.

.

Chapter 24

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Geez! Excited na ako! Hindi ka ba naeexcite, Akemi?”

“H-ha?”

 

Ngumiti na lang ako kay Akane. Kanina pa ako wala sa sarili ko dahil sa nangyari kanina. I ended up saying my worries to Ms. Reina. Pero dahil doon, medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.

 

“Okay ka lang ba nee-san?”

“Mmm.” Saka ako tumango kay Riye.

 

Napagdesisyunan kong sasabihin ko rin sa kanila sa susunod. They treated me as a family. Siguro tama lang na wag akong maglihim sa kanila. Pero siguro hindi muna ngayon. I don’t want to spoil their excitement. Err, I mean Akane and Ken’s excitement.

 

Halos patakbo kaming pumunta sa klase namin kay sir Hiroshi dahil sa sinabi kanina sa amin ni Ms. Reina. Newly-made weapons, huh? I’m really curious about them. At bakit kailangan namin ng weapons?

 

Pagkarating namin sa room, wala doon si sir Hiroshi pero may nakasulat sa…hangin. I mean, his message is floating. How the heck did that happen?

 

Proceed to the Technology Department. The weapons are here.

 

Pagkabasa namin nung message, pumunta agad kami sa Technology Department. Actually, first time ko lang makakapunta doon. Nagpahatak na lang ako kina Akane. Ten minutes kaming naglakad at nakatayo kami ngayon sa harap ng isang building na…

 

“Hologram building?” napatanong ako bigla. Kasi parang naka-project lang itong napakalaking building. Pero sa malayo, mukha siyang totoo. Weird. I know my sixth sense is amplified sight pero hindi ko talaga nakita na hologram lang pala ‘to. Napansin ko lang nung nasa harapan na kami ng building.

“That’s just a façade.” Napatingin ako kay Akane. Humakbang siya palapit doon sa hologram na building tapos hinawakan niya yun. As expected, tumagos lang yung kamay niya. “Sir Hiroshi, we’re here!”

 

Nagulat na lang ako nung biglang lumitaw si sir Hiroshi sa harapan namin, pero as a hologram rin.

 

“Ahh, andyan na pala kayo. Come in.”

 

Iniisip ko pa lang kung tatagos ba kami sa hologram at mapupunta sa totoong Technology Department ay biglang humawak sa braso ko si Riye tapos nakapikit siya.

 

“Bakit Riye? May problema ka ba?”

“Nee-san, I really hate this…way.”

“Huh? Anong--”

 

Hindi ko alam kung anong naramdaman ko o kung may nararamdaman pa ba ako. Basta ang alam ko lang ay napasigaw ako ng sobrang lakas dahil biglang nawala yung lupang tinatapakan namin. The next thing I knew, we are already falling. Umikut-ikot yung paningin ko dahil paiba-iba ng way yung pinaghuhulugan namin. Hanggang sa nakakita na lang ako ng liwanag at bumagsak kami doon.

 

“H-h-heavy…h-h-help me.” Pagtingin ko, nasa pinakailalim namin si Ken at mukhang sobrang nahihirapan na siya. Tumayo kami agad-agad at tinulungan naman nina Hiro at Reiji si Ken na tumayo.

 

“Oi sir! Bakit doon mo na naman kami pinapasok?! Shit! Akala ko mamatay na ako kanina!” sabay nag-inhale exhale si Ken doon at pinagpagan niya yung damit niya.

 

“Sorry. You guys are not part of the Technology Department so you can’t use the official entrance.”

 

Napatingin ako kay sir Hiroshi. Ang gwapo niya tignan ngayon lalo na at naka-white labgown siya. Ang linis niyang tignan. Halos magkasing-appeal sila ni sir Hayate. Tapos pareho pa silang nakasalamin.

 

Nung naglakad si sir Hiroshi, sumunod kami sa kanya. Napapatingin rin ako sa paligid. Nakaawang lang yung bibig ko sa sobrang amazement. Ang galing. Para akong nasa future. May mga kung anu-anong naka-project sa gilid tapos may mga programs na nag-rurun. May mga nakikita rin akong programs for cars na parang kay Miyu. Kahit hindi ko naiintindihan yung mga nakikita ko, sobrang namamangha pa rin ako.

