.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Are you okay?” tinanong ko yung babaeng nahimatay kanina pero nakayuko lang siya ngayon. Ayaw niya akong kausapin at kung anu-anong sinasabi niya na hindi ko naman maintindihan.

 

Andito kaming dalawa ngayon sa gilid ng kalsada habang sina Miss Reina ay nag-aanalyse dun sa bangkay. Marami-raming tao na rin ang dumadaan-daan sa gilid namin dahil sarado yung kalsada. Gustuhin ko mang tumulong pero wala naman akong alam at wala naman akong masabi. They are already experts on this field.

 

“He’ll kill me. He.. he.. will kill me.” Narinig ko na naman siyang nagsasalitang mag-isa. Nanginginig pa rin siya hanggang ngayon.

“It’s okay. P..pwede mo po akong kausapin.”

“Hindi.. hindi pwede.” Napatahimik ulit siya kaya tumingin na lang ulit ako kina miss Reina.

“Yes.. yes. I’ll.. I’ll do it.” Nagulat ako nung nagsalita siya na parang may kausap kaya napatingin ulit ako sa kanya. Tinignan ko rin yung paligid namin kung may suspicious person ba. Pero hindi ko rin matukoy dahil sa dami ng tao. Bigla na lang tumayo yung babae.

“Wait! Saan ka pupunta?” sinundan ko siya.

“Wag mo akong sundan!” napatigil naman ako nung sinabi niya yun. Galit yung expression niya.

 

That’s weird. Parang kanina lang, hinihingi niya yung tulong ko. Pero ngayon, ayaw niyang sundan ko siya. What’s wrong with her? Pero dahil hindi ako mapakali, sinundan ko rin siya. Good thing my sixth sense is about sight. When she’s about 100 meters away from me, doon ako nagsimulang maglakad. I can still see her clearly.

 

Palingun-lingon siya sa paligid niya. Medyo bumibilis na rin yung pacing niya kaya binilisan ko rin. Huminto siya sa harapan ng isang mataas na building. Lumingon muna ulit siya sa paligid niya bago pumasok. Pagkapasok niya tumakbo ako papunta sa building, at saka ko narealize na isang condominium pala ang building na ‘to. Buti nga at marami akong kasabay na pumasok kaya hindi ako napansin nung guard. Nung makapunta na ako sa lobby, nasa tapat na ng elevator yung babae. Nagtago muna ako sa isang pillar tapos tinignan ko siya mula doon. Nakita ko siyang pumasok kaya napatakbo ako sa tapat ng elevator. Tinignan ko yung nasa itaas ng elevator at mukhang sa 13th floor ang room niya. Tumakbo ako pataas gamit yung hagdanan.

 

I really find her weird. Nararamdaman kong may kinalaman siya doon sa pagpatay sa lalaki. At sinasabi niya sa akin kanina na siya na ang susunod. Kung alam niyang papatayin siya, hindi ba dapat humihingi na siya ngayon ng protection mula sa mga pulis? Her sudden change of attitude really bothered me.

 

Pagkarating ko sa 13th floor, namangha lang ako sa view.  Pero naglakad na rin ako kaagad para hanapin yung babae. Ang problema, hindi ko alam kung saan ditto ang room niya.

 

“Akemi! Akemi! Nasaan ka na?” napatalon ako sa gulat nung bigla kong marinig yung boses ni Akane. At saka ko naalala yung hikaw na pinahiram niya sa akin bago kami umalis ng dorm ko kanina.

 

“Akane?” hinawakan ko yung hikaw ko. Sabi ni Akane, lahat daw sila may ganito, ako na lang ang wala. For communication purposes daw ang hikaw na ‘to at ngayon ko lang talaga naalala na suot ko nga pala ‘to. Hindi naman kasi ako sanay ng may hikaw ako eh.

 

“Yeah. Nasaan ka? Bakit bigla kang nawala ditto?”

