.

.

Chapter 22

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Natahimik kaming apat habang binabasa ang isip ng bawat isa. Huminto na rin si Miyu sa tapat ng Police Department ng Tantei High kaya bumaba kami agad. Pagpasok namin, halos nagkakagulo na yung mga police officers. Itatanong ko sana sa isa kung anong nangyayari pero hinatak ako ni Akane papunta sa Tantei Agency. Nagmamadali kaming pumasok doon sa loob.

 

“You guys are late.” Sabi sa amin ni Ken habang nakaupo siya doon sa sofa.

“Anong nangyari sa inyo?” yan agad ang tinanong ni Akane nung nakaupo na kaming apat sa sofa. Nagtinginan lang si Hiro at Ken na parang may alam sila na hindi namin pwedeng malaman. Pero wala ring nagawa si Ken dahil kinulit siya nang kinulit ni Akane hanggang sa ikwento niya na rin yung nangyari.

 

“Sinusundan namin yung isa sa mga suspect pero bigla na lang naming nakita yung dalawang lalaki sa gilid. Nagulat pa ako dahil green yung mga mata nila. Unang tingin ko pa lang, alam kong hindi sila Senshins. No Senshin would dare to show their eye color to the public. Nung sinusundan na ulit namin yung suspect, bigla na lang silang sumugod sa amin. Kaya napatakbo na lang kami dahil wala kaming laban.”

“B-bakit?” ewan ko ba pero unti-unti na akong kinakabahan sa mga sinasabi ni Ken.

“They have guns.” Sagot sa akin ni Hiro. Nakita ko ring puro galos silang dalawa. Buti na lang talaga at appropriate yung sixth sense ni Riye for medical purposes. Sa ngayon, nilalagyan niya na ng first aid sina Ken at Hiro.

 

“You already knew the killer’s identity.” Napatingin ulit ako kay Hiro nung sinabi niya yun. Saka ko narealize na bukas pa pala yung isip naming apat dahil sa ginawa namin kanina sa loob ng sasakyan.

“Yeah. Kanina lang rin namin nalaman.” Sabi naman ni Reiji habang hawak-hawak yung phone niya at parang may tinitignan doon.

“You mean, alam niyo na rin?” tanong ni Riye kay Ken at Hiro.

“Yup. Bago pa kami habulin ng mga Shinigami, alam na namin kung sino yung pumapatay.” Sabay ngisi niya sa amin at may kinuha siya sa bulsa niya. Nung pinakita niya yun sa amin, napangiti na lang rin kaming lahat dahil alam naming iisa lang kami ng iniisip.

“Shall we go? Baka mamaya makatakas pa siya.” Tumayo bigla si Akane.

“And we should go right now.” Napatingin kami kay Reiji tapos hinarap niya sa amin yung hawak-hawak niyang phone. “Nakaconnect ‘tong phone ko sa system ni Miyu. According to her, the suspect will have a flight to Palawan at 11 AM.”

 

Napatingin agad ako sa relo ko. Gosh. 10:30 AM na! May 30 minutes na lang kami! Baka tuluyan pa siyang makatakas kung aabot siya sa flight niya.

 

Napatayo kaming lahat at nagmadali kaming lumabas sa agency. Pumasok agad kami kay Miyu at si Reiji na ang nag-ayos ng mga dapat ilagay sa system ni Miyu. Tinrack raw kasi niya yung mga flights ngayon dahil alam niyang may malaking possibility na tumakas yung killer kahit na baka ang i-reason niya lang sa flight niya ay bakasyon.

 

“Pero grabe yung killer. Hindi ko inexpect na ganito siya mag-isip.” Nakaupo kami ngayon dito sa may low table at napaisip rin ako sa sinabi ni Akane. Yeah, the killer’s ideas are so…imaginative and scary.

“Siguro may matinding past talaga sila ng mga victims.” Dagdag naman ni Riye. Nag-nod na lang ako dahil feeling ko rin may pinagdaanan sila.

“Malalaman rin natin yan kapag nakita na natin siya.” Sabi naman ni Ken.

