.

.

Chapter 21

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Nandito kami ngayon sa information desk at nagtatanong ng oras ngpaglog-in ng mga tao ditto. Buti nga at pinayagan kami. May pinakita kasing ID si Akane. Pagtingin ko, para siyang identification card ng mismong Tantei Agency.

 

“Saang room po nagstay at anong oras po pumasok at lumabas ditto sina Roberto Garcia, Sarah Angeles at Ace Francisco, pati na po yung namatay na babae sa 13th floor?” nagtingin-tingin yung babae sa may information desk sa computer sa harapan niya.

“Wait lang ha, ipiprint ko na lang.” then after ilang minutes, may inabot siya sa aming papel.

“Thank you po!”

 

Pagkatapos maibigay sa amin yung mga kailangan naming information, lumabas agad kami doon sa building. Tinignan namin yung nakaprint doon sa papel.

 

Name                                    Room number                  Checked in                                                         Checked out

Reynalyn Geronimo      Rm. 1314                            September 16 (5:17 AM)                             N/A

Roberto Garcia                 Rm. 1316                            September 16 (8:05 AM)                             September 17 (7:00 PM)

Sarah Angeles                   Rm. 1216                            September 17 (3:19 AM)                             September 17 (7:02 PM)

Ace Francisco                   Rm. 1214                            September 16 (7:32 PM)                             September 17 (7:10 PM)

 

“This is really weird.” Sabi ni Akane habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle.

“Oo nga. Di ba sabi nung babae dun sa lobby, yung first two digits raw ng room number ay yung floor number tapos yung last two digits naman ay yung room number doon sa floor na yun. Ibig sabihin, yung Roberto Garcia ay nasa same floor as the victim. Tapos si Sarah ay directly below ng room ni Roberto sa 12th floor and si Ace ay directly below ng room ng victim.” Sabi ko naman nung nakita ko yung weird room numbers ng biktima at ng suspects namin.

“Tsaka yung time ng pagcheck-out nila. Halos sabay-sabay silang nagcheck-out. And it’s right after mamatay ng biktima. Di ba around 6:30 siya namatay? My gosh. This case is getting weirder and weirder.”

 

Sumakay agad kami sa tricycle na nakita namin at dumiretso sa place kung nasaan sina Miyu. Pagdating namin doon, pumasok agad kami kay Miyu para ibalita yung mga nakalap naming impormasyon.

 

“O, nandito na pala sila.” Nagulat ako nung makita ko si Ms. Reina sa loob. Tapos kasama niya rin si Sir Hayate.

“Ms. Reina! Bakit kayo nandito?” tanong sa kanya ni Akane habang papunta kami doon sac enter table.

“May iniiebestigahan rin kasi kaming case and our evidences lead us here. Then nakita namin sina Riye at Reiji dito.” sabay upo rin ni Ms. Reina sa lapag.

“So how’s the case?” napatingin ako kay Sir Hayate na nakaupo rin sa may lapag at may hawak-hawak na bundle of papers.

“May suspects na po kami pero hindi pa namin kilala yung totoong killer.” Sabi ko saka ako nakiupo sa kanila.

“Pasensya na kayo kung hindi kami makatulong. Lahat kasi ng sensei sa Tantei High ay may naka-assign na case ngayon kaya wala kayong kasamang teachers.” Nung sinabi yun ni Ms. Reina, saka ko lang narealize kung gaano karaming case ang nangyayari sa loob ng isang araw.

“Cases like what?” this time, si Reiji naman ang nagtanong. Pero imbes na sagutin nila si Reiji, nagtinginan lang si Ms. Reina at Sir Hayate. Parang may something silang pinag-uusapan.

“Uhm, it’s a top secret case kaya hindi namin pwedeng sabihin.” Sabi sa amin ni Ms. Reina.

 

After five minutes, umalis na rin sina Ms. Reina at Sir Hayate. May tinignan lang rin pala silang information kay Miyu kaya sila tumigil dito. Pero nacurious ako sa sinabi ni Ms. Reina na top secret case. Ano kaya yun? May mas malala pa ba kaysa sa pagpatay sa mga tao?