 

“We’re here.” Napatingin ulit ako sa harapan. Nasa harap pala kami ngayon ng isang kwarto. Binuksan ni sir yung pinto kaya pumasok agad kami. Kahit nakakita na ako nito nung unang punta ko sa Tantei High, hindi ko pa rin napigilang mag-gasp. Sa loob ng kwarto ay isang napakalaking space na pwede nang pagparkingan ng isang eroplano. Pero ang mas nakakagulat, parang glass yung sahig dahil nakikita namin yung nasa ibabang floor. Mga members siguro ng Technology Department at gumagawa sila ng kung anu-ano.

 

“This is the Dimension Room. Dito namin ginawa at pinag-aralan ang mga weapons niyo.”

“Hindi po ba ‘to delikado?” tanong ni Akane sabay turo sa sahig.

“Don’t worry, it’s not really a glass. Kasingtibay niyan ang concrete pero ang kaibahan nga lang, transparent ‘to.”

 

Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko hindi kami pwedeng gumalaw masyado dahil baka mabasag yung sahig at bigla na lang kaming mahulog sa baba. Sinundan ulit namin si sir doon sa may gitna ng room. Merong mesa doon na kung anu-anong weapons ang nakalagay. Ito ba yung mga newly-made weapons?

 

“Do you know teleportation?” napatingin kami bigla sa tanong ni sir.

“Travelling from one place to another within a short span of time?” sagot sa kanya ni Reiji.

“No.” tapos tumingin ulit sa amin si sir Hiroshi. “Teleportation is the destruction of one matter to the atomic and sub-atomic level then recreating it to another dimension or place.”

 

Hindi ko alam kung bakit dinidiscuss ni sir yung teleportation pero alam kong magugulat na naman ako sa kung anumang weapon ang sinasabi niya. Pakiramdam ko lahat ng bago sa Tantei High, ikagugulat ko.

 

“Since holding weapons is too suspicious, we conducted an experiment to teleport the weapons from here to the user. This is already a 30-year long research but finally, we managed to teleport it.”

 

Gusto kong sumigaw at pumalakpak sa sinabi ni sir Hiroshi pero parang nalunok ko na yung dila ko at nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Ganun rin yung mga kasama ko. Akala ko sa mga pelikula ko lang mapapanuod yung teleportation, pero ngayon, totoo na siya. Sobrang galing nila.

 

“Let me demonstrate it.” Pagkasabi nun ni sir, lalo akong kinabahan. Oh my gosh. Naglakad siya palayo sa amin. Doon siya pumwesto sa pinakadulo ng room, habang kami ay nasa gitna. Pero since sobrang laki ng room, para kaming nasa magkabilang dulo ng isang soccer field.

 

“WATCH ME, OKAY?” sigaw sa amin ni sir doon sa dulo. Syempre kami, napatango na lang. Kanina ang ingay-ingay ni Akane at Ken pero ngayon sobrang tahimik na rin sila at pinapanood lang si sir.

 

Kitang-kita ko naman si sir kahit nasa malayo siya, thanks to my sixth sense. Pero nagulat ako nung bigla niyang kinagat yung kamay niya to the point na nagdudugo na yun. Napatakip ako sa bibig ko.

 

“Bakit Akemi?” tanong sa akin ni Akane.

“Kinagat ni sir yung kamay niya tapos…nagdugo.”

 

Pero mas lalo akong nagulat nung biglang nawala yung dalawang baril na nakalapag sa mesa sa harapan namin. The next thing I knew, hawak-hawak na niya yung dalawang baril.

 

“WHOA! WICKED!” sigaw ni Ken at talagang kitang-kita mo sa expression niya na sobrang manghang-mangha siya.

 

Naglakad pabalik sa amin si sir Hiroshi at ngumiti siya sa amin. Nilapag niya ulit yung dalawang baril sa mesa tapos pagtingin ko sa kamay niya, hindi na nagdudugo.