 

“Ahh. Kasi biglang tumakbo yung babaeng kasama ko kanina so I followed her. Andito ako ngayon sa isang condominium.” Tumingin ulit ako sa labas at medyo nakikita ko sina Akane, though hindi masyado dahil lagpas sila sa range ko. “Tumingin ka sa likuran mo. You’ll see a building, about 30-storey I think, directly in front of you.”

 

“Andyan rin yung babae? Well at least we know where she is. Pero bago ang lahat, bumalik ka muna rito. We need to lak about something.” Biglang nawala yung boses ni Akane.

 

Wala naman akong nagawa kundi bumaba, pero this time ginamit ko na yung elevator. Hindi ko na kayang tumakbo gamit yung hagdan. Pagkapasok ko sa elevator, may tatlong tao pa sa loob. Pumwesto na lang ako sa gilid tapos tinignan ko lang silang tatlo. Yung isa ay isang malaking lalaki, and I mean Malaki like a giant. Halos kalahati lang niya ako, both sa height at sa lapad. Nakakatakot yung itsura niya. Parang siya yung tipo ng tao na kayang makipagsabayan sa wrestling. Yung isa naman ay petite na babae. Kasing-height ko lang siya at may hawak siyang case. Baka businesswoman. Tingin rin siya nang tingin sa relo niya. At yung huli ay lalaki na mukhang model. Kahit naka-plain white shirt lang siya at jeans, angat na angat pa rin yung itsura niya. Wow.

 

Bigla namang tumunog yung elevator. Nasa ground floor na pala kami. Agad-agad naman akong tumakbo palabas ng elevator at pumunta kung nasaan sina Akane. Pagtingin ko, wala na doon yung bangkay at wala na rin sina Akane. Pagtingin ko sa right side, nakita ko si Miyu kaya tumakbo ako papunta doon at pumasok sa loob.

 

“Welcome back, Miss Akemi.” Sabi ni Miyu sa akin kaya napangiti na lang ako. Hindi pa rin ako sanay na nagsasalita yung sasakyan namin. I mean, sa plabas ko lang naman kasi nakikita yun eh.

 

“Akemi-neechan!” bigla akong niyakap ni Riye kaya parehas kaming natumba sa lapag. Buti na lang talaga at super spacious ng loob ng sasakyan. “Akala namin may masama nang nangyari sa’yo.” Napangiti na lang ako.

 

Umupo ako sa tabi ni Riye at nakapalibot kami ngayon sa mababang mesa. Ididiscuss daw namin yung nangyaring crime.

 

“First of all, let’s talk about the timeof death.” Panimula ni Miss Reina. “When I touched his wound on the chest, namatay siya around 9:17. Pero sabi ni Riye, it’s been around three to four hours ago when he died because of rigor mortis.”

 

“Unless he did a very rigorous activity before he died.” Sabi naman ni Reiji. “The hardening of the muscles will be hasten.”

 

“Pero wala namang signs na napagod siya. No signs of sweat and sweat marks. So that means, three to four hours ago, that man was killed.” Pagpapatuloy ni Akane sa usapan.

 

“Siguro yung pagsaksak sa kanya ay nangyari nung 9:17, para malito tayo sa oras ng pagkamatay niya o di kaya para matago kung paano talaga siya pinatay.” Nagulat ako sa sinabi ni Ken kaya napatingin ako sa kanya.

 

“What do you mean na kung paano talaga siya pinatay?”

 

“I smelled hydrochloric acid inside him. Faint lang yung amoy pero alam kong HCl yun.”

 

Oo nga pala. That’s his sixth sense. Ar kahit ayoko sa chemistry, alam kong ang hydrochloric acid ay delikado sa katawan ng tao. Paano naman mapupunta yun sa loob nung Mr. Victor? Ibig sabihin, possible nay un yung pumatay sa kanya? God. This case is getting more complicated.

