.

.

Chapter 25

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

"Hmm. You are improving. Pero parang may mali."

Napaupo na lang ako sa sobrang pagod. Tumatagaktak yung pawis ko dahil sa pakikipag-one-on-one sa akin ni Ms. Michiko sa dojo. Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin ako sa pagcontrol ng staff ko at kung kelan ko ito igagalaw. Pero sabi naman ni Ms. Michiko, nag-iimprove ako.

 

"Riye, itaas mo pa yung arms mo. More strength!" napatingin ako kay Riye habang nagpapractice siya ng archery. Maski ako nahihirapan sa kanya. Feeling ko kasi ang hirap hawakan nung bow niya.

 

Napatingin rin ako kina Akane, Ken, Reiji at Hiro. Si Akane, nakikipagduel kay Ken gamit ang isang uri ng sword na hindi ko alam kung ano. Nakakamangha nga dahil kaya niyang buhatin yun. And she's so agile and fast while handling it. Si Hiro at Reiji naman, nagtetrain ng judo at aikido. Ang galing na nila. I guess kami ni Riye ang nahuhulo dahil bago pa lang kami dito.

 

"Come here, Akemi and Riye." lumapit ako kay Ms. Michiko habang hawak-hawak ko pa yung staff ko at nakita ko rin namang lumapit si Riye from the other side.

"You girls are great. Actually, may progress naman. But I think your chosen PE is not suited for you. You should take into consideration your sixth sense. I guess mas magiging madali ang handling para sa inyo kung itatandem niyo yung martial arts na mapipili niyo sa sixth sense niyo. What do you think?"

Napaisip naman ako doon. Oo nga. Siguro mas magiging madali kung may kinalaman sa eyesight yung pinili ko. Napili ko lang naman yung dojo dahil wala akong maisip nung pinapili kami nung time na yun. And naisip ko rin si mama nung pinili ko yun. Hindi ko lang sure kung bakit.

"How about you exchange your weapons? Riye, gamitin mo yung staff and the bow and arrow goes to you, Akemi." biglang kinuha ni ma'am yung weapons namin ni Riye at pinagpalit niya ang mga ito. Pagkahawak ko sa bow, parang gumaan bigla yung pakiramdam ko.

"Pero po, hindi ko po alam kung paano 'to gamitin." narinig kong sabi ni Riye.

Then suddenly, bigla siyang sinugod ni Ms. Michiko. Nakita ko na lang na biglang nag-yellow yung mata ni Riye. Siguro sa sobrang gulat at defense mechanism ng katawan niya sa pagsugod sa kanya. Bigla niyang tinutok yung staff sa arms ni Ms. Michiko pero nakacreate pa rin ng opening si Ms. Michiko. She tried to kick Riye's leg pero hinarang ni Riye yung staff and she quickly thrust it to Ms. Michiko's tummy. The next thing I knew, nabitawan na ni Riye yung staff at nakatulala na lang siya kay Ms. Michiko. Pagtingin ko kina Akane, napatigil rin pala sila sa pagpapractice at nakatingin sila dito sa side namin. Shocked yung expression nila nung makita nila yung ginawa ni Riye.

"S-sorry ma'am!" sabay yuko ni Riye kay Ms. Michiko. Then napansin ko na nakahawak pala si Ms. Michiko sa tiyan niya.

"See? Dojo is more suitable for you. Haha but I underestimated you. You got my muscles, right?" nakayuko pa rin si Riye pero tumango siya at worried na worried yung expression ng mukha niya.

"The abdominal muscles and the muscles around the radius and ulna."

 

Pinilit kong alalahanin kung ano yung radius at ulna na sinasabi ni Riye pero wala akong maalala. Hindi talaga ako mahal ng science.

 

'Those are the bones in your arms. The muscles around these bones aid you in flexing.'

 

Bigla naman akong nahiya nung narinig ko na naman yung boses ni Hiro sa isip ko. Why can he read minds even if they are closed? Nakakahiya tuloy.

 

'T-thank you sa info.' pagkasabi ko nun, hindi ko na ulit narinig yung inner voice niya.

 

"I guess hindi ko muna magagalaw ang left arm ko. Ni hindi ko ma-flex yung elbow ko. Wow, Riye. You can really locate everything inside the body accurately. Dahil dyan, you should practice dojo from now on. Okay?"

"Y-yes po."

"And as for you, Akemi..."

"P-po?" nagpanic ako nung tumingin sa akin si Ms. Michiko. Buti pa si Riye, nahanap na niya yung right PE para sa kanya.

