.

.

Chapter 26

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

"Don't worry, kiddos. She's fine." narinig kong sabi ng doctor na kausap ni Akane. Nandito kami ngayon sa Medical Department.

 

After ng incident sa may gubat, nagtulungan kami ni Akane para mabuhat si Riye because she fainted. Hindi ko naman siya masisisi. She almost lost her life. Natrauma rin ako sa nangyari pero hindi ko muna yun inalala hangga't hindi namin nailalayo si Riye sa lugar na 'to.

 

'Guys! Help us! Si Riye!' napangiwi ako nung marinig ko yung sigaw ni Akane sa isip ko. Then I realized na ang tinatawag niya pala ay yung tatlo. Nagbago na rin ang kulay ng mga mata niya. Naging brownish-yellow na ang mga yun at alam kong nakaka-affect yun para maenhance yung distance ng sixth sense niya. So I guess it can also enhance the distance of our inner voices dahil sa ginagawa ni Akane ngayon.

We are still in the forest pero nakahinga na ako nang maluwag nung medyo malayu-layo na kami sa pusod ng gubat. Hawak-hawak ko rin yung staff ko at bow and arrows ni Riye dahil hindi ko naman alam kung paano iteteleport pabalik ang mga 'to. Ilang segundo lang ang nakakalipas, nakita ko na mula sa malayo yung tatlo habang patakbo sila papunta sa amin. Of course, Reiji was the first to arrive because of his sixth sense. He manipulated his muscles to attain an impossible speed.

 

"What happened?" tanong niya nung makita niya kaming buhat-buhat si Riye.

"May umatake sa amin." pagkasabi ko nun, nakarating na rin si Ken at si Hiro sa amin. Napatingin silang apat sa akin. I know they want to know what really happened. "Sasabihin ko mamaya kung anong nangyari pero bago yun, asikasuhin muna natin si Riye." saka ako ulit napatingin kay Riye. Her right arm and left leg are bleeding non-stop. Marami nang dugo ang nawala sa kanya. 

"Ako na ang bahala." sabi ni Reiji sa amin. Then kinuha niya si Riye mula sa amin ni Akane at siya ang nagbuhat sa kanya. Napatulala na lang ako nung bigla na lang silang nawala sa harapan namin. Whoa. He's really fast!

 

Sinundan namin si Reiji habang tumatakbo kami. Nung papalabas na kami sa gubat, saka ko lang narealize na hindi na kami naka-attend ng Criminology class namin. 

Tumakbo kami papunta sa Medical Department kung saan dinala ni Reiji si Riye. First time kong makakapasok sa building na ito dahil wala naman kaming klase dito. Pagkapasok namin, pumunta kami doon sa information desk. Hindi pa kami nakakalapit, nagsalita na agad yung babae doon.

 

"Room 236." sabi niya saka ngumiti sa amin.

"Thank you!" sabi naman ni Akane. 

 

Halos patakbo kaming pumunta doon sa room na sinabi ng babae. Umakyat kami para makapunta sa second floor. Nung nakita namin si Reiji sa tapat ng isang kwarto, dali-dali namin siyang nilapitan.

 

"How is she?" tanong ni Ken nung nakalapit na kami kay Reiji.

"Ginagamot pa." tsaka siya napaupo doon sa mga upuan sa tabi. Naupo rin kaming apat. Tsaka ko napansin na nakatingin na pala silang apat sa akin.

"Ano bang nangyari, Akemi?" this time, si Akane naman ang nagtanong. Bigla akong kinabahan. Alam kong ako ang may kasalanan ng lahat dahil tumakbo pa ako sa gubat kahit na alam kong restricted area yun. Hinabol ko pa yung lalaki kahit na alam kong may tendency na mapahamak kami,

Kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari mula nung nakita ko yung lalaki mula sa bintana ng dorm na nakasilip sa amin hanggang sa pagsugod niya sa amin ni Riye. Tsaka ko lang narealize na tumutulo na pala yung luha ko.

