.

.

Chapter 18

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Nagdrive pabalik si Miyu sa Tantei Police dahil gabi na rin. Pagdating namin doon, dumiretso kami sa agency samantalang si sir Ryuu, pumunta sa Tantei High mismo. May gagawin daw siyang importante doon.

 

“We need to solve this case immediately. Baka may sumunod na namang mamatay.” Sabi ni Reiji sa amin nung nakaupo na kami sa may sofa.

 

Nagising na rin si Akane at sorry siya nang sorry sa akin. Sabi ko naman sa kanya, ayos lang yun. Hindi naman niya alam yung ginagawa niya kanina. Pero ilang beses na ata siyang nagsosorry at halos maiyak na siya.

 

“Okay lang talaga, Akane.” Bulong ko na lang sa kanya since katabi ko siya ngayon.

“Sorry talaga. Pag kasi nakakakita ako ng ganun, nagpapanic ako tapos nagkakaroon ako ng blackouts. After that, hindi ko na matandaan kung anong pinaggagawa ko.”

“It’s okay. Buti nga dumating agad si Ken.”

“Yeah. Siya lagi nagliligtas sa akin sa blackouts.”

 

Pagtingin ko sa relo ko, halos 8 PM na. Nandito pa rin kami ngayon sa agency at dinidiscuss yung mga deductions namin sa crime. Pasingit-singit lang ako minsan kapag may naaalala akong mahalagang dapat sabihin.

 

“Oo nga pala, nakuha niyo ba yung details nung second victim?” sabi ni Akane.

“Reynalyn Geronimo. Thirty seven years old. She’s living by herself.” Napatingin kaming lahat kay Hiro. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi kanina ni Riye. His sixth sense is amazing.

“So we have the number thirteen code and the names and age of the victims. Magkakilala kaya sila?” tanong sa amin ni Ken.

“Maybe. Kanina kasi di ba, sumigaw yung babae nung nakita niyang namatay yung lalaki. Humingi pa siya ng tulong kay nee-san after nun.” Saka tumingin sa akin si Riye.

“This case is getting complicated.” After sabihin yun ni Ken, biglang may pumasok mula sa pinto na galing doon sa twisted hallway. Lumingon kaming lahat and we saw sir Hayate.

 

“How’s the case?” tanong sa amin ni sir Hayate.

 

Kinuwento naman namin lahat ng nangyari, pati yung mga deductions namin. Tumatango lang si sir Hayate sa tuwing may sasabihin kami tapos after nun, tumayo siya sa harapan namin.

 

“You guys can rest. Meron pa naman kayong natitirang oras bago lumipas yung 13 hours. Masyado nang maraming nangyari ngayon. Magpahinga muna kayo.” Pagkasabi niya nun, parang bigla kong naramdaman yung pagod. Siguro masyado lang akong nagfocus kanina sa case kaya hindi ko napansing sobrang pagod na ng katawan ko.

 

Sabay-sabay naman kaming umalis doon sa agency at dumaan sa hallway. After fifteen minutes, nakarating na rin kami sa Tantei High. Dumiretso kami sa dorm namin at pagkapasok pa lang namin, humilata agad si Akane at Riye sa kama. Naiintindihan ko naman kung bakit sila sobrang pagod. Si Akane, dahil sa trauma niya sa nangyari kanina. Si Riye naman, siya yung nagfirst autopsy doon sa mga bangkay. Samantalang ako, nanood lang ako sa kanila kanina.

 

Nagshower muna ako bago dumiretso sa kama. Pero ilang minute na akong nakahiga at nakapikit, hindi pa rin ako makatulog. Naaalala ko pa rin yung babaeng nakita ko kanina. That lady wearing a black hooded cape and smiling at me. Sino kaya siya?

 

Dahil hindi rin naman ako makatulog, bumangon na lang ako at kumuha ng jacket. Dinala ko rin yung relo ko at 10 PM na pala. Ang tagal ko ring humilata. Lumabas ako ng kwarto namin at naglakad-lakad. Saka ko naalala, nasa likod lang pala ng dorm namin yung library. Sabi naman ni Akane, 24 hours daw bukas yung library.

 

Naglakad ako papunta doon. Mas mabuti na rin siguro ‘to. Para naman may malaman ako na pwedeng makatulong sa akin sa pagsurvive dito. Ang dami ko pa kasing kailangang habulin na lessons para naman makarelate ako.

 

Naaninag ko naman yung library. Medyo nakakatakot nga lang dahil gabi na at ako lang mag-isa ang naglalakad. Medyo nasasanay na rin akong palitan yung color ng mata ko para mas ma-enhance yung sixth sense ko. Ewan ko, basta nararamdaman ko lang kung paano. Wala naman akong nakikitang kakaiba sa paligid kaya pumasok na ako sa library.

 

First time kong pumasok dito dahil unang-una, hindi naman talaga ako naglilibrary. Kahit sa school ko dati, hindi ko naranasang maglibrary. May internet naman kasi kaya hindi ko na kailangang maglibrary. Pero ngayon, naappreciate ko na yung itsura ng library. Ang ganda pala. Para kang nasa ibang mundo dahil sa dami ng libro.