 

“I contacted his company and they said he has no family and he’s just living by himself.” Saka inilapag ni Hiro yung wallet ng biktima. May nahagip naman bigla yung mata ko kaya kinuha ko yung wallet sa lamesa.

 

“Parang nakita ko na ‘to sa kung saan.” Nilabas ko yung isang pirasong papel na nakaipit doon sa wallet niya. May naka-drawing lang na parang heart at may nakasulat na passed. Lumapit naman agad sa akin si Riye at Akane tapos tinignan yung nilabas kong papel.

 

“What’s that?” tanong ni Akane.

“Ewan. Card? Pero feeling ko nakita ko na ‘to eh.” Hindi ko lang talaga maalala kung saan at kailan.

“Saan po?” sabay tingin sa akin ni Riye.

“Yun nga eh, hindi ko maalala.”

 

Pinipilit ko talagang maalala pero hindi ko kaya. Basta ang alam ko lang ay nakita ko siya somewhere. Pagkatapos nun ay tinuloy lang namin yung pag-uusap namin. Naawa lang ako bigla doon kay Mr. Victor dahil sinaksak na nga siya, tapos possible pa palang nilason siya. Tapos wala pa siyang pamilya.

 

Pinadala namin kina sir Ryuu yung mga information na nakalap namin for further investigation. Ang galing nga dahil parang may hologram system si Miyu. Nagulat na lang ako nung biglang katabi na namin sa lamesa si sir Ryuu. Akala ko bigla siyang nagteleport papunta ditto, yun pala hologram lang.

 

“Okay. Got it. Oo nga pala, pinapasabi ni Hayate na hindi niya kayo matutulungan ngayon. May trabaho kasing ibinigay sa kanya si Mr. President. Reina, sumunod ka raw sa kanya.” Sabi sa amin ni sir Ryuu.

 

“So it started, huh.” Napatingin ako kay Miss Reina at nacurious sa sinabi niya. Anong nagsimula? “I think kailangan ko nang umalis.” Sabay tayo niya. “Ryuu, sumunod ka na lang ditto. Ikaw muna ang in-charge sa kanila. Okay?” tumango na lang si sir Ryuu at tuluyan nang nawala yung image niya. Habang si Miss Reina ay bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo sa amin.

 

“Ano yung sinabi ni Miss Reina na nagsimula na?” pabulong ko pang tanong kay Akane pero mukhang narinig nilang lahat kasi tumingin sila sa akin.

 

“Hindi ko rin alam. Nacurious nga rin ako kanina.”

 

 

Bumalik rin sila sa crime scene habang ako ay naiwan ditto sa loob ng sasakyan. Nagvolunteer ako na magbantay kung sakaling may dumating na data galing sa police headquarters at makatulong sa investigation. Pagtingin ko sa relo ko, 6:30 PM na pala. Halos nine hours na rin kami rito.

 

“What’s bothering you?” halos mapasigaw ako nung narinig ko yung boses ni Hiro sa likuran ko. Sanay kasi ako na sa isip ko lang naririnig yung boses niya. At saka, pano siya nakapasok ditto sa sasakyan ng hindi man lang gumagawa ng kahit anong tunog?

 

“Ikaw pala. Ginulat mo ako!” sabay hinga ko nang malalim. Nakakagulat talaga siya.

 

“Sorry.” Tapos umupo siya sa harapan ko. Naalala ko bigla yung tanong niya kanina.

 

“Nabobother lang talaga ako sa sinabi ni Miss Reina kanina. Tsaka idagdag pa yung parang pinapagawa kay Sir Hayate.”

 

“That’s beyond our field. It’s their job. Kaya na nila yun.” Siguro nga. Masyado lang siguro akong nacurious kanina. Tama nga naman siya. May sarili rin silang trabaho para sa Tantei High.

 

Bigla namang nagsipasukan sina Akane, Riye, Ken at Reiji sa loob ng sasakyan.

