.

.

Chapter 27

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Dahil sa hindi namin pagpasok sa class ni Ms. Hina, magkakaroon daw kami ng make-up class sa weekends. Buti na lang at naintindihan niya yung nangyari sa amin kaya pinagsabihan niya lang kami. Pagkatapos nun, pumunta na kami kay Mrs. Seira para sa History class.

 

Pagkapasok namin sa room, umupo agad kami ni Akane dahil nandoon na si Mrs. Seira.

 

“Narinig ko ang nangyari kay Ms. Riye. I hope she is fine.” sabi ni Mrs. Seira kaya naalala ko na naman yung kalagayan ni Riye. “For now, let us discuss the big names in the history of Tantei High.”

 

Pagkasabi nun ni Mrs. Seira, napatingin ako kay Akane. Ito pala yung sinasabi niya kanina. Ibig sabihin, isa sa mga malalaking pangalan yung Mayu

 na nabanggit ni Dra. Yuuki kanina. Siguro ilang beses nang napakinggan nina Akane ‘to kaya alam na alam na nila. Mula ba naman five years old sila ay nandito na sila, imposibleng hindi pa nila kabisado ang history ng Tantei High.

 

Sa simula ng lecture ni Mrs. Seira, nabanggit niya ulit sina Shou at Natsue na founders ng Tantei High. Nagbanggit rin siya ng mga pangalan na kasabayan raw nila Shou at Natsue sa pagtatatag ng Tantei High. Sila yung mga first generation Senshins. Hindi ko na natandaan yung iba pang nabanggit pero alam ko naman kung ano yung mga nacontribute nila dahil sa bawat pagsasalita ni Mrs. Seira ay nagpoproject yung mga nangyayari. Hanggang sa dumating sa point na sinabi niya yung pangalang Hideo. Pagkasabi nun ni Mrs. Seira, nagproject yung itsura ng Hideo na tinutukoy niya at nagulat ako nung nakita ko si Mr. President na nakausap ko sa library. Pero sa projection, mas bata pa yung itsura niya. Siguro nasa mid-20’s pa lang siya doon.

 

“Hideo, the current President of Tantei High, became well-known because he won over thousands of Shinigamis and imprisoned them.” Halos knilabutan naman ako sa narinig ko. Thousands? Sa isang Shinigami nga, halos mamatay na ako sa sobrang kaba, tapos siya, nakaya niyang talunin ang thousand Shinigamis? Is he a human? Err. Oo nga pala, hindi kami considered as normal human being.

 

“But of couse, with the help of six more people. They are the strongest Senshins of their generation and they all belong to the Atama family. And one of them is Mayu.” Nung nabanggit yung name na Mayu, mas lalo akong naging alerto. Nagproject yung itsura ni Mayu at parang sumakit yung ulo ko sa nakita ko. “Mayu is also known as the Genius Inventor. She is a woman with great talents and skills when it comes to Technology. She helped Hideo in defeating the Shinigami attack, 15 years ago.” Natulala ako sa nakita ko. Sabi ko na nga ba. Sabi ko na nga ba narinig ko na yung pangalan niya dati. And I’ve seen her before.

 

Nung bata pa ako, siguro grade 1 or grade 2 ata ako noon, may babaeng pumunta sa bahay namin. Sabi ni Mama, kaibigan raw niya yun. Ang natatandaan ko lang, siya yung nagpapalit ng contact lenses ni Mama. Lagi niya ring tinitignan yung paboritong pamaypay ni Mama at nilalaro niya rin ako kapag nasa bahay siya. Dahil bata pa ako nun at mga tatlong beses lang ata siyang nagpunta sa bahay, hindi ko na natandaan yung pangalan niya. Pero natatandaan ko pa rin yung mukha niya. Maiksi lang ang buhok niya at nakasuot siya ng eyeglasses. Lagi siyang nakangiti noon kapag tinatawag niya ang pangalan ko.

 

“Sadly, she’s already dead. Nauna pa siyang mamatay kaysa sa tatay niyang si Mr. Aiwa. Kaya sa last invention ni Mr. Aiwa, pinangalan niya ito sa anak niya. Hence, Miyu’s name.” Pagkarinig ko nun, biglang bumigat yung pakiramdam ko. Ms. Mayu is already dead? No way. At sa kanya pala ipinangalan si Miyu. I know Miyu is great pero nakakalungkot lang yung nangyari bago siya nagawa. “Sa kanilang pito, si Hideo at Michiko na lang ang nabubuhay. But the remaining five are considered as heroes of this school. They have contributed alot in every fields.”

 

Hindi naman ako makapaniwala sa naririnig ko. Dalawa na lang sa pito ang buhay? At pakiramdam ko, yung Michiko na binaggit ni Mrs. Seira ay si Ms. Michiko na teacher namin sa PE. Naalala ko kasi na nabanggit niya yung tungkol sa kaibigan niya nung pinili ko yung dojo. After that, naging malungkot yung expression niya. Kung tama ang hinala ko, yung tinutukoy niyang kaibigan ay isa sa limang namatay.

 

Bigla naman akong may narealize. Kung kaibigan ni Mama si Ms. Mayu, ibig sabihin ba nun...

 

“Mrs. Seira, may kilala po ba kayong Rina Lazaro?” hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero baka kasi kilala niya si Mama. In the first place, Senshin rin si Mama dahil pure blood raw lahat ng Senshins. Ibig sabihin, both parents ko ay Senshins.

 

“Hmm? Wala akong natatandaang ganyang pangalan. Bakit mo naitanong, Ms. Akemi?”

