.

.

Chapter 23

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Nee-san, gising na. Baka malate na naman tayo.”

 

Pinilit kong bumangon dahil sa pag-alog sa akin ni Riye. 2 weeks na rin ang nakakalipas nung nangyari yung serial murders. Pero tuwing gabi, napapanaginipan ko pa rin yung mga itsura ng mga namatay. Nakakatrauma talaga. Wala rin muna akong pinagsabihan nung tungkol kay Sarah Angeles hangga’t di pa ako nakakasigurado. Pwedeng siya nga yung nagsasalita sa isip ko nung nangyayari yung serial murders pero pwede ring hindi. Iniisip ko kung siya rin ba yung babaeng nakita ko sa may puno na naka-cloak at nakatingin sa akin using her green eyes. Ewan ko. Nalilito na rin ako.

 

Nagfocus na lang akong mabuti sa mga subjects namin. Buti nga tinutulungan ako nina Akane at Riye sa pag-cope up dito. One month na ako dito pero parang bago pa rin sa akin lahat.

 

Pagkatapos naming magprepare, pumasok na rin naman agad kami. Syempre, unang klase namin ay Logic. Buti nga at ayos lang si Ms. Reina. Sobrang nag-alala talaga ako nung nalaman kong tungkol sa mga Shinigamis yung assignment nila ni sir Hayate.

 

“Bakit ba laging late ang mga babae?” yan agad ang bati sa amin ni Ken pagkapasok namin ng room.

“Kasi hindi kami wisik-wisik lang pag naliligo.” Sabi naman sa kanya ni Akane tsaka siya umupo sa upuan niya. Napangiti na lang ako sa kanila. Parang wala pang araw na hindi ko sila nakitang hindi nag-away.

 

Si Reiji, may hawak na namang libro. Si Ken naman parang bored na bored na at pinaglalaruan niya na lang yung ballpen niya. Tapos si Hiro, nakaupo lang siya pero nakapikit. Baka natutulog.

 

“Good morning!” napatingin kami sa pintuan at nakita namin doon si Ms. Reina. As usual, fashionista na naman ang itsura niya. Naka-off shoulders siyang blouse, beige na shorts tsaka wedges. Ang cute talagang magdala ni Ms. Reina ng damit.

 

“Shall we play logic games?” pagkasabi nun ni Ms. Reina, biglang nabuhayan yung lima at tumingin sa kanya.

“Oh, sure! Halos isang taon na rin nung nag-logic games si sir Eiichi.” Sabi naman ni Akane. Nagulat naman ako nung bigla niya akong hinatak pati na rin si Riye. “It’s girls versus boys.” Saka siya nag-smirk.

“Okay, so it’s girls versus boys. At para naman masaya, lagyan natin ng challenge.” Napatingin ulit kami kay Ms. Reina dahil sa sinabi niya. “Pag natalo kayo, hindi niyo makukuha ang newly-made weapons from the Department of Technology.”

 

“WHAT?!” nagulat naman ako nung sabay sumigaw si Akane at Ken.

“N-nagawa na nila?” sobrang gulat pa ng expression ni Ken.

“Oh my gosh! After ten long years!” saka pa tumalun-talon si Akane.

“Ano yung weapons?” napatingin naman ako kay Riye na nagtatanong kay Reiji. Nakinig ako sa kanilang dalawa dahil wala rin akong kaalam-alam sa pinagsasabi nila.

“Ah, oo nga pala, hindi mo rin yun alam.” Sabi ni Reiji kay Riye. “Ten-year project na kasi yun ng department pero hindi pa rin nila maperpekto. I didn’t expect na matatapos nila yun ngayon.”

“T-ten years? What kind of weapons are they producing?”

“You’ll see.” Saka siya nagsmirk kay Riye at parang naging determinado siyang manalo sa logic games.

 

Okay. Hindi ko alam kung anong weapons yung sinasabi nila pero sobrang nacurious ako. I guess I should also do my best para malaman kung ano nga ang mga yun by winning this logic game.

 

Nasa right side kaming mga girls tapos nasa left side naman yung boys. Si Ms. Reina, nakatayo lang sa gitna. Ang ineexpect ko nga ay may hawak siyang kodigo para sa mga ipapagame or itatanong niya pero mukhang impromptu ang gagawin niya. Doon pa lang, nadagdagan na naman ang amazement ko sa kanya.

 

“No need to raise your hands kapag sasagot kayo ha? I can determine kung sinong unang magsasabi ng correct answer.” Oo nga pala, time-related yung sixth sense niya.

 

Tumahimik bigla yung room. Nakakatense tuloy yung atmosphere.

 

“A man was trapped in a room and there are no windows and door. How did he get out?” nataranta agad ako sa tanong ni Ms. Reina. Anong klaseng tanong yun? Ang hirap naman! Sinong makakasagot nun?