 

Sinabi naman namin ni Akane yung mga nalaman namin about doon sa tatlong suspects. Tapos nagsabi rin sina Reiji at Riye ng mga iba pa nilang nalaman.

 

“Jackie Crisostomo was the third victim. Sabi sa information na nakuha ni Miyu, 29 years old na raw si Mr. Jackie.” Sabi sa amin ni Riye.

“He and Mr. Victor are working in the same company.” Dagdag naman ni Reiji.

“Regarding sa suspects, may nadagdag pa kaming ibang info. Aside sa pagiging ex-girlfriend ni Ms. Reynalyn, si Mr. Roberto Garcia pala ay dati ring nagwork sa company nina Mr. Victor at Jackie. Pero nagresign raw siya last year. So basically, kilala niya lahat ng victims.” Report sa amin ni Riye.

“Kay Sarah Angeles naman, naging clients niya rin yung tatlong biktima. May binili sa kanya yung tatlo at mukhang hindi pa ata sila nakakabayad ng buo kaya hinahabol niya ang mga ‘to. Lastly, si Ace Francisco ay isang med student sa university na pinasukan dati ni Victor noong college siya. And we found out na pare-pareho rin pala ng university na pinasukan ang tatlong biktima, so most probably, kilala niya rin silang tatlo.” Pagkatapos sabihin yun ni Reiji, parang lalong gumulo lahat. Oo, mas lalo kaming lumalapit sa identity ng killer pero mas lalo ring nagiging kumplikado yung kaso. Kung kilala ng tatlong suspects lahat ng biktima, ibig sabihin, wala pa rin kaming lead sa case na ‘to.

 

“Wait lang, saang company nagtatrabaho sina Mr. Jackie at Victor?” napatingin kami kay Akane na nakakunot na yung noo. Parang may iniisip siya na hindi niya dapat pakawalan.

“Sa Giblo Chemicals.” Sagot ni Riye at after nun, nanlaki yung mata niya at napatingin kay Akane. “Kung doon rin nagtatrabaho si Mr. Roberto dati, ibig sabihin, pwede siyang magkaroon ng access sa chemicals…like hydrochloric acid.” Sabi ni Riye sa amin.

“Right. And he can easily call Mr. Victor and Jackie since nagwork sila sa isang company, habang si Ms. Reynalyn naman ay ex-girlfriend niya.” Dagdag ni Akane.

“Pero posible ring magkaroon ng access si Ace Francisco dahil med student siya.” This time, si Reiji naman ang nagsalita.

“Or yung binebenta nung Sarah Angeles ay chemicals?” sabi ko sa kanila.

 

Natahimik kaming apat. Tinry ko ring basahin kung anong iniisip nila kaso sarado yung mga isip nila. Alam kong lahat kami ay may kanya-kanyang suspect na naiisip and we’re trying to prove it to ourselves.

 

“Meron na tayong mga evidences and information, we just need to connect all of it. Sa tingin ko, kailangan nating hintayin muna sina Hiro at Ken dahil baka may maidagdag pa sila.” Saka huminga ng malalim si Akane. Tinignan niya rin ulit yung mga papel na nakalatag sa lamesa.

 

Tahimik lang kaming nakapalibot sa lamesa at nagtitingin-tingin doon sa mga papel at pictures na nakakalat sa harapan namin. Tinignan ko ulit yung pictures ng mga biktima kahit halos manghina na naman yung katawan ko dahil sa paraan ng pagpatay sa kanila.

 

Feeling ko talaga si Sarah Angeles yung killer. Masama ang kutob ko sa kanya, lalo na nung tumingin siya sa akin nung nasa loob ako ng sasakyan. She’s also mysterious. Kakaiba yung dating niya sa akin.

