.

.

Chapter 19

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Hindi na ako makatulog.  After that revelation about Hiro, hindi na mapahinga yung utak ko. Nakaupo lang ako ngayon sa sahig habang piapanood kong matulog sina Akane at Riye. It’s already 4 AM at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Inisip ko na lang yung case na sinosolve namin ngayon.

 

Right now, wala pa rin kaming matukoy na suspects. But we have clues regarding the serial murders. Kung tama ang deductions ni Hiro, the next murder will happen at 7 AM. And those things about the number 13 really bother me. Why would the killer do that? Gusto niya bang magpakilala by using that method? Or he’s just teasing us?

 

Nireview ko ulit yung mga nangyari kahapon. The first victim was Mr. Victor Delima, 43 years old. The cause of death might be because of poisoning or he was stabbed to death. The second victim was Ms. Reynalyn Geronimo, 37 years old. The cause of death is also poisoning but she was hanged when we saw her. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang gawin ng killer yung pagtatago ng totoong cause of death. Pero siguro akala niya mga normal na pulis at investigators lang ang mag-iimbestiga sa mga pagpatay niya. Hindi niya alam na kayang tukuyin ni Riye at Ken yung totoong dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.

 

“Still can’t sleep?”

 

Napalingon naman ako sa kama at nakita kong gising na pala si Akane. Ni hindi ko man lang naramdaman na gising na pala siya. Bumaba siya sa kama at sinamahan ako sa lapag.

 

“Nabobother lang ako sa case na ‘to.” sabi ko na lang sa kanya.

“Yeah. Me too. Pero sa totoo lang, nag-iba talaga yung pakiramdam ko nung nasa 13th floor na tayo kanina.” Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong biglang naging seryoso yung mukha niya. Sinarado ko kaagad yung isip ko dahil ayokong mabasa niya yung naiisip ko ngayon. Masyadong maraming tumatakbo sa utak ko ngayon at hindi ko alam kung anong iisipin niya sa akin kapag nalaman niya yung mga yun.

“Dahil ba kay Mr. Reynalyn?”

“Hmm, maybe. Pero bago pa man tayo pumasok sa room niya, iba na ang pakiramdam ko.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“I mean someone was watching us that time. Hindi ko alam kung ako lang ba yun or what, pero yun yung naramdaman ko.”

 

Napatingin na lang ako kay Akane. Oo, iba rin ang pakiramdam ko nung pumasok kami sa building na yun pero akala ko dahil lang yun sa kaba o takot. Ngayon ko lang narealize na baka tama nga si Akane.

 

“Sa tingin mo, yung killer yung nakabantay sa atin?” tanong ko sa kanya.

“Ewan ko. Baka. Or worse, it’s a Shinigami.”

“You mean, Shinigami yung killer?”

“No, that’s impossible. Shinigami are silent killers. Hindi nila hahayaang maraming makitang loopholes sa pagpatay nila.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganun pala ang mga Shinigami. Silent killers? Nakakatakot.

 

Napag-usapan namin yung crime at nagbigay kami ng insights namin. Hindi pa rin namin mafigure out yung kinalaman ng number 13. Sakto namang nagising si Riye at nakisama na rin sa pag-uusap namin.

 

“May mamamatay na naman ba ulit?” Malungkot na tanong sa amin ni Riye nung nasa lapag na siya.

“Sana wala. Sana huli na si Reynalyn. Pero hindi tayo sigurado. We need to be prepared.” sabi ni Akane tapos tumayo siya, “Shall we go to Miyu? Mukhang tulog pa yung mga lalaki. Naririnig ko silang humilik.”

 

Nagprepare muna kami bago lumabas ng kwarto. Pagtingin ko sa relo ko, 5:30 AM na. Dumaan kami doon sa creepy hallway tapos lumabas kami sa agency. Nakakatakot nga dahil madilim pa at wala pang mga tao. Nakita namin si Miyu na nakapark doon sa labas kaya agad kaming pumasok.

