.

.

Chapter 17

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Bigla na lang akong napatigil sa paghinga.
Si Akane naman, napahawak sa may pinto. Bigla niya akong hinatak papasok ng room tapos sinarado niya yung pinto.

 

“Stay…alert. I…I… think the killer is…is… still around.” Napalapit ako sa kanya bigla dahil sa sinabi niya. Pero ramdam ko rin yung takot sa boses niya. Pagtingin ko, parang nawala yung kulay sa mukha niya. She looks so pale and fragile.

“Paano mo nalaman na may pumatay sa kanya? It can be a suicide!” sabi ko sa kanya habang tumitingin-tingin sa paligid. My eyesight is so improved. Feeling ko tuloy para akong kwago.

 

Napasigaw naman ako bigla nung may narinig akong tunog. The next thing I knew, bigla na lang bumukas yung pinto at bumungad sa amin si Ken.

 

“Why are you guys, here? Bakit hindi kayo—what the… hell.” Napatingin siya doon sa babaeng naka-hang sa kisame. Pero compared sa amin ni Akane, parang mas sanay na siyang makakita ng ganito.

 

Tinignan ko naman ulit si Akane at nakita ko siyang nanginginig. Her face is so pale and she’s sweating a lot. Nilapitan ko siya.

 

“Akane?” pagkasabi ko nun, biglang napatingin sa akin si Ken at napatingin rin siya kay Akane.

“Oh shit.” Nagulat ako nung tumakbo papunta sa amin si Ken at sobrang worried yung tingin niya kay Akane. “Akemi! Umalis ka dyan!”

“B..bakit--”

 

Suddenly, my life flashed back. Akala ko mamamatay na ako. Biglang na lang akong sinugod ni Akane at may hawak siyang mahabang kutsilyo na muntik ng tumapos sa buhay ko. Buti na lang, nakaiwas ako agad. Hinawakan siya ni Ken sa bewang at pinigilan sa ginagawa niyang pag-atake. Ang alam ko lang, napahiga na lang bigla si Akane habang nakaupo sa tiyan niya si Ken para hindi siya makatayo ulit.

 

“Calm down, Akane! She’s not your mother! Okay?” hindi ko naintindihan yung sinasabi ni Ken pero parang walang epekto kay Akane. Parang wala siyang naririnig at nagpupumiglas pa rin siya mula sa pagkakahiga. Natulala na lang ako doon at natakot ako bigla kay Akane.

 

Nagulat na lang ako nung may narinig akong footsteps sa likuran ko. Pagtingin ko, nasa loob na rin si Reiji, Riye at Hiro. Gaya namin, napatingin rin sila doon sa babaeng nakabitin pero after that, tumingin sila kay Akane. Lumapit si Riye sa kanya tapos hinawakan niya yung bandang leeg ni Akane. Pagkatapos nun, bigla na lang nawalan ng malay si Akane. Siguro may hinawakan siyang muscle or blood vessel para mawala ang malay ni Akane? Ewan ko.

 

“Tsk. Hindi ko akalaing makikita ko ulit siyang magkaganito.” Sabi ni Ken habang tumatayo siya mula sa pagkakaupo sa tiyan ni Akane. Pagkatapos ay binuhat niya si Akane at nilagay sa likuran niya na parang naka-piggyback ride. Tapos tumingin siya sa akin.

 

“Buti na lang sinundan ko kayo. Kundi baka kung ano nang nagawa ni Akane sa’yo.” Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya pero hindi ko na lang pinahalata.

“Paano mo pala kami nasundan?”

“Because of her perfume.” Sabay tilt ng ulo niya sa side ni Akane. “Ang tapang masyado ng pabango niya kaya naaamoy ko kahit malayo. Tapos bigla na lang naging faint kanina kaya alam kong naglalakad siya palayo sa kotse. Sinundan ko yung amoy na yun then suddenly, I smelled blood. Nagpanic ako kasi naghahalo yung amoy ng pabango niya at ng dugo kaya tumakbo ako papunta dito.”

