.

.

Chapter 2.5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, December 24, 2014


***

“MAMA!!” sigaw ko habang nagtatanggal ako ng sapatos sa may pintuan namin. Lumabas naman agad si Mama na halatang gulat na gulat at umuwi ako.

 

“Anak! Bakit ka umuwi? May nangyari ba? Anong--”

 

Pinakita ko sa kanya yung certificate na nasa loob ng envelope kanina at ewan ko kung anong nangyari kay Mama dahil napaupo siya sa may pintuan namin na parang nakakita ng multo.

 

“M-mama? Okay ka lang?” nilapitan ko siya at tumabi ako sa kanya.

 

“A-ah...oo anak. N-nagulat lang ako. Tumawag kasi yung principal...a-akala ko naexpel ka.” Uh oh. Paano ko ba ieexplain ‘to kay mama?

 

“Ma, naexpel nga ako. Pero kasi sabi nila magtatransfer daw ako sa Tantei High. Alam mo ba yung school na yun? Weird lang talaga! Pero basta ayun nga.”

 

Sabay kaming pumasok ni Mama sa bahay namin. Kinwento ko sa kanya yung mga nangyari kanina sa school at halos di maipinta yung mukha niya sa sobrang gulat. Well, sinong hindi magugulat di ba? Malalaman mo nalang bigla na naexpel na pala yung anak mo tapos biglang matatransfer sa you-don’t-know-what-school na Tantei High. Pinagbabasa rin ni mama yung mga papeles na binigay sa akin. Maya-maya lang rin eh binigyan niya ako ng P3000 pambili ng gamit. Ako naman ang nagulat. P3000?! Seryoso ba ‘to?!

 

“Ma, bakit ang laki naman ng binigay mo?” ewan ko rin kung bakit ako nagrereklamo eh. Dapat talaga hindi na para akin nalang yung sukli. Haha.

 

“Ah...ano...Eh baka kasi mahal yung mga gamit dun anak...mas mabuti ng sobra kaysa kulang.”

 

 

Bigla namang napatayo si mama. Baka masakit na naman yung mata niya. May sakit kasi siya sa mata eh. Nakalimutan ko yung tawag, pero bigla-bigla nalang nanlalabo daw yung paningin niya. May pinapatak siya doon kapag sumasakit yun. Sinundan ko naman siya sa CR dahil andun yung nilalagay niya sa mata niya.

 

“Ma ayos ka lang?”

 

Ngumiti naman siya sa akin at saka tumango.

 

After nun eh nagbihis nalang ako ng blouse at jeans para komportable. Pagkalabas ko ng pinto, sumakay agad ako ng jeep papuntang SM. Medyo mahaba pa naman ang biyahe papuntang SM. Haaay.

 

 

Nung nakapagbayad na ako, nilabas ko ulit sa wallet ko yung list of requirements, at holy sheet of paper.. TATLO LANG PALA! Pero in fairness, printed pa ang requirements ha. Oh well, eto yung mga nakalagay.

 

 


Pagkabasa ko nun, nagpasalamat talaga ako sa Diyos nung narealize kong dala ko pala yung certificate. Grabe di ko akalaing kelangan pala yun sa pagpurchase ng requirements!

 

Nung nasa SM na ako eh bumaba ako agad at pumunta sa second floor. Nag-ikut-ikot ako para Makita ko yung O-Tantei pero di ko talaga makita! Asan ba kasi yun? Napaupo nalang ako sa isang bench sa may second floor. Grabe, bakit parang walang O-Tantei dito?! Akala ko ba andito lang yun?! At saka bakit sa O-Tantei pa kailangang bumili? Di ba pwedeng sa National Bookstore nalang? Arte-arte naman nila! May sarili pang store. Ang hirap-hirap namang hanapin. Psh. Tsaka.. may ganun ba talagang store? Parang hindi ko pa yun naririnig o nakikita sa kahit saang SM ah? Tss. Baka nga talagang pinagloloko lang nila ako?! Ugh!

 

Bibili sana ako ng ice cream pampakalma dahil naiinis na ako at di ko talaga makita pero natigilan ako nung makita ko yung nasa harapan ko. May maliit na pinto at covered ng green glass yung sides. Ang nakalagay eh Fishing Accessories Shop. Pero tinignan ko yung nasa baba nun at nakita ko yung nakalagay.

 

 

Ξ O-Tantei Ξ

Your one-stop shop for Tantei High supplies!

 

 

BINGO! Nandito lang pala yun! Ha! Akala ko di ko na makikita eh! Hindi naman kasi nakaindicate doon sa listahan na nakadisguise pala as Fishing Accessories Shop yung O-Tantei eh! Sabagay, secret school nga ‘daw’ yun. Oh well.

 

Papasok na sana ako kaso may biglang humarang sa akin na malaking tao. At syempre ang instinct ko eh ang umatras. Promise, maski kayo eh magugulat kung biglang may sumulpot na malaking lalaking nakagreen T-shirt at nakaslacks na humarang sa daraanan mo! Akala ko bystander lang siya dahil nakaupo siya sa may bench sa gilid!