"You should try that thing." sabay tingin niya sa hawak kong bow and arrows.

"O-okay po."

 

Ramdam na ramdam kong nakatingin silang anim sa akin ngayon. Lalo tuloy akong kinabahan at mas naconcious pa ako. Tumayo ako kung saan tumatayo si Riye kapag nagpapractice siya ng archery. Halos nasa gitna na ako ng place. Since sobrang laki nitong PE area namin, medyo malayo rin yung target ko.

 

"Try aiming it at the center dot." rinig kong sabi ni Ms. Michiko sa gilid ko. Tinignan ko yung sinasabi niya at nakita kong sobrang liit pala ng center dot. Huminga muna ako ng malalim bago ko itaas yung bow ko. "Straighten your left arm. Itaas mo pa yung left arm mo." inadjust ko naman yung arms ko sa mga instructions ni Ms. Michiko. "Okay that posture is good. Maintain it."

 

Medyo nakakangawit yung position ng kamay at mga daliri ko pero pinilit kong huwag gumalaw. Then I tried to amplify my eyesight. I know na naging light brown na yung kulay ng mata ko since I mas lalong luminaw yung target ko. Nung naramdaman kong naka-lock na yung tingin ko at yung arrow ko sa target, nirelease ko yun at tinignan ko ng mabuti yung movement ng arrow.

 

"Whoa! Awesome, Akemi." parang nawalan ako ng oxygen sa katawan nung nakita kong nakatusok doon sa center dot yung arrow na pinakawalan ko. 

 

I... I did it.

 

"Your eyesight is improving. Ilang meters ang kaya mong makita in that eye state?" tanong ni Ms. Michiko sa akin.

"Uhm, 700 meters po."

"I see. Then try aiming at that thing." biglang tumuro si ma'am sa kaliwa ko kaya napatingin ako doon, pati na rin yung lima. Nanlaki naman yung mata ko sa nakita ko.

"You mean, yung clock po?"

"Yes." sabay ngiti pa sa akin ni ma'am na parang sobrang dali nun.

 

Tinuro niya yung malaking clock sa harapan ng Midori building na halos 600 meters away from here. Dahil ayoko namang magreklamo, tinaas ko ulit yung bow ko at kumuha ng isang arrow. Huminga muna ako ng malalim para kumalma yung loob ko. Kung nagawa ko kanina, siguro naman may small chance na magawa ko ulit ngayon. Sana swertehin ako.

I locked my eyes at my target-- the intersection of the hour and minute hands of the clock. Yun yung naging center dot ko. Inayos ko rin yung position ng arrow para sumakto doon. Nung naramdaman kong tama na ang lahat, I released the arrow.

Halos matanggal na yung puso ko sa sobrang kaba. Pinanood kong mabuti yung path na tinravel ng arrow ko hanggang sa makarating na iyon sa clock.

 

"Tumama ba?" nakita ko si Akane sa may gilid ko at tinatanaw yung clock mula dito. Nakita ko rin sa peripheral view ko na hinawakan ni Ms. Michiko yung pendant niya na parang hugis maliit na sword tapos kinagat niya yun. Tinaas niya yung right hand niya dahil yun lang yung kaya niyang itaas since paralyzed ata yung  left niya. Tapos ginamit niya yung pendant para sugatan yung right thumb niya. After that, bigla na lang may lumitaw na binoculars sa kamay niya.

 

Did she just summon the binoculars by teleportation?

 

"Yes. She hit the target." sabi ni ma'am habang nakatingin siya sa binoculars. Napatingin tuloy ulit ako doon sa target ko. Kitang-kita ko mula dito yung arrow na nakatusok doon sa gitna ng clock. At sigurado akong hindi gumalaw yung minute hand nung nag-one minute na kaming nakatingin doon. Shocks. Nasira ko pa ata yung giant clock sa Midori building. Lagot ako.

 

"See? Archery is the right choice for you." saka ngumiti sa akin si Ms. Michiko.

 

Pagkatapos ng scenario na yun, pinabalik sa amin ni Ms. Michiko yung mga ginamit namin sa storage room sa may tabi. Sinabi niya rin sa amin ni Riye na simula next meeting, ang papractice-in namin ay yung PE kung saan kami nag-eexcel. 

Pero sa totoo lang, hindi ko talaga naisip na kaya kong i-handle ang archery. But it turned out na dun ko pala magagamit ang sixth sense ko.