 

Bigla naman akong napabalik ng tingin doon sa pictures dahil may nakita akong kakaiba. Wait. Parang nakita ko na ito sa kung saan eh. Saan ko ng aba nakita ‘tong figure na ‘to? Binrowse ko yung ibang pictures at may nakita rin akong kakaiba sa mga yun. And I’m sure na nakita ko na sila somewhere pero hindi ko maisip kung saan o kailan. Ugh! Kung kelan naman kailangan kong maisip kung saan ko nakita ang mga ‘to, saka ko hindi maisip!

 

Napasigaw naman ako nung narinig kong nagring yung phone ni Akane. Actually feeling ko lahat kami ay nagpanic dahil sobrang tahimik naming apat tapos biglang may tumunog. Sinagot naman agad yun ni Akane at ni-loud speaker niya para marinig namin saka niya nilapag ulit sa table.

 

“Hello, Akane?” pagkarinig ko nung boses, alam ko na kaagad na si Ken yung tumawag sa kanya.

“Oh, bakit? Nasaan na ba kayo?”

“Pabalik kami sa agency.” Bakit parang hinihingal siya?

“Ha? Bakit kayo babalik dyan? Akala ko ba ditto kay Miyu ang kitaan?”

“Basta! Bumalik na rin kayo ngayon dito, ngayon na! We’re running out of time!”

“What? W-wait! Ano bang nangyayari? Tsaka bakit kayo nagmamadali? May humahabol ba sa inyo?”

“Shit! Ken, come on! Basta umalis na kayo dyan!” narinig ko yung boses ni Hiro at parang may mga humahabol nga sa kanila. Napatayo bigla si Reiji at kinuha yung phone ni Akane.

“Are those Shinigamis?” pagkasabing-pagkasabi nun ni Reiji, napatayo rin kami kaagad at bigla akong kinabahan. Hi-hinahabol sila ng mga Shinigami? Bigla ring nawala yung linya sa kabila.

 

“Shit. Kung hinahabol sila ng mga Shinigami nung pabalik na sila dito, ibig sabihin, Malaki ang chance na may mga Shinigami na rin malapit ditto.” Pagkatapos sabihin nun ni Reiji, pumunta agad siya doon sa computer system ni Miyu at nagtype ng kung ano doon. Biglang umandar si Miyu ng sobrang bilis kaya napaupo ako sa lapag at napahawak doon sa gilid. Nabasa ko sa screen niya yung “Shinigami System Alert”. Siguro may program nang naka-install sa kanya kung anong gagawin kung may ma-encounter man kaming mga Shinigami.

 

Then realization hit me.

 

“Wait, di ba sabi nina Ms. Reina at sir Hayate, dito raw sila dinala ng case na sinosolve nila? Hindi kaya tungkol sa mga Shinigami yung case nila?”

“Yan din ang naiisip ko ngayon. Pero bago natin sila isipin, kailangan muna natin masolve ‘tong case na ‘to.” Sabi naman ni Akane sa akin.

 

Napatingin ulit ako doon sa pictures na tinitignan ko pa kanina. Alam ko talaga sa sarili ko na nakita ko nay un somewhere. C’mon brain, work with me!

 

 

“Uhm.. I.. I.. think, alam ko na kung sino..” napatingin kami kay Riye at nakita kong nakatingin siya doon sa picture na hawak-hawak niya.

“Me too.” Sabi naman ni Reiji habang nakatalikod siya sa amin at nakaharap doon sa computer. “I think I have an idea.”

“I guess we really belong in the Atama family.” Saka ko nakitang nag-smile si Akane habang hawak-hawak yung phone niya at may tinitignan na something doon.

 

Hindi ko alam kung sadyang nakisama lang ba yung utak ko o dala na rin ng pressure pero sa wakas ay naalala ko na kung saan ko nakita yung mga figures na nasa pictures nung nakita ko yung design sa likod ng phone ni Akane.

 

“And I think we have the same killer in mind.” Sabi ko sa kanilang tatlo.

 

Pagkasabing-pagkasabi ko nun, binuksan ko kaagad yung isip ko. Binuksan rin nila yung sa kanila and their deductions and reasons flow into my brain.