 

“Welcome Master Akane, Master Riye and Master Akemi.” Binati rin namin agad siya tapos pumwesto kami doon sa may low table. Nilatag ni Riye yung mga pictures na kinuha niya during the investigation of the crimes. Nagdiscuss ulit kami ng mga possible scenes na nagyari during the crimes. Pero nabobother talaga ako sa pwedeng mangyari mamaya, kung meron man.

 

“Sa tingin niyo, saan mangyayari yung next crime, kung meron man?” tanong ko sa kanila.

“Based sa places na pinangyarihan, I guess the number 13 should be involved. The first murder happened at the 13th avenue while the second crime happened on the 13th floor.” sabi ni Akane habang tinitignan yung mga pictures sa lamesa.

“We should monitor those areas associated with the number 13.” dagdag naman ni Riye tapos humarap siya doon sa computer ni Miyu. “Miyu-san, track all those places please.”

 

“Yes, Master Riye.”

 

Bigla namang umilaw yung buong sasakyan. Saka ko narealize, hindi pala siya umilaw kundi may lumabas na mga projections sa gilid. Parang map ng buong city. Napatingin ako kay Akane nung hinawakan niya yung isang place na nakaproject tapos biglang nag-zoom in kaya kitang-kita yung mga tao. Parang may surveillance camera tuloy kami from above.

 

“You girls are early. Himala.” Nagulat naman ako nung narinig ko yung boses ni Ken. Pagtingin ko, papasok na pala sila sa car. Pero walang pumansin sa kanila dahil busy si Akane sa pagtingin sa map, habang si Riye naman ay nakatingin pa rin sa mga pictures sa lamesa. Wala naman akong ginawa kundi titigan sila.

 

“And yes, I’m talking to myself.” saka tuluyang pumasok yung tatlo.

“It’s okay, Ken.” Narinig kong sabi ni Reiji sa kanya na may kasama pang pagtawa.

 

 

Umupo rin sila sa lapag at kumuha ng mga pictures para obserbahan. Saka ko napansin na panay hikab si Hiro, tapos medyo magulo pa yung buhok niya. Mukhang inaantok pa siya. Pagtingin ko sa relo ko, 6:45 AM na pala. Bigla akong kinabahan. Naalala ko na 7 AM pala ang target time ng killer. Napatayo tuloy ako at pumunta rin sa gilid-gilid para tignan yung map of places na involved ang number 13. Nasa kabilang gilid si Akane, habang ako ay nandito sa kabila. Tinry ko yung ginagawa niya at hinawakan ko rin yung projection tapos biglang nag-zoom in yung place.

 

Halos umikot yung paligid ko nung biglang umandar yung sasakyan. Pagtingin ko, natumba rin silang lahat. Tinignan ko kung anong nangyari at nakita ko na may nagbiblink na something sa monitor ni Miyu.

 

“Killing intent, detected. Approximately one kilometer from here.” sabi ni Miyu.

 

Tumayo agad kaming lahat tapos pumunta ulit kami sa mga maps. Lahat kami ay nagtingin-tingin sa places na may kakaibang nangyayari. Ibig sabihin, hindi pa tapos yung pagpatay ng murderer nay un. Sana…sana hindi pa kami huli.

 

“HERE! Tignan ninyo ‘to!” napalingon kaming lahat kay Reiji at napatakbo kami kung nasaan siya.

 

Pagtingin ko doon san aka-zoom in na projection, may isang lalaking naglalakad tapos may nakasunod sa kanya. Hindi ko maaninag yung mukha dahil naka-cap at naka-shades siya tapos naka-face mask. Hindi ko rin madetermine kung babae ba siya o lalaki dahil sa long coat na suot niya. Pinagtitinginan siya ng mga tao pero parang wala lang siyang pakialam. Bigla namang lumiko yung lalaking sinusundan niya sa isang eskinita. After nun, hindi na namin makita yung nangyayari dahil wala na sa scope ng projection yung eskinita na yun. Bigla akong kinabahan.

 

“Oh no. Baka…baka may mangyaring masama sa kanya.” Nasabi ko na lang at lalo akong kinabahan.

“Miyu-san, please pakibilisan!” sigaw ni Riye at muntik na naman kaming matumba dahil sa pagbilis ng takbo ng sasakyan.