 

Namangha ako bigla. Ni hindi ko nga naaamoy yung pabango ni Akane kanina pero siya, na-track niya pa si Akane just by following her scent. Paano kung may parehas ng gumamit ng pabango, malalaman niya pa kaya kung sino si Akane?

 

“Pero.. bakit siya biglang naging ganun?” tanong ko sa kanila pero nagtinginan lang sila.

“It’s a trauma.” This time, si Hiro naman ang sumagot. Lumapit siya doon sa babaeng naka-hang. “Her mom was also hanged like this.” Hindi agad nagsink-in sa akin yung sinabi niya. Pero nung nagprocess na, napatakip ako bigla ng bibig. Akane’s mom is dead?

“Sorry nee-san. Hindi ko nasabi sa’yo. Hindi ko naman alam na may mangyayaring ganito.” Saka siya napayuko. Nilapitan ko naman si Riye at niyakap ko siya.

“It’s okay.”

 

Did she attack you?  As usual, napatalon na naman ako nung narinig ko yung boses niya sa isip ko.

O..oo. Pero hindi naman niya yun sinasadya. Dala lang siguro yun ng trauma niya over her mom’s death.

Yeah. Her mom’s murderer is not yet caught and identified. So she’s trying her best to find him or her. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ang conclusion ko pero…

Kaya ba inatake niya ako? Kasi akala niya ako pumatay sa mom niya?

Exactly.

 

After that mind conversation, natakot ako bigla sa condition ni Akane and at the same time ay naawa. To think na hindi pa nahuhuli ang pumatay sa mom niya at makita ko siyang nagkakaganyan, kahit na ilang araw pa lang kaming nagkakilala, it still hurt me.

 

“Akemi, pwede bang pakibantayan muna si Akane? Ibababa lang namin yung babae.” Binaba ni Ken si Akane at sinandal niya sa pader. Lumapit naman agad ako at inalalayan siya.

 

Pinanood ko lang sila habang nagtutulungang ibaba yung bangkay ng babae. Kinikilabutan nga ako dahil mulat na mulat pa yung mata niya. But what bothers me the most ay yung mga bulaklak sa ilalim ng paa niya. Bakit may ganun at bakit lahat ay kulay itim? Tinignan ko ulit yung babae at bigla akong napasigaw kaya napatingin silang apat sa akin.

 

“B..bakit nee-san?”

“That!” tinuro ko yung shirt ng babae at tumingin sila doon saka nila narealize yung gusto kong sabihin. Nilabas ni Hiro yung wallet sa jacket niya at kinuha yung isang pirasong papel na pinakita niya sa amin kanina.

“They have the same design.” Sabi ni Hiro habang pabalik-balik yung tingin sa papel at sa damit ng babae.

 

Sabi ko na nga ba, nakita ko na yung design na yun. Sa damit pala ng babae ko yun nakita. Hindi ko lang maalala kanina. That heart-shaped figure with the word “passed” around it. This is definitely not a coincidence. Isa pa, kanina pa sinasabi ng babae na papatayin raw siya.

 

Binaba nila yung babae mula sa pagkakatali sa leeg niya at tinawagan ni Reiji sina sir Ryuu para dito na dumiretso.

 

“It’s not suicide. Hindi rin siya sinakal.” Biglang sabi ni Riye kaya napatingin kami sa kanya. “Her hyoid was not destroyed.”

“Ano yung hyoid?” tanong ko sa kanya.