 

“Certificate?” sabi nung lalaki sa akin. Grabe para siyang bouncer!

 

Syempre ako, kinalkal ko yung wallet ko at prinesent ko sa kanya yung certificate. Agad-agad naman siyang gumilid at pinagbuksan pa ako ng pinto.

 

Pumasok ako sa loob at na-amaze ako. Sa labas, parang maliit lang siya, pero kapag nakapasok ka sa loob eh ang spacious niya! Para siyang mini-National Book Store! Cool! Nakita ko rin na ang daming tao. Yung iba eh nakauniform pa from other schools. Wow. Siguro sila yung ibang students na nagquit o na-expel o bigla nalang nawala sa mga school nila dahil natransfer sila sa Tantei High na yun. Cool.

 

Ako naman eh nagtingin agad para sa requirements ko. Pumunta ako doon sa notepads. Ang cool nga eh. Kasi hindi siya parang notebook. Uhm pano ko ba ieexplain? Para siyang drawing pad, pero mas maliit. Kasing-size lang rin ng ordinary notebook. Pero isang sheet lang ‘to. Pero ang cool dahil kapag nasulatan mo na yung buong sheet eh biglang may dadagdag na isang sheet sa likod. Grabe naamaze talaga ako nung pinapanood kong magsulat yung isang babae doon. Sabi nung nag-aassist eh gawa daw sa high-technology yung pad na nakakadetect ng ink. Once na makarating na daw yun sa dulo ng pad, magpoprovide yun ng isa pang replica ng sheet at alas! Meron ka ng bagong sheet!

 

Kumuha ako ng pito dahil yun ang nakasulat sa requirements at nilagay ko sa cart. Then after nun, pumunta ako sa center dahil andoon yung uniforms. Ang cool nga nung uniforms eh! Grabe sana ganito nalang ang uniform sa St. Joseph! Yung sa lalaki eh pale yellow yung polo tapos yung lining eh color green. Tapos may necktie, which is pale yellow and green na stripes. Yung slacks eh yung normal lang na black, pero may green lining yung sa bulsa. Sa girls naman eh ganun din. Pale yellow yung blouse then may green lining. Tapos may naka-attach na ribbon, which is pale yellow and green stripes rin. Yung palda naman ay harmony ng green shades na nagform ng stripes then two inches above the knee yung length nun. Kumuha naman ako ng isa at nilagay ko sa cart ko. And last stop, pumunta ako sa books section. Nagtanong lang ako dun sa nag-aassist at kumuha siya ng pitong libro then nilagay sa cart ko. Binilisan ko naman at pumila agad ako sa counter.

 

 

“P2997.50 po ma’am.”

 

 

WHOA! Nagulat naman ako sa presyo. Grabe! Ang mahal pala nung pinamili ko! Halos sakto lang yung binigay ni Mama! Whoo! Buti nalang at nagdala rin ako ng sarili kong pera para sa pamasahe!

 

 

After kong ma-avail lahat ng requirements eh dali-dali akong umuwi. Quarter-to-twelve na rin nung makarating ako sa bahay kaya kumain agad ako pag-uwi ko. After nun eh andun lang kami ni Mama sa may sala at nakatingin sa requirements at papeles na nakakalat sa sahig.

 

 

“Ma. Kinakabahan ako.” Bigla kong nasabi nung nagsisink-in na sa utak ko na papasok na ako bukas. Kasi naman di ba? Masyadong unexpected ‘to. Malay ko bang maeexpel ako at sa ibang school nalang bigla papasok kinabukasan? Ang buhay talaga, parang life. Labo.

 

“Haaay. Wala ka ng magagawa anak, andito na eh. Sige na, mag-impake ka na ng mga gamit mo.”

 

 

Napatingin naman ako kay Mama. Tama ba yung narinig ko? Mag-iimpake ako ng damit? Para saan naman?

 

“Bakit ako mag-iimpake Ma? Saan tayo pupunta?”

 

Bigla namang pinakita sa akin ni Mama yung isang papeles na nakakalat sa sahig. Binasa ko yun ng mabilis at halos lumubog yung puso ko matapos kong basahin.

 

 

You are required to stay inside the campus for the whole school year. You can only go outside during holidays, semestral break and summer vacation, or emergencies. No student is allowed…

 

 

“Pero Ma—”

 

“Sige na Rainie, mag-impake ka na. Proud ako sayo kahit ano pang mangyari. Sige na.” wala naman akong nagawa kundi sumunod kay Mama. Halos buong maghapon akong nagkulong sakwarto ko para mag-impake ng mga gamit ko. Sa totoo lang eh binagalan kong mag-impake dahil hindi ko pa rin lubos-maisip na mahihiwalay ako kay Mama. For one school year. Grabe ang tagal nun!! Pero wala naman akong magagawa dahil eto yung required. Pero di ko maimagine na di ko siya makakasama. Ang arte naman kasi ng school na yun eh! Bakit kailangan pang mag-stay sa campus nila? Nakakainis. Para namang ang ganda-ganda ng school nila at parang elite pa kung pagbabasehan yung mga papeles. Kung ganun, bakit pa ginawang secret school? Di kaya may something silang ginagawa? Drug dealer ang principal? Ginagawang slave ang students? Sadista ang teachers? Ano ba?