Pagkalabas namin sa PE area, humiwalay kaming mga girls sa boys para umuwi muna ng dorm dahil sobrang lagkit na namin. Balak naming magshower muna bago umattend ng Psychology class. Pero habang naglalakad kami pabalik sa dorm, napansin naming tumatakbo yung ilang estudyante at parang busyng-busy ang lahat.

 

"Anong meron?" tanong ni Akane pero hindi naman namin masagot ni Riye dahil hindi rin naman namin alam.

"Aya-san!" biglang sigaw ni Riye. Tumingin naman sa kanya yung isang babaeng nakalagpas na sa amin. "Ano pong nangyayari?" tanong ni Riye sa kanya.

"Robbery cases. Bigla na lang dumami ang nangyayaring robbery cases. That's why every Tantei family is busy." saka siya ulit tumakbo palayo.

"Robbery? Hindi ba common na kaso na yun?" this time, ako naman ang nagtanong kay Riye at Akane habang pabalik kami sa dorm.

"Yeah pero sa mga naririnig kong conversations ngayon habang naglalakad tayo, mukhang lalong lumala."

"What do you mean, nee-san?"

"The robbery cases are happening at different places simultaneously. This is not normal."

"May kinalaman kaya ang Shinigamis?" pagkasabi ko nun, nagkatinginan kaming tatlo.

"Posible. Pero anong motibo nila?" sabi naman ni Akane.

 

Hindi na namin nasagot yung tanong ni Akane pero kung anu-anong reasons ang tumatakbo sa utak ko. Nakabalik kami sa dorm at nagmadali kaming maligo. Ako muna yung unang naligo dahil mabagal ako kumilos. After nun, pumunta muna ako sa kusina para sana uminom ng tubig. Pero parang may nakita akong anino sa may likod ng bintana.

 

"S-sino yan?" walang sumagot pero pakiramdam ko talaga ay may tao.

"May problema ba nee-san?" napatingin naman ako kay Riye na nasa likuran ko.

"Hey what's happening there? I heard something." sigaw ni Akane mula sa banyo. 

"Wait lang ha? May ichecheck lang ako. I think I saw someone." sabi ko na lang.

"Sasama ako." sabi naman ni Riye. Nag-nod na lang ako. Tumakbo kami papunta sa may pintuan.

"Hey girls! Where are you going?! Hintayin niyo ako!" rinig namin kay Akane sa loob ng banyo. Mukhang nasa kalagitnaan siya ng paliligo.

"Sumunod ka na lang, Akane!"

 

Tumakbo kami ni Riye papunta doon sa labas ng dorm at umikot kami kung saan yung side ng bintana namin. Pagdating namin doon, walang tao. Pero nasagi ng paningin ko yung bandang gubat and I saw some movements.

 

"There!" sabay turo ko doon sa side ng gubat na yun. Tumakbo ako papunta doon at sumunod sa akin si Riye.

"Nee-san! Did you see that?"

"Yeah. Tama yung hinala ko kanina. May nakasilip mula sa bintana natin."

"S-sino yun?" nagkibit-balikat na lang ako.

 

Hindi ko alam kung sino yun pero mukhang hindi naman ito prank. At sino naman ang magtatangkang sumilip sa kwarto namin? Hinabol na lang namin yung aninong nakita ko at napansin kong palayo na kami sa dorm. Halos five minutes na rin kaming tumatakbo. Inenhance ko na rin yung sight ko dahil bumibilis sa pagtakbo yung aninong hinahabol namin.

 

"N-neesan, papunta na tayo sa pusod ng gubat. This is dangerous."

"This is a restricted area, right?" tapos nag-nod si Riye. Natatandaan ko pa yung sinabi ni Mrs. Seira sa History class namin. Sabi niya, matagal na raw ginawang restricted area yung bandang dulo ng gubat. Pero mukhang papunta na kami doon ni Riye dahil hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo yung anino.

"Nee-san, di kaya yung aninong hinahabol natin ay yung dati ring umatake sa atin?" napahinto ako bigla sa pagtakbo at napatingin kay Riye. Bigla kong naalala yung unang pagpunta ko dito sa gubat. May hinahabol rin kami ni Akane noon dahil nabaril niya si Riye.

 

Pero pareho kaming nanigas sa kinatatayuan namin nung bigla na lang sumulpot yung hinahabol namin sa harapan namin. And he really looks like a shadow. Naka-all black siya tapos kitang-kita yung yellow-green niyang mata. 

 

How in the world...