 

“Madilim na. Wala na akong masyadong makita. Miyu, nasaan yung flashlights natin?” sabi ni Ken nung pumasok siya.

 

“Beside the weapon box, Master Ken.” Sagot naman ni Miyu. Hanggang ngayon naaamaze pa rin talaga ako sa kanya.

 

Habang nasa loob silang lahat ngayon, ako naman ang lumabas. Naglakad ako papunta doon sa crime scene. Wala na doon yung katawan ni Mr. Victor. Dinala na nina sir Ryuu para raw ma-autopsy. Pero nandun pa rin yung dugong kumalat sa semento. Pabalik n asana ako sa sasakyan pero biglang may nahagip yung mata ko. Doon sa building kung saan pumasok kanina yung babaeng kasama ko, sa may 13th floor, biglang nagpatay-sindi yung ilaw sa loob ng isang room. Bigla akong natauhan at narealize ko na halos 300 meters yun from here. How come I can see it clearly? Pero hindi ko na inisip kung anong dahilan at tumakbo na lang ako papunta doon.

 

“Are you going there?” nagulat ako nung nakita kong nasa tabi ko na si Akane at tumatakbo na rin. Tapos nakaturo siya doon sa building na pupuntahan ko.

 

“O..oo. Wait. Paano mo-”

 

“Because of these.” Taps pagharap niya sa akin, her eyes are as bright as the moon. Naging light yellow yung kulay ng mata niya. “Our sixth sense enhances when we reached the different stages of it. As of now, I can hear anything within a 700-meter radius.” Muntik na akong madapa after sabihin yun sa akin ni Akane. Seven hundred meters?!

“A..anyway, yes, doon ako pupunta. Bigla ko kasing nakita na nagpatay-sindi yung ilaw sa room nay un.” Sabay turo ko sa isang kwarto sa 13th floor. Malapit na rin kami sa building. Nagulat naman ako nung kumunot bigla yung noo niya at biglang nanlaki yung mga mata niya.

 

“Oh my gosh.”

“Bakit?” tapos bigla niyang tinuro yung mga mata ko.

“Kaya pala! Akala ko may naramdaman ka lang na something pero it turns out na ginamit mo pala ang sixth sense mo.”

“Huh?”

“Your eye color is brown right now. That means your sight is enhanced. That’s why you can see it.”

 

Buti na lang at nasa loob na kami ng elevator. Nagulat ako sa sinabi ni Akane sa akin. Tapos pagtingin ko doon sa salamin sa paligid ng elevator, nakita kong brown nga ang mata ko ngayon. Paano ba nangyayari yun? Bakit biglang nagbago na naman yung eye color ko?

 

“I wonder, hanggang ilang meters kaya ang kaya mong makita sa ganyang state?”

“E..ewan ko. Pero siguro lagpas 300 meters since nakita ko ang building na ‘to, clearly?”

 

Bigla namang tumunog yung elevator kaya lumabas agad kami. Tumakbo kami papunta doon sa room na nakita namin mula doon sa crime scene. Pero paghawak ko sa knob, naka-lock sa loob. KUmatok ako nang kumatok pero walang sumasagot.

 

“Tsk. I think it’s time to use this holy tool.” Pagtingin k okay Akane, tinanggal niya yung hair clip niya tapos inistraight niya. Pinasok niya yun sa keyhole at after ilang seconds, may nag-click na sound. Pagpihit ko ng doorknob, bumukas yung pinto. Nagngitian kami ni Akane.

 

Pagbukas ko ng pinto, halos matumba ako sa nakita ko. Ang alam ko lang, pareho kaming napasigaw ni Akane sa bumungad sa amin sa kwarto.

 

Sa gitna ng room, may lubid na nakatali sa kisame at sa kabilang dulo nun, nakabitin ang katawan ng babaeng kausap ko kanina. Mulat na mulat pa ang mata niya habang may mga itim na bulaklak ang nakalagay sa ilalim ng paa niya.