 

Tahimik lang kami doon habang hinihintay na makarating sa tinutuluyan ng killer. Lumalakas na rin yung tibok ng puso ko. This is just my second time to solve a crime pero masyado nang heavy ang atmosphere. Ganito pala ang feeling. Mapapaisip ka na lang kung bakit kailangang pumatay ng tao. Yung panghihinayang mo sa buhay ng mga pinatay niya. Parang para sa iba, napakadali lang kunin ng buhay ng isang tao.

 

“Once your emotions conquer you, hasty decisions are made. Many people won’t use their brain and they will just do what their heart desires.” Napatigil ako sa pag-iisip nung narinig ko na naman ang boses niya sa loob ng ulo ko.

“The desire to kill people?” tanong ko kay Hiro sa isip ko. Hindi ko nga alam kung nababasa ba nila Akane yung isip ko o sadyang si Hiro lang ang may kayang gumawa nun kahit sarado na ‘to.

“Yes. To satisfy their emotions. Their rage. The emptiness.”

 

Hindi na ako nagsalita sa isip ko. Siguro nga halos lahat ng mga tao ay talagang ganun. Kung dumating kaya ang time na ganun rin ang mangyari sa akin, makakapatay rin kaya ako ng tao? Iniisip ko pa lang, hindi na kinakaya ng sikmura ko.

 

Nung huminto na si Miyu, nakita ko agad mula sa projections dito sa loob kung nasaan kami. Pagkalabas namin, nakita namin yung isang hilera ng mga apartment.

 

“Stay alert.” Sabi ni Hiro sa amin kaya kinabahan ako lalo.

 

Dahan-dahan kaming naglakad papunta doon sa apartment na tinutuluyan niya.

 

“Tss. Even the apartment’s number is thirteen.” Sabi ni Reiji kaya napatingin ako sa pintuan ng bahay sa harap namin. Thirteen nga. Gusto niya talaga ang thirteen, no?

“Palabas na siya!” mahinang sabi sa amin ni Akane nung nakapwesto na kaming lahat sa may pintuan. After two seconds, biglang bumukas yung pinto at bumungad sa amin ang gulat na expression ng taong lumabas.

 

“W-what the hell?!” sigaw niya sa amin.

“Yes, you are going to hell.” Sabi ni Ken at saka niya tinulak papasok ulit yung taong yun. Nagmadali kaming pumasok sa apartment niya at sinarado agad namin yung pinto para wala siyang kawala.

“Anong ginagawa niyo?! At bakit kayo pumasok dito sa bahay ko?! Pwede ko kayong kasuhan ng trespassing!”

“Oh really? Then shall we arrest you for murder?” saka siya nginitian ni Akane. Bigla siyang namutla at napaatras sa sinabi ni Akane.

“H-huh? What the fuck are you talking about?”

“We are talking about you, Mr. Serial Killer.” Pumagitna si Ken sa killer at kay Akane saka niya nilabas ulit yung pinakita niya sa amin kanina sa bulsa niya. Lalong lang siyang namutla.

 

Ace of Spades. Yan ang card na hawak ni Ken ngayon habang kaharap namin ang hinala naming killer.

 

“Ace Francisco, you are under arrest.” Saka inihagis ni Ken yung card papunta kay Ace. Hindi na makapagsalita si Ace habang nakatingin kaming anim sa kanya.

 

“A-anong pinagsasabi niyo?! Ha-ha! All of you are crazy!” tapos tumawa pa siya ng malakas. Napatingin ako kay Riye habang unti-unti siyang lumalapit kay Ace. Tapos bigla niyang hinawakan yung dibdib ni Ace pati yung tiyan niya. Medyo nahiya nga ako sa ginawa ni Riye dahil… ah basta! Nakakahiyang tignan!

“Your heartbeat accelerated and your stomach muscles are constricted.” Lumapit pa lalo si Riye sa kanya to the point na magkatapat na yung mukha nila. “You are also experiencing shortness of breath. Mga signs na kinakabahan ka, Mr. Ace.” Nakita kong kumunot yung noo ni Ace. Muntik na akong mapasigaw nung napansin kong tinaas niya yung kamay niya para itulak o saktan si Riye pero nagulat na lang ako nung nasa harapan niya na rin si Reiji at hawak-hawak niya yung braso ni Ace.

