.

.

Chapter 20

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“This..this is not happening.”
Sabay napaupo si Riye sa lapag. Lumapit siya doon sa lalaking nakahandusay at hinawakan niya yung leeg nito. “Ken, lason ba ulit ang pumatay sa kanya?”

“Yes.” Lumuhod rin si Ken at hinawakan niya yung braso ng lalaki. “It was injected right here.”

 

Nanlumo ako bigla. Parang wala na akong maramdaman dahil sa nakikita ko ngayon. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa leeg ng lalaki at hindi makapaniwalang may nakasaksak na kutsilyo doon.

 

“Tatawagan ko sina sir Ryou.” Kinuha ni Reiji yung cellphone niya mula sa bulsa niya at nagdial doon. Si Akane naman, naglabas ng camera at saka kinuhanan ng litrato yung crime scene. Biglang naglakad si Hiro palabas ng eskinita kaya napatingin na lang ako sa kanya.

 

“The killer should still be here.” Saka niya iniscan yung paligid.  Gusto kong sabihin yung mga nakita ko kanina, pero natatakot ako. Paano kung mali pala yung mga hinala ko?

 

“Did you see them?” kahit nakatalikod siya sa akin, alam kong ako ang kausap niya. And somehow, alam ko rin yung tinutukoy niya.

“Mmm. Tatlo sila.” Pagkasabi ko nun, bigla siyang lumingon at napaatras ako dahil sa nakita ko.

 

He smiled.

 

“Then that means we have a lead.”

 

Naglakad ulit siya papunta doon sa lalaki sa likod namin, habang ako ay naiwang nakatayo dito. Totoo ba yung nakita ko? He actually smiled? That cold face, actually smiled? Whoa.

 

Nagsagawa naman ng autopsy si Riye at Reiji, habang si Ken at Akane ay kinukuhanan ng kahit anong evidence yung crime scene. After a minute or two, biglang dumating sina sir Ryou at dinala na yung bangkay. Bumalik rin agad kami kay Miyu pagkatapos umalis nila sir Ryou. Nagsabi kami ng mga insights namin tungkol sa crime at sinabi ko rin yung tatlong taong nakita ko kanina.

 

“You mean they were there? Sa second crime?” tanong sa akin ni Akane.

“Yeah. Nung sinundan ko si Ms. Reynalyn nung hapon, nakasabay ko silang tatlo sa loob ng elevator. Tapos nung pumunta tayo doon nung gabi, Ms. Reynalyn was dead. Then nakita ko ulit sila sa area na ‘to kanina.”

“Ibig sabihin, posible na sila ang mga primary suspects sa serial killing na ‘to.” Dagdag naman ni Ken.

“Dapat malaman natin ang identity nila, kung ganun. At kung may relasyon ba sila sa mga namatay.” Sabi ni Riye at saka niya tinignan ulit yung mga litrato.

“Shall we get to work?” tapos biglang tumayo si Reiji. Then after that, nagsitayuan rin sila.

 

Bigla silang naging ganado. So this is the Atama family. Just by looking at them, nararamdaman ko kaagad yung galing nila. Alam na alam agad nila yung gagawin and they complement each other as well.

 

“Riye at Reiji. Dito lang kayo kay Miyu at alamin niyo kung sino ang tatlong yun. Akane at Akemi, pumunta kayo sa condominium at tignan niyo kung nagcheck-in baa ng tatlong yun at kung anong oras. Ken, you’ll go with me. Hahanapin natin sila.”

 

Nabigla naman ako sa nangyari. Biglang nagcommand si Hiro. That guy na hindi masyadong nagsasalita and just speaking in my mind, he’s giving orders to us.

 

“Got it!” nagulat naman ako at hinatak ako ni Akane palabas ng sasakyan. Dahil tumakbo siya, napatakbo rin ako para makahabol sa kanya. Pagtingin ko, naka-smile lang siya.

 

“Haha! Don’t worry, he’s always like that!”

“H..hah?” tapos tumingin siya sa akin.

“I mean, si Hiro. He’s a natural leader. Yang expression mo kasi ay gulat na gulat.”

“Hindi lang kasi ako sanay na ganun siya. Ang weird.”

“He is usually composed. Pero kapag ganito na mahirap ang case, nachachallenge siya. Ayaw niyang natatalo siya kaya gagawa at gagawa siya ng paraan para manalo. And during those moments, lumalabas yung pagiging leader niya.”

 

Napanganga na lang ako sa sinabi ni Akane. So that is his personality. Pero namangha ako sa kanya. Kahit na pare-pareho silang nasa Atama, sinusunod lang nila yung sinasabi ni Hiro at hindi nagrereklamo.