 

Buti na lang at bukas yung mga ilaw kahit wala namang gumagamit. At least, medyo nabawasan yung kaba ko dahil mag-isa lang ako rito. Pumunta ako doon sa pinakagitnang section. Nakita ko na history pala yung mga nakalagay dito. Tapos may nakadisplay sa pinakagitna na isang malaking libro. As in malaki talaga. Kapag binuklat mo, kasinglaki ‘to ng cartolina. Binasa ko naman yung nakasulat sa part na nabuklat ko.

 

…With great power comes huge responsibility. We are responsible for the safety of the humdrums and their world. We are responsible for keeping the Shinigamis away from them. Shenshins are born because they are needed.

 

Nilipat ko naman yung page sa bandang dulo. Tapos may mga pangalang nakasulat doon. Syempre, puro Japanese names yung nakita ko. Hindi ko naman alam kung sinu-sino ‘tong mga ‘to pero binasa ko pa rin isa-isa yung mga pangalan. Hanggang sa makarating ako sa dulo ng listahan.

 

Naomi

Mitsuo

Akemi

 

Napatitig ako doon sa huling pangalan. It’s the same as my name. Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni sir Hayate dati tungkol sa Akemi as cursed name. Siya kaya ‘to? Wala na daw kasing gumamit ng Akemi since namatay yung huling Akemi.

 

“Yes. She was the last Akemi.”

 

Bigla akong napaharap doon sa likuran ko dahil may narinig akong boses. Natabig ko pa yung ibang libro na katabi nung malaking libro kaya pinulot ko pa yung mga yun. Hindi ko alam pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

 

“S-sorry po.” Sabi ko na lang doon sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam na ramdam ko yung presence niya. Nagtitingin rin siya ng mga books mula sa katapat na shelves.

 

“No need to be sorry.” Saka siya ngumiti sa akin. Parang biglang nagcontract yung puso ko. His presence is disturbing.

 

Pagtingin niya sa akin, napansin ko kaagad yung mukha niya. He’s handsome. Siguro mid-40’s na pero halatang-halata mo na gwapo siya nung binata siya. Naka-white T-shirt lang siya at pantalon pero ang lakas ng dating niya. Medyo magulo rin yung buhok niya at bumagay sa kanya yung kauting balbas at bigote niya.

 

Bigla ko namang naisip yung sinabi niya kanina. Yung tungkol doon sa last Akemi. Saka ko narealize na sarado yung isip ko, pero nababasa niya pa rin. Paano niya nagagawa yun? Parang si Hiro lang rin. Or lahat ng sobrang gagaling, kayang bumasa ng isip kahit nakasarado?

 

Nakita ko naman na ngumiti siya. Shocks. Nabasa na naman ba niya yung iniisip ko?

 

“You’re Akemi, right?” sabi niya habang nakatingin sa akin.

“O-opo.” Kinakabahan pa rin ako dahil sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit.

“Naniniwala ka bang may sumpa ang pangalan mo?” nagulat naman ako sa tanong niya. Pero nagulat rin ako sa sarili ko dahil bigla na lang akong umiling. After kong gawin yun, ngumiti siya sa akin.

 

“Nice meeting you.” Tapos nagbow siya sa akin at umalis.

 

That’s weird. Sino ba yun?

 

Bago pa ako tuluyang matakot dito sa library na ‘to, tumakbo na rin ako palabas at bumalik na sa dorm. Pagpasok ko sa kwarto, gising na sina Akane at Riye. Nagulat pa sila nung nakita nila ako sa may pintuan na hingal na hingal.

 

“Nee-san! San ka galing?” saka nila ako sinalubong.

“Sa ano… sa library.”

 

Pumasok ako sa loob at pinainom nila agad ako ng tubig. Nagising daw si Riye kanina at nakitang wala ako sa kwarto kaya ginising niya rin si Akane at balak n asana nila akong hanapin kaso bigla naman akong dumating.

 

Kinwento ko naman sa kanila yung nangyari. Yung encounter ko doon sa lalaki sa may library. Habang kinukwento ko yun at dinedescribe ko yung lalaki, bigla na lang nagtinginan si Akane at Riye.

 

“What? Kilala niyo ba siya?”

“Y-yeah. Pero ang weird lang na nagpakita siya sa’yo.” Sabi sa akin ni Akane.

“Huh? Sino ba siya? And bakit weird na nagpakita siya sa akin?”

“Nee-san, the man that you saw…is the President.” Pagkasabi nun ni Riye, nanlaki na lang yung mata ko.

“Y-you mean, THE President? Ng Tantei High?” sabay tango nila sa akin.

“It’s weird dahil hindi siya madalas nagpapakita sa mga estudyante. Though nakikita siya ng mga nasa Atama family because of some matters.”

“Ibig sabihin, nakita niyo na rin siya?”

“Opo, nee-san. Pero isang beses ko pa lang siyang nakikita.”

“Maraming beses ko na siyang nakita simula pa nung bata ako.” Napatingin naman ako kay Akane.

“Talaga?”

“Uhuh. Besides, kababata ko si Hiro kaya madalas ko siyang nakikita.” Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Bakit nasama bigla si Hiro?

“Wait, anong kinalaman ni Hiro sa kanya?”

“Ay, hindi ba namin nasabi sa’yo?” pagtatakang tanong pa niya sa akin.

“Ang ano?”

“Hiro is the President’s son.”