 

"No way." napaawang na lang yung bibig ko. Sa pagkakaalala ko, halos 200 meters ang pagitan namin sa kanya. And in two seconds, bigla na lang siyang sumulpot sa harapan namin. Bigla akong kinabahan sa kanya. This guy is not ordinary.

 

Mas lalo pa akong kinabahan nung bigla siyang naglabas ng baril, just like last time. Hinarang ko yung sarili ko kay Riye.

 

"A-anong k-kailangan mo?" halos nanginginig na yung buong katawan ko sa takot pero pinipilit kong magpakatatag.

"Her." tapos tinuro niya si Riye gamit yung baril niya. Naramdaman ko na biglang humigpit yung hawak ni Riye sa braso ko. Naramdaman ko rin na biglang nagbukas yung isip niya. Siguro dahil sa takot at hindi na niya yun macontain sa sarili niya. 

 

'Don't worry, I'll protect you.' nasabi ko na lang sa isip niya. Kahit na sa totoo lang ay takot na takot na rin ako.

 

Pero bago pa ako makapag-isip, nagulat na lang ako nung biglang napasigaw si Riye. The next thing I knew, wala na si Riye sa likuran ko at nakahandusay na siya sa lupa habang nagdudugo yung kanang braso niya. Nakatayo sa harapan niya yung lalaki habang nakatutok yung baril kay Riye. Lalo akong nawala sa sarili ko. Ang alam ko lang, ayokong makitang mamatay si Riye. I need to help her.

Saka ko naman narinig yung inner voice niya. I can hear her thoughts. I can hear her plan.

 

"You're dead." sabi nung lalaki sa kanya. And in that instant, hinawakan ni Riye yung dumudugo niyang braso. At the same time, pumulot ako ng matulis na bato sa lupa at saka ko sinugatan yung kamay ko.

 

I know hindi pa namin nasusubukan mag-summon ng weapons pero wala na kaming choice ni Riye. I picture the staff that I marked yesterday in my mind. Habang iniisip ko na magteleport yung staff sa mga kamay ko, parang kinukurot yung sugat ko sa kamay at yung utak ko. Pero naramdaman kong bumibigat yung atmosphere sa kamay ko. And then bigla na lang lumitaw yung staff sa kamay ko. The moment na nahawakan ko yun, biglang nawala yung sakit ng kamay at utak ko. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Tumakbo ako papalapit kina Riye at napatingin sa akin yung lalaki. Bigla niyang tinutok sa akin yung baril at nawala yung focus niya kay Riye. Ginamit ko ang sandaling yun para isagawa yung plano namin ni Riye.

 

"Nee-san!" saka hinagis sa akin ni Riye yung bow and arrows na sinummon niya at hinagis ko naman sa kanya yung staff ko. Pero bago ko pa masalo yung bow and arrows, tinadyakan ako nung lalaki at bigla na lang akong napahiga sa lupa.

"You are not fast enough to shoot your arrow." sabi sa akin nung lalaki tsaka niya itinutok sa akin yung baril na hawak niya.

"But I am." saka ginamit ni Riye yung staff para targetin yung lalaki mula sa likuran. Para matulungan ko si Riye, nilock ko yung paa niya gamit yung binti ko. Alam kong ginagawa ni Riye lahat para mapatumba ang isang 'to. She's targeting every bone and muscle pero hindi pa rin namin siya kaya. I managed to snatch the gun from him pero nagawa niya pa ring pabagsakin sa lupa si Riye.

 

"Riye! Akemi! Nasaan na ba kayo?" bigla kong narinig yung boses ni Akane. Napatigil kaming tatlo sa paggalaw. Oh no. Baka kung anong gawin niya kay Akane!

 

Hindi ko alam kung saang direksyon manggagaling si Akane dahil nakatingin lang ako sa lalaking 'to.Pero biglang tumakbo yung lalaki palayo sa amin. Dahil natakot akong baka bigla niyang atakihin si Akane, dinampot ko yung bow and arrows na hindi ko nasalo kanina. Hindi na ako nag-isip pa. Basta ang alam ko lang, kailangan ko siyang pigilan.

 

I shoot the arrow.

 

Pero bago pa tumama yung pana sa kanya, bigla na lang siyang nawala. Pati na rin yung arrow. 

 

"Oh my gosh! A-anong nangyari sa inyo?!" napatingin ako sa likuran namin at nakita kong nakatayo doon si Akane. Then that means... hindi niya balak sugurin si Akane. Ibig sabihin, tumatakas siya kanina?

 

But... how did he vanish?