 

Sumakay kami ng tricycle nung makapunta kami sa kanto. Buti na lang at may dalang pera si Akane. Tumakbo ulit kami para makapunta doon sa condominium kung saan nangyari yung second crime. Saka ko biglang narealize…

 

“Wait, Akane. Pano natin malalaman kung sino sila kung hindi natin alam ang pangalan nila?” pagkasabi ko nun, ngumiti lang siya sa akin.

“I told you, Hiro is a natural leader. Bago pa man siya magbigay ng order, he calculated it all inside his head.”

“Eh? Anong ibig mong sabihin?”

“Miyu is a special car and program. Merong recorded image lahat ng scope ng map niya. Ibig sabihin, lahat ng nakita natin kanina sa map, nakarecord pa rin sa kanya. At kung nandoon nga sa area nay un yung tatlong taong yun, imposibleng hindi sila nahagip ng map ni Miyu. Once na naidentify nila Riye at Reiji yung tatlo based sa descriptions mo kanina, pwede nilang mahanap yung identity nila using Miyu’s program. Kaya niyang i-access ang iba’t ibang government and private records for that.”

 

Kung dati ay manghang-mangha na ako kay Miyu, ngayon ay umabot na ito sa sukdulan. Hindi ko inexpect na sobrang high-tech ng pagkakagawa sa kanya. Grabe.

 

“A..ang galing ni Miyu.”

“Of course! Miyu is designed to help the Atama family kaya nakaprogram siya based sa kakayahan ng mga nasa Atama. At isa pa, si sir Aiwa ang gumawa sa kanya.” Bigla namang may nag-click sa isip ko. Sir Aiwa.. sir Aiwa.. parang narinig or nabasa ko na siya sa isang Tantei book eh.

“Uhm, sino nga ulit si sir Aiwa?”

“Natatandaan mo pa ba si sir Hiroshi?”

“Oo naman. Yung Technology prof natin, di ba?”

“Yep! Si sir Hiroshi rin ang chairman ng Technology department ngayon. And he is the grandson of sir Aiwa, the Legendary Mechanic.”

 

Pagkasabi ni Akane ng Legendary Mechanic, biglang nagflow sa utak ko yung nabasa ko sa isang libro. Si sir Aiwa ay tinawag na Legendary Mechanic dahil sa dami ng programs and machines na nagawa niya for Senshins. Siya ang nagdevelop ng notepad, yung mirror camera, yung ID pass doon sa gate ng Tantei High at marami pang iba.

 

Nasa kalagitnaan pa ako ng pagkamangha kay sir Aiwa ay tumunog bigla yung phone ni Akane.

 

“Oh. Looks like they’ve found the identity of the suspects.” Saka niya sinagot yung tawag.

 

Sinammurize sa amin nina Riye yung information na nakuha nila kay Miyu. Tinype ko lahat ng iyon sa phone ko at tinignang mabuti yung mga nakalap nila.

 

Roberto Garcia, 38 years old. Siya yung lalaking Malaki ang katawan at may nakakatakot na tingin. Nagulat pa ako ng sabihin ni Reiji na ex-boyfriend pala siya ni Ms. Reynalyn.

 

Sarah Angeles, 27 years old. That businesswoman na nakasabay ko sa elevator at nakita kong nakatingin sa akin kahit nasa loob ako ng sasakyan. I really have a weird feeling pagdating sa kanya. Sabi nina Reiji, wala daw silang masyadong mahanap na information about sa kanya but they are still trying.

 

Ace Francisco, 26 years old. The handsome guy na malakas ang dating. Ang nalaman lang nila tungkol sa kanya ay pareho sila ng school na pinasukan ni Mr. Victor noong college.

 

“Roberto, Sarah and Ace, huh? Now let’s see kung isa nga sa kanila ang killer.” Sabi ni Akane at saka siya naglakad papasok sa condominium. Pasunod na sana ako kaso naramdaman ko na naman yung presence na yun. Para akong dinadaganan na ewan dahil sa lakas ng presence.

 

That’s right, dear. Solve this crime and prove yourself. Then I shall decide whether to take you or not.

 

Pagkatapos niyang sabihin yun, parang bumalik ulit sa normal yung pakiramdam ko. What the heck. Sino ba siya? Sino ba yung babaeng nagsasalita sa isip ko? And what does she mean by that?

 

“Akemi! Tara na!”

“O..okay!”

 

Umiling-iling na lang ako at saka sumunod kay Akane. I must focus. Kailangan naming masolve ang crime na ito. We must know who the killer is.