“Ouch! What the fuck!” kitang-kita ko sa expression ni Ace na nasasaktan siya sa pagkakahawak ni Reiji. His sixth sense stimulates his muscles to extremities. Kaya siguro kahit mas malaki ang katawan ni Ace kaysa kay Reiji, kahit isang kamay o isang daliri lang ang gamitin ni Reiji, mananalo pa rin siya.

 

Binitawan naman agad siya ni Reiji at lumayo sila ni Riye kay Ace.

 

“Hindi ka pa rin aamin?” tanong sa kanya ni Ken pero umiwas lang ng tingin si Ace. “Kung hindi ka aamin, kami na mismo ang magbubunyag sa mga ginawa mo.”

“All of the killings are connected to number thirteen.” Sabi ni Akane. Naglakad rin siya papunta sa isang cabinet sa gilid namin at may kinuha siyang isang deck ng cards. “So you like to play cards, Mr. Ace? And I presume you know that each suit contains 13 cards. You used this concept sa pagpatay sa kanila para lang masatisfy mo yung obsession mo sa cards? You’re too bold.” Lumapit si Riye kay Akane at may kinuha doon sa deck of cards na hawak ni Akane.

“Mr. Ace, you also used their name as the basis for killing, right?” saka itinaas ni Riye yung apat na cards. The King, Queen, Jack and Ace of spades. “Victor can denote King. Sa name ni Ms. Reynalyn, you used the Queen. And for Mr. Jackie, you designate the Jack of spades. When these three cards are gone, the most powerful card will be…” tinaas ni Riye yung isa pang card na hawak niya. “…the Ace of Spades.”

“And I’m guessing the four of you are members of a club or an organization.” Dagdag naman ni Reiji habang nakataas yung phone niya. Nakadisplay doon yung drawing na nasa card ni Mr. Victor at yung design sa damit ni Ms. Reynalyn. “The thirteen dots signify the thirteen cards in a suit. Yung design rin sa gitna, kapag binaligtad mo, magiging hugis spades. And the word passed at the bottom, when you rearranged it, it will become spades. So I guess the four of you are into playing cards.”

“And the way you leave the clues in the scene also suggests you love cards.” This time, ako naman ang nagsalita. Naalala ko kasi yung mga nakita ko sa pictures ng crime scenes. “Yung kay Mr. Victor, gumamit ka ng sword-like knife para ipahiwatig na siya yung King. And the King of Spades is also holding a sword. Kay Ms. Reynalyn naman, nag-iwan ka ng flowers sa may paanan niya dahil yung Queen sa cards ay may hawak na flower. And lastly, kay Mr. Jackie, nag-iwan ka ng weird knotted metal na hawak rin ng Jack. And all of them are black in color. The suit of Spades is black. And the suit of spades means death.”

 

Narealize ko yun nung nakita ko yung design sa likod ng phone ni Akane kanina. Black and red na hearts kasi yung design ng phone niya. Bigla kong naalala yung cards dahil doon. Syempre yung red hearts ay para sa suit of hearts tapos yung black hearts, para kasing baligtad na spades. Parang bigla na lang nagclick sa utak ko lahat ng di ko maipaliwanag sa mga crime scenes.

 

Pagkatapos ng mga sinabi namin, natahimik kami at hinintay namin ang reaction ni Ace, pero tumawa lang siya. Nagbago rin yung tingin niya. Parang bigla siyang naging kalmado.

 

“Those are nice deduction, kids. Kahit sabihin  niyo pa yan sa mga pulis, wala kayong ebidensya na ako nga ang pumatay sa kanila. At bakit naman sila maniniwala sa inyo? You are still kids.”

“Unless we show this to them.” Napatingin kaming lahat kay Hiro habang hawak-hawak niya yung isang syringe at mahabang lubid. Bigla na lang ulit nagbago yung expression ni Ace at nanlaki pa yung mga mata niya.

“How did you-” tapos kinapa niya yung bulsa ng jacket na suot niya.