“Yun po yung buto na nasa leeg. Usually, it gets broken when a person is strangled.” Hinawakan niya yung leeg nung babae at tinapat niya doon sa bandang gitna. “Pero yung sa kanya, hindi damaged kaya ibig sabihin, hindi siya sinakal. Hindi rin siya nagsuicide or hindi siya pinatay by hanging kasi walang nagburst na blood vessels sa mata niya at hindi rin naman inflated yung lungs niya. That means, front lang yung pagtali sa kanya para matakpan yung totoong way ng pagpatay sa kanya, just like the first victim.” Napatingin na lang ako kay Riye habang namamangha sa mga pinagsasabi niya. Ang galing. Daig niya pa ang doctor sap ag-aanalyze ng cause of death ng isang tao.

“He’s also killed by poison.” This time, kay Ken naman ako napatingin. “Naaamoy ko na naman yung chemical na naamoy ko rin kanina doon kay Victor. The smell is faint but I’m positive it’s hydrochloric acid.”

“I think it was injected. Hindi naman kasi nacorrode yung bibig niya.” Sabi naman ni Reiji. “Riye, natunaw ba yung esophagus at stomach niya? O hindi?”

“No. Although some of her blood vessels are damaged. Here.” Hinawakan niya yung braso nung babae at nakita ko yung isang maliit na red dot sa gitna.

“Ayun. Nasa bandang gitna.” Sabi ko na lang sa kanila habang nakaturo doon sa braso ng babae.

 

Bigla namang dumating sina sir Ryuu kasama ang apat pang pulis. Their eyes are all green. Muntik pa akong mapasigaw dahil yung isang pulis ay green ang kaliwang mata tapos bright yellow naman yung kabila.

 

“If you are done with your analysis, magpahinga muna kayo. Sinabihan ko na rin si Miyu kaya nandyan siya ngayon sa baba.” Sabi ni sir Ryuu at agad kinuhanan ng picture yung bangkay at dinala na nila ito sa baba. Sumabay na rin kami sa pagbaba at nalula ako sa dami ng tao. May mga nakikiusisa na rin pala. Siguro dahil na rin sa pagsigaw namin kanina ni Akane.

 

Oh crap! Si Akane!

 

Napatalikod ako agad para pumunta ulit sa room dahil nakalimutan kong gisingin si Akane pero muntik na akong matumba dahil nabangga ako. Buti na lang na-balance ko agad yung sarili ko. Pagtingin ko, nabangga pala ako kay Hiro.

 

“She’s fine. Don’t worry.” Sabay tingin niya sa likuran niya kaya napatingin rin ako.

 

Nakapasan sa likod ni Ken ang walang malay na si Akane. Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko naiwan na siya doon sa loob. Napatingin na lang ako sa kanya. Sa personality na pinapakita niya sa akin, hindi ko akalaing may nangyari palang ganun sa buhay niya. Hindi ko inexpect na patay na pala ang nanay niya at gusto niya itong maipaghiganti.

 

“Come on. Nakaharang ka sa daan.” Bigla naman akong hinigit ni Hiro sa braso at hinatak papunta sa elevator. Sama-sama kaming anim na sumakay at tahimik lang kami habang hinihintay na huminto ang elevator.

 

“Okay ka lang ba?” narinig kong sabi ni Reiji at napansin kong si Riye pala ang kausap niya. Napatingin agad ako kay Riye at nakita kong nanginginig siya.

“Naisip ko lang na baka.. baka may susunod pang biktima. This is turning into a serial murder.”

 

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Riye, bigla rin akong kinilabutan. Ibig sabihin, may mamamatay na naman? Pero baka naman huminto na ditto. I mean, baka tapos na yung pagpatay?

 

“It’s the number thirteen.” Napatingin kami bigla kay Hiro dahil bigla siyang nagsalita.

“Thirteen? Anong meron sa thirteen?” tanong sa kanya ni Ken habang inaayos yung pagbuhat niya kay Akane.

“The first crime happened at the thirteenth avenue while the second is at the 13th floor of this building. If our deduction si right about the rigor mortis, then the first victim was killed around four hours before 9:17. That means around 5 AM. The second murder happened at 6:30 PM, nearly 13 hours after the first crime. And that figure on her clothes with the word passed on it. It was also surrounded by thirteen dots. If this is really a serial murder, then the next victim will be killed after thirteen hours, 7:30 AM tomorrow.”

