.

.

Chapter 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, December 24, 2014

***

“Expel?! Ako po?! Te..teka! Bakit po?! Ilang beses na po ba akong na-late? Hindi po ba pwedeng—”

“Whoa, whoa, whoa. Ms. Lazaro, don’t panic. Maupo ka muna.”

 

At sinabihan pa akong don’t panic?! Sinong estudyante ang di magpapanic kapag sinabihan siyang expelled na siya sa school na pinapasukan niya?! Kulang nalang eh umiyak ako dito dahil nagpapanic na ako ng sobra! Huhuhu! Lagot ako kay mama neto. Expulsion? Hala talaga! Bakit ba kasi late ako lagi?

 

Narinig ko naman yung pagbukas at pagsara ng pinto kaya napatingin agad ako sa room na pinasukan ni sir Salas. Pagtingin ko, may hawak siyang mga documents. Yan ba ang proofs na late ako lagi? Records ko ba yan? Waaaah!

 

“Ma’am Castro, ibigay mo na sa kanya yan.”

 

May inabot naman sa akin si Ma’am Castro. Yung envelope na hawak niya nung pumunta siya kanina sa classroom.

 

 

“Ano po ‘to?”

“Expulsion slip. Hihihi.” Sabay ngiti at tawa niya sa akin. Pwede bang mahimatay nalang? Wala naman akong nagawa kundi kunin yung envelope. Binuksan ko na rin dahil lugmok na lugmok na rin naman ako. Eh di i-push to the limit na natin ‘to. Depressed kung depressed. Pagbukas ko…

 

 

Eh?

 

 

 

Ano ‘to? Ganito na ba ang expulsion slip ngayon? Tsaka bakit parang kakaiba yung mga nakasulat?

 

“Tantei High?”

“That’s correct. Ms. Lazaro, you are expelled in this school dahil dyan ka na mag-aaral.” Sabi ni sir Salas.

“Po? Teka…bakit? Di po ba pwedeng dito nalang ako? Ayokong lumipat ng ibang school!” baka school ‘to para sa mga patapon! O kaya mga adik o delinquents! Ayoko!

“Now, now Ms. Lazaro, don’t say that. You’re lucky dahil naka-receive ka ng ganyan!” sabi naman sa akin ni Ma’am Castro.

“Lucky? Pano naman po? Eh na-expel na nga ako eh! And besides, parang wala naman akong alam na school na ang pangalan eh Tantei High!”

 

Bigla namang nagkatinginan si sir Salas tsaka si ma’am Castro. At parang may something silang pinag-uusapan through their eyes. Nakakaloka na ‘to ha! Naexpel ako tapos matatransfer ako sa ibang school?! What the heck.

 

“Ms. Lazaro, may narinig ka na about Tantei High?” tanong sa akin ni ma’am Castro habang nakahawak pa rin yung kamay niya sa balikat ko.

“W-wala po. Hindi ko nga alam yung school na yun eh!”

“Well, that’s obvious. Only a few knows that school.”

“Huh? Bakit po?” meron bang ganun?

“Coz it’s a secret institution. Only those chosen people have the right to know its existence.”

“Te-teka po. Wait. Chosen? You mean.. ako?”

“Yes Ms. Lazaro. And I’m happy na nadiscover kita.” Sabay ngiti niya ulit sa akin. Then parang.. may mali sa mata niya. Ewan ko kung namalikmata lang ako or what, pero feeling ko naging green for a split second yung kulay ng mata niya.

“Is there something wrong, Ms. Lazaro?”

“Uh, wala po.” Sabay tingin ko sa sahig.

 

Bigla namang nag-flashback sa utak ko yung pag-uusap kanina ni ma’am Castro at ma’am Ramos.

 

“So.. ikaw ang nakakita.”

“Hmm. Accidentally. Pero di ko akalain na..nagkamali ka ng hinala.”

