed Ryou, yung older brother ni Shinji, ay ang mga Shinigami. Sabi ni Akane nee-san di ba, iba ang way ng paggamit ni Ryou sa sixth sense niya? They kill humdrums and even other sixth sense tribes para makamit yung gusto nila. Those criminals na hindi pa mahuli-huli at yung mga criminals na sobrang dami nang napatay, we are sure na Shinigamis sila.”

 

My mouth tasted metal. Napayakap na lang ako sa sarili ko para pigilan ang panginginig ko. Hindi ako makapaniwalang may mga ganoong tao.

 

“You mean.. yung nakasilip kanina..” kinakabahan ako ulit sa naiisip ko.

“Yeah. I’m sure he’s a Shinigami.”

 

 

“Tara na!”

 

Napatingin ako kina Akane nung bigla siyang sumigaw. Pagtingin ko, nandito na ulit sina Reiji at Hiro. Hinatak ako ni Riye palabas sa kwarto at nagulat pa yung mga police officer nung nakita kaming tumatakbo.

 

“H..hey! San kayo pupunta?!” napatingin ako kay sir Ryuu na natulala na lang sa amin.

“Shinigami!” sigaw ni Akane at mukhang naintindihan agad yun ni sir Ryuu at ng iba pa dahil bigla silang naging seryoso at naging busy.

 

Paglabas namin, may van na nakaparada sa labas at agad-agad kaming pumasok doon. Pero muntik na akong mapasigaw dahil pagpasok ko, hindi normal na van ang nakita ko. Sobrang spacious nung loob at hindi ko alam kung paano nangyari yun. May mga devices rin na nakatabi pati mga weapons. Meron ring mababang table sa gitna at mga unan sa baba. Pero ang mas ikinagulat ko ay yung screen sa harapan.

 

“Good day, Masters.” Bigla na lang may nagsalita na parang robot. Pero alam kong galing yun sa sasakyan. P.. program bay un?

“Miyu, sundan mo yung Shinigami na nadedetect mo.” Sabi ni Ken sa may screen.

“Yes, Master Ken.”

 

Alam kong hindi na ako dapat magtanong dahil narealize ko na ang nangyayari. This van.. is a programmed vehicle. Wala sa aming nagdadrive. Parang naka-autopilot mode yung sasakyan. Namangha talaga ako. This is one heck of a ride!

 

“Ah oo nga pala, Akemi. This is Miyu, our transpo friend.” Sabi sa akin ni Ken na nakangiti pa dahil siguro nakita niya yung expression ko na manghang-mangha.

“Good day, Master Akemi.” Nagulat ako nung nag-respond si Miyu. Syempre, binati ko rin siya kahit program lang siya.

“Hello, Miyu.”

 

Pagkatapos nun, nagkwento pa sila sa akin ng iba pa nilang experiences with Shinigamis. Tapos binigay sa akin ni Riye yung staff na ginamit ko nung PE namin. Sinuot niya rin sa akin yung Kenshu- something na nakakadetect ng killing intent.

 

Tinignan ko yung screen sa harapan at may nagproject na map. Pinapakita niya yung location namin at yung location ng Shinigami na hinahabol namin. Pero biglang nag-iba yung nakalagay sa screen at nagsalita ulit si Miyu.

 

“Killing intent, detected. Distance, one hundred meters.”

 

Pagkatapos niyang sabihin yun ay saktong naging black yung mga kwintas namin at ayan na naman yung force.

 

“Shit! Bakit ngayon pa! Yung Shinigami!” sabi ni Ken habang nadadala kami palabas ng force ng kwintas.

“We don’t have a choice. Kailangan nating unahin ‘to.” Dagdag ni Reiji.

 

Wala kaming nagawa kundi mapalabas kay Miyu at tumakbo kami papunta doon sa lugar kung saan nadetect yung killing intent. Pagdating namin doon, nagkumpulan yung mga tao at yung ilan ay sumisigaw. Sumingit kami sa kanila at napasigaw rin ako nung makita ko ang tinitignan nila.

 

May isang lalaki na nakahandusay sa kalye.. at wala nang buhay. Pero ang mas nakakatakot ay ang nakasaksak na maiksing espada .. sa dibdib niya.