“Sorry. I.. I stole it.” Sabay taas pa ni Riye ng kamay niya. Bigla naman akong namangha. Nakuha niya yun sa bulsa ng jacket ni Ace kanina? Wow, ang galing!

“You can’t dispose it, right? You saw Akemi near the third crime scene and you know that she’s also present in the second case.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Yun ba yung time na nakasalubong ko si Ace at nakapamulsa siya sa jacket niya? “Dumating rin yung mga pulis kaya hindi mo muna ‘to tinapon doon dahil baka makita nila. Mas mabuti nga namang iuwi mo na lang ‘to, kaysa itapon doon di ba?”

“Wait Hiro, para saan yang lubid?” tanong ni Akane kay Hiro.

“He used it for escaping.” Pagkasabi niya nun, namutla ulit si Ace.

“Wait lang. Sa second crime?”

“Yes. He killed Reynalyn in her room. Alam niyang nakabantay yung dating asawa ni Reynalyn sa unit niya kaya mas minabuti niyang umakyat mula sa bintana. Besides, his room is directly below Reynalyn’s room. Nasa bandang gilid rin sila kaya kapag umakyat siya sa bintana, hindi rin siya masyadong mapapansin ng mga tao sa labas. Or maybe he wore black outfits para mas lalong hindi mapansin. That way, kahit may cctv sa hallway, walang makukuhanang tao na pumasok sa kwarto ni Reynalyn. Pwede pang mapunta ang sisi kay Roberto Garcia dahil umaaligid siya sa unit ni Reynalyn. Am I right?” saka siya tumingin kay Ace.

 

Pagtingin ko kay Ace, putlang-putla na siya pero kitang-kita pa rin na nagpipigil siya ng galit. Maski ako ay kinakabahan sa pwedeng mangyari ngayon.

 

“Sinubukan mo ring itago yung totoong cause of deaths pero sorry dude, you failed. You can’t fool my sense of smell. Inisip mong matagal ang autopsy kaya matagal rin nilang malalaman na hydrochloric acid pala ang dahilan ng pagkamatay ng tatlo. Tinago mo yun sa pamamagitan ng pagsaksak at pagbitin sa mga biktima kahit patay na sila. And I think you just stole that hydrochloric acid in one of your laboratory sa med school mo. I can smell it. Perhaps, nasa ilalim ng lababo?”

 

“Who the hell are you?” saka kami tinignan isa-isa ni Ace.

“Detectives. Though we are not the ordinary ones.” Tapos kinindatan pa siya ni Akane.

“Aamin ka na ba? Para naman matahimik na yung mga pinatay mo.” Parang casual lang na sabi ni Ken. Pero pagkasabi niya nun, kumunot ulit yung noo ni Ace.

“Matahimik? Dapat magdusa sila! Niloko ako ng mga putanginang yun! Mga hayop!”

 

Nagulat ako nung biglang nagwala si Ace. Nagtinginan pa kami ni Akane dahil mukhang aamin na rin si Ace kahit hindi niya sinasadya dahil sa emosyon niya.

 

“Akala ko mga kaibigan ko sila! Puta! Pineperahan lang pala ako! Tuwang-tuwa pa ako dati dahil yung mga pangalan namin ay swak sa cards! Pumasok pa kami sa isang organization na mahilig maglaro ng cards! Nung naglaro kami nung nakaraang linggo, akala ko mananalo na ako. Pero tangna! Nakakuha sila sa akin ng tig-100,000! Pagkatapos ng larong yun, narinig kong nag-uusap si Victor at Jackie sa CR. Dinadaya na pala nila ako. Gusto pa daw nila akong kuhanan ng pera. Pinagtutulungan nila akong tatlo! Sobrang nagalit ako sa kanila. Nandilim na lang bigla yung paningin ko. Inimbitahan ko kinabukasan si Victor dito sa apartment ko para maglaro ng one-on-one at sinabi kong 300,000 ang taya ko. Hah! Pumayag ang gago! Hindi niya alam na huling araw niya na pala yun! Gusto nila ng laro? Pwes pagbibigyan ko sila! Pero buhay nila ang kapalit! Pinatay ko sila gamit ang mga konsepto sa paborito naming laro. Nung nakita ni Reynalyn si Victor sa may 13th ave., alam kong may ideya na siya kaya takot na takot siya nun. Kaya sinabi ko sa kanya sa text na hindi ko siya papatayin basta ba ay isoli niya lang sa akin ang pera ko.”