 

Umupo na lang muna ako para kumalma. Oo, ilang beses na akong nakakakita ng mga patay pero hindi ko pa rin mapigilang hindi matakot every time na makikita ko sila. Hindi ko lubos maisip na may mga taong kayang pumatay ng ganun-ganun lang.

 

Masanay ka na. Napatingin ako kay Hiro. He’s on my mind again. Paano niya bay un nagagawa? Sa pagkakaalam ko, I closed my mind bago kami pumasok sa sasakyan. Humans are naturally evil. But some of us can hide it or even oppose it.

 

Pero nakakalungkot pa rin.I know that we are sinful by nature pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang umabot sa pagpatay ng mga tao.

 

They have their own reasons. Some are non-sense but usually, they want revenge. Kapag sinaktan sila ng isang tao, gusto rin nilang saktan yung taong nanakit sa kanila. That’s how humans think.

 

Hindi na ako nakapagsalita, or should I say nakapag-isip ng sasabihin. I know he has a point pero hindi ko pa rin matanggap yung mga pag-iisip ng mga tao ngayon.

 

Napatingin na lang ako sa labas habang hinihintay na makarating kami sa place na nakita namin kanina. Mula kasi sa loob ng sasakyan, kaya mong makita yung labas. Hindi siya parang window eh. Para rin siyang projection at mas malaking view yung nakikita mo.

 

Nanlaki bigla yung mata ko nung may nakita akong pamilyar. She’s holding a suit case, and still wearing her business attire. Pero ang mas nakakagulat, she’s staring at me. Nung una, akala ko may iba lang siyang tinitignan kasi hindi niya naman ako pwedeng makita. I mean, nasa loob ako ng sasakyan at hindi naman kami nakikita mula sa labas. Pero nag-iba bigla yung pakiramdam ko. I knew she was staring at me. That businesswoman na nakita ko sa elevator kahapon habang sinusundan ko si Ms. Reynalyn. Why…why is she here?

 

“Akemi-neesan, Akemi-neesan!” napatigil ako sap ag-iisip at tumingin ako kay Riye. Tapos narealize ko na nakatingin na silang lahat sa akin with their worried expression. “Ayos ka lang ba?”

 

“Y…yeah. I’m…I’m fine.” Kinalma ko muna yung sarili ko at saka tumayo. Saktong huminto rin si Miyu kaya dali-dali kaming lumabas at hinanap yung eskinita.

 

“Shit! Shit! I smell blood!” sabi ni Ken kaya lalo pa naming binilisan yung pagtakbo. Naramdaman ko rin na nagbabago na yung kulay ng mata ko to light brown. Medyo nasasanay na rin ako. Hinanap ko kung saan may eskinita at nagpalingun-lingon ako.

 

“Ayun!” turo ko sa kanila. About 200 meters from here, nakakita ako ng eskinita. At alam kong yun yung pinasukan nung lalaki kanina. Tumakbo kami papunta doon pero nauna na si Reiji. He used his sixth sense.

 

Habang tumatakbo kami, napatingin ako sa kabilang kalsada at nagulat ako nung may makita akong malaking lalaki na naglalakad. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya rin yung nasa elevator kahapon. Bakit rin siya nandito?!

 

“Akemi! Bilisan mo!” tawag sa akin ni Akane at medyo malayo na sila sa akin kaya tumakbo na lang ulit ako. Pero kakatakbo ko pa lang, napahinto na naman ako dahil sa lalaking nakasalubong ko. Nakayuko siya pero napansin kong nakangiti siya. He was the third person na kasama ko sa elevator.

 

What the heck is happening? Bakit nandito silang tatlo kung saan kami papunta? Tapos nandun rin sila sa condominium nung nangyari yung crime. Then it hit me. Yung crime scene nga pala!

 

Tumakbo ulit ako papuntang eskinita at napahinto ako nung makita ko sila Akane na nakatingin lang sa lapag. Tinignan ko yung tinitignan nila and my knees almost gave up.

 

I saw a lifeless body, with a knife thrusted on his throat while holding a weird knotted metal.