 

Dahil masyado ng naging unrealistic yung pinag-iisip ko, tumigil na ako. Pagkatapos kong mag-impake, kumain kami ni Mama ng dinner, at after nun eh natulog na ako.

 

 

***

 

“Rainie, andito na ba lahat ng gamit mo? Sigurado ka?”

“Opo Ma! Waah teka asan na ba yung jacket ko?”

 

Nilapitan naman ako ni Mama at inabot niya sa akin yung purple kong jacket. “Ayan. Ano? Ayos na ba lahat?” tumango nalang ako sa kanya. Oo nga pala, hindi pa ako nakauniform dahil sabi doon sa isang papel eh wag daw maguniform pag pupunta sa school dahil baka may makaalam ng existence ng Tantei High.

 

Halos patakbo na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng jeep. Actually, maaga pa. Pero pareho kaming aligaga ni mama dahil ngayon nga ang first day ko sa Tantei High...at ngayon din yung huling araw ng pagkikita namin ni mama ngayong school year.

 

Ewan ko pero parang kakaiba yung feeling ko. Parang kinakabahan na excited na natatakot. Tinignan ko naman si mama. At as usual, nakashades na naman siya. Tuwing lalabas kasi kami o siya ng bahay, lagi yang nakashades. Feeling niya daw kasi superstar siya kapag nakasuot siya nun. Hahaha! Parang bata lang yung nanay ko no? Tsaka kasi di ba may sakit nga siya sa mata. Tapos dala-dala niya rin yung favorite niyang pamaypay. Cute cute nga nung design nun eh. Gusto kong hingiin yun dati sa kanya pero ayaw niya dahil favorite niya daw yun. Tsaka lagi niya talaga yung dala kapag aalis kami kung sakali daw na mainitan siya. Oh diba? Para lang kaming magkapatid dahil medyo isip-bata ang nanay ko.

 

Sumakay naman kami ng jeep. Ihahatid daw ako ni Mama papuntang Tantei High. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman kung saan pero later on sinabi niya sa akin na may map daw na included dun sa mga papeles. Buti naman! Dahil ayokong maligaw sa first day no!

 

 

Mga 30 minutes ang nakalipas eh biglang nagpara si mama kaya nagsimula na namang magmalfunction ang heartbeat ko. Shiiiz! Kinakabahan na talaga ako! Naglakad kami ng kaunti, tapos napunta kami sa isang park. Hinatak ako ni mama papunta doon sa dulo ng park at pumasok kami sa mapunong area. Halos magkasabit-sabit nga ako sa mga sanga dahil masyadong makapal yung mga puno at halaman. Then nagturn right kami doon sa mas mapuno pang part. Para na nga ’tong gubat eh. Tapos nagleft naman. Tapos right ulit. Feeling ko nga sira-sira na yung jacket ko dahil lagi akong nasasabit sa mga sanga. Si mama naman eh parang wala lang sa kanya habang hinahawi niya yung mga sanga ng pamaypay niya. Kelan ba kami makakarating sa school na yun?! Ang layo naman! Pero after kong mahawi yung isang sanga, napahinto ako sa nakita ko. Naging open space kasi. Tapos may lake sa gilid. Tapos…

 

 

 

Isang sobrang laking school na may nakasulat na “Tantei High” sa gitna.

 

 

OH MY GOD.

 

Napanganga lang ako. Ang laki! Parang kinain ko yung sinabi ko kahapon. Elite school nga siya. Nakakamangha yung laki at yung location niya. Sino ba naman kasing mag-aakalang may ganitong school sa gitna ng gubat?!

 

 

“Good luck anak. Kaya mo yan.” Then niyakap ako ni Mama at naramdaman kong umiiyak siya kahit nakasuot siya ng shades. Naiyak na rin ako nung mga panahong yun dahil di ko maimagine ang isang buong taon na wala si Mama sa tabi ko. Bigla naman siyang bumitaw sa pagkakayakap.

 

“Sige na. Andyan na ata yung susundo sa’yo.” Pagkatingin ko sa likod ko, may apat na lalaking nakatuxedo ang naglalakad papunta sa sa amin. Tinignan ko rin yung paligid ko at nagulat ako nung makita kong andami palang katulad ko na nakaabang dito. Karamihan sa kanila eh parang nakita ko rin sa O-Tantei kahapon.

 

“Bye Rainie.”

“Bye Ma.”

 

I waved at her habang papalayo na siya sa akin. Pinigilan kong umiyak. Ayokong umiyak ngayong first day ko. Tama. Kailangan maging presentable ako.

 

 

Huminga ako ng malalim bago makarating yung apat na lalaking susundo ata sa aming lahat. Nung makalapit na sila sa amin, nagsalita yung isang lalaking brown ang buhok.

 

 

“Transferees, welcome to Tantei High.”