"I'm sorry. Kasalanan ko laha--"

"It's not your fault, okay? Kung wala ka doon, baka kung ano nang nangyari kay Riye. You did well." tapos niyakap ako ni Akane. Dahil doon, medyo gumaan yung pakiramdam ko. Akala ko kasi, sisisihin nila ako.

"What did the black guy say?" napatingin kaming lahat kay Hiro.

"Sabi niya, kailangan daw nila si Riye. Hindi ko rin alam kung bakit."

"Hindi kaya Shinigami yung umatake sa inyo?" tanong ni Ken sa akin.

"Hindi ko alam. Basta naka-black siya tapos may hawak siyang baril. Akala ko kung ano nang mangyayari sa amin pero bigla naming narinig yung boses ni Akane. Nagpanic ako that time kasi baka bigla niya ring atakihin si Akane pero tumakas siya. Nung ginamit ko yung pana sa kanya, bigla na lang siyang nawala." napahawak na lang ako sa braso ko. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako sa nangyari kanina. Muntik na kaming mamatay.

"Hah! Maybe he got scared of me!" sabay taas pa ni Akane sa sleeves ng damit niya na parang naghahamon ng away.

"Maybe he got scared of your face." sagot naman ni Ken kaya sinapak siya ni Akane sa braso niya. Kahit na hindi ito ang time para magjoke, napangiti na lang ako. At least napapagaan nila ang atmosphere.

 

Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ni Riye kaya napatigil kami sa pag-uusap at tumayo kaming lahat.

 

"Kamusta po si Riye?" ako agad ang nagtanong at sobrang kinakabahan ako sa isasagot ng doctora.

"Don't worry, kiddos. She's fine." saka siya ngumiti sa amin. Para akong nabunutan ng tinik nung narinig ko yun. "Physical injuries lang naman ang nakuha niya pero malalim. She still needs rest."

"Thank you po, Dr. Yuuki." sabi ni Reiji. After that, pinapasok niya kami sa kwarto ni Riye at nakita naming natutulog siya.

 

Napatingin ulit ako doon sa doktora. Siguro nasa early 40's na siya pero kitang-kita na maganda siya. Maiksi lang yung buhok niya at nakasuot siya ng white hospital gown. But what caught my attention are her calm green eyes. I'm sure she's great and strong. Sabi kasi nina Akane, ang green ayes daw ang last stage ng strength ng isang Senshin at ilan lang ang nakakaabot sa stage na yun.

 

"Pwede ko bang malaman kung anong nangyari dito?" napatingin kaming lahat nang biglang may nagsalita. Nakita namin sa pinto si Ms. Reina at kasama niya sina Sir Hayate at Sir Hiroshi.

 

Tumingin silang lahat sa akin kaya bumalik na naman yung kaba sa dibdib ko. At gaya ng ginawa ko kanina, kinuwento ko lahat ng nangyari.

 

"You mean the arrow also vanished?" lumapit sa akin si Sir Hiroshi pagkatapos kong magkwento.

"O-opo."

"Can you summon it back? We can discover something out of it."

"And if it did hit the guy, his blood would be on the arrow." dagdag ni Dra. Yuuki.

"Pero kay Riye po yung arrow. Nagswitch lang po kami ng weapons nung time na yun."

"I see." sabi ni Sir Hiroshi at biglang naging seryoso yung itsura niya. Lumapit siya kay Riye at nakatingin lang kami sa gagawin niya. Pumunta siya doon sa isang table kung nasaan yung mga ginamit ni Dra. Yuuki para gamutin si Riye. Ang sumunod ko na lang na nakita ay pinahid niya sa kamay niya yung mga bulak na puro dugo ni Riye. Then his eyes turned green. Napaatras ako dahil parang may malakas na force doon sa kamay ni sir Hiroshi. At lalo akong nagulat nung nasa kamay na niya yung arrow na ginamit ko doon sa lalaki sa gubat.

"You really are the grandson of Mr. Aiwa, the Legendary Mechanic, and the son of Mayu, the Genius Inventor." narinig naming sabi ni Dra. Yuuki at saka niya kinuha yung arrow mula kay sir Hiroshi. Nakita ko na may dugo nga sa tip ng arrow. Ibig sabihin, natamaan ko yung lalaki.

"You five should go to Ms. Hina. You ditched her class, right?" nahiya ako bigla nung sinabi yun ni Sir Hayate. Hindi na kami nakapasok sa Psychology class dahil sa nangyari. First time ko 'tong ginawa. Dati, hindi lang ako nakakapasok sa first class ko sa dati kong school dahil lagi akong late. Pero ngayon, mas pinili ko pang mag-cut ng class para lang habulin yung lalaking nakita kong nakasilip sa bintana namin.

Agad naman kaming lumabas doon sa room ni Riye at naiwan sa loob si Dra. Yuuki, Ms. Reina, Sir Hayate at Sir Hiroshi. Habang naglalakad kami, biglang pumadyak ng malakas si Akane.

 

"They are not saying anything."

"Of course. They are aware of your sixth sense and how you always stick your nose to one's business." sabi ni Hiro habang patuloy pa ring naglalakad.

"Tss. Gusto ko lang naman malaman yung pag-uusapan nila." saka ulit nagsimulang maglakad si Akane.

 

Narealize ko na ang pinag-uusapan nila ay yung apat na naiwan sa kwarto ni Riye. Mukhang pinalabas nila kami doon para may pag-usapang seryoso. For sure tungkol yun sa lalaking sumugod sa amin at kung tama ang hinala ko, tungkol rin sa mga Shinigami.

 

"Wala naman tayong magagawa. Kung seryosong kaso ang nangyari kanina, kikilos at kikilos ang mga teachers natin." dagdag ni Ken.

"Pero ang ipinagtataka ko, bakit nila kailangan si Riye? What do they want from her?" napaisip ulit ako sa tanong ni Reiji. Kanina ko pa tinatanong yun sa sarili ko. Ano nga bang kailangan nila kay Riye?

"Gusto ko ring malaman kung paano nawala bigla yung lalaki kasama nung arrow na ginamit ko sa kanya." this time ako naman ang nagsalita.

"Sa tingin niyo may kinalaman 'to sa mga robbery cases na nangyayari ngayon? Kung Shinigami yung lalaking yun, ibig sabihin, Shinigami rin ang may pakana ng roberry cases?" tanong ni Akane nung nakalabas na kami sa Medical Department.

 

Wala nang sumagot pa sa mga tanong naming dalawa ni Akane. I'm sure may kanya-kanya silang iniisip about sa binitawan naming mga tanong. Kung anu-ano na rin ang naiisip ko tungkol sa mga pangyayari.

Bago kami pumunta kay Ms. Hina, naisipan naming bumalik muna ng dorm para kunin yung mga gamit namin. Pagkapasok namin ni Akane, nagtanong agad ako sa kanya.

 

"Paano kaya nateleport ni Sir Hiroshi pabalik yung arrow na sinummon ni Riye? Posible pala yun?"

"Hindi ko rin alam. Pero di ba sabi ni Sir Hiroshi sa atin, kung sino lang ang nag-mark ng weapon, siya lang ang makakapag-summon nun? I guess he's powerful enough para ma-teleport pabalik yung arrow kahit hindi siya ang nagsummon. After all, he is the chairman of the Technology Department. At isa pa, apo siya ni Sir Aiwa. It's in their blood to be awesome." saka siya ngumiti sa akin.

"Eh sino yung Mayu na binanggit ni Dra. Yuuki?"

"You'll know her sa History class natin mamaya. Kaya tara na kay Ms. Hina para makapasok pa tayo sa History class ni Mrs. Seira!" tsaka niya ako hinatak palabas ng kwarto namin.

 

Pero nabobother pa rin ako sa name na Mayu. I think I've heard it before. Saan ko nga ba narinig yun?