 

Di kaya.. may kinalaman dito yung pinag-uusapan nila? Ibig sabihin, alam rin ni ma’am Ramos yung tungkol dito. Wait. Bale tatlo silang nakakaalam sa school na ‘to. Possible rin na meron pang ibang faculty staff na nakakaalam.

 

“Ilan kaming nakakaalam?”

 

Nagulat ako sa sinabi ni ma’am Castro. Nakatingin siya sa akin at nakangiti na naman. At pano niya nalaman kung anong iniisip ko? Did she read my mind?

 

“Whoa...I’m not a mind reader. Kita ko lang sa mukha mo kung anong iniisip mo.”

“Ma’am. W-who are you?”

 

Ewan ko. I know na ang galing niya dahil nababasa niya yung iniisip ko by looking at my face, pero ang creepy lang kasi kapag ganun. Parang hindi normal. Besides, alam niya yung tungkol sa Tantei High na yan. Tsaka feeling ko hindi ako namalikmata kanina nung nakita ko yung green na something sa mata niya. Gosh. Kinilabutan ako bigla! Ang weird nilang lahat!

 

“Haha. You’re a sharp one.” Bigla namang tumingin ulit si ma’am Castro kay sir Salas. And then after nun eh umalis agad si sir Salas palabas ng office kaya kaming dalawa nalang ni ma’am ang nandito.

 

Dahil medyo natatakot ako sa kanya eh lumipat ako ng pwesto. Doon ako umupo sa isang couch, directly opposite sa kanya. Kaya ngayon eh magkatapat na kami, at di na magkatabi. I think, mas mabuti ‘to.

 

“Well, Ms. Lazaro? May tanong ako sa’yo. Naalala mo pa ba si ms. Querino?”

“Eh? Yung 2nd year student last year na bigla nalang nag-quit sa school?”

 

 

Naalala ko tuloy bigla yung mga tsismis na pinag-uusapan last year ng mga estudyante. May isang 2nd year student daw, na supposedly eh dapat 3rd year na ngayon, na bigla nalang hindi pumasok simula nung last week ng August. Sabi nung iba, baka daw nag-transfer dahil marami atang nambubully doon. Sabi naman nung iba, baka daw di nakayanan yung pressure kasi top 1 siya nung first grading tapos bigla nalang naging top 3 yung standing niya nitong second grading. Yung iba naman, baka daw naaksidente kaya di na pumasok. Ewan ko kung ano yung totoo pero ang alam ko lang eh wala na siya sa school na ‘to simula nung last week ng August last  year.

 

Last week ng August?

Last week. August.

 

Wait.

 

August 31 ngayon ah?

T-teka...wag mong sabihing..

 

“So...did you get it?” tanong ni ma’am sa akin.

“I...I don’t know. Pero.. kung tama ang hinala ko.. nung last week ng August last year, na-transfer rin siya sa Tantei High na yun?”

“Bingo!” tapos nag-gesture si ma’am ng baril sa right hand niya at tinutok sa akin.

 

“Pinalabas lang ni Mr. Principal na nag-quit si Ms. Querino, pero ang totoo ay nagtransfer siya sa Tantei High. And right now, ganun rin ang gagawin ni Mr. Principal sa’yo. Pero dahil maraming issues ang lumabas last year dahil parang wala namang enough reason si Ms. Querino mag-quit, sasabihin naming maeexpel ka ngayon dahil sa dami ng late records mo.”

 

“Ah...haha.” hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya sa sinabi ni ma’am.

 

“Pero...bakit? I mean, ano po ba ‘tong Tantei High na ‘to? Bakit natransfer si Ms. Querino? At bakit matatransfer rin ako dun? Ilan na ba kaming natransfer doon? I don’t get it. Hindi naman ako matalino na tulad niya. I mean, wala naman kaming pagkakaparehas. B..bakit ako? Ano po bang nangyayari?”

 

“Of course you don’t get it. No one knows about it here except Mr. Principal, Ms. Ramos, me and you.”

