.

.

Chapter 15

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Sinubukan kong wag magpanic pero napaupo pa rin ako. Pangalawang beses ko nang makakita ng ganitong scene. Huminga na lang ako ng malalim para mawala yung panginginig ko. This is my life now. Kailangan ko nang masanay sa ganito.

 

“He’s dead.” sabi ni Hiro habang pinupulsuhan niya yung lalaki.

“Cause of death is fatal blow to the heart.” biglang sabi ni Riye tapos ay hinawakan niya ang dibdib ng lalaki. “The heart wall and his ventricles were damaged.”

 

Pagtingin ko sa paligid, pinapaalis nina Akane, Ken at Reiji yung mga nakikiusyosong tao. Bigla namang napahinto si Akane sa pagtataboy sa kanila.

 

“The police cars are on their way.” Sabay tingin niya sa right side. After ilang seconds, nakarinig ako ng police sirens.

 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan yung bangkay. Naglabas si Riye ng camera at saka niya kinuhanan ng litrato yung bangkay. Si Hiro naman ay tinrace yung katawan nung bangkay sa may kalsada.

 

“Tsk. If Reina is here, the time of the crime will be determined.” Narinig kong sabi ni Hiro. Oo nga pala, kayang i-determine ni Miss Reina ang time of an event.

 

“Oh, you need me?” nagulat ako nung marinig ko ang boses ni Miss Reina. Hinanap ko siya kaagad sa paligid pero hindi ko siya makita. Saka ko narealize na galing sa itaas yung boses na narinig ko. Pagtingin ko sa itaas, biglang tumalon si Miss Reina mula sa itaas ng building na katabi namin ngayon at napasigaw talaga ako sa ginawa niya.

 

“Landed safely!” sabi pa niya at nag-pose pa talaga siya.

“Miss Reina!” sigaw ko na lang sa kanya dahil muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa niya. Sino ba naman ang hindi magpapanic kung may nakita kang biglang tumalon ng 4-storey building di ba?!

 

Tinawanan niya lang ako at hinila ulit palapit doon sa bangkay.

 

“Why are you here?” tanong ni Hiro sa kanya pero patuloy pa rin siya sa pag-trace doon sa lalaki.

“You want my help, right?” tsaka ngumiti si Miss Reina. Bigla naman siyang sinamaan ng tingin ni Hiro. Napaatras nga ako dahil natakot rin ako sa tingin niya.

“You’re really cute!” sabay tawa ulit ni Miss Reina. Parang gustung-gusto niyang naaasar si Hiro. After that, hinawakan ni Miss Reina yung parang kutsilyong mahaba o espada o kung ano mang tawag doon na nakasaksak sa dibdib ng lalaki, tapos hinawakan niya rin yung sugat sa dibdib ng lalaki.

“He’s been killed around 9:17 A.M.” tinignan ko yung relo ko at 9:30 na. Halos 15 minutes na rin ang nakalipas nang mamatay yung lalaki.

 

“His name is Victor Delima.” biglang tumayo si Riye at pinakita niya sa amin yung hawak-hawak niyang identification card ng biktima.

 

“Guys, the cops are here!” sigaw sa amin ni Akane tapos tumakbo silang tatlo papunta sa amin.

 

Pagkalipas ng ilang segundo, may tatlong police cars ang huminto sa harapan namin. Marami pa ring mga tao pero concentrated na sila sa isang side. Lumabas yung mga pulis sa sasakyan at hinarap kami.

 

“Anong nangyari rito?” tanong nung isa. Siya siguro yung head ng mga pulis na dumating. Pero nakakunot yung noo siya sa amin.

“We’re investigating a crime.” sagot ni Miss Reina sa kanila na parang casual lang niyang sinabi at lalong kumunot yung mukha nung lalaki. Napatingin siya sa bangkay na nakahandusay sa bandang likuran namin.

“Sabihin mo sa akin kung anong nangyari at pwede na kayong umalis-”

“No. Hindi na ‘to sakop ng mga pulis.” Biglang may kinuha si Miss Reina sa bulsa niya na parang ID at hinarap niya sa pagmumukha ng pulis na kumakausap sa amin. Biglang nag-iba yung expression niya, maging yung ibang pulis, at para silang nagulat na ewan, tapos pabalik-balik yung tingin nila sa ID at sa aming pito.

“M..may maitutulong ba kami?” hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa itsura ng pulis. Para kaming may dalang bombang malapit nang sumabog at takot na takot siyang kausapin kami.

“You can at least shove those spectators away.” After sabihin yun ni Miss Reina ay biglang tumakbo yung mga pulis papunta sa mga tao na gustong makita kung anong nangyayari.

 

Humarap sa amin si Miss Reina at kumindat siya sa amin sabay pakita nung ID na nilabas niya. Pagkabasa ko pa lang nung nasa taas ay nagulat na ako.

 

“FBI? FBI agent ka?!” natanong ko siya bigla dahil namangha ako sa card na hawak niya.

“Nope. It’s a fake ID.”

“Whoa. Akala ko pa naman FBI agent ka talaga!” sabi ni Akane sa kanya.