 

Bigla kong naalala yung time na humihingi ng tulong sa akin si Ms. Reynalyn tapos biglang nagbago yung pakikitungo niya. Yun pala ang nangyari. Kaya siya biglang umalis at pumunta sa condo unit niya.

 

“Naniwala naman ang puta! Haha! Alam ko namang hindi niya yun mababayaran dahil wala siyang ibang ginawa kundi maglustay ng pera! That’s why I also killed her. Saka ko isinunod si Jackie. Hah! Bagay lang sa kanilang mamatay! Mga wala silang kwenta! Mga manggagamit!”

 

Napatingin siya sa amin at natakot ako sa tingin niya. Nakangiti lang siya at patawa-tawa habang nakatingin sa kawalan. Yung itsura niyang parang kaya niya pang pumatay ng mas marami pang tao.

 

“Oo pinatay ko silang tatlo dahil bagay lang sa kanila yun! Ngayong wala na sila, wala nang makakapandaya sa akin!” saka siya tumawa ulit. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko. Feeling ko, nababaliw na siya.

 

“Sa wakas, umamin ka na rin.” Sabi ni Ken tapos nag-inat pa siya at humikab. Hindi ko alam kung inaasar niya lang ba si Ace o ganun lang talaga siya. Mas lalo lang akong kinakabahan eh!

“Ano naman kung umamin ako sa inyo? Hah! Hindi naman ako aamin sa mga pulis-”

“Naniwala naman ang puta! Haha! Alam ko namang hindi niya yun mababayaran dahil wala siyang ibang ginawa kundi maglustay ng pera! That’s why I also killed her. Saka ko isinunod si Jackie. Hah! Bagay lang sa kanilang mamatay! Mga wala silang kwenta! Mga manggagamit! Oo pinatay ko silang tatlo dahil bagay lang sa kanila yun! Ngayong wala na sila, wala nang makakapandaya sa akin!” Oops, sorry. I recorded it.” Saka pa inulit-ulit na pinlay ni Ken sa may phone niya yung sinabi ni Ace. This time, parang puputok na sa galit yung mukha ni Ace. Nagulat na lang ako nung bigla siyang sumugod sa amin.

 

Parang biglang tumigil yung oras. Hindi ko alam kung paano o kung anong nangyari. Ang alam ko lang, hawak-hawak na ni Ace yung leeg ko at may nakatutok sa akin na kutsilyo. Hindi ko namalayan na meron pala siyang nakatagong kutsilyo sa likod niya.

 

“Subukan niyong ibigay yan sa mga pulis, papatayin ko ‘tong babaeng ‘to!” saka niya idiniin sa akin yung dulo ng kutsilyo.

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagflash bigla sa isip ko lahat ng nangyari sa buhay ko. Ito na ata yung sinasabi nilang makikita mo ang buong buhay mo kapag nasa bingit ka na ng kamatayan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi na rin ako makapag-isip ng tama. Feeling ko mamamatay na alaga ako.

 

“Tsk. Tsk. You really are a fool.” Nagawa pang magbuntung-hininga ni Ken sa harap ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maiiyak na lang dahil parang wala silang pakialam kahit na nasa ganitong sitwasyon na ako.

 

“Hah! A—”

 

Then something happened. Hindi ko na nasundan yung pangyayari. Mukhang wala na talaga ako sa matinong pag-iisip. Ang naalala ko lang ay bigla silang sumugod na lima sa amin ng sobrang bilis. The next thing I knew, nakakahinga na ako ng maluwag at nakahiga na sa sahig si Ace habang namimilipit sa sakit.

 

“You’re bleeding.” Bigla akong natauhan nung nagsalita si Hiro. Hawak-hawak niya ako sa braso ko at tinuro niya yung leeg ko kung saan diniin ni Ace yung kutsilyo.