 

“I’ll explain everything so guys, settle down.” Hindi ko naman agad napansin na parang nagpaparty na pala sina Ken at Akane tapos patalun-talon pa sila. Dahil nga gusto naming malaman kung anong nangyari, tumahimik muna kami at pumalibot kami doon sa lamesa.

 

“The key to the teleportation is blood. Dahil dinidisintegrate natin ang isang bagay at nirerecreate sa ibang lugar, kailangan natin ng binder. We used a super-magnetic energy to accumulate all the atoms in one place. Since our blood contains iron, we can use it to attract these particles. And good thing is, iba ang structure ng internal body natin sa mga humdrums and everyone of us is unique so the teleportation can be one to one. Meaning, specific sa isang tao. Also, our brain can emit magnetic waves so when you want to teleport the weapons, you can imagine it in your head and it will make the work easier. I have already marked these two guns with my blood before teleporting it so that it can only teleport to me. Now that you know how this works, you can also mark your own weapons.”

 

“So basically, it’s like summoning.” Biglang sabi ni Hiro.

“Yes. The same concept.”

 

Hindi ako agad nakagalaw sa narinig ko. How awesome can they be? At ibang klase pala ang mga research at studies ng mga Senshins. Out of this world. Hindi ako makapaniwalang ang pinakaayaw kong subject na Science, ang foundation ng mga nakakamanghang pangyayari dito sa Tantei High.

 

“Pwede po bang mag-mark ng marami?” tanong naman ni Reiji.

“Yes you can. Pero kapag hindi niyo sila masyadong ginagamit, the markings will fade. Kaya mas mabuti kung kaunti lang.”

 

Namili kami ng mga weapons na pwede naming magamit. Pagtingin ko kay Akane, yung mga pinili niya ay wooden sword, double-edged sword tsaka isang baril. Nagulat ako nung bigla niyang diniin yung daliri niya sa double-edged sword at nakita ko na lang na tumutulo na yung dugo sa daliri niya. Pinahid niya rin yung dugo doon sa dalawa pa. Napabuntung-hininga na lang ako. Okay fine. I need to do this. Ginamit ko yung kutsilyo sa harapan ko para sugatan yung thumb ko. Sobrang liit na hiwa lang nun pero feeling ko mamamatay na ako. Bago pa ako mawalan ng lakas ng loob, pinahid ko na yun sa isang staff since yun ang natutunan ko sa PE namin, tapos sa isang spear. Ayoko kasing humawak ng baril. Nakakatakot lang sa feeling.

 

Pagkatapos nun, akala ko ipapatry na sa aming ipa-teleport yung mga weapons na napili namin pero kailangan pa daw magstabilize nung marks kaya baka bukas pa.

 

“Naglagay rin kami sa mga weapons ng healing oils kaya kapag nasa inyo na yung weapons, yung sugat na ginawa niyo ay gagaling rin agad.” So that explains what happened a while ago. Kaya pala nawala yung part na dumudugo sa kamay ni sir Hiroshi kanina.

 

After that, pinaalis na kami doon sa Technology Department. Akala ko nga lalabas kami sa pinto pero sa tunnel pa rin kami lumabas. Pinapasok kami sa isang tunnel na katabi kung saan kami nahulog kanina. Sabi ni Reiji, anti-gravity at sobrang lakas raw ng pressure doon sa isang tunnel kaya bigla kaming napalabas at umikut-ikot na naman. Para kaming sinuot sa loob ng isang cannon at tinira palabas. Buti na lang buhay pa kami after nun.

 

Nung kinagabihan, nagluto ako para sa amin nina Akane at Riye. Maaga dapat kaming matutulog dahil maaga ang pasok bukas. Pero hindi ako masyadong makatulog dahil naalala ko na naman si Sarah Angeles. Sabi ni Ms. Reina, hintayin ko lang raw yung investigation at sasabihin niya sa akin. Pero iba pa rin talaga ang pakiramdam ko.

 

That Sarah Angeles…what does she want from me?