 

“Alam rin ni ma’am Ramos?” sabi ko na nga ba eh. May kinalaman talaga yung encounter naming sa kanya kanina dito.

 

“Yeah. Pero hindi siya galing sa Tantei High. Basta. Mahirap i-explain eh.”

“Wait. Hindi siya galing sa Tantei High? So you mean.. you..you are from that school?”

“Yes! I graduated there last year!” sabay tawa niya ng malakas.

“Last year? You mean...bata ka pa?”

“How rude. Naman no! Twenty one palang ako!”

 

Oh! Kaya pala para lang siyang teenager kapag nagtuturo sa amin. At saka kaya maraming boys ang may crush sa kanya. Bata pa pala siya! Akala ko mga nasa twenty six na siya at nagfefeeling bata lang eh!

 

“Okay, back to our topic. Tinatanong mo kung bakit ka napiling magtransfer, pati si Ms. Querino? Well actually, kayong dalawa pa lang ang nakukuhang transferees mula sa school na ‘to. I thought this school is just full of humdrums.”  

 

“Humdrums?” ano naman yun?

 

“Ah. Wala lang yun. So ayun nga. This just means na naging interested sa inyo ang committee at meron kayong abilities na hinahanap nila. Although hindi alam ng marami ang Tantei High, maraming graduates doon na ngayon ay sikat na businessmen, artista o di kaya naman scientist at doctors.”

 

Hindi naman na ako nakapag-react. Di ko kasi alam kung totoo ba lahat ng pinagsasabi niya. Pano pala kung niloloko niya lang ako? Pero ano namang motive niya para lokohin ako? O di kaya, may sira sila nila Mr. Salas sa utak?

 

“Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin na bukas na ang start ng klase sa Tantei High. Baka gusto mong malaman.”

“Huh?!”

“At hindi ka na pwedeng pumasok sa school na ‘to since inannounce na ata ni Mr. principal sa teachers mo na naexpel ka na. Hohoho. Eto ang list of requirements na kailangan mo for tomorrow. Eto naman yung ibang documents na kailangan mong i-present sa committee bukas. Pati yung map andyan na rin.” sabay abot niya sa akin nung compilation ng mga papeles na halos malaglag ko na sa sobrang dami at gulo.

 

Bigla namang bumukas ‘yung pinto.

 

“Oh. Andito na ata yung gamit mo. Sige na. Labas na.”

 

Tinulak-tulak pa ako ni ma’am Castro palabas doon sa office. Pagtingin ko sa pintuan, dala-dala ni Darwin yung backpack ko.

 

“Thank you.” Sabay kuha ko ng bag ko sa kanya.

“No prob. San ka pala pupunta?”

“Uhmm—”

“Ah, Mr. Ariedo, expelled na yang si Ms. Lazaro. C’mon. May klase pa tayo.” Then hinawakan niya yung balikat ni Darwin at pinaharap doon sa kabilang way.

“Good luck!” then she winked at me, tapos si Darwin naman yung tinulak-tulak niya paakyat sa hagdan.

 

Naiwan naman akong mag-isa doon na nakatayo. Well, wala naman akong magagawa kundi umalis. Bago ako lumabas ng gate, sinulyapan ko ulit yung school ko. Yung St. Joseph Academy. Hindi ko agad narealize, na ito na pala yung huling araw ko sa school na ‘to. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa mga classmates ko. Haaay. Pero ayos na rin naman. Wala naman kasi akong masyadong close dito eh. Si Darwin na ata ang matuturing kong closest friend ko.. err.. kahit na parang hindi kami friends.

 

Pagkalabas ko ng gate, tumakbo ako pauwi ng bahay. Unang-una, para sabihin ‘to kay Mama, at pangalawa, para humingi ng perang pambili ng requirements. Kahit di ko pa rin ma-gets kung ano bang nangyayari, alam ko pa rin namang kailangan kong bumili ng gamit dahil pasukan na daw bukas. Or else, wala akong papasukan na school!