“May nilabas kasi na bagong order ang Principal.” pagkasabing-pagkasabi nun ni miss Reina, bigla silang nag-winced. Parang naging seryoso bigla yung atmosphere nung mabanggit yung Principal.

“What order?” tanong ni Reiji.

“To not involve the local police and citizens kapag nagsosolve tayo ng crimes. There’s a big possibility na malaman nila ang existence ng sixth senses lalo na ngayon na kumikilos na naman ang mga Shinigami.” Lalong bumigat yung atmosphere ngayon. “Kaya pinagawa ko si Hiroshi ng FBI IDs na pwedeng ipakita sa mga police para hindi na sila makialam. To give them a message na it’s not their field anymore.”

 

Napatingin ako bigla sa mga pulis at mga tao sa kabilang side. Iniisip ko pa lang na baka madamay sila kapag nalaman nila yung tungkol sa amin ay kinikilabutan na ako.

 

Magtatanong sana ako kay Miss Reina pero bigla akong naramdaman na kakaiba. Biglang tumahimik ang paligid at tumaas lahat ng balahibo ko sa likod at batok. Mabilis akong lumingon sa likuran ko pero nung ginawa ko yun ay bumalik yung ingay at parang naging normal ulit yung pakiramdam ng likod at batok ko.

 

“Anong tinitignan niyong dalawa?” napalingon ako kay Ken at nakatingin siya sa aming dalawa ni Hiro. Tsaka ko narealize na lumingon rin pala si Hiro sa likuran gaya ko.

“Na..naramdaman mo rin ba yun?” hindi ko alam kung bakit ko siya tinanong pero feeling ko parehas kami ng naramdaman. Tumingin lang siya sa akin tapos lumakad siya palapit sa bangkay.

“Anong sinasabi mo, Akemi?” this time, si Akane naman ang nagtanong sa akin.

“Para kasing biglang tumahimik kanina tapos kinilabutan ako. Parang may nangyari o may dumaan sa likod ko.” Napahawak ako bigla sa batok ko after nun.

“Weird. Halos sabay kasi kayong tumingin ni Hiro sa likuran.” Napakamot si Ken sa ulo niya pero bumuntung-hininga na lang siya. “Mabuti pa, i-analyze na natin yung bangkay.”

“Let’s write our findings.” Saka naglabas si Reiji ng ordinary notebook. Itatanong ko nga sana kung bakit hindi yung notepad na lang ang dinala niya pero narealize ko na baka makita yun ng mga humdrums. Stupid me.

 

Pumunta kami doon sa katawan ng bangkay. Dahil sa nakita naming ID, ilang information rin ang nakalap namin.

 

Name: Victor Delima

Birthday: September 11

Age: 43 y/o

 

“Ayaw matanggal.” napatingin kami kay Reiji at nakita namin na pilit niyang tinatanggal yung case na hawak nung lalaki. Nilapitan siya ni Riye at hinawakan niya yung kamay ng lalaki.

“It hardened. It undergone rigor mortis or the stiffening of the body.” Pagkasabi nun ni Riye ay lahat sila biglang lumapit sa kanya.

“What? That can’t be! Namatay siya around 9:17 and it’s been only 30 minutes after his death!” sigaw ni Miss Reina kay Riye.

“Don’t shout at her. She’s telling the truth.” Dagdag naman ni Reiji. “Naging stiff na ang katawan niya at makikita mo naman yun sa kamay niya. Hindi ko na matanggal yung hawak niyang case. The muscles in his hand have hardened.”

“S..sorry. Nadala lang ako.”

“So that means hindi siya namatay ng 9:17. He died earlier.” sabi ni Akane kay Riye at tumango si Riye.

“Rigor mortis starts three or four hours after the death. Ibig sabihin, namatay siya around 6 AM or even earlier.”

 

I really need to study Criminology. Ngayon ko lang nalaman ang rigor mortis. Kung gusto kong makatulong sa kanila, kailangan kong mahabol yung mga alam na nila about this. Ayokong maging pabigat sa kanila.

 

“That’s really weird. I’m pretty sure that sword killed him around 9:17.” napaisip rin bigla si Miss Reina.

“Maybe he was not killed by that sword.” Dagdag ni Ken sa usapan. “Siguro sinaksak siya nung patay na siya para malito tayo sa totoong oras ng pagkamatay niya.”

 

Tumahimik ulit kaming lahat at pinoprocess lahat ng napag-usapan namin. Pero nabasag ang katahimikan na yun nung biglang may sumigaw sa bandang likuran namin. Pagtingin ko, may isang babaeng nakaupo sa may kalsada at nakatingin siya sa bangkay na nakahilata sa daanan. Tumakbo ako papunta sa kanya at bigla niyang hinatak yung kamay ko.

 

“Tu..tulungan mo ako. Ayoko.. ayoko pang mamatay!” nagulat ako sa sinabi niya at lalo niya pang hinatak yung kamay ko kaya napaupo rin ako sa tabi niya. Napahawak siya sa ulo niya at bigla siyang umiyak.

 

“I’ll.. I’ll be the next.. one.” At bigla na lang siyang nawalan ng malay.