 

“Using the doorway. Walang pinto pero may pintuan.” Napatingin kami kay Hiro. At nakakamangha pa dahil nakapangalumbaba lang siya sa may table at parang wala lang sa kanya yung nangyayari. Parang hindi siya interesado.

 

“Correct! One point for the boys!” whoa! He got it right? Ang…galing.

“Yes! Nice one, bro!” sabay hampas ni Ken sa likod ni Hiro.

 

“Next! Five girls stood under an umbrella. How come none of them did not get wet?”

 

“I-it’s not raining.” This time, kay Riye naman ako napatingin. Narealize ko rin na tama yung sagot niya. Wow! Ang galing naman niya!

 

“Correct! One point for the girls!”

“Nice Riye!” sabi ni Akane tapos kinurot niya pa yung cheeks ni Riye.

“Nee-san!” tapos nagblush pa si Riye. Ang cute niya talaga.

“Ang galing mo Riye.” Bulong ko sa kanya. Ang galing talaga at ang bilis niyang mag-isip.

 

“Next! Imagine you’re in a room with no windows, door or doorway. How will you get out?”

 

“Stop imagining!” sigaw ni Akane with matching taas pa ng kamay.

 

“Correct! Two points for the girls! Habol kayo, boys!”

“Yes! Ang galing ko!”

 

Napatingin na lang ako sa kanila. Ang galing nila. Ang bilis nila mag-isip. Samantalang ako, di pa nga nagpaprocess yung tanong sa utak ko, sila nasabi na nila yung sagot. Ang galing talaga!

 

“Next! The girl is the doctor’s son but the doctor is not th girl’s father. Who is the doctor?”

 

“The girl’s mother.” This time, si Reiji naman ang sumagot habang nagbabasa pa rin siya ng book. Nakakapagbasa pa siya sa lagay na ‘to? Seriously?

 

“Correct! Two points na rin for the boys! Okay, next! What word is so fragile that when you say it, you’ll break it?”

 

“Hah! It’s silence!” sabay smirk pa sa amin ni Ken nung sinabi niya yun.

 

“Correct! Three points for the boys! Girls, habol!”

 

Sa nangyayari ngayon, ngayon ko lang narealize kung gaano kagaling ang mga nasa Atama family. How can they think so fast? Kakasabi pa lang nung mga tanong pero nasasagot na agad nila. Anong klaseng utak ang meron sila? They are so amazing! Nakakabilib talaga!

 

“Next! How can a woman read in the middle of a dark room at night, with no lamp or any source of light?”

 

“Using braille. The woman is blind.” Si Hiro na naman ang nakasagot. Bakit ang bilis nila?

 

“Correct! Four points!”

“Hala humabol tayo!” bulong sa amin ni Akane. Nahiya nga ako dahil ako na lang ang walang nasasagot sa aming anim. Grabe naman kasi yung bilis nila sa pagsagot.

 

“Next! A red house is made of red bricks and  a blue house is made of blue bricks. What is a green house made of?”

 

“Glass!” sabi ni Akane. Oo nga no? Muntik ko nang isagot ay green bricks. Shocks, nakakahiya!

 

“Correct! Three points for the girls! Last one!”

“Ha? Last na, Ms. Reina?!”

“Yes, Akane. Wala na akong maisip eh. Haha!” sabay kamot pa sa ulo niya.

 

“Okay here’s the last one. What 6-letter English word has it’s letter arranged alphabetically?”

 

Bigla akong kinabahan. Parang naencounter ko na yang tanong na yan dati. Hindi ko lang maalala kung saan o kailan. Pinilit kong isipin kung ano yun. I’m almost there pero di ko lang maisip. Almost there… wait…

 

“Almost?” sobrang kinabahan ako nung sinabi ko yun. Pano kung mali?

 

“Correct!”

“Oh my gosh, Akemi! Nice one! Haha!” tapos ginulo ni Akane yung buhok ko. “At least, tie yung scores! Yes!”

 

“Whoa, you guys are amazing! Okay, okay dahil tie naman ang scores niyo, you can now go to Hiroshi. He’s waiting.” Tsaka ngumiti sa amin si Ms. Reina.

 

Nagtatalon naman sa room si Akane kaya napangiti na lang ako. Dahil masyado akong nastress sa game na ‘to, inopen ko saglit yung isip ko para lang mailabas ko yung pressure na nagbuild-up habang nag-iisip ako kanina ng mga isasagot. Grabe. Nakakabaliw rin pala ang ganito. Paalis na kami ng room nung bigla akong napahinto.

 

“Akemi, do you know something about Sarah Angeles?”

 

Nagulat ako nung biglang may nagsalita sa isip ko. Napahinto ako sa paggalaw at napatingin na lang ako kay Ms. Reina. She’s talking through my mind. And she’s talking about Sarah Angeles.

 

Dahil na rin siguro sa sobrang stress, naikwento ko sa kanya lahat ng worries ko tungkol kay Sarah Angeles.