“A..ayos lang ako.” Buti na lang at may dala akong panyo. Kinuha ko yun sa bulsa ko at tinakpan yung nagdudugong part.

“Ayos ka lang ba, nee-san?” lumapit sa akin si Riye habang alalang-alala.

“Mmm.” Saka ako nag-nod. Pero ang totoo niyan, parang gusto ko na lang matumba bigla. Parang nawalan ako ng lakas nung narealize ko na muntik na akong mamatay kanina.

 

Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Akala ko wala lang sa kanila na halos mamatay na ako. Niligtas pa nila ako sa kamatayan. Pinigilan ko na lang na maiyak dahil ayokong mag-alala pa sila lalo.

 

Napatingin na lang ulit ako kay Ace na hawak-hawak na ni Ken at Reiji. Basta ang alam ko lang sa nangyari kanina, bigla akong hinatak ni Hiro mula kay Ace tapos inatake siya ni Ken at Reiji. Tapos hinawakan ni Riye yung bandang throat niya, siguro para may maapektuhang muscles or nerves or something, tapos si Akane naman ay inagaw yung kutsilyo from him. Natakot nga ako dahil baka siya naman ang masaksak pero narealize ko na sword handling nga pala ang expertise niya kaya madali lang para sa kanya na iwasan yun.

 

“Sorry, I’m late. Whew. Mukhang di na ako mahihirapan sa kanya.” Napatingin naman kami sa pintuan at nakita ko doon si sir Ryuu at dalawa pang Tantei police. Pinalibutan nila si Ace at nilagyan siya ng posas. Kung anu-ano pag sinasabi niya habang palabas sila ng apartment pero hindi siya makapanglaban dahil mas malakas sa kanya yung mga police officers.

 

“Nice work, Atama.” Tapos nagsmile lang sa amin si sir Ryuu habang palabas rin siya.

 

After that, lumabas na rin kami. Kinalma ko rin yung sarili ko para makapaglakad ako ng maayos. Come on Rainie, buhay ka pa. Calm down.

 

“Buti na lang pala at nasundan niyo siya bago kayo habulin ng mga Shinigami. At least nalaman agad natin kung saan siya nakatira.” Sabi ni Akane nung nasa loob na kami ni Miyu.

“Actually, naghiwalay kami ni Hiro. Si Roberto Garcia yung una kong sinundan. Pero napansin kong lumapit rin siya sa crime scene at nakiusosyo doon. Mukhang malabo na siya yung pumatay dahil siya mismo ang nagsabi sa akin na nakikita niya sa trabaho yung pangatlong biktima at kakilala rin siya ng ex-wife niya na namatay rin kahapon.” Sabi naman ni Ken habang nilalaru-laro yung phone niya. “Then Hiro followed Ace. Tinawagan niya ako at sinabi niyang si Ace ang killer. Of course, I have no doubts. Medyo nakukutuban na rin kasi ako nun na si Ace nga ang pumatay doon sa tatlo. Saka ko naman biglang nakita si Sarah na naglalakad sa kabilang kanto. Sinabi ko kay Hiro na susundan ko si Sarah. Habang sinusundan ko siya, nakita ko rin naman agad si Hiro kaya kaming dalawa na ang sumunod sa kanya. And based on your expressions, I think you guys already know where this story is going.”

 

Natahimik kami doon. Bigla kong naalala yung time na nagkatinginan kami ni Ms. Sarah kahit na nasa loob ako ni Miyu at imposibleng makita niya ako.

 

“You mean, Sarah is a Shinigami?” sabi ni Akane na pumutol sa katahimikan namin.

“Yes. And she knew that we are Senshins. Sa tingin ko, mga bantay niya yung dalawang Shinigami na humabol sa amin.”

 

Biglang may bumagabag sa loob ko. What if… what if…

 

“Hey. Uhm, m-may inner voice rin ba ang mga Shinigami?” bigla ko na lang silang natanong.

“Ang alam ko, para rin silang tayo. Some of them can also speak through minds.” Sa sinabing yun ni Akane, lalo lang akong kinabahan.

 

Hindi ko alam kung posible pero tingin ko, siya yung babaeng nagsasalita sa isip ko.