 

Pagkatapos niyang sabihin yun, biglang tumunog yung elevator at nasa ground floor na kami. Kung hindi pa ako hinatak ni Riye, hindi pa ako lalabas doon sa elevator. Parang biglang bumigat yung atmosphere at lahat kami ay napaisip sa binitawang mga salita ni Hiro. Bigla na lang akong namangha and at the same time ay natakot. Ang galing niyang magkabit ng puzzles. Yung mga akala kong insignificant information, yun pa yung mga napansin niya. And he even notice the tiny details, especially yung design nung figure sa papel sa wallet nung unang biktima at sa damit ng pangalawa.

 

Pagkalabas namin sa building, nakita ko kaagad si Miyu at dali-dali silang naglakad palapit dito, habang ako, dinadigest pa rin lahat ng pangyayari.

 

“Nee-san, nagtataka ka ba kung paano nagawa ni kuya Hiro yung deductions niya?” crap. Bukas na naman ba ang isip ko? O sadyang madali lang basahin ang expression ko?

“Hindi ba dahil sadyang magaling at matalino lang siya?”

“Mmm.” Umiling siya sabay ngiti sa akin. “It’s his sixth sense.”

 

Bigla akong naging alert nung nabanggit niya yung sixth sense. Sa aming anim, yung kay Hiro na lang ang hindi ko alam. At matagal na rin akong nacucurious sa kung ano ang sixth sense niya. Ayaw ko naman kasing tanungin sina Riye at Akane dahil panigurado hindi nila ako seseryosohin at mang-aasar lang.

 

“What’s his sixth sense?” kabado ko pang tanong sa kanya.

“Out of all the Senshin students, para sa akin, sa kanya talaga ako namangha. He’s the best sixth sense user among all of us.”

 

Kitang-kita ko sa mga mata niya yung pagkamangha kay Hiro at kung gaano kalaki yung respeto niya dito.

 

“His eyes can capture a moment. It’s like a photographic memory. Natatandaan niya lahat ng bagay na nakita niya kahit isang beses lang. Kapag tinanong mo siya kung anong nangyari years ago, kaya niyang idescribe ultimo yung paligid, oras, and even the exact dialogues. It’s like looking in a history book na nasa point of view niya. That’s his sixth sense.”

 

After sabihin ni Riye yun, napatingin na lang ako sa likod ni Hiro. I know it’s a badass sixth sense pero bigla akong nalungkot. Ibig sabihin, naaalala niya rin lahat ng masasamang nangyari sa kanya at kahit anong pilit niyang kalimutan yun, hindi niya makakalimutan. Isn’t that unfair?

 

No, dear. To have great powers is to also experience great misery. That’s the rule of the world. That’s the rule of our world.

 

Alam kong normal na may marinig akong boses sa isip ko, but this one is unfamiliar and somewhat…cold. Bigla akong napatingin sa paligid ko and I know na brown ang mata ko ngayon since I can see clearly up to 300 meters. Then I saw a woman in the shadows, smiling coldly and her green eyes are staring at me. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nanghina at kinabahan ng sobra. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero parang nawala ang boses ko. Gusto kong alisin yung tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa. Para na akong mababaliw pero buti na lang at hinawakan ako ni Riye sa braso at saglit na nabaling yung tingin ko sa kanya.

 

“M..may problem aba, nee-san?”

 

Tumingin ulit ako kung saan ko nakita yung babae pero wala na siya doon. I’m still catching my breath pero mas relaxed na ako ngayon. Inalalayan ako ni Riye papunta kay Miyu para makaagahinga na rin kami. Baka pagod lang raw ako. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ito pagod. Alam ko na dahil yun sa babaeng yun.

 

But… who is she?