 

“Ahh. Wala lang po. Sorry po.”

 

Napatingin silang lahat sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil bigla na lang akong nagtanong ng kung ano. Akala ko pa naman, kilala nila sa Mama. Kaso hindi ko naman alam ang alternative name na ginamit ni Mama nung nag-aaral pa siya dito kaya yung real name niya ang tinanong ko. Hindi naman pwedeng Akemi dahil patay na raw yung huling gumamit ng pangalan na yun.

 

“Okay, let us proceed. Isa rin sa pitong tao na nabanggit ko kanina ay si Akira.” Napansin ko namang napatingin si Mrs. Seira kay Akane kaya sinundan ko siya ng tingin. Pagtingin ko kay Akane, halos mamutla siya nung narinig niya yung pangalan na yun. “Akira was the strategist of their team. She was also one of the fighters and she gave support to Hideo. Pero katulad ni Mayu, isa rin siya sa mga namatay sa kanilang pito.” Lalo namang naging pale yung kulay ni Akane. Pero napansin ko ring naging malungkot yung expression niya. “She was a great detective and warrior. You must be proud of her, Akane.” Nagulat ako nung biglang binaggit ni Mrs. Seira yung pangalan ni Akane. Doon ako nagkaroon ng hint sa kung sino si Akira.

 

“Yes, ma’am. I am proud of my mother.” Saka ko nakitang ngumiti si Akane pero halatang malungkot siya. Sabi na nga ba. Akira was Akane’s mother. Naalala ko tuloy yung time na nadiscover namin yung bangkay ni Ms. Reynalyn sa condo unit niya. Bigla na lang nawala sa sarili si Akane at ang sabi ni Ken, dahil daw yun sa nanay niya. Sa pagkakatanda ko, ganun rin ang pagkamatay ng mother niya. According to Ken, she was hanged on the ceiling at yun ang nag-cause ng trauma kay Akane.

 

Doon naman natapos yung lecture ni Mrs. Seira. Hindi namin namalayan na tapos na pala yung time. Parang ang kaunti pa lang ng nadidiscuss namin pero 1 ½ hours na pala ang nakalipas. Unlike sa History class ko noong di ko pa alam ang existence ng Tantei High, simula pa lang ng klase namin ay inaantok na ako. Dito lang ata ako nagkainteres sa mga tao sa nakaraan. Paulit-ulit ko na kasing naririnig sina Magellan, Lapu-Lapu, Karl Marx, Napoleon Bonaparte at Alexander the Great kaya siguro nabobore ako sa History class dati. Pero ngayon, bagong mga pangalan ang naririnig ko.

 

Lumabas kami sa room at sasabayan ko na sana si Akane pero bigla akong hinatak ni Ken. Pagtingin ko, nakatingin lang sa akin si Ken, Hiro at Reiji.

 

“B-bakit?” seryoso kasi yung mga itsura nila.

 

‘Open your mind.’ Narinig ko naman yung boses ni Hiro at para siyang nag-uutos kaya sinunod ko na lang yung sinabi niya. I opened my mind.

 

‘Wag mo munang kakausapin si Akane tungkol sa Mama niya.’ Sabi ni Ken sa isip ko. Itatanong ko sana kung bakit ganito kami mag-usap pero narealize ko na dahil baka marinig kami ni Akane pag normal conversation ang ginawa namin.

 

‘She tends to get emotional when the subject is her Mom.’ Dagdag naman ni Reiji.

 

‘Bantayan mo siya. Baka pumunta siya sa gubat. Doon namatay ang mama niya.’ Sabi naman ni Hiro. After nilang sabihin yun, humiwalay na sila sa akin at babalik na raw sila sa dorm nila.

 

Hinabol ko naman si Akane at ginawa ko yung mga sinabi nila. Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa dorm namin. Nagulat ako nung bigla siyang nagbuntung-hininga.

 

“Binilin nila ako sa’yo, no?” saka siya tumingin sa akin. Hindi na ako nakapagsalita dahil totoo naman yung sinabi niya. “Those three. They still treat me as a kid. Hindi naman na ako tulad ng dati na halos araw-araw pumupunta sa gubat.”

 

“Nag-aalala lang sila sa’yo.” Yun na lang ang nasabi ko kay Akane.

 

“I know and I’m really thankful for that. Siguro dahil na rin sa inasal ko nung nakita natin si Ms. Reynalyn.”

 

“Ang cute lang nilang mag-worry.” Tsaka ako natawa sa sinabi ko. Para kasi silang mga tatay kanina ni Akane kung magbilin sa akin. Nakita ko namang natawa rin si Akane kaya gumaan yung pakiramdam ko.

 

“Oo daig pa nila si Daddy. ”

 

Nung nasa dorm na kami, nagpalit agad kami ng damit. Balak kasi naming dalawin si Riye sa Medical Department at doon na lang magpalipas ng gabi. Nahiga muna ako sa kama namin. Habang hinihintay ko si Akane na magpalit, may gumulo namang tanong sa isip ko.

 

“Akane, sinu-sino pa yung mga hindi nabanggit kanina ni Mrs. Seira sa pito?” napatingin sa akin si Akane habang nagsusuot siya ng shorts.

 

“Hmm... sa pagkakatanda ko, yung pitong yun ay sina Hideo, Michiko, Mayu, Akira, which is my mom, Naomi, Mitsuo and Akemi.” Bigla akong napabangon nung marinig ko yung name na Akemi.

 

“A-akemi? You mean... yung may cursed name?” tumango si Akane at saka lumapit sa akin.